kabanata 20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Una na ako, Chie." Paalam ni shane matapos naming mag kwentuhan onti. "Verryl behave ka lang, ah?" Baling niya kay verryl na siyang namumula ngayon.

"Shane naman, eh!" Tumawa si shane sa parang bata nitong asal habang kahit ako ay di mapigilan mapangiti. Cute nila tignan, parang mag kapatid eh!

"Una na ako, ah!" Natatawang ani shane habang dahan dahang nag lakad palayo habang kumakaway sa'min. Kami naman ay nag simula nang tahakin ang event room ng hotel.

Doon din kasi gaganapin ang art contest. Hindi ko tuloy mapigilang mapalunok nang tila may bumara sa aking lalamunan nang maalala ang tagpo namin ni mama sa banyo doon.

"Okay ka lang?" Tanong ni Verryl nang mapansin ang pag hinto ko sa saglit sa lakas namin papunta sa event room. Tango at tanging ngiti lang ang naging sagot ko dito bago kami nag patuloy sa pag lakad.

"Goodluck, Chie...do your best." Hindi ko na magawang tugunan ang sinabi ni Verryl. Tumayo agad ako nang tawagin ang pangalan ko mula sa stage. I can see some people clapping and some are eyeing me suspiciously.

I will paint again. My heart beats rapidly. The thought of painting again makes me feel something I can't explain.

Excitement? Fear? Or happiness?

I don't know. All that matter right now is I have the chance to paint again. I need to win. I must.

As I step on the stage another name was called. Tumayo ako sa tabi ng kapwa ko kalahok. Wala akong ibang maisip kun'di ang pagkakataon kong makapag pinta muli.

Magawa muli ang pangarap na tinalikuran para makamit ang pangarap sa 'kin ni papa.

My hand is shaking as I touch the brush. The longing for expressing my feelings through my arts is just too much. I'm overreacting, I know.

But it reminisces the past of our happy complete family before...before everything go wrong. Painting. It was one of the things that my mom taught me. She said it's one of the best thing to do to express your emotions.

Napapikit ako nang mariin. Pokus, Chie, pokus. Wala tayong oras para sa drama. Humigpit ang kapit ko sa painting brush. Huminga ako nang malalim at muling pumikit.

Ewan, imahe ni Brie na nakangiti agad ang pumasok sa 'king isipan hanggang sa imulat ko ang aking mata ay di na mawala wala sa isip ko ang ngiting naka guhit sa kaniyang labi, ang mata niyang kasing liwanag ng buwan sa gabi, ang tangos ng kaniyang ilong at ang itim niyang buhok na ngayo'y unti unting kumukulot.

Kusang gumalaw ang aking mga kamay na parang may sarili silang buhay habang ang utak ko ay nalulunod pa rin sa kakaisip sa mukha ni Brie.

"Times up!" The deafening buzzer wakes me up to reality. Ngayon ko lang napansin ang mukha ni Brie...?

Napatingin ako sa paint brush na hawak ko pabalik sa naka pintang mukha ni Brie. Nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawang hanggang sa napasinghap na lang ako nang mapagtantong si Brie ang naipinta ko.

Ang weird, ha! Ni hindi ko alam kung paano ko siya naipinta! Ganoon na ba ako kabaliw sa kaniya para ipinta Siya ng wala sa sarili? Na siya lang ang laman ng isip? Shet, delikado na ba ako?

Hinawakan ko nang mahigpit ang can drink na binigay sa'kin ni Verryl kanina matapos kami bigyan ng 30 minutes break. Wala pang resulta kung sino man ang panalo pero kahit sana 2nd place lang, makuha ko.

May maipakita manlang ako kay Papa. Maipaglaban ko manlang yung pangarap ko. Napakamot ako sa ulo. Kanina pa ako drama nang drama dito ah!

"Chie!" Naudlot ang pag tangka kong pagsipsip sa  can drink nang marinig ang pangalan ko. Dumako ang tingin ko sa taong naghahabol na ng kaniyang hininga sa harap ko habang nakahawak sa magkabila niyang tuhod. Nakayuko siya sa'kin at magulo ang kaniyang buhok ngunit nakilala ko agad siya.

"Brion?" Pag tawag ko sa pangalan niya. "Ginagawa mo?" Tanong ko dito at tinuloy ang pag inom na siyang na udlot kanina. Tiningala niya ako, nakahawak pa rin ang magkabilang kamay sa tuhod. Parang nanuyot tuloy muli ang lalamunan ko kahit kakainom ko pa lang.

Sweats dripping from her forehead to his jaw down to his neck. That moon eyes staring at me like I'm the most brightest star. Shet, kilig! Pero seryoso, kung si Brion ang una kong nakilala sa kaniya siguro ako nababaliw ngayon.

"Hinahanap ka." He stared straight into my eyes. The way he said those words were so gentle that it's almost like a whisper of a gentle wind.

"Hinahanap ako? Bakit, miss mo ko?" Tinataas ko ang kilay habang mapang asar na ngumiti. Tumayo ito ng tuwid kaya ako naman ang tumingala ngayon dahil sa tangkad niya. Mas matangkad pa nga siguro siya kay brie.

Nginisian niya ako bago inagaw sa 'kin ang can drink. He immediately drank it before I can even react. Napaawang ang bibig ko. I look at him with disgust.

"Kadiri ka! May laway ko na yan, uy!"  Now it's my turn to smirk pero agad na napawi yon nang iangat niya ang latang wala nang laman at dinilaan ang pang ibabang labi kung saan may bahid ng juice.

The one side of his lip moves up. "Kaya pala medyo amoy...kanal." I gasped, di mapigilang hindi maasar sa kaniyang tinuran. Napatawa naman siya sa reaksyon ko kaya agad kong inabot ang buhok niya pero kahit tumingkayad pa ako ay ni isang hibla ay di ko mahawakan.

Hindi ako pandak ha, matangkad lang siya!

Mas lalo namang lumakas ang halakhak niya. Inasar pa ako lalo! Dahil hindi ko maabot ang buhok niya ay ang leeg niya na lang ang pinuntirya ko.

I wrap my arms around his neck that make him bend a little pero wrong move ata dahil kumonti ang distansya sa pagitan naming dalawa. Halos maduling ako sa lapit ng mukha niya.

Katulad ko ay nanlaki din ang mata niya. Our eyes is locked with each other for minutes. Ang awkward kasi kung titignan ay para kaming mag jowang magki-kiss.

Napansin ko na din ang pag pula ng mukha niya kaya I immediately pulled his hair na siya namang intensyon ko and also to lessen the awkwardness.

Naka recover naman siya agad kaya bigla na Lang niya akong hinila sa bewang gamit ang isang kamay at kiniliti ako doon. Bumaba ang kamay ko sa shoulder niya at pilit siyang tinutululak habang tumatawa.

"Ano ba–"

"Ehem." Pareho kaming napatigil at sabay napalingon sa pekeng umubo. Bumilog ang mata ko nang makita si Brie na naka simangot habang nakatingin sa 'min.

His silver eyes are sharply looking at us at katulad ni Brion, pawisan din siya at naka suot pa ng jersey nila. Halatang kagagaling lang sa laro.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro