20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 20

NAIYUKOM niya ang kamao at masamang tiningnan si George na katayo rin si sa harap niya. Parehong nagsusukatan ng tingin at wala ni isa ang gustong bumawi. He's eager to punch him anytime kahit pa tatay niya ito. Wala siyang pakialam.

"Why can't you just get with it, Dem." Malumanay na saad ni George.

"No." angil ng binata.

"Ikakasal na kami ni Anna in next month proper and you can't do anything with that." The old Larson almost hissed.

"I can do everything Papa. And stopping your marriage with Anna is just a piece of crap for me." May panunuya sa tinig ng binatang Larson. Ayaw niyang sa pagkakataong ito ay mamanipulahin na naman ng ama si Anna at Daisy sa nais. Tama na ang dalawamput apat na taon, kaya tutuldukan na niya.

"Don't threat me young man." Mahinahon ngunit may diing wika ni Goerge. 

"Ganoon na ba kadali sayo ang palitan ang Mama? Ganon mo na ba ka-mahal si Anna?"

"Yes." Walang gatol nitong sagot na lalong ikinainis niya. Sa isip niya'y paulit-ulit itong minumura. "I love Anna since the day we've met. I love her before your mother came and insist our marraige. I had no choice dahil nakatakda kaming ikasal because of that fucking arrange marriage. But as the time flies, I realized how stupid I am kaya hinanap kong muli si Anna. Sad to say may pamilya na siya. Inalok ko ng pera at pangalan ko at kung paano naging kahirap sa akin ang iwan ang mama mo ay ganoon kadali kay Anna ang iwan ang pamilya niya. We both love each other, that no one can defy it. Even you son!" Isang ngisi ang binigay pinukol nito bago nilisan ang study ng ama.

Sa salas ay naabutan niya sina Anna at Daisy na masayang nagku-kwentuhan. Nagkaayos na ang dalawa they day after. 

It wasn't easy for her to accept the fact pero kailangan dahil iyon ang totoo. Mas mahal nito si George kaysa sa kanila ng Itay Manuel niya pero naiintindihan niya ang inay. Puso ang naging kalaban nito at masaya siyang sinunod ng ina ang sinisigaw ng puso niya. Iyon nga lang...

"Isang buwan na lang ikakasal na kami ni George. Magiging kapatid mo na si Dem." Masakit mang tanggapin pero iyon ang totoo na kahit pa anong gawin nila ay hindi na magbabago iyon. Magiging step-brother na niya si Dem.

Si Dem na nagkakaroon na ng puwang sa puso niya. Si Dem na umangkin ng buong pagkatao niya at si Dem na mahal na niya.

"I'm happy for you Nay." Half meant true; half meant lie. "Sa kwarto lang ho ako ah, nakalimutan ko kasing iligpit ang mga kalat ko." Pagdadahilan niya na hindi naman umepekto sa ina. Alam niyang nasasaktan ang anak gayong natitiyak niyang may namumuong pag-ibig sa dalawa. Sa hagdan ay nakasalubong niya ang binata. Isang kiming na ngiti ang binigay niya rito.

"Sasanayin ko na ang sarili kong tawagin kang kuya." Saka nagmamdaling pumanhik sa taas. Rinig pa nila ang pagbagsak ng pinto ng kwarto.

Hearing the last word made his chest crushed into pieces. How could be his girlfriend become his little sister? Paano na ang pinagsamahan nila? Ang mga gabing pinagsaluhan nila. Mapupunta nalang ba iyon sa wala at mababaon sa limot? Hindi maaari!

Dali-dali siyang bumaba at nagtungo sa likod bahay, doon ay may maakyatan siya patungo sa veranda ng kwarto ni Daisy. He secretly made it dahil ang kwartong inuukupa ng dalaga ay dati niyang kwarto kung saan madalas niyang kinukulong ang sarili sa tuwing nag-aaway ang mga magulang.

"D." Tawag niya ngunit wala sa kama ang dalaga. Sa may banyo, narinig niya ang lagas las ng tubig ngunit mas nangingibabaw ang hikbi at iyak ng dalaga. Walang kaabog-abog niyang sinira ang door knob hanggang sa bumukas ang pinto. Daisy was standing under the shower, sulking in wet and cold. He immediately undresses her and left nothing. Kumuha siya ng tuwalya sa may towel rack at tinapis sa basa at hubad na katawan ng dalaga.

"Nababaliw ka ba?" Inis niyang singhal dito. Muling umiyak si Daisy na lalong ikinataranta niya. Why women should have cried loud as they can?

"Ayokong tawagin kang kuya." Tila isang batang inagawan ng candy kung ilarawan si Daisy sa mga oras na iyon. Hopelessly na makukuhang muli ang inagaw na candy at siya bilang kuya ang to the rescue.

"Ako rin, ayokong may kapatid lalo na at ikaw." Agap nito at kinulong ang dalaga sa maiinit nitong mga bisig. And there she cried endlessly. "Alam mo kung bakit? Kasi tatanda kang spoiled, at palagi kang iiyak kasi araw-araw kitang aasarin. And if may manligaw sa'yo I would be the over protective brother you never had pero aasarin parin kitang walang forever kasi nga ampalaya ako." Mahinang natawa si Daisy sa pagitan ng mga hikbi. She sure about him being a big brother. Pero mas higit pa sa kuya ang tingin niya para rito and it would be better if they feel the same.

"Ayokong makasal ang Papa ko sa Mama mo." Marahang inangat ni Daisy ang tingin sa kausap. Nakita niya ang pagkadisgusto sa mga nito. "Prankly speaking, kaya ayaw ko kasi umaasa parin akong mababalik sa dati ang pamilya namin."

Somehow, she's hurting again. Na tila ba pinapamukha sa kaniya ni Dem na kasalanan ng inay niya ang nangyari. "Pero pareho lang silang may mali diba?" Malungkot niyang tugon.

"Yeah, and that's why I want to fix that mistake."

"Papaano?"

MATAPOS magbihis ay magkahawak kamay na bumaba sa grand staircase ang dalawa. Naroon sa baba si Anna at George na parehong tumitingin sa mga wedding gown. Nabigla ang dalawa nang makita sila sa ganoong ayos.

"What's the meaning of this?" Marahas na tumayo ang matandang Larson at hinarap ang dalawa. Ngumisi lamang si Dem at lalong diniinan ang pagkapit niya kay Daisy.

"You guess pa kung anong mangyayari sa babae at lalaking parehong nakatira sa iisang bubong." Napasinghap si Anna sa napagtanto. Maging si George ay galit na naiyukom ang mga kamao.

"How could you!" Sigaw nito at umamba ng suntok pero nabitin sa ere ang kamay nang halikan ni Dem si Daisy sa harap nito mismo.

"Yes, we did it. And if I were you, itigil niyo na ang kasal unless you want us to have... how rude of me," He cleared his throat and spoke again, "If you want me to forgive the both of you then let us be free."

"Anong sabi mo?" Nagngitngit ang paningin ni George.

"I love Daisy, we've been together for months now. At ayokong mangyari ang gusto niyo. I don't want to address this woman as my sister but a lover. So, stop this wedding!" Nagpupuyos sa galit ang matandang Larson sa narinig. Hindi makuha ang nais sabihin. Si Anna na may matamis na ngiti.

"You don't need to do it Dem. Ayos lang naman sa akin kung mahal niyo ang isa't isa. And I really don't care kung ikakasal kayo ni Daisy at kami ni George. We're not blood related anyway, so stop the fuss and get a room." Taas kilay na bumaling si George kay Anna.

"It's alright honey. You know what I'm talking about."

"So, waley lang 'yong iyak kanina kasi oks lang pala sa inyo na maging kami ni Dem? Ay pucha!" Agad siyang nagtakip ng bibig nang mapagtantong nagmumura siya sa harap ng dalawa.

"Still a no." Nawala ang kulay sa kanilang mga mukha nang umimik si George.

"Ano na naman ba Pa? Okay na eh. Pumayag na si Tita Anna."

"You have to take full responsibility for what you did young man. Pakasalan mo si Daisy!" Walang mapagsidalan ang sayang naramdaman ni Dem sa mga oras na iyon. He really heard it.

"Totoo bang mahal mo ako Dem?" Untag ni Daisy na may bahid ng lungkot sa mga mata. Ayaw niyang umasa sa isang bagay na hindi kayang ibigay ni Dem pero sa kaibuturan ng puso niya'y nagnanais na sana nga ay may puwang siya sa puso ng binata kahit man lang katiting.

"Eh ikaw? Mahal mo ba talaga ako?"

"Huwag mong ibalik ang tanong." Ismid niya na ikinatawa ng binata.

"I don't love you D. I really don't." Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya at any time ay babagsak na ang mga butil na iyon. Tama, sino nga ba siya para ibigin ng binata gayong isa lamang siyang kabayaran sa utang ng ama niya.

"I—I hate you!" Iyak niya.

"I hate you more for giving me this unusual feeling. Sa lahat ba naman ng emosyong pwede mong ipadama ay iyon pang bagay na kinapopootan ko. But thank you, because you showed me how beautiful that emotion is. Bilang parusa at bayad na rin sa lahat ng utang at ginawa mo..." he pause na tila may iniisip at humarap sa kaniya.

"You will be my wife." Dugtong niya.

"You're not asking!"

"Because asking is not my thing darling. I demand everything I want to possess, even you." Hinalikan nito ang noo niya. "From the start I knew it, you're the one whom I'm looking for. And now that I found you, I will not let you go away, again." Then he kissed her nose.

"A loveless marriage Demetrio." Angil ni Daisy.

"Relationship? Marriage? It is not only love but a decision you make, to stay. That is my shades." And he kissed her tenderly with love.

—WAKAS—

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro