28.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dear Diary,

Whenever I try to be positive, life just gets worst.

Day after day, I'm hating my life more.

Gusto ko na talaga makawala kay Samuel. It's like I'm stuck, tanggap ko naman na eh na wala na talaga kami. Ipinamukha na 'yon ni tadhana pero ngayon pati ang mundo ipinamukha na sa akin na hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

Inopen ko yung messenger ko at nagulat ako sa bungad. Halos iisang daan na ang nagmemessage sa akin na hindi ko kilala. I immediately got a bad feeling about it. Tinanong ko ang mga kaibigan ko. Pero wala rin akong makuhang matinong sagot.

Ang sinasabi lang nila sa akin ay huwag ko daw sagutin ang mess at spams ko. Huwag ko ring iopen ang facebook ko.

But curiousity got the best of me

Almost every posts are about me. May it be negative, positive, or a meme.

At so tanang buhay ko, ngayon lang ako naging sikat. Buti sana kung sa magandang rason pero hindi.

I was labeled as Kryiella, Samuel's Ex, and a desperate bitch who wants to ruin someones relationship na ginawang rebound si Kiefron.

Kaya ayaw kong magpadalos-dalos eh. Palaging panget ang resulta. Now, the world painted me as the villain.

Pakiramdam ko inapakan nila yung nararamdaman ko. Parang di valid ang nararamdaman ko. Gets ko naman, di nila alam ang buong istorya pero PUTANGINA.

AKO YUNG GINAGO.

AKO YUNG SINAKTAN.

AKO YUNG NILOKO.

PERO AKO PA ANG MASAMA.

TANGINANG BUHAY NAMAN OH!

BA'T PARANG WALA AKONG KARAPATANG MASAKTAN?

Napanood ko na rin ang live ni Ericka. Kawawa siya, haha. Mukhang paniwalang-paniwala talaga ni Samuel na ako yung ex at siya ang legal. Ngumungawa siya sa live niya, ini-express kung gaano siya nasaktan, kung gaano daw na apektuhan ang MENTAL HEALTH niya kuno dahil sa nangyari.

At dahil diyan ako na naman ang lumabas na masama. YEHEY!

I-reready ko nalang ang mess ko. But I still won't open my spam messages. My class pa ako na kailangang attendan at shift na pagtatrabahuhan.

Walang lugar ang pagmumokmok sa buhay ko.

I can already feel that this day is going to be shitty. 

Famous na,
Kryiella

________________
An: mwa^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro