12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 12

HINDI niya mapigilang mainis dahil buong araw ay nakakulong lamang siya sa opisina ng lalaki. Nais mang lumabas ay pinapagalitan siya. Panay ay sipat niya sa wall clock, alas syete y media pa kung kaya't alam niyang maraming customer ang resto at busy ang lahat ng staff. Lumabas ito ng office at tinungo ang kusina kung saan naroon si Dem at it mismo ang nag-manage sa lahat. Halata sa mukha at boses nito ang frustration, hindi niya alam kung maaawa ba o matatawa.

"Eh kung pinatulong mo ako, hindi kana sana na-stress," Puna niya. "Pahinga ka muna sa office mo, ako na ang bahala rito." Wika niya sa malumanay na tinig. Lumambot naman ang mukha ng binata.

"Thanks babe." Anito at hinagkan ang noo niya. She froze for a moment dahil sa kiliting dala ng halik na iyon. Why she felt her nerves tremble in excitement?

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi niya. It was enough to show na hindi siya apektado sa ginawa ng binata sa kaniya, hopefuly ay mapaniwala niya rin ang sariling wala itong epekto sa kaniya. Siya na rin ang tumapos sa mga naiwang trabaho ni Dem sa kusina. Maraming order dahil late dinner na at lahat ay naghahabol sa oras.

"Miss D, tawag po kayo ng isang customer." Anang waiter. Napataas ang kilay ni Daisy sa narinig, kung kailan busy ay saka pa may magtatawag na customer.

"Bakit daw ba?" Tanong niya.

"Nagreklamo ho eh." Napasinghap ito sa narinig, papaanong. Pumalpak kaya siya sa luto kanina? Bakit magrereklamo? Dali-dali niyang tinungo ang customer daw na nagreklamo, giniya naman siya ng waiter patungo roon and she saw a man sitting behind her. Mukhang pamilyar ang lalaking iyon.

"Pinatawag niyo daw po ako?" Untag niya. Lumingon sa kaniya ang lalaki, napaindak sa gulat si Daisy nang mapagtanto kung sino ang naroon.

"T-Tay?" Papaanong narito ito ngayon, at bakita ganiyan ang suot ng itay niya gayong wala man lang itong kakayahang bumili ng mamahaling suit dahil puro alak lang ang inaatupag.

"Ako nga, hindi mo ba yayakapin ang tatay ha Esing?" Bumangon ang kaba sa kaniyang puso. Sa hindi malamang dahilan ay bakit siya natatakot sa itay gayong sanay naman siya sa pang-aabuso nito.

"Bakit ho kayo narito? Anong kailangan ninyo? Pera?" Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Manuel at ngumiti ng nakakaloko.

"Mayaman na ako at hindi ko kailangan ng pera mo, ikaw ang kailangan ko, uwi kana sa atin Esing. Na miss ko ang anak ko." Akma nitong hahawakan ang kamay niya ngunit umiwas ang dalaga.

Ayaw mang bigyang kahulugan ang sinabi nito ngunit iyon ang binubulong ng isip niya. Bakit kailangan siya ng itay, oh god! Hindi na niya kayang sikmurain pa ang lahat ng kaabusuhang ginawa nito. She found shelter on Dem's arm at nasanay siya rito king kaya't ayaw na niyang maalipusta sa kamay ng ama. Nagkusa siyang umalis sa puder nito kaya walang dahilan upang balikan ito. She had enough.

"Hindi. Hindi ko maintindihan lahat ng sinasabi mo o ang kahit ano Tay. Pinagtulakan mo ako palayo, sinasaktan mo ako, trinato mo ako na parang hayop tapos sasabihin mong miss mo ako? I can't believe any of this." May akusasyon ang boses niya. Pinuno niya ang loob ng maraming hangin at napabuga ng marahas. Papaano siya maniniwala gayong kitang-kita ng dalawa niyang mata ang pagkadisgusto ng ama sa sariling anak na para bang siya ang dahilan kung bakit nagkandaleche-leche ang buhay nito nang iwan sila ng inay niya.

"Hindi ba pwedeng magbago ang tao anak?" For the first time ay nakita niya ang nagsusumamong mukha ng itay. Gusto niyang maniwala ngunit pinipigilan niya ang sarili. She doesn’t want to live in hell kasama ang tatay Manuel, sapat na ang 24 years na pagmamalupit nito sa kaniya.

Kakaunti na lamang ang customer ng resto, kung wawariin ay mabibilang na lang ng daliri kaya hindi na siya nabahala sa kung nakakagawa na sila ng eksena para makuha ang atensyon ng mga ito maging ang ibang staff. Pati na si Dem.

"Wala akong panahon para patulan ang kalokohan mo tay, alam kong lasing ka kaya ka nagkakaginyan. Umuwi na ho kayo." Pagtataboy niya rito. Baka kung saan pa mapunta ang usapan at baka hindi na niya mapigilan ang sariling mawalan ng respeto sa itay.

"Hindi ako lasing, quit na ako diyan. Anak, huwag mo namang ipagtabuyan ang tatay ng ganiyan. Umuwi kana sa atin, hindi na kita sasaktan, tsaka may pera na ako, kaya na kitang buhayin." Dahil ba ito sa isang milyong bayad ni Dem sa ama niya kaya ito nakakapagsuot ng ganoo. Ka garang damit at kumain sa mamahaling resto?

"Umalis na ho kayo bago pa ako--"

"Sir, narinig niyo naman ang sinabi ni Daisy, diba?" Si Dem na biglang sumulpot sa harapan niya.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakukuha si Esing!" Angil nito. Nakita niya ang pagtaas baba ng balikat ni Dem. Malaking tao ang binata na halos tabunan na ang itay niya. How did she manage to... oh D, iyon pa talaga ang naisip niya sa oras na iyon.

"Anak halikana!" Mabilis nitong nahila ang braso niya kaya't nakaladkad siya nito ng ilang hakbang.

"Bitawan niyo ho ako!" Pagsusumamo niya. Mahigpit ang pagkakahawak ng itay na halos bumaon na sa braso ang kamay nito.

"Hindi! Sasama ka sa akin!" Singhal pa nito. Mariing napapikit si Dem sa nakikita. Ayaw niyang mawalan ng respeto sa ama ni Daisy pero sinasagad ang pasensya niya at naaapakan ang pride niya. Babae si Daisy, a vulnerable one at hindi niya maatim na sinasaktan ito ng sariling ama sa mismong harap niya. She maybe hard headed stubborn but she still a lady. Ang mga babae, dapat pinoprotektahan, hindi sinasaktan!

"Fuck it!" Isang malakas na suntok ang lumanding sa panga ni Manuel dahilan upang mapabitaw ito sa pagkakahawak sa braso ng dalaga. Hindi man ito bumagsak ngunit sapat na upang makawala ang dalaga.

"Umalis na ho kayo kung ayaw niyong mawala ng tuluyan ang respeto ko sa inyo. Leave and never come back!" 

Sapo parin ni Manuel ang pangang tinamaan. Umayos ito ng tindig at pinantayan ang mga titig ni Dem. "Pero hindi ako titigil hangga't hindi umuuwi sa amin si Esing. Tandaan mo iyan binata!" Anito bago tuluyang nilisan ang resto.

Nanginginig na bumuntong hinga si Daisy. Alam niyang seryoso ang ama sa gagawin at iyon ang kinakatakutan niya. Hindi siya titigilan nito at magiging mesirable na naman ang buhay niya sa kamay ng itay.

Napatukod sa sariling tuhod sa kaisipang iyon. Only in imagination ay nanghihina na siya papaano pa kaya kung totoo. She maybe strong as they say pero naroon parin ang takot at pangamba na baka mas masahol pa ang itay kaysa sa dati.

"D, inom ka tubig." Inabot nito ang nangangalahating tubig sa baso at nilagok iyon. Somehow, she felt releive.

"Sorry." Iyon na lamang ang tanging nausal niya sa binata. Samo't saring damdamin ang pumukaw sa kaniyang loob. Takot sa ama, pag-aalala sa sarili at sa mga taong nasa paligid niya at hiya kay Dem.

"Shhh, don't be sorry wala kang kasalanan sa'kin." In one fleeting moment, she found herself inside his arm being clung by this man. She was too weak to refuse and she really need it right now. It was a comfort hug but it sends some tingling sensation. Bakit sa lahat ng lalaki sa mundo ay kay Dem pa niya iyon naramdaman? She lost herself when it comes to this man.

"Hugs' works." Anito sa mahinang boses. Siya lang ba o may sadyang pahiwatig ang salitang iyon. Alin man sa dalawa ay wala siyang pakialam, ang nais niya lamang ay makulong sa mga bisig nito at iyon ang isang bagay na hindi niya pagsasawaan kailanman.

It took ages nang pakawalan siya ng binata. Nakangiti itong tingnan siya. Amusement na lalong nagpabighani sa puso niya. Why this man is so handsome in many ways?

"Past ten na, we need to go home." Pansin nito. Nilingon niya rin ang designer watch nito, alas dyes na nga at wala pa silang hapunan. Wala na rin ang ibang staff na kung papaano nagpaalam kay Dem ay hindi niya alam.

"Sa labas na tayo kakain, napagod ako sa mahabang araw na ito." Aniya. Marahang natawa ang binata. He still found her amusing.

"I know, and I'm sorry kung napagod ka." May napuna siyang sarkasmo sa tono ng binata ngunit kahit pa ganon ay hindi makuhang mainis. Dahil nga naman sa katigasan ng ulo niya at nagpumilit pang magtrabaho kahit pa alam niyang pagod siya buong magdamag at masakit ang katawan niya.

"Oo na boss." Natatawa niyang wika.

"Hmm boss, I like it. Anyway, wait me here, kukunin ko lang ang gamit ko sa loob."

"SAAN ba tayo magdi-date?" Puno ng panunuya niyang wika. Kinse minutos na silang nasa daan at hindi niya alam kung saan sila tutungo.

"Date ba 'to para sayo?" Mabilis siyang tumango.

"Alam mo ito ang first time kong magkadate," excited niyang saad na ikinailing ng binata. Why this woman made him amuse in no time?

"So, 'di porket sa labas kakain eh date na? How so?" Napabaling ang tingin ng dalaga sa labas mg bintana. Naroon parin ang excitement sa mga mata nito.

"Ganon naman kasi talaga ang magjowa? Lalabas, kakain, unplanned man o hindi at para sa akin date parin iyon." Ngumisi ng wala sa sarili si Dem.

"So, pumapayag ka nang maging girlfriend ko?" Sumimangot ang mukha ng dalaga nang ibaling nito ang mukha sa kaniya. Na naman?

"Pinge ballpen at papel Dem." Seryoso nitong saad. Napaawang ang labi niya sa narinig.

"Why?" takhang tanong nito.

"Isusulat ko lang doon ang word na girlfriend at isasaksak ko sa baga mo. Eh diba pumayag na ako at hindi mo na kailangang e-remind dahil tanda ko. Gf mo ako at iyon ang kabayaran ko sa 1m mo. Okayness?" Humagalpak ng tawa ang binata.

Damn this woman, she really knows to turn me on and now I found myself laughing with amusement.

"Right. Sige date na lang ang tawag natin dito." Anito at pinark ang kotse sa parking lot. Naging gentlemen na naman ito sa pagbukas ng pinto and she felt her heart flip in a bit. Nag-ayos na muna ito saglit ng damit dahil nagusot kanina.

"I think we should go home." Nagpanting ang tenga niya sa narinig.

"Ha? Bakit?" Takhang tanong niya. Nang lumingon ito sa gawi niya ay doon lamang napansin ang seryosong mukha ni Dem. His eyes screaming danger, anger and pain. Isang tanong ang tumatak sa isip niya. Bakit?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro