7.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dear Diary,

I wanna cry...

This day is just too exhausting. Well, palagi naman akong pagod, wala namang bago pero dahil sa nangyari kanina, mas trumiple pa ata. Haha.

Alam mo ba, Diary. I cooked chicken curry for Sam's lunch. 'Yon ang naisip kong ipagluto sa kaniya kasi fave niya 'yon. Kahit medjo gipit na ako, at kahit mahal yung ingredients, napagkasya ko parin. Ok lang, kasi pati yung mga kapatid ko ay napakain ko rin so there's no lose.

Ang saya pa nga nila eh. "Ate, kailan ka mag-cucurry ulit?" Naalala ko pa yung tanong ni Kyra sa akin, yung kababata kong kapatid. Wala akong maisagot, haha, hindi pa nga kami nakabayad ng renta tapos mag-cucurry pa kami ulit. Isa pa 'yang iisipin.

Pero ayon nga, dinala ko ang lunch sa department nila Sam. Since hindi ko nga siya ma-contact, nilunok ko ang hiya ko at nag-tanong tanong sa mga tao do'n.

I was surprised.

What Kandra and Rich said was right, sikat nga si Sam and Ericka. "Samericka" pa nga kuno. Ang bantot naman haha. It seems like wala silang alam na may girlfriend si Sam. Mukhang hindi ako nag-exist. Putangina.

I kept it in, I kept searching for him kahit na I was supposed to work na sa cafe na pinagtatrabahuhan ko. Nangangalay na ang mga paa ko kakalakad yet tiniis ko. Kasi mahal ko siya.

Putanginang pagmamahal 'to.

Hanggang sa nadatnan ko siya sa may cafeteria ng department nila. He was with a girl and I immediately guessed that it was Ericka.

Natahimik ako, natuod sa kinatatayuan ko. I never knew that the novels that I read, wherein the girl caught her guy cheating would happen to me. Literal na nanuyo ang mga lalamunan ko at hindi ko na malaman ang gagawin ko.

They look very happy, pareho silang nakangiti habang may pinag-uusapan. Nakapatong pa ang braso ni Sam sa balikat ni Ericka. Mukha silang magkasintahan sa lagay nila.

I'm a very rational person. Iniisip ko muna ng ilang beses ang isang bagay bago ko gagawin. Hindi ako nagpapadalos-dalos because I know that it will lead me up to no good.

But at that time... It felt like I'm not the Kry that I knew.

Fuck rationality— I went crazy!

I was betrayed, I was lied to, I was cheated on, I was fucked up.

And the next thing I knew, sinusuyod ko na ang daan patungo sa kaniya.

I became deaf towards the sounds around me, basta ang alam ko lang, gusto kong saktan si Sam, gusto ko siya'ng sampalin, gusto ko siya bugbugin. I was clouded by this thoughts.

I thirst for revenge and all I want is to quench that thirst.

I paused in my tracks right beside him, hinintay ko na mapansin niya ang presensya ko. And he did, everything went slow-mo when our eyes met.

I saw his smile slowly vanished. As if he knew that he fucked up.

Well, yes, he did fucked up.

At kinuha niya agad ang braso niyang nakapatong sa balikat nung babae.

Sinumbat ko siya. For the first time I lost my cool. Sinubukan niya akong pakalmahin, sabi niya pa ay huwag daw doon. Tangina talaga.

Nagtanong ang babae kung sino ako and then he denied me.

He said I was an ex.

Doon na nawala ang pasensya ko sa kaniya. Sinigawan ko siya, sinabi ko na sana nakipagbreak muna siya sa akin bago siya humanap ng iba. Na sana hindi niya ako pinagmukhang tanga.

Pero Diary, at that time, parang ibang Sam ang kilala ko. For the first time, he forcefully dragged me out. His grip was too tight that it caused a mark in my wrist right now.

You know the funny thing? Siya yung isa sa mga taong napagsabihan ko ng mga problema ko at trauma. He knew how I hate physical abuses. Konting sakit lang na-i-inflict sa akin, natatakot na agad ako.

Lalo na sa time na 'yon. For a brief moment I forgot my anger towards him, napalitan ng takot. Cause I think he's capable of hurting me now. He can definitely do it.

Lalo na't galit pa siya.

I was silently praying for someone to stop him.

Then it was answered.

Ang taong hindi ko pa inaasahan ang sasagip sa akin. It was his friend during highschool, Kiefron. Someone whom I barely talked too and someone who ignored me.

Nagulat pa ako sa sinabi niya.  "Ako na muna ang bahala sa shota mo, pre." He said it so seriously.

But the strange thing is, I felt his anger. His face that time looked like he's about to punch Sam in the face and when he looked at me, I saw his concern. My heart warmed because of that.

Napikon rin si Samuel dahil sa sinabi ni Kiefron kaya kinwelyuhan niya si Kiefron.

Doon na tumayo ang ibang bystanders para pigilan silang dalawa. Mas kinabahan pa nga ako lalo na't parang gaganti rin si Kiefron.

Tangina, hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at si Kiefron ang hinila ko para umalis doon at hindi si Samuel.

Nung nakita 'yon ni Samuel, pati ako nasigawan niya kung bakit si Kiefron ang kasama ko. Then I said, "Ex mo ako diba? Wala ka nang pake doon."

Hindi doon natapos ang araw ko dahil pagkaalis namin ni Kiefron biglang tumunog ang tiyan ko. Note that kasama ko pa siya. Parang gusto ko magpalamon sa lupa, or 'di kaya magkaroon ng pakpak para  lumipad nalang palayo.

Inaya niya akong kumain dahil do'n.

Gutom ako, pero wala akong ganang kumain. I have no plans of rejecting his offer though.

I'm so thankful of him, dahil sa ginawa niya, he hindered Sam of doing something na hanggang ngayon ay hindi ko parin inaasahan na magagawa niya.

Kaya inalok ko siya na sabayan nalang ako na kainin ang dala kong curry. It was good for two people anyways, it was suppose to be for Sam. Then shit happens.

If you're thinking that it would there, no Diary.

It's really weird cause he can see right through me. When he said, "Pwede kang umiyak." I cried.

NAKAKAHIYA!

Pero kasi nung sinabi niya 'yon hindi ko napigilan ang sarili ko! At sa hindi ko pa talaga kaclose! Nakakahiya, but the damage has been done.

I can't undo it anymore. Now I'm regretting it!

Sawi, nasaktan, at ginago,
Kryiella

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro