46.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dear Diary,

Sa totoo lang, Diary. Masyadong roller coaster ang buhay ko ngayon. Sa sobrang roller-coaster naha-haggardu ecklavu na ako. HAHAHA! Nakakaloka talaga si, Natoy. 'Di ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa "haggardu ecklavu" niya eh. HAHAHAHA

Infairness sa kaniya ha. Somehow he always has his ways in cheering me up, in a way na hindi siya creepy.

Na i-istress na naman kasi ako. Sumabay na naman kasi ang mga quizzes, thesis, at reporting ko. Matik kailangan talaga ang time management pero alam mo naman na doon ako bobo. I can't manage my time efficiently but the important thing for me is tofinish it. Basta mairaos ko ok na.

Given pa sa situation ko ngayon regarding my issues. Sa mata ng lahat ngayon ako ang pinakasahol na tao. Marami ang ilag sa akin kaya pinakiusapan ko naman ang ang teacher ko if pwede na ako nalang ang gagawa ng reporting ko.

Alam ko mahihirapan ako, pero mas pipiliin kong mahirapang magisa kesa naman makihalubilo sa mga taong palihim palang kinukutya ako.

And since I signed up for this, namromroblema na naman ako kung pano ko siya ma-isisingit sa batak ko na schedule.

Change topic tayo, Diary.

It still feels surreal.

You know, how I am able to go on with my days without Sam. Tipong wala na akong hinahanap na goodnights and love yous niya. Tipong wala na pala akong mapagkwentuhan kung ano ang nangyari sa araw ko. Ang sakit parin pala.

Yung mga kaibigan ko naman, wala pa ulit kaming interaction pagkatapos nung nangyari. Ang tahimik nga ng gc naming eh at di ko naman alam kung paano sisimulan.

Tungkol nman sa mga issues ko, wala rin akong balita. Iniiwasan ko kasi ang social media ngayon pero siguro i-checheck ko pagkatapos kong mag-sulat dito.

Tao pa rin,
Kryiella

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro