5.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dear Diary,

Mukhang mangyayari na nga ang kinatatakutan ko, Diary. I'm not ready at all. Well, sino ba naman kasi ang handang masaktan diba?

Pero ayaw ko namang magbubulagbulagan lang. Tama si Kandra hindi ako bobo, at hindi rin ako bulag para hindi maramdaman na may mali na sa relasyon namin ni Sam.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong magalit dahil trinaydor niya ako, dapat ba akong masaktan kasi pinagmumukha niya akong tanga, o dapat ba akong malungkot dahil isa na namang tao na pinagkakatiwalaan ko ay iniwan ako. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko hanggang sa wala na akong maramdaman.

Ni isang patak ng luha ay walang lumabas sa mga mata ko. I feel nothing.

Kung ano man ang humihintay sa akin bukas ay hindi ko nais isipin. Ano kaya ang magiging reaksyon ko? Magagalit ba ako? Susugurin ko ba sila? Iiyak ba ako?

Kasi aminin ko man sa hindi, umaasa parin ako na hindi 'yon magagawa ni Samuel. Na baka nagkamali lang sila Kandra o baka namisunderstand lang nila si Samuel.

May tiwala ako kay Samuel.

Ramdam kong magiging mahaba ang araw bukas at sana makakatulog ako ng mahimbing ngayon despite of the things that I discovered. Goodnight Diary, I'm gonna talk to you about it tommorow nalang.

Feeling nothing,
Kryiella

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro