1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 1

ISANG mausok na umaga siyang bumungad sa kaniya sa kitchen. Busy ang mga cook at ilang staff marahil ay maraming order sa mga oras na iyon.

"Nasusunog na yata 'yan!" natatarantang saad ng mga kasamahan sa kaniya. Agad itong kumuha ang wine at binuhusan ang niluluto ng isang chef at binigyan ng dismayadong tingin.

"Next time, never let the fire eat you alive," seryosong  wika niya rito, marahang tango ang isinagot ng lalaking chef na iyon kay Daisy. Imbes na sagutin ay kinuha niya sa kamay nito ang sandok at puwesto roon, walang salitang umatras na lamang ang chef na tila hiyang-hiya sa nangyari.

"P-Pasensya na po, hindi na mauulit.” 

Ismid na lamang ang tanging sagot niya at muling inabot ang sandok at kawali upang ito na ang magpatuloy sa ginagawa. Ayaw niyang maging saviour sa mga oras na iyon dahil lahat sila malilintikan ng amo. Bilang head cook ay kargo niya ang responsibidad ng lahat ng naroon sa kitchen. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho roon at dahil nakuha niya ang tiwala ng amo ay siya ang ginawang head chef, aaminin man o hindi ay inggit ang ilang kasamahan niya.

"Miss Daisy, isang pasta carbonara daw," anang waiter at lumabas muli upang magserve sa ibang customer. Hindi na ito nag-aksaya ng oras at niluto agad ang order. Paroo't parito ang lahat, busying-busy dahil lunch na kaya maraming order. Nakaramdam nito ng pagkalam ng sikmura ngunit binalewala lamang iyon. Usual iyong nangyayari tuwing meal time na halos ay wala na siyang kain dahil inuuna ang customer kaysa sa sarili niya.

"Isang set daw nito, miss Daisy," kamuntikan nitong mahiwa ang sariling daliri dahil sa haba ng order na iyon. Isang continental lunch ang in-order niya. Napamura na lang ito sa isip. Pamilyar ang nag-oder niyon dahil sa tuwing umu-order ay isang set talaga at gusto nitong siya mismo ang magluto ng mga iyon. Daisy swallowed hard bago tinaggap ang isang piraso ng papel at sinipat ang nakasulat roon.

"Ken, ikaw na dito," tawag niya kay Ken na naghihiwa ng sangkap para sa dressing. Tumango ito at tumalima agad. Hindi na nag-aksaya ng minuto at niluto agad ang oder. Thinking that it would be the last order bago matapos ang lunch time. Tumulong na rin ang ibang kasamahan sa pag luto ng mga appetizer. Ngunit siya ang nagluto ng main curse na kulang na lang ay e-curse rin ang nag-oder. Pang isang pamilya na eh. Parang nananadya. Mabuti na lamang at hindi niya kilala ng personal ang nag-order, kung hindi ay baka na-prito na niya ng buhay iyon sa kumukulong manika sa kawali.

"Bilisan niyo baka mainip 'yon!" sigaw niya sa mga kasama. Because the last time he ordered, he scolded them wala siya ng time na 'yon dahil day off. Pero lahat sila ay napagalitan ng manager dahil hindi nag-reklamo ang customer na iyon.

“What kind of food did you served? Hindi ito ang gusto ko!” sigaw nito sa mga nakahelerang taga-luto maging ang manager na siyang sumubok kausapin ang customer.

“Pasensya na po sir, wala po talaga rito iyong head cook namin. Papalitan na lang po namin ang order niyo,” pakiusap ng manager nila.

“No, just leave it. Don’t mind the refund,” matabang nitong sambit at nilisan ang resto na iyon.

Hindi pa man nakakalapas ng thirty minutes ay naluto na nila ang lahat ng orders ng customer na iyon. Senerve ng waiter at ang mga taga-luto naman ay kaniya-kaniya sa mga gawain dahil maya’t maya ang datingan ng order na mukhang wala na yatang katapusan.

"Miss Daisy, relax ka muna," puna ni Ken kaya tumango ito. Kanina pa niya nararamdaman ang matinding pagod at nahihilo siya ng kunti, siguro ay dahil wala pa silang kain at alam niyang hindi lamang siya ang nakakaramdam ng iyon maging ang mga kasamahan niya. It’s all drawn in their faces. It's been four years since she worked here kaya napamahal na sila sa kaniya at ang kusinang ito, this is her second home.

"Ang lalim ng iniisip natin ah, may problema ba?" Jules approached, isa ring cook na bihasa sa pagluluto ng mga Japanese food.

"Wala naman, natutuwa lang akong pinagmamasdan kayo," sagot ng dalaga at ngumiti, pilit na tinatago ang pagod sa matamlay na ngiting iyon.

"You always love doing that. Anyway, may binigay sa'kin si Lola na gamot, maka-katulong 'to sayo…" anito at nagtungo sa locker room. Nagtataka naman si Daisy kaya sinundan niya ito. May kinuha itong bagay mula sa bag.

"Ointment, gawa ni lola. Effective 'yan para naman makatulog ka sa gabi, proven and tested ko na iyan," dagdag nito at inabot sa kaniya ang maliit na plastic bottle.

Napatango na lamang si Daisy sa sagot ni Jules, minabuting itago ang pagtataka sa kasama gayong hindi naman sila gaano ka close nito at hindi siya sanay dahil dito.

"Salamat dito," wika niya at itinago ang bote sa bag. Nagpapasalamat siya na iyon lamang ang napansin ni Jules sa kaniya, she has been hiding her true self, and since nakagawian na ay pinagtapatuloy na niya. No one knows the real Daisy.

10:48 pm.

"Una na kami guys!" paalam ng mga kasamahang cook at isa-isa silang lumisan ng resto hanggang siya na lamang ang matira. Sadyang nagpapa-iwan siya dahil ayaw niyang makisabay sa mga ito pag-uwi, nag-iingat lamang. Pagkalabas ng kitchen ay naglakad ito ng ilang metro patungong sakayan ng jeep.

Maliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga buildings, establishments, mula sa mga ilaw ng paroo't paritong sasakyan, maingay at magulo ang kalsada kahit na alas onse na ng gabi. May ilan pang nakakasalubong na mag-jowa na nagdi-date, kumakain ng street food sa tabi-tabi. May mga batang kalye na nagpapalimilos at mga pulubing natutulog lamang sa kanilang kariton o 'di kaya sa pinagtagpi-tagping karton na nakalatag sa malamig na seminto. Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ng dalaga. Buhay nga naman, napaka-unfair sa mga tulad ng nakikita niya, tulad niya. Na tila pinagkaitan ng tadhana.

"Oh isa na lang! Cubao!" sigaw ng isang kondoktor, lumapit siya roon at mukhang puno na ang upuan, pero walang choice si Daisy kundi ang makisiksik na lamang, kaysa naman mamayang ala-una pa siya makakauwi. Kapansin-pansin ang mga nakaksabay niya sa jeep, mga galing trabaho, halatang pagod at humihikab pa.

"Bayad ko po," saad niya at inabot ang barya na nasa palad sa kondoktor. Lumarga na ang jeep kaya tahimik lamang ang lahat. Napabaling ang tingin niya sa echo bag na dala niya, umaasang iba ang gabing ito sa mga nagdaang gabi.

"Para!" sigaw niya at huminto ang jeep, bumaba na at nagsimulang maglakad sa kalye papasok ng eskinita. Tahimik ang paligid dahil tulog na ang mga tao. May ilan-ilan pang mga tambay na nag-iinuman sa bandang unahan, malayo sa kanilang tahanan. Sa isang apartment siya tumutuloy. Hindi pa man nakakaapak ang isang paa sa may bungad ng pintuan ay isang suntok sa sikmura ang kaniyang natanggap.

"Hoy babae! Anong oras na at ngayon ka pa dumating? Alam mo bang kanina pa ako nagugutom! Putangina ka!" sigaw ni Manuel. Ito palagi ang tagpo sa kanilang bahay. Lasing na naman ang kaniyang tatay Manuel, at siya ang napagdidiskitahan ng galit at kalasingan nito.

"May d-dala po akong pagkain, Tay." Nangangatog niyang inabot ang echo bag, it nama’y hinablot ng ama at tiningnan ang laman.

"Mabuti naman at nagdala ka pa. Ipaghain mo ako!" pasigaw niyang utos kaya tumalima agad si Daisy sa kusina upang ipaghain ito. "Bilisan mo kung ayaw mong mabugbog ulit!" sigaw pa nito. Palagi na lang ganito. Halos gabi-gabi, sa tuwing umuuwi siya ng bahay.

Nang makapaghain ay pinauna niya ang ama, ni hindi man lamang naisipang imbitahan siya upang sabayan ito sa pagkain, ano pa nga ba ang aasahan sa isang amang lasinggiro at makasarili. Pumasok na lamang siya sa kwarto upang makapag-bihis, humugot ng hininga bago lumabas muli.

"May silbi ka ring inutil ka." 

Iyan ang paraan kung paano ito magpasalamat sa kaniya. Iniwan nitong nakatiwang-wang ang kinainan niya. Nakakadismaya lang dahil wala ng na-tirang ulam para kay Daisy, sa kumakalam niyang sikmura. Muli itong pumasok ng kwarto dala ang isang platong kanin at nagbukas ng sardinas. Iyon na lamang ang kaniyang hapunan sa gabing ito. Habang sumusubo ay patuloy na umaagos ang luha niya. Masama at nadidismaya man ay kinakaya niya, kakayanin niya.

Kailan ba matatapos itong paghihirap na ito?

"Esing!" tawag ng kaniyang ama mula sa labas. Siya nama’y dali-daling nagpunas ng luha at nilapag ang pagkain sa kamang gawa sa kawayan.

"P-po," pugon niya.

"Akin na ang pera!" bulyaw nito habang nakalahad ang malalaki at magagaspang nitong mga palad.

"H-Ho?" buong pagtatakang tiningnan ang ama.

"Ang pera! Alam kong may pera ka, akin na!" 

Humakbang siya paatras upang lalong titigan ang ama, galit na ito sa mga oras na iyon ngunit hindi siya dapat matigatig. Hindi pwede. Wala siyang pamasahe bukas at lalong wala siyang pera.

"W-Wala po a-akong p-pera, tay." Nauutal niyang sambit.

"Punyeta ka! Akin na sabi!" isang magaspang at mabigat na kamay ang dumapo sa makinis niyang pisngi, tila nabibingi siya sa lakas ng impact na iyon.

"Wala po talaga.” Kahit na pigain siya nito’y wala talagang perang lalabas sa laman niya. Dinakma siya nito at hinawakan ang magkabilang braso nang kay higpit, nanggigilaiti sa galit ang ama na kulang na lang ay kainin siya ng buhay.

"Alam kong meron kaya akin na!" singhal nito at pabalya siyang binitawan at humakbang patungo sa silid ng anak. Jusko!

"Tay, wala po sabi." Sinubukan niyang pigilin ito ngunit sadyang malakas ang ama kaya madali lamang para rito ang itulak siya.

"Alam mo bata ka, napakadamot mo! Pera lang ang hinihingi ko ayaw mo pa akong bigyan?" halos tumalon ang kaniyang puso sa kaba at gulat nang damputin nito ang gunting sa ibabaw ng maliit na mesa sa kaniyang kwarto at tinutok sa kaniya. Bakas ang pangamba sa kaniyang mukha na tila ano mang sandal ay tatakasan na siya ng ulirat sa takot.

"Ano? Nasaan na ang pera?" pinandilatan siya nito ng mga mata.

Napipilitan man ay walang nagawa kundi ang ituro ang kaniyang bag na nakasabit sa may dingding. Puno ng panghihinayang ang gumuhit sa mukha ni Daisy sa mga oras na iyon.

"Ibibigay din naman pala, papahirapan pa ako,” pabalyang inabot ang bag at kinalkal iyon, nagkanda tapon-tapon sa kung saan-saan ang kaniyang mga gamit, hanggang sa makita nito ang hinahanap.

"Malaki-laki 'to ah. May silbi ka rin palang inutil ka," wika pa nito at nilisan ang kanilang balong-balong dala ang limang libong pisong dalawang buwan niyang pinag-ipunan.

Pinaghirapan niyang ipunin iyon pero iwawaldas lang ng tatay abusado niyang ama. Pambili niya lang ng alak at magpapakalasing kasama ng mga tambay sa labas. Paano na kung gayon ang mga susunod na araw, kahit head cook at katamtaman lamang ang sweldo ay kulang parin gayong maraming gastusin sa kanilang tahanan. Kahit na ano pa ang gagawin ay wala rin silbi gayong alam niyang pagbubuhatan siyang muli ng kamay nito hangga’t sa maging bugbog sarado siya.

"Hanggang kailan ba ako magiging ganito?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro