Episode 3 - White Teeth Teens

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Previous Episode: Pumunta sina Clellan at Dolon sa isang club kasi tutugtog doon ang banda nila Dolon na Oh, Claire. Habang napuno ng tunog ng guitar, ingay ng drum, at tili ng kababaihan ang buong lugar, nahagip ng paningin ni Clellan ang lalaking umiiyak na pumasok sa banyo 'tapos sinundan ito ng isang misteryosong lalaking nakasuot ng itim. Dahil sa lumalagong kuryusidad, sumunod siya roon at nadatnang kinagat 'yong lalaki ng isang bampira hanggang sa bawian ng buhay. Isusunod na sana siya nito, pero 'buti na lang at iniligtas siya ni Rojo.

Episode 3 - White Teeth Teens

THIRD PERSON

A day ago . . .

Pumailanlang sa paligid ang tili ng mga binabae nang maglakad sa pasilyo ang White Teeth Teens na binubuo nina Agassi, Devin, Heisen, at Rojo. Kasalukuyan silang patungo sa kani-kanilang silid habang ang kumpulan ng mga estudyanteng kanilang nadaraanan ay nahawi at parang bulateng sinabuyan ng asin ang ilan sa mga ito.

      "Sana, lab gown na lang ako," kinikilig na wika n'ong isang binabae.

      "Ang lalaki ay para sa lalaki!" sabi ng isa pa, tila nagwewelga.

      Unang miyembro ay si Agassi Chevrolet (Shev-ruh-lay). First year, from the Faculty of Medicine. Parte siya ng Student Council. Nakasuot siya ng lab gown dahil mayro'n silang laboratory assessment sa unang subject sa hapon. Pero kahit gano'n ay mukhang kampante lang ito. Kasalukuyan pa nga niyang binabasa ang kaniyang paboritong BL novel na "The Bathroom Love Affair" ni xPANICx.

      "Kainggit naman ang mga chikiting na ito," bulong ni Agassi sa sarili, pagtukoy niya roon sa dalawang bida ng kaniyang binabasa na sina Eros at Zach. Wala talaga siyang pakialam sa kung ano man ang nangyayari sa paligid niya.

      Pangalawa, si Devin Woodall. First year, from the Faculty of Allied Health Sciences. Arogante ang asta nito habang naglalakad; sanay na sanay na sa mga reaksyon ng mga tagahanga nila. Binansagan din siyang "girl market" sa kadahilanang pinagpipiyestahan siya ng mga kababaihan sa labas ng kanilang unibersidad, online, at sa iba't ibang clubs.

      "Hi, fans!" Kumaway-kaway si Devin sa mga estudyante. "Kalma, ako lang 'to, oh!"

      Pangatlo, si Heisen (Hay-sen) Kamins. First year, from the Faculty of Dentistry. Gaya ni Agassi, kasalukuyan din siyang nakasuot ng lab gown. Miyembro din siya ng Student Council. Maputi ang kaniyang mga ngipin; tila kumislap pa nga ang isa nang ibalandra niya ito. Papasa na siyang model sa isang toothpaste commercial. Kaya lang, mainitin ang ulo niya kaya parati siyang pinapakalma ni Devin.

      "Ano, p're, upakan ko na ba 'yong isang bading? Kindatan ba naman ako," tiim-bagang na tanong ni Heisen, nagpupuyos sa galit.

      "That's homophobic, Heisen," komento ni Agassi.

      "Just cool it, dude," pagpigil ni Devin. "'Wag kang magsimula ng gulo rito."

      At ang huli naman ay si Rouvon John Del Grosso o mas kilala bilang Rojo. First year, from the Faculty of Medicine. Kaklase niya si Agassi. Pero 'di tulad nito, wala siyang suot na lab gown. Naka-uniform lang siya—white long sleeves na may tie at saka itim na slacks. Nagsusumigaw ng kapangyarihan ang buong pagkatao niya.

      "Kita na lang tayo after classes," malamig na turan ni Rojo. Umoo naman ang kaniyang mga kasama gamit ang kanilang mga kilay 'tapos doon na sila naghiwa-hiwalay.

*****

      Nang magpaalam na ang araw sa kalangitan, mag-isang sinusuyod ni Devin ang kanilang unibersidad. May mahalagang bagay raw kasing gagawin si Rojo; kailangan niyang magtungo sa Luna Roja. Samantalang nasa opisina naman ng Student Council sina Agassi at Heisen dahil mayroon silang biglaang pagpupulong.

      Patalon-talon si Devin na parang isang batang pinayagan ng kaniyang magulang na magpunta sa perya. Kasalukuyan niyang tinatahak ang daan patungo sa isang abandonadong gusali na nakabukod. Hinuha niya, doon tumatambay ang mga mag-aaral na bahagi ng Scream Bloody Murder, organisasyong kumakalaban sa School Director ng Dupont University.

      "Hindi nila tayo nauunawaan." Naulinigan ni Devin ang boses sa di-kalayuan. "Kailangan nating ipaintindi sa kanila kung ano ang gusto natin; karapatan natin 'yon."

      Sabay-sabay na sumagot ang mga kasamahan nito ng, "Tama! Tama!"

      Nagkubli si Devin sa isang haligi, sakto lang ang laki para 'di mapansin ang katawan niya. Madilim man, 'di pa rin nakaligtas sa paningin niya ang kulay dilaw na karatula na nagsasaad ng: Restricted Area. Do Not Enter. Authorized Personnel Only.

      "Bukas na bukas, doon tayo magprotesta sa dormitory. Kailangang maliwanagan ang schoolmates natin sa 'ting objective. Malay n'yo, may mga sasang-ayon sa 'tin doon 'tapos aanib sa 'ting grupo," anang tumatayong lider ng Scream Bloody Murder.

      Habang nagtatago na parang isang kriminal, napabulong si Devin sa kaniyang sarili: "Humanda kayo. Kukunin ko lang ang laruan ko."

      Ang tinutukoy niyang laruan ay 'yong artipisyal na pangil na pambampira. Nais niyang takutin ang isa sa mga ito para magtanda. Kilala rin kasi si Devin Woodall sa hilig niyang mam-prank sa kapuwa niya estudyante.

      Yumuko siya, humakbang nang mabagal, sinisigurong 'di siya makalilikha ng ano mang ingay upang magtagumpay siya sa kaniyang binabalak. Di-kaginsa-ginsa, nabunggo niya ang isa sa mga roommate ni Clellan—si Siggfried Camann o Sigg.

      Sinalubong niya ang tingin ni Sigg; nakataas ang isang kilay nito saka ang mga braso ay nakakrus at ang mga kamay nito'y nakatago sa kaniyang kili-kili.

      Dahil sa lumalagong kuryusidad, nagsaboy si Sigg ng kuwestiyon: "Ano'ng ginagawa mo rito, ha?"

      Tumayo nang maayos si Devin, umangat ang kanto ng kaniyang mga labi habang 'di tinatantanan ang mga mata ni Sigg. Wala siyang maisagot sa tanong na inihagis nito sa mukha niya kaya kinailangan niyang ibalik ang katanungan sa binatilyo. "Ikaw, ano ang ginagawa mo rito? Alam kong alam mo na kung sino ako, kung sino-sino ang mga kaibigan ko. Eh, kung isumbong kaya kita sa mga kaibigan kong member ng Student Council na pumunta ka rito sa ipinagbabawal na area?" Garantisado siyang 'di siya paparusahan nina Agassi at Heisen.

      'Di nagpatinag si Sigg. Tumaas din ang gilid ng kaniyang labi bago magsabi ng, "Eh, para mo na ring isinuplong ang sarili mo?" Ikiniling niya ang ulo niya. "Bobo ka ba?"

      Napatiim-bagang si Devin sa sinabi ni Sigg, halatang hindi nagustuhan ng magkabila niyang tainga ang narinig. Tino-torture na niya ang binata sa kaniyang isip.

      "Ano'ng sabi mo?" napabulalas si Devin, bakas na bakas sa hitsura nito na nababanas na siya sa kaniyang kaharap. Bigla na lang niyang tinulak si Sigg sa isang pader. Walang patumpik-tumpik niyang pinutol ang distansya sa pagitan nilang dalawa 'tapos sinungkit niya ang kuwelyo nito at iniangat nang bahagya.

      Nagkasukatan sila ng tingin, parehong matatalim na titig ang ipinupukol sa isa't isa, walang nagpatalo. Hanggang sa bigla na lang nagboluntaryong sumuko ang mga mata ni Devin at dumako ang tingin niya kung saan-saan maliban sa mukha ni Sigg. Sa halip na galit ang mangibabaw, may kakaiba siyang naramdaman sa binata kahit saglit pa lang silang nagkatitigan. Napalunok siya ng laway; sobrang bilis ng kabog ng kaniyang puso na animo'y may karerang nagaganap sa loob nito.

      Ano itong nararamdaman ko? Fuck, no, no. Binugbog ni Devin ang sarili sa isip; hindi niya matantiya kung bakit niya 'yon nadama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro