kabanata 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

2024 Version.

Chasing The Moon

Iritang pinasada ko ang kamay sa 'king buhok. The night is quiet, the moon is shining brightly above while I'm here, in misery. Ang tagal ng grab ko! Hirap na nga akong makatakas kanina, hirap din sumakay ngayon! I can't bring the car since masiyadong agaw sa atensyon, mahuhuli ako.

What a life, ugh.

Wala din dumadaang sasakyan dahil alas dyes na ng gabi. Ang tanging ilaw lamang ang ang mga streetlight at ang tanging gumagawa ng ingay ay ang hampas ng mga puno't munting huni ng mga ibon. I waited for another minutes. Sabog na ang notification ko dahil sa text nila Lui, tinatanong kung saan ako, dahil nga late na 'ko.

Nang makita ang kislap ng ilaw ng isang itim na kotse sa 'di kalayuan ay nabuhayan ako ng pag-asa. Patungo ito sa 'king direksyon at sa harap ko pa mismo tumigil. Grabeng grab na 'to, halos dalawang oras ako pinaghintay!

"Sa Sweet And Dips po, Manong," may guhit ng iritasyon ang aking boses nang makapasok. Inilagay ko sa ibabaw ng aking hita ang dalawang shoulder bag at nag-type sa 'king cellphone. I didn't bother looking at the driver, it's the least of my concern right now.

"Sweet and Dips po." Nangunot ang aking nuo habang binibigkas ang pangalan ng bar dahil hindi pa rin umuusad ang kotse. My eyes are glue to my phone dahil puro text at missed calls na ang mga kaibigan. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pag-andar ng makina.

I sighed deeply when I answered Lui's call.

"Bruha ka, asan ka na?! It's almost eleven, nine ang call time natin!" Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga. Napangiwi pa dahil sa tinis ng boses niya na humahalo sa maingay na hiyawan at sigawan sa bar. "Hinihintay ka ng mga lalaki mo dito!" At narinig ko ang halakhak niya.

Umirap ako kahit 'di niya naman nakikita. "I'm on my way. Mag-enjoy ka na lang diyan dahil malapit naman na 'ko," huling kong sabi bago patayin ang tawag.

I put my phone inside my purse. Pinahid ko ang mga tumatakas na buhok sa likod ng aking tenga. I'm only wearing a black spaghetti strap dress that hug my body perfectly, it has a small slit on each side that exposed my legs. Hinubad ko ang blazer na suot at ipinatong ito sa hita ko.

Inilipat ko ang tingin sa labas ng bintana. I watched as we passed by the buildings hanggang makarating kami sa bukana ng Bar. Kumuha ako ng isang libo sa bag at iniabot 'yon sa driver.

"Bayad po." My brows knitted when he didn't take it. Nanatiling nakalutang sa ere ang braso kong may hawak ng pera. I caught his eyes on the rear mirror, staring at me directly. Ilang segundo pa kaming nagtinginan hanggang ako mismo ang nagputol dahil sa pag-vibrate ng aking cellphone. Nakita ko ang pag-sulpot ng notification ng messages sa itaas.

Grab driver:

Ma'am, pasensya na po. Nasiraan po kasi ako sa gitna ng daan kaya hindi ko na po kayo mahahatid, Ma'am. Sorry po talaga.

What the...

Nanlalaki ang mata kong binalik ang paningin sa rear mirror. Nagkasalubong ang aming titig. His eyes is staring at me through the mirror with a hint of seriousness and curiousness while my eyes is widen from shock. Halos malaglag din ang panga ko habang prinoproseso ang kahihiyang ginawa.

Tangina, edi sino 'to?!

"Can you get off now?" Ang baritonong boses niya habang nakatingin ng mapanghusga sa 'kin. I'm still in amidst of shock lalo na nang bumaling siya sa 'kin, tuluyang nalaglag ang aking panga. His perfectly graven brows are knitted, malalim ang titig.

Napakurap-kurap ako nang makabalik sa reyalidad. I immediately tightened my grip on my purse at nahihiyang isinilid ang tumatakas na buhok sa likod ng aking tenga. My heart is pounding loudly due to the embarrassment.

Tumikhim ako, pilit naghahanap ng salita upang pagtakpan ang kahihiyan. "Uh..." Umangat ang isa niyang kilay nang marinig ang tinig ko.

"Miss?" Tawag niya, kalmado ang tinig ngunit mababahiran na ng kaunting iritasyon. Nagmamadali kong inakap ang blazer sa 'king kamay at mahigpit na hinawakan ang purse. Umukit ang isang ngiwi sa labi ko.

"Uh, ano...sorry, akala ko kasi ikaw yung..." Nakagat ko ang labi sa naninimbang niyang titig. "Pasensya na!" I immediately open the door and run. Takip takip ko pa ang mukha gamit ang dalawang palad na may hawak ng small bag ko.

Ngayon na nga lang gumala, kahihiyan pa ang nakuha!

"Shit!" Pagkabalikwas ng bangon, ulo agad ang aking hawak dahil sa naramdaman kong kirot. "Di na 'ko iinom, last na 'to!" Puno ng reklamo ang umaga ko dahil sa sakit ng ulo. Hangover is gonna be my always fucking enemy.

My notifications is flooding with messages. Halos alas dose na, alas dyes kasi ako nagising. Maingat ang pag pasada ko ng suklay sa 'king basang buhok habang ang isang kamay ay gamit sa pag manipula ng cellphone. I clicked a group chat named 'quadro de marias' first.

Lui:

Tangina mo, Chie! F.O tayo, 'di mo 'ko ina-update sa love life mo! Ba't may payakap?! Kakakilala mo lang doon noong nakaraan ah!

Mitch:

F.O talaga, Chie. Naglilihim ka sa 'min. 'Di ka pinalaking ganiyan ni Mama Chloe.

Chloe:

Shut up.

Nangunot ang nuo ko. Niyakap?! Shit. Wala naman akong masiyadong matandaan kagabi. Basta sa sobrang kahihiyan ko ay lagok lang ako nang lagok ng alak. I flirt, I dance, I drink. I'm drunk all night.

Hindi naman mababa ang alcohol tolerance ko, siguro ay napadami lang talaga ako ng inom kagabi. I put the hair comb in the drawer just beside my table. Umayos ako ng pwesto at sinandal ang likod sa headboard ng kama bago pindutin ang video call.

Ilang segundo lamang nag-ring 'yon dahil agad bumungad ang mukha ni Lui na nasundan ni Mitch at Chloe. Sa aming apat, si Lui lang ang mukhang hindi pa naliligo dahil magulo pa ang buhok at may panis na laway.

"Gaga ka, Chie! F.O! Wala akong nililihim sa 'yo, pati kulay ng panties ko alam mo na, tapos ikaw wala man lang chinismis sa 'kin?! Ano, naisuko na ba ang kabataan?!" Ang tinis na boses ni Lui ang nanguna, nakadapa siya sa kaniyang higaan.

Nangunot ang nuo ko at dinilaan ang pang-ibabang labi. "Sinasabi niyo? Wala akong maalala." Si Mitch na nagma-make up at si Chloe na nagbabasa ay napatingin sa 'kin. Chloe fixed her glasses while she's raising her one brow at me, almost like judging me.

"Girl, inatake mo yung Sallista! Sa sobrang kakapalan ng mukha mo, nagpahatid ka pa talaga! Kung ano ano pa sinasabi mo, ate ko!" Mitch giddily said while putting some eyeshadows. Naghalo ang halakhak nila ni Lui habang ngumisi lang si Chloe na binalik ang tingin sa binabasa.

My mouth formed an 'o'. A sudden flash of his face instantly played on my mind. The lights are dim, the crowd is loud and energetic, the mixture of the noisy club and the music the DJ is playing is defeaning, almost making my vision dizzy and my stomach churning. Para akong mapipirat sa dami ng tao sa dance floor kaya pina-alon ko ang sarili hanggang sa makalabas ako sa dagat ng tao.

Natatawa at naiiling akong umupo sa counter, I ordered a drink and the bystander immediately hand me one. Dazed and perplexed because I feel like the world is spinning faster than normal. Uminom siguro ng energizer ang earth kaya ang sipag umikot. Napahagikgik ako sa naisip.

I'm sipping quietly on my drink while a smirk is etched on my lips. Nililibot ang mata hanggang sa mapako 'yon sa isang table. There I saw him! That shooter boy na ginawa kong driver! I licked my lips. Akala ko no'ng bumaba ako umalis na siya, baka naisipan niyang mag-stay para sa 'kin? Para bantayan ako? I chuckled at my thoughts.

Oh, c'mon! He doesn't even know I'm breathing until earlier! Pero baka naman...ako talaga ang sadya niya? My mind was floating by my thoughts that I didn't even realized that I'm slowly approaching him, the two button of his white dress shirt is left unbuttoned, paired with a blank pants. His damp hair is combed backward, but some strands fell to his forehead. Pinapaikot ikot niya ang basong hawak, naka-akbay ang isang braso sa sofa habang naka-pang lalaking cross legs.

Damn hot.

"Chie, bruha ka! Nawala ka na naman!" I heard my friends calling me but it seems like he was the only one that I can see, like a blinding light amidst of the dark. Hindi ko na nasundan pa ang mga pangyayari dahil sa sobrang hilo. I just knew I run to him and shamelessly embraced him when he stands up. I can feel his surprised when he stilled.

The next thing I know I already slipped into his car, whining and asking why he's not kissing me until we arrived at my house. Tanda ko pa na binuhat niya 'kong parang sako hanggang sa may kumuhang guard namin sa 'kin at dinala ako sa kwarto.

Fuck! I did all of that? Alam kong malandi ako, but not to the point that I will shamelessly throw my self at someone! Bago pa man magsalita muli sila Lui na may   
mapang-asar na ngisi sa labi ay mabilis ko nang pinatay ang tawag at hinagis sa kama ang phone.

Ginulo ko ang buhok at kumuha ng isang unan para doon sumigaw. Fuck, hinding hindi na 'ko iinom! I won't get drunk ever again! That shit make me do things, seriously, kasalanan talaga 'to ng alak! Kung alam ko lang na mag-uuwi ako ng kahihiyan, edi sana 'di na 'ko nag-yayang mag-bar.

But the thing that confuses me is...why did he hugged me back?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro