kabanata 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Brie took a glance at me thru the rear mirror but I just rolled my eyes at him, kumonot ang noo nya. Confused on my action. Ngunit Hindi Sya nagsalita at itinuon ang atensyon sa katabing si aira.


Nasa backseat ako, si brie ang nagdra-drive, si aira ang nasa passenger seat. Kung alam ko lang Sana na kasama ang bruhang to edi sana tumanggi ako. Why didn't I even think about it? Nakikita ko laging hatid sundo ni brie si aira kaya dapat tumanggi na ko.

I should have said no. Hindi dapat ako naging marupok ngayon tuloy nakita ko pa si aira! Argh, inis.

Inabala ko nalang ang sarili sa cellphone at hindi pinansin ang dalawang tao na nag-uusap sa harap ko. Bad mood ako ngayon!

Itu-turn off ko na Sana ang cellphone ko pero may nag-pop up na notifications.

Tiktok
Brionthepogi started following you

TikTok
Brionthepogi commented on your video: Ang Ganda naman 😘

Instagram
Brionthegwapings started following you

Twitter
Briontheonlygwapolivinginearth started following you

Facebook
Brion Austin sallista sent you a friend request

Nalaglag ang panga ko. What the....anong kalokohan 'to Brion? Lahat ng notification ay binuksan ko at halos mag lag ang phone ko sa sunod sunod na paglike ni Brion sa mga photos ko sa Instagram, Twitter, Facebook at sa mga videos ko sa TikTok. Nag-comment pa Sya sa ilang post ko!

And that! Ang daming nag-react sa ginawa nya. Ang daming babaeng nagko-comment na inagaw ko daw sakanila si brion. Mga bruha! They are making it a big deal, well, Brion is a big deal!

I didn't notice na Wala na si aira. I was too shock of the sudden fame and it was increasing! I mean, I'm already famous pero iba ngayon! Nadagdagan. Dati one thousands lang ang reacts sa post ko ngayon naging triple triple na. At dahil yon Kay Brion!

"Chie? We're here." Brie softly said. Nahimasmasan naman ako doon. Itinago ko ang cellphone sa bag. I can feel something on my stomach when he called me by my nickname but I shrugged it off.

"Thanks sa paghatid brie." I softly said and smiled. Lumabas Sya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Lumabas ako. Nginitian ko Syang muli bago ako humakbang papunta sa gate ng bahay namin.

Bago pa man ako makapasok ay sinulyapan ko muna sya. Nasa kotse na Sya pero nakababa ang bintana at nakatingin sa'kin. He wave and I do the same.

"Bakit Hindi ka umuwi kagabi?" Salubong na tanong sa'kin ni papa pagkapasok ko palang. Nakakunot ang kanyang nuo at parang galit na galit.  I bit my lower lip and tried to find a reason.

Pwede ko namang sabihin sakanya na nakitulog ako sa condo ni brion but that will make thing worst. Mas lalo Syang magagalit pag nalaman nyang natulog ako sa condo ng isang lalaki. Sasabihin nya na naman na masisira ang reputasyon nya dahil sa'kin, dahil nakitulog ako sa condo ng lalaki.

"Naki-pag-sleep over lang kanila Lui, pa." I reasoned out pero mukhang Hindi Sya maniniwala.

"Galing ako sakanila kagabi, Wala ka don." Gulat man ay Hindi ko yon pinahalata. Bakit nanggaling Sya don? Perhaps For some business?

"Lumalandi ka ba? Manang mana ka talaga sa nanay mo." He look disgusted. Natahimik ako. how.....how could he say that? To his own daughter? Wow, just wow.

"Pa–" he cut me off.

"Don't call me papa! Wala akong malanding anak!" His voice thundered in the whole living room. Napapikit ako ng mariin. Pinipigilan ang nag-babadyang luha na tumulo.

"Hindi ako malandi!" Sigaw ko pabalik ng Hindi sinasadya. Huli na para bawiin pa yon. I don't regretted it. Sa tanang buhay ko, ngayon lang. Ngayon ko lang makalabas Yung galit at hinanakit ko.

"Wala ka na ngang kwenta, lumalandi ka pa! At ngayon sumasagot sagot kana sa'kin, yan ba ang natutunan mo sa mga barkada mo?!" Napapikit ako ng mariin. Ayan na naman, mandadamay nanaman ng ibang tao.

"Bakit nasali sila sa usapan? Wala silang kinalaman dito!" Pagtatanggol ko. Hindi masama ang mga kaibigan ko, kahit na minsan mga demonyo sila kaibigan ko pa Rin sila.

"O baka naman kasi nagmana ka sa malandi mong ina?!" Mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ng marinig ko ang sinabi nyang yon.

"Wag mong pag-salitaan ng ganyan si mama! Ikaw Ang may kasalanan kung bakit tayo nagka-wasak wasak! Kung sana nakinig ka lang sakanya masaya pa Sana tayo! Ako!"naghabol ako ng hininga. I glared at him before walking out. I don't like it there, ang hirap huminga.

Alam Kong Mali ang pag-sagot ko pabalik sakanya pero Hindi ko iyon pinagsisisihan. I don't regret defending my self, my friends and my mom. Wala Syang karapatang husgahan ako kahit ama ko pa Sya. Oo nakitulog ako sa condo ni Brion but that doesn't mean na malandi na ako.

I'm not a cheap woman.

Nanatiling nakatuon ang aking paningin sa buwan at sumipsip sa baso na may lamang gatas. Matapos ng pag-sasagutan namin ni papa ay Hindi na ako bumaba pa para kumain. nagpatimpla lang ako ng gatas sa isang maid.

I sighed.

I've been never this mad. Tampo lang ang nararamdaman ko pag may nakakasagutan akong malapit sa'kin pero ngayon may kasamang galit na. Nagagalit ako sakanila, Kay mama kasi iniwan nya ako, Kay papa kasi ang dali nyang makahanap ng iba.

Sa tagal ng panahon na nag-hiwalay sila, umaasa pa Rin ako. Na sa huli maging sila ulit. Na isipan naman nila Yung anak nilang naapektuhan sa paghihiwalay nila. Galit ako sakanilang dalawa kasi Hindi manlang nila ako naisip, Yung nararamdaman ko sa desisyon nilang paghihiwalay.

But I realized, I shouldn't be selfish. May nararamdaman din sila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro