Chocolate (One Shot)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Edited na siya. Hahaha! Finally!

Pasensya na kung pangit *bows 90 degrees*

=========

"Sxhiena! Tara na sa cafeteria!" Sigaw ko.

"Oo! Saglit lang!" Ganting sigaw ni Sxhiena.

"Grabe ka talagang makasigaw Hershey." Tumatawang sabi ng kakambal ni Sxhiena na si Sxhiela.

"Ang bagal kasi ng kakambal mo, gutom na ako!" Reklamo ko.

"Para ngang pagong yan." Tumatawang sabi ni Sxhiela na pang-aasar sa kakambal niya.

"Sinong parang pagong?" Naka-straight face na sabi nito.

"Wala Sxhiena. Tara na?" Akit ko sa kambal.

Pumunta agad kaming tatlo sa cafeteria dahil alam namin na sobrang haba ng pila.

At habang papunta kami sa cafeteria eh nag-aaway yung kambal. Pambihira. Kung magsigawan pa eh akala mo ay nasa magkabilang mundo!

At tama nga ako. Sobrang haba ng pila. Nagmamadali naman kaming tatlo para makapila agad.

Nung malapit na kami ay namataan ko ang isang Hershey kisses chocolate! Hala! Nag-iisa na lang siya!

Agad ko namang dinampot yun kaso nung pagkahawak ko ay may dumampot din sa chocolate.

"Sorry Miss pero nauna ako."

Nanlaki ang mata ko. Boses ni ano yun. Boses ni V-jay Rocher Quintos! Yung sobrang galing mag-sepak takraw!

At yung crush ko =////=

Pero hindi dahil crush ko siya ay papayagan ko na siya ang makabili ng Hershey kisses na ito. Hindi! Makikipagpatayan ako!

"Excuse me? Mas nauna ako. Kita mo namang hawak ko yung Hershey oh!" Singga ko.

"Nagkataon lang na mahaba yang braso mo." Nakangising sabi niya.

Aba't--- bwisit 'to ah! Naningkit naman ang mata ko. "Asar ka ah!"

"Bakit? Nainsulto ba kita? Mukha kang amazona eh. Kaya siguro humaba ng ganyan ang braso mo kasi palambi-lambitin ka sa mga bagin." Nakangisi pa ring sabi niya.

Lalong naningkit ang mata ko. Hindi ko akalaing ganito pala ang ugali niya! Hindi ko na siya kras! Hindi na!

Napaismid ako. "Tss, tingnan mo nga naman, ganyan pala ang ugali ng crush DAW ng bayan na si V-jay? Head news 'to." Ipinagdiinan ko talaga ang DAW.

"A-ano, pwede po bang sumangat sa usapan nyo?" Sangat sa amin ni Ateng magtitinda.

"Hindi." Sabay naming sabi ni V-jay.

"Pero kasi po, naka-reserve na po kasi yan kaya hindi na po pwedeng bilhin." Dagdag pa ni Ateng magtitinda.

"WHAT?!" Sabay ulit na sabi namin ni V-jay.

"Ano ba? Kanina mo pa ginagaya ang iniimik ko ah!" Sigaw ko sa kanya.
(A/N: Iniimik = sinasabi)

"Ikaw nga ang nanggagaya dyan!" Sigaw din ni V-jay.

"Hershey, bumili ka na lang. Ang dami pang nakapila oh." Bulong ni Sxhiela sa akin.

"Okay." Mahinahon kong sabi kay Sxhiela. Huminga muna ako ng malalim bago ko binangga sa balikat si V-jay. "Tabi dyan!"

Serves him right! Antipatiko! Mayabang! Akala mo kung sinong gwapo! Ampanget naman ng ugali! LESHE!

Umupo na kami sa table. Chocolate drink tapos sandwich ang binili ko. ARGH! Nakakabad-vibes si V-jay! Kainis!

"Hershey, akala ko ano mo si V-jay? Bakit mo sinungitan?" Nagtatakang tanong ni Sxhiena.

"Dati yun! Hindi na ngayon! Sama ng ugali! Kainis!" Nanggigigil kong sabi.

"Pero ang pagkakaalam ko, mabait yun. Bakit kaya ganun?" Nagtatakang tanong din ni Sxhiela.

"MABAIT? MABAIT PA SIYA SA LAGAY NA YUN?" Nanlalaki ang matang sabi ko. "HUWAW!"

"Pero hindi nga, bakit kaya ganun ang ugali niya? Gwapo pa naman." Nanghihinayang na sabi ni Sxhiena.

"Ewan ko sa inyo. Mayabang siya! Anitipatiko! Bwisit!" Nanggigigil na sabi ko at kumagat sa sandwich.

"Hershey! Ang puso mo!" Pagpapakalma ni Sxhiela.

"Wala akong sakit sa puso Sxhiela, pero 'pag nakita ko ulit ang antipatikong mayabang na lalaking yun, hindi malabong magkasakit ako sa puso!"

Napabuntong-hininga si Sxhiena. "Mabuti na lang pala at hindi natin siya kaklase. Kundi, naku! Araw-araw may gyera sa room!"

Section A kasi ang mayabang na yun samantalang section B naman kami. Siguro sinusuhulan niya ang teachers dito kaya siya napunta sa section A.

Nag-iinit talaga ang dugo ko!

Kaya nga sabi ng iba, huwag papaloko sa itsura.

Kung matagal ko nang alam na ganyan ang ugali niya eh di sana hindi ko na siya naging kras!

Sus, itanggi mo man, may gusto ka pa rin sa kanya.

Agad kong sinampal ang sarili ko. Hindi ko naman kasalanan na magkagusto ako sa kanya eh! Kainis!

"Tantanan nyo nga ako! P*ta! Wala akong dapat aminin!"

Agad akong napalingon kung saan galing ang boses na yun. Sina V-jay pala. At mukhang pinagtutulungan siya ng mga kaibigan niya.

Biglang napatingin sa'kin si V-jay, napaiwas tuloy ako ng tingin. Ako nga ba? Ako nga ba ang tiningnan niya?

Nag-aassume na naman ako. Napahinga ako ng malalim.

I need to let go this feeling now.

***********

One week na ang nakalilipas after nung cafeteria incident thingy. Tapos simula nun, laging may nakapatong na Hershey kisses chocolate sa arm chair ko. May kasama pang rose! Aba! Ako po ay isang hamak na estudyante lamang para magkaroon ng secret admirer! Haba ng hair teh!

"Meron na naman?" Tanong ni Sxhiena.

"Ikaw na ang may secret admirer! Nahiya naman kami ni kambal!" Panunukso ni Sxhiela sa akin.

"Malabo siguro yung mata ng nagpapadala nito sa'kin." Natatawa kong sabi.

"Hindi ah!"

Napalingon kami sa nagsalita. Si Lester pala. Kasamahan siya ni V-jay sa sepak.

Argh! Napasama na naman ang pangalan niya!

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko kay Lester.

"Sabi ko, hindi malabo yung ang mata ng nagpapadala sa''yo nyan. Ang ganda mo kaya."

"E-eh?!" React ko. Malabo na rin ang mata ni Lester!

"Nevermind. Sige bye." Nakangiting sabi nito bago siya umalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaalis na si Lester. Weird. Hindi kaya si Lester ang secret admirer ko? Wow, ang kapal naman ng mukha ko XD

Gwapo naman si Lester, mabait. Hindi tulad ni V-jay na---------------

THE HECK?! Bakit pinag-cocompare ko sila ni V-jay? ASAR!

"Papahangin lang ako." Paalam ko sa kambal.

"Samahan ka ba namin?" Alok ni Sxhiena.

"Di, huwag na."

Ngumiti silang dalawa. "Okay! Ingat!"

Lumabas na ako ng room, lunch break naman eh. Medyo nakayuko ako habang naglalakad. Di naman ako sikat dito sa school eh. Ayaw ko pati maging popular. Psh. Hindi naman yun nakakain =_=

"Uy! Siya si Hershey 'di ba?"

"Oo siya nga! Yung sinungitan ni V-jay!"

"Pero 'di ba, ang sabi 'pag may babaeng sinungitan si V-jay, yun yung taong mahal niya?"

"Oo nga! Ay! Ang swerte naman niya!"

Bigla akong napatunghay ng kauntian dahil sa narinig ko. Nanlaki pa ang mata ko. Totoo ba yun?

Tsk, asa ka pa Hershey. Parang sinabi mo na rin na nakakalipad ang pagong =_=

Pero merong nalipad na pagong sa larong Super Mario 'di ba?

Kahit na! Imposible pa rin! Ang isang V-jay Rocher Quintos? Magmamahal sa isang Hershey Kisses Valderama?! Patay na ako hindi pa nangyayari yun!

Nandito na ako rooftop. Ang hangin talaga dito! Pumunta ako dun sa may padulo. May harang naman eh. Railings nga ba yun? Tapos naghalumbaba ako dun.

Sino kaya yung secret admirer ko? Grabe ha? Ang laki ng nagagastos niya sa'kin. One week na kaya niya akong binibigyan ng Hershey, may rose pa! Mukhang mayaman si Mr. Malabo ang Mata ah!

Si Lester nga kaya yun? Pero hindi eh. May girlfriend na ata yun, tapos liligawan pa ako? SOBRA NAMAN!

Ang isa pang inaalala ko eh yung narinig ko. Totoo kaya yun? Yung sabi nung chuwap na babae na yung girl daw na susungitan ni V-jay eh yung taong mahal niya?
(A/N: Chuwap = tsismosa)

Anong klaseng chenes naman yun!

At asa pa ako! Malay nyo, hindi lang ako ang Hershey dito sa school na ito. Ang dami kayang estudyante rito!

Mahirap na. Ayokong mag-assume. Masaki---------

*PAK!*

!#@!$%#*&!!!! Kasagsagan ako ng pag-eemote dito tapos biglang may mamamato?! F*ck!

Tumingin ako sa likod ko. Huh? WALANG TAO?! WHAT THE FOO?! May multong namamato ba rito? Waaaaahhhhhhhhhhhh!!!!

Tiningnan ko yung binato sa'kin. PAPEL?! ANG SAKIT KAYA NUNG PAGKAKATAMA SA ULO KO TAPOS PAPEL LANG YUN?! HECK!

Nung hinawakan ko. Ahhh, kaya pala, nakabalot lang sa papel. OA ko naman.

Tinanggal ko yung papel na nakabalot. Oh? Isang piraso ng Hershey kisses?

Napansin ko may nakasulat sa papel, "Tingin ka ulit sa likod mo."

At dahil ako ay taong puno ng curiosity, lumingon ako sa aking likod. Wala akong pakialam kung multo ang makita ko, eh lumingon daw sa likod eh.

Nanlaki bigla ang mata ko at medyo napanganga pa ako.

Paanong hindi magiging ganyan ang reaksyon ko? Isang V-JAY ROCHER QUINTOS ang nakatayo sa harap ko!

Hindi ko nga alam kung matatawa ako o kung ano. Yung itsura kasi niya parang nahihiyang ewan! Haha!

"Pwede namang lumapit na lang hindi yung namamato pa, bastusan talaga eh." Pang-aasar ko.

"Eh, nahihiya ako eh! Bakit ba?"

"Nahihiya raw? Eh kung asarin mo nga ako sa cafeteria last week eh wagas! Tapos sasabihin mong nahihiya ka?"

"Nagawa ko lang naman yun kasi nagulat ako. Ikaw kaya, ano kayang mararamdaman mo pag nahawakan mo yung kamay ng taong..." Halatang ayaw niyang sabihin yung kasunod. "...ng taong..."

"Ng taong ano?"

"Ng taong mahal mo. Ang saya kaya."

Nanlaki ang mata ko. Tama ba yung narinig ko? Tunay talaga? "H-huh?"

"Matagal na kitang mahal Hershey. Ako rin yung naglalagay ng Hershey at rose sa armchair mo. Kaya kita nasungitan sa cafeteria eh kasi nakaramdam ako ng hiya. Sorry tala------"

"Loko ka! Bakit ngayon mo lang sinabi? Matagal na akong may gusto sa'yo tapos ngayon ka lang nagtapat!"

O____________O

>_____________

>/////////////////

Tae! Ikaw ba naman ang biglang buhatin tapos iikot-ikot?!

"Hoy V-jay! Ibaba mo ako! Ano ba!" Sigaw ko sa kanya habang pinapalo ko ang braso niya.

Ibinaba nga niya ako pero nakahawak pa rin siya sa beywang ko tapos forehead to forehead pa kami.

>///< Mas gwapo siya sa malapitan! Kyaaahhhhh! Ang landi mo Hershey!

"Talaga? Talaga? Totoo yung sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Ayaw mo atang maniwala eh di huwag." Napanguso ako. Ayaw pang maniwala eh.

"You're tempting me Hershey. Huwag kang mag-pout, baka mahalikan kita bigla."

"Tae ka! PDA yun!" Feeling ko namumula ako!

"Pero totoo talaga yung sinabi mo?" Ulit pa niya.

"OO NGA! AYAW PA NITONG MANIWALA!" Sigaw ko. Ayaw pa kasing maniwala!

Pulang-pula na ako oh!

"Ang cute mo pag nagba-blush." Kinurot pa ako sa pisngi.

"Aww! Masakit!" Reklamo ko. Kahit hindi naman talaga masakit.

"Masakit? Sige, ikikiss ko na lang." Hinalikan nga niya ako sa pisngi! "Masakit pa ba?"

Napalo ko naman siya sa braso. "Para-paraan ka!"

Ngumiti lang si V-jay saka ako niyakap.

Naluluha ako. Hindi ito panaginip. Yakap talaga ako ni V-jay. Mahal talaga niya ako.

"I love you so much Hershey. Mahal na mahal kita." Bulong sa'kin ni V-jay.

Bumulong din ako sa kanya. "Mahal din kita V-jay."

END.

Bwahahaha! Natawa ako. Kahit anong edit ko, ang pangit talaga XD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro