31.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dear Diary,

Nakakaloka ang araw na 'to, and I guess this will be my last entry for today cause I'm gonna sleep after this. Actually pagod nga ako eh(wala namang bago) pero mas lalo ata akong mapapagod if hindi ko malabas ang saloobin ko. Ito rin ang mahirap kapag masyado kang independent at matibay, ang hirap magopen-up, parang wala na akong karapatang maging mahina.

Kaya ikaw lang lagi ang natatakbuhan ko, Diary.

Amidst the chaos that happened today, I had to go on and keep going.
Ako lang naman ang maasahan ngayon ng mga kapatid ko, kaya wala akong time para maging mahina. Kasi kung magpapakahina ako, pano na kami? Paano na ang mga kapatid ko? Paano na ako? Kaya wala talagang choice kun'di tibayin ang loob.

Pumasok parin ako sa mga classes ko, at pumasok parin ako sa trabaho ko. Syempre, I already prepared my self for the worst. Pero noong nandoon na ako sa sitwasyon, nakakapanghina pala ng loob, Diary.

Habang naglalakad ako sa hallway ng school, bawat taong nakakasalamuha ko ay napapatingin sa akin. Bawat taong nadadaanan ko ay nagbubulungan at panay rin ang sulyap sa akin. Animo'y ayaw ipaalam sa akin na pinaguusapan nila ako pero sa mga aksyon palang nila halatang-halata na.

Nanliit ako sa sarili ko, Diary. Parang unti-unting naniniwala ang sarili ko sa mga sinasabi nila. All of their claims sounds absurd actually and it is far from the truth.

I am not desperate.

I didn't ruin someone's relationship.

I am not beautiful.

But still, I have to go on.

Ganon rin ang scenario sa trabaho. Kahit ang Boss namin (Mama ni Kiefron) ay nakahalata ng tension sa cafe, mukhang pati rin siya ay may alam sa mga nangyayari sa social media.

Alam mo, Diary, muntik na akong mapaiyak nung time na 'yon. She smiled kindly at me and offered me to be the cashier for the day, she suggested na huwag muna ako maging waitress. It was just a small gesture but it meant a lot for me. Sobrang thankful ako kaya sino ako para humindi, plus, I need that too.

Lalo na't pati ang mga customers ay panay ang sulyap at bulungan mula sa mga sarili nilang upuan. And I can't help but overthink na baka— what if, ako ang pinaguusapan.

Kung ako ang waitress ngayong araw, I won't be in a good condition and there would be a big possibility that I may not be able to do my job right.

But ofcourse, destiny is such a funny thing. Ayaw parin ako tantanan ng kamalasan dahil biglang dumating si Kiefron.

Ofcourse, the issue hasn't died down yet, apparently it is at its peak. And having the two individuals who are involved in that issue stay in one place just adds the fire.

Nung nagtama ang paningin namin ni Kiefron, boy, I can really tell how the whole place silenced as their eyes was on us. Tila inaabangan ang susunod namin na gagawin. Tila ba'y nasa isa kaming pelikula, at kaming dalawa ang bida, but it is far from the truth.

Halos nanginginig ako doon sa cashier registrar, namutla, but I tried to ease it with a smile. Ako pa ang unang umiwas ng tingin, and I was thankful na may kasama si Kiefron kaya yung kasama niya ang nag-order.

I think my heart was touched for the second time, when his friend, she's a girl— although I'm not sure if they're a thing but that girl smiled at me and said, "Everything will be fine." I almost teared up again but fortunately I was able to thank her wholeheartedly.

Because of that, napaisip ako. Baka may mga mabubuting tao pang natitira sa mundo, I was just not able to meet the good ones.

Napapatanong nalang ako minsan sa Diyos. Bakit kailangang umabot sa gan'to ang kahirapan ko? Ganon ba kagrabe ang mga kasalanan ko para parusahan ako ng ganito? Nagmahal lang naman ako. Nasaktan. Napuno. Pero bakit kailangan pang umabot sa social media? Wala naman silang pake sa buhay ko.

I wanted to be strong so that I can overcome all the hurdles in my life, but right know, all I want is to give up and rest.

Mapayapang buhay, ba't ang hirap mong makamtan?

I thought I'm strong, but because of what is happening right now, I'm starting to doubt it.

Ang hina ko pala, ang duwag ko pala, ang hirap palang harapin ang problema mo kung tao na ang balakid. Akala ko matapang ako, akala ko matured na ako, and I thought I know better— pero hindi pala.

Sa trio namin, akala ko ako yung pinakamatino, ang matapang, at matured. But Kandra, proved me wrong.

Naalala ko kanina kung paano niya ipinakita sa akin ang realidad. Actually, alam ko 'yon. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Nasasaktan ako kasi parang ako pa ang masama when all this time I was the victim, infact I can go out there and tell them the truth but the possible backlash hindered me to do so.

Iniisip ko palang na may i-post ako ay naiisip ko na agad ang mga masasamang sasabihin nila. Kasi what if 'di sila maniwala? What if they will say that I am trying to make up stories? Natatakot akong di nila ako papanigan.

Pakiramdam ko wala akong kakampi. Alam ko naman na nandiyan ang mga kapatid ko, andiyan rin si Kandra at Rich, but my life doesn't work that way. Hindi ako masyadong nag-oopen up sa mga kapatid ko kasi nahihiya naman akong magdrama. Ang friendship rin namin ni Kandra at Rich ay hindi ganon ka open
or more like, ako lang ang hindi open.

Maaga kasing naging kami ni Samuel kaya sa kaniya ko nasasabi ang lahat ng pinagdadaanan ko. From my faves, to the things that infuriates me, and to the things that makes me happy. Humahapdi na naman ang puso ko kasi wala na pala.

Tapos na.

He's not my Samuel anymore and I am not his Kryiella. I didn't just lose a boyfriend, I lost a friend, I lost an ally, and I lost a love. I don't know if I can still love after him.

If someone will arrive— then he should brace himself. It would be a tough road for him to enter my heart.

Hay.

Sige na, tama na. Naiisingit ko na naman siya.

Matutulog na,
Kryiella





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro