END

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

END - His POV

___________________

KIEFRON

Kailan nga ba nagsimula?

Sa totoo lang, hindi ko alam.

Pero naalala ko no'n, nakilala ko siya dahil sa basurahan.

Grade 7, where our highschool life will start. Kung minamalas nga naman, first day of school, ako agad ang isa sa mga cleaners.

Syempre, hindi ko pa gaanong kilala ang mga kaklase ko kaya hindi ko ma-charot na ako nalang ang sasara ng bintana tapos lilipad nalang paalis.

Apaka-tamad kong tao pero wala akong magawa nung inilahad sa akin ang dustpan. Inatasan sa akin na itapon ang mga basura.

Now looking back. Hindi ata iyon malas. Kung hindi dahil doon, hindi ko siya makilala.

Hindi ako mabait, hindi rin ako sumusunod sa mga patakaran, pasaway kumbaga. Isa sa mga hindi ko sinusunod ay ang pagtapon ng basura sa tamang basurahan. Non-biodegradable, biodegradable, at recyclable.

Nakakatamad mag-brainstorm kung saan ilalagay. Pwede namang deretso nalang sa isang basurahan. Noong pinick-up nga nung basurero ang basura sinasama naman niya ang biodegradable at non-bio, so para saan pa 'to?

I was about to throw all the garbage in one spill at the first container that caught my eye. But I was interrupted by a shout.

"Hoy!"

Mabilis ko namang nilingon. Isang babaeng pandak ang sumalubong sa paningin ko. She have a long hair, jet-black eyes, and a round cheeks. Her skin is tan at nakasampok ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Hindi ka ba tinuruan ng GMRC ng mga magulang mo?" pinal niya'ng tanong.

She crossed her arms at her chest.

Habang ako naman ay nakatanga sa kaniya. I blinked twice, anong problema ng babaeng 'to? My head tilted, trying to process what she said.

"Ha?" ang nasabi ko nalang.

She sighed and shook her head in dismay.

"Akin na nga 'yan!"

Nabigla ako nung hinablot niya ang dustpan na dala ko. I stepped back to maintain a safe distance. Sinunod ng mata ang bawat galaw niya. Nilagay niya ang mga plastic sa non-biodegradable na basurahan habang ang mga papel at alikabok ay diretso niya'ng tinapon sa biodegradable na basurahan.

She is weird. Why would she waste her time and efforts just for this.

"Oh," at inilahad niya sa akin ang dustpan. "Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng climate change eh." sabay alis.

Habang ako naman ay naiwan sa pwesto. Trying to process what happened again. Bitbit ko parin ang dustpan habang tinatanaw ang bulto niyang papalayo.

She is really weird.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at bumalik sa classroom.

Akala ko hindi ko na siya makakasalamuha ulit pero hindi.

Napadaan kami sa corridor ng kabilang section. Hindi ko sadyang napatingin sa loob ng classroom na 'yon pero nakita ko siya. For some reason, my eyes immediately recognized her.

Naka-tayo siya sa harap ng blackboard, sinusubukang patahimikin ang mga kaklase niya na.

"Manahimik na nga sabi eh!!!!" umalingawngaw ang matinis niya'ng boses.

My heart leaped in fright as I flinched. Napasapo agad ako sa dibdib ko habang nanlaki ang mga matang nakatingin sa babaeng kasing liit ng mushroom pero kung maksigaw ay aabot hanggang ibang bansa.

Pansin ko rin na natahimik ang mga kaklase niya.

"Salamat," sunod niya'ng ani at umupo sa upuan niya.

Habang ako napapatda pa rin sa kaniya dito sa labas ng classroom nila. Kahit ang mga kaklase niya ay hindi rin makaget-over sa nangyari.

"Katakot naman si, Kryiella."

"Kung ano ang kinaliit ng height, ganon naman kataas ang boses."

Kryiella.

Agad tumatak sa isipan ko ang pangalan niya. And I don't know why.

Hindi iyon ang huli kong kita sa kaniya. Kahit malaki ang school, maraming pagkakataon ko siya'ng nakita. Minsan sa canteen, bumibili ng pagkain. Minsan tuwing flag-ceremony, at madalas sa library.

At ang nakakapagtaka. . . Bakit palaging sinusundan siya ng mga mata ko?

Kahit isang libong tao ata ang kasama niya, makikita at makikita pa rin siya ng mata ko.

Parang bawat hibla ng buhok, paraan ng paglakad, at ang tunog ng tawa niya ay alalang-alala ng memorya ko.

Nakakagago na ang sarili ko. Nagmumukha akong may crush sa kaniya- teka, crush?

Crush ko ba siya?

"Pre, tinamaan na ata ako." amin ko sa kaibigan ko na ngumunguya ng hamburger.

"Tinamaan? Palagi ka namang may tama."

"Bobo! Crush kasi!"

He suddenly choked. "T-tubig-" dali-dali ko namang binuksan ang tubig para sa kaniya. Agad niya namang hinablot sabay laklak.

"Bakit?!" tanong niya agad nang makarecover na.

"Anong ano?" sumampok ang kilay ko.

"Ba't ka may crush? Akala ko ako lang? Pagkatapos ng pinagsamahan natin- Aray!" hindi ko napigilan ang kamay ko sa pagbatok sa kaniya.

"Seryoso kasi,"

"Uso pa pala yan? Sino ba? Ganda?"

"Oo." Totoo, maganda siya. Sa bawat sulyap ko sa kaniya mas lalong gumaganda siya sa paningin ko. How her long hair flew by the wind, how her cheeky smile made her eyes look small, and on how her she flashes her goofy faces to her friends.

I admired everything.

I was pulled away from my reverie when I my eyes caught her again. May dala siya'ng siomai kasama ang mga kaibigan niya.

"Pucha! Par, nandoon siya."

"Saan?" at luminga-linga.

Pinatong ko ang braso ko sa balikat niya. "Tumingin ka sa kanan, may makikita kang babaeng pandak at may dalang siomai."

"Siya?" at ang hinayupak tinuro pa nga. "Aray!" daing niya nung binali ko ang hintuturo niyang nakaturo kay Kry.

"Ituro mo pa! Ituro pa!" gigil kong sabi habang hindi parin binibitawan ang hintuturo niya.

"Aray! Aray! Tama na, tama na! Hindi na uulit!"

Binitawan ko naman ang daliri niya. Patuloy parin siya'ng dumadaing habang hinihimas-himas ang daliring binali ko.

This situation of mine went on for days, months, and years. Sa mga panahon na 'yon, mas lalo lamang ako nahulog sa kaniya. Pero kahit ganon, nanatiling nakatago ang mga damdamin ko.

Nakuntento akong pasulyap-sulyap nalang sa malayo. Ayaw ko mang aminin pero ang torpe ko. Ni hindi ko nga siya malapitan, ang umamin pa kaya.

She's too good to be mine.

Pero mapaglaro ang tadhana. Minsan nangagago, minsan pumpanig sayo.

"Pre, girlfriend ko nga pala. Si Kry." pagpapakilala ni Samuel kay Kry sa akin.

My mind went blank. A deafening silence rang in my ear that I can't seem to focus on what is happening now. Paunti-unting kumirot ang puso ko. I can almost hear it breaking.

"Ah," ang nasabi ko nalang.

Walang salitang lumabas sa bibig ko, I can't seem to process words in my mind. Co-congrats ba ako? Aasarin ko ba si Samuel? Tatawa? Magpanggap na ok lang kahit paunti-unti na akong nadudurog?

"Hello, Kiefron! Ang dami kong narinig tungkol sayo mula kay Samuel." she beamed.

And for the first time she smiled for me, but also for the first time,her smile didn't made my heart flutter. It made it ache for her. Pero kahit masakit, she really looks beautiful when she smile.

I honestly don't know what expression I have right now. Yet I tried, I tried maintaining a straight face.

"Talaga?" pekeng tawa ko. "Baka sinisiraan na ako ng utol ko." peke ko pang ngiti habang dahan-dahang nilingon si Samuel. Seryoso rin niyang pinagmasdan ako, halata sa mukha niya na tinatansiya niya kung ano ang gagawin ko.

Uwian na, magkasama ulit kami ni Samuel sa pag-uwi.

An awkward silence was present throughtout the day. Pareho kaming tahimik, walang nagtankang nagsalita habang sinusuyod naming ang daan patungo sa gate.

Hindi ko masisi si Samuel kung bakit niya nagustuhan si Kry. Siguro tinamaan rin kagaya ko. Pero hindi ko lang inaasahan na magshota sila agad. Hindi manlang ako nagkaroon ng tyansa lumaban, kahit ang umamin ay wala.

Deserve ko rin naman. Masyado akong nakampante at torpe, ni hindi ko manlang in-entertain ang posibilidad na may babakod kay Kry.

Kung matapang sana ako.

"Kiefron," tawag ni Sam.

"Ayos lang, pre."

"Kahit ako, hindi ko rin inasahan 'to. Basta bigla nalang nangyari."

"Paano kayo nagsimula?" kahit masakit, gusto ko malaman.

"Sa journalism."

"Ah,"

Natahimik ulit kami.

Tanaw na namin ang gate mula sa malayo, ilang hakbang nalang ay iiba na kami ng daan.

"Alagaan mo siya," ramdam kong napalingon siya sa akin. "Huwag mo siya'ng sasaktan. Pasayahin mo rin siya palagi at patawanin, dapat walang luha ang tutulo sa mga mata niya," mahaba kong litanya.

Nilingon siya at nagtama ang mga mata namin. "Sa oras na sasaktan mo, asahan mong aagawin ko siya sayo," dagdag ko.

"Hindi ko siya sasaktan."

Kahit papano ay kumalma ang puso ko. Naisip ko na kahit hindi ako, ang imporatante ay masaya siya at ligtas. Kahit 'yon nalang.

Pero kahit gan'on, kahit tanggap na nang puso ko na hindi talaga siya para sa akin. Nandoon parin ang kirot tuwing nakikita ko silang magkasama, nandoon ang punyal na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko.

Masakit talaga. Akala ko paghanga lang 'to, pero bakit ang sakit-sakit? Bakit tumagal ng ganito?

Mahal ko na ba?

Dahil sa sakit may nagagawa akong mga bagay na alam kong nagpapagulo kay Kry.

I ignored her, I acted snob, and I barely gave her any attention. Kasi ang puso ko, walang pundasyon para sa kaniya.

Hanggang umabot sa punto na umiiwas na ako sa kaniya. Pati na rin sa kaibigan ko. Alam kong napapansin 'yon ni Samuel, pero wala lang sya'ng sinasabi.

Torpe na nga, mahina pa. Daig ko pa ang bakla.

Lumipas ang panahon, dumaan ang shs at nakatungtong ako sa college. Nawalan ako ng konekesyon sa kanila, I never tried to reach out.

Akala ko tapos na ang drama ko sa kanila, akala ko wala na. Pero nung nakita ko siya sa cafeteria ng department namin, doon ko napgtanto na nandiyan pa.

Hindi pa rin pala ako naka-move on.

I'm still stuck at her, I'm still inlove with Kry. It never faded.

One thing led to another and it brought us here.

I slowly stirred the coffee until it combined colors. Kasalukuyan akong nasa café ng Wampiptea, the café my Mom owned near the vicinity of CNU.

Ang dami kong akala. Akala ko ito na, akala ko may tyansa na, akala ko pagkakataon ko na. Pero nung nakita ko silang magkasama ni Samuel, fear stirred in my heart along with confusion that sparked in my mind.

I though we will meet up, pero bakit si Samuel ang kasama.

Olats pa rin ba ako?

Pero papunta na sa akin si Kry ngayon. I wonder, will she reject me? Did she realize that she still love Samuel after all?

Ano ang laban ng 10 years ko na paghihintay sa 10 years na relasyon nila?

Nasa kalagitnaan ako ngpagmumuni nung biglang nag-ring ang chime ng door entrance.

The corner of my lips lifted, kahit sa pagbukas ng pinto alam ko na agad kung sino.

My head turned, and there I saw her, finally looking at me.

Funny thing, I always looked at her but now, it feels surreal that she is finally looking back.

"Uy!" bati ko. "Kape?" sabay taas ng tasa na may kape na kakagawa ko lang.

My heart leaped in joy when she flashed her cheeky smile. "Sure!" she beamed.

Pumwesto kami sa favorite naming pwesto dito sa café, a table for two located underneath the bulletin board who witnessed our exchanging of notes.

I guess this is it. Kung ano man ang mangyayari, rejected man o hindi. I will finally tell her my feelings. Ayaw ko nang maging duwag.

"Ikaw ba si Natoy?" ang naipon kong lakas ay biglang naglaho na parang bula.

Tangina! Palagi nalang ako binibigla ng babaeng 'to.

I pursed my lips and slowly smiled, my eyes are stuck staring at my hands that are sitting at the table surface. I can't make an eyecontact with her.

"Pano mo nalaman?"

"Ang obvious kaya, hindi ka marunong magtago ng mga ebidensya."

"Oo, ako nga si Natoy. Ang mahal na mahal ka." I mustered the courage and looked up to met her eyes. "I-rereject mo na ba ako?" biro ko para pagaanin ang tension.

"Hindi kami nagkabalikan, diba sabi ko, I have no plans on opening another chapter with him. Matagal nang may tuldok ang sa amin," she said as she looked right straight to my eyes.

Tangina! Anga babaeng 'to talaga ang papatay sa akin.

"I know that you saw us, pero I promise, wala na talaga. Ikaw naman talaga ang kikitan ko pero for some reasons, he knew our appointment. He also tried to make me believe that he is Natoy. Hindi ko rin alam paano niya nalaman-"

"Hey-hey, calm down. Chill! Oo na! Gets ko na! Tama na! Nag-mumukha kang defensive oh." asar ko.

She frowned. "Seryoso kasi, Kief!" she huffed.

"Kry, I love you. Would you believe me if I love you for 10 years? I know it sounds impossible especially when we haven't even talked before but I just did. I am formally asking you; can I court you-"

"Hep! Hep!" bigla niyang itinaas ang palad niya. "Wait, hindi pwede."

I wasn't able to process it immediately. I blinked twice and tilted my head.

"Kasi ako ang manliligaw sayo."

Mas lalong hindi ko naprocess ang sinabi nya.

"Ha?"

"You waited for me for 10 years. Now it's my turn."

Everything snapped. I felt my world started moving again. The pain that was there is finally gone.

"Kung ganon, sinasagot na kita!" I said. She facepalmed.

"No." pinal niya naman ani.

My brows furrowed, "Bakit?" maktol ko.

"Sabi ko na nga bang sasagutin mo 'ko agad eh." she giggled. "Kiefron, ayaw ko maging unfair. Kakagaling ko lang sa break up, at sa katunayan takot ako na baka magkatotoo ang sinasabi nila baka gagawin kitang rebound." biglang pagseryoso niya.

Hinuli ko ang pisnge niya. " Huwag mong iisipin yan. Kilala kita, alam kong hindi ka ganoong klaseng tao."

"Awam kuh nhamam," she struggled speaking kaya binitawan ko ang pisnge niya. "Kiefron, there is a big chance that maybe I am overwhelmed by the attention that you're giving me. Pero sigurado naman ako na ikaw pipiliin ko."

My lips trembled, trying to contain the smile. Tangna, totoo na ba talaga 'to?

"Ano ba! Sumosobra ka na," sabay tago ng umiinit ko na mukha sa palad ko.

I heard her hearty laugh before I felt her fingers removing my hands that is covering my face. "Patingin nga ng kinikilig," dagdag niya pa pero ungot na lang ang na-ani ko.

She successfully removed my hands, she smiled when she saw my face. "My point is, I want to be sure of my feelings. I don't want to commit knowing that I might not give you the assurance that you deserve, and definitely the assurance to myself too. Can you still wait for me?" Her eyes lit up, hopeful for my response.

"Oo, kayang-kaya pa kitang hintayin. Kahit umabot pa sa punto na puputi ang buhok ko. Nahintay kita ng sampung taon, basic na sa akin kung madagadagan," pagmamalaki ko.

Basta ikaw, Kryiella. Handa akong hintayin ka, lalo na't dito ka sa harap ko, nakatitig na rin pabalik sa akin.

END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro