Episode 4 - A Fang for a Fang

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N: It's been a while since I last updated this story. As promised, here's the first update for this month (siguro, once a week ang update hehez). Thanks so much for waiting!

Episode 4 - A Fang for a Fang

THIRD PERSON

Naghihingalo na ang araw sa alapaap no’ng tinawagan si Rojo ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Rory Colmillos Del Grosso. Magkikita sana sila ng mga kaibigan niya ngunit tumawag ang kuya niya kaya kaagad siyang nagtungo sa Luna Roja. Mabilis siyang nakarating doon ’pagkat magkalapit lang ang siyudad ng Luna Roja at Dupont.

      Makaraan ang halos bente minutos, tuluyan nang huminto ang taxing sinasakyan ni Rojo sa tapat ng mansyon. Nang makabayad, bumaba na siya at agad na nag-doorbell. Mabilis pa sa alas-kuwatro na nagpakita sa kaniya si Rory at pinapasok siya sa loob.

      Lumukso si Rojo sa Welcome doormat at saka nagbato ng tanong: “So, what do you need from me, kuya?”

      Tinapunan siya ng tingin ni Rory, banat nang bahagya ang mga labi nito. Muntikan na nitong masabing, You’re so straightforward, bro. Hindi ka man lang nangumusta. Subalit sa halip na isatinig ’yon, binigyan na lang din siya nito ng angkop na sagot: “You see, I’m going on a date. Aside from teaching me some conversation starters, p’wede mo rin ba ’kong tulungan sa mga susuotin ko?”

      Umangat ang kanto ng mga labi ni Rojo at saka puno ng kumpiyansang nagbitiw ng, “Of course! Sa mga bagay na tulad nito, alam na alam n’yo naman kung sino ang lalapitan.”

      Ngumisngis lang si Rory.

      Pagkatapos niyang tulungan ang kaniyang nakatatandang kapatid sa susuotin nito, dali-dali itong nagpaalam, halatang sabik na sabik nang makita ang ka-date nito.

      Samantala, naiwan naman si Rojo sa mansyon. Wala naman siyang gagawin sa Dupont kaya napagpasyahan niyang manatili muna roon at magpahinga nang ilang oras sa malambot na sofa.

      Ngunit napamulagat siya nang dumaan sa paligid ng magkabila niyang tainga ang nakababahalang ingay na sa tantiya niya ay nagmumula sa kusina. There’s someone in the kitchen, isip-isip niya.

      Awtomatiko siyang napatayo, naalarma, at saka karaka-rakang nagkubli sa maputlang pader.

      Naulinigan niyang may mga natatapong bagay, na nasundan pa ng pagkalansing ng mga kubyertos, at pagkabasag ng mga baso.

      Bigla na lang nagngangalit ang kaniyang mga ngipin. May magnanakaw. Pero kakaiba siya. Parang kauri namin, ang sabi ng utak ni Rojo. He’s rummaging the kitchen, as though he’s searching for something important to him. What is it?

      Kasing-bilis ng kidlat na lumipat si Rojo mula sa salas papunta sa kusina kung saan may isang lalaking naghahalungkat ng mga kagamitan. Nang maramdaman nito ang presensya ni Rojo, dagli itong humarap sa kaniya. Dumaan ang pagkagulat sa mga mata nito; namimilog ang mga ito na parang mga barya.

      “What the heck are you doing here?” ang naibulalas ni Rojo sa lalaki. Agad na naging kulay-dugo ang kaniyang mga mata at saka binalandra niya pa ang nakausli niyang mga pangil.

      Akmang tatakbo ang lalaki patungo sa lugar kung saan siya dumaan kanina, pero mabuti na lang at dali-daling nahuli ni Rojo ang palapulsuhan nito saka walang pasabing inihagis papunta sa salas, dahilan upang mahati sa dalawa ang maliit na mesang binagsakan nito. Napahaluyhoy sa sakit ang akyat-bahay.

      Hindi pa man nakatatayo ang magnanakaw, mabilis na pinutol ni Rojo ang distansya ng kusina at salas para malapitan ito. Kinuwelyuhan niya ang lalaki at pagkatapos ay pinaulanan ng suntok.

      “Wala akong”—bogsh!—“gagawing masama”—bogsh!—“sa ’yo”—bogsh!—“kaya pakawalan mo”—bogsh!—“na ’ko!”

      Hanggang sa umigting ang panga ng lalaki at unti-unting nag-iba ng kulay ang nanlilisik nitong mga mata—naging kulay-presa rin kagaya ng kay Rojo. Tuluyang huminto si Rojo sa pagsuntok sa akyat-bahay nang mapansin ang mga mata nito.

      Di-kaginsa-ginsa, nakatanggap si Rojo ng napakalakas na sipa mula sa lalaki kaya tumilapon siya sa puting pader, dahilan para mabitak ito nang kaunti. Napaupo siya at napahalinghing sa sakit.

      Mabilis pa sa alas-kuwatro na tumungo ang lalaki sa harap ni Rojo at pagkatapos ay umikot ito sabay taas ng kaniyang isang paa. Sa puntong humarap ulit ito kay Rojo, malakas na tumama ang paa nito sa kaniyang pisngi. Nasubsob ang mukha ni Rojo sa sahig at saka dumura siya ng laway na nahaluan ng kulay-presang likido.

      Akma itong hahakbang pasulong para tumakas, pero agad niyang naikapit ang kamay niya sa binti nito ’tapos hinila, dahilan upang matumba ito at mangudngod ang mukha sa sahig.

      Kagyat na bumangon si Rojo at pagkatapos ay dinaganan ang lalaki. Pinihit niya ang dalawang bisig nito patalikod. Nagpakawala ng ungol ang magnanakaw sa ginawa ni Rojo.

      Makalipas ang ilang sandali’y tuluyan na niyang naipuwesto ang akyat-bahay sa isang upuan at iginapos ang mga kamay at paa nito gamit ang kadena. Nagpadala na rin siya ng mensahe sa kuya niya na si Rory na may pumasok sa loob ng mansyon—walang iba kundi si Akihiro Chavez, ang unang taong nahawaan ni Rory bilang isang bampira.

      “Ano ang ginagawa mo rito sa mansyon? Just answer my question already!” nanggagalaiting wika ni Rojo kay Akihiro. Pero tikom lang ang bibig ng huli; matalim na tingin ang ipinupukol nito sa kaniya.

      Napigtas na ang natitirang pasensiya ni Rojo kaya wala na siyang ibang pagpipilian kundi gamitin ang isa pa niyang abilidad. Bukod sa di-pangkaraniwang bilis at lakas, may isa pa siyang kakayahan na tinatawag na Tactile Telepathy. Kaya niyang basahin ang nasa isip ng tao, bampira, taong lobo, o mangkukulam sa pamamagitan ng paghawak.

      Tumindig si Rojo at dahan-dahang nilapitan si Akihiro. “I don’t know much about you, except that you are Kuya Rory’s first sired . . .” Pumuwesto siya sa likuran nito pagkatapos niyang sambitin ’yon.

      “Let me go, for fuck’s sake!” iyak ni Akihiro. Nagpumiglas ito ngunit mahigpit ang pagkakatali sa kaniya sa upuan. Pumailanlang sa buong mansyon ang ingay ng paulit-ulit na pagtama ng binti ng silya sa sahig.

      Ipinatong ni Rojo ang isa niyang kamay sa balikat ni Akihiro. Bumuntonghininga siya ’tapos isinara niya ang kaniyang mga mata. Isang matinding konsentrasyon ang kinakailangan niya para mabasa ang nilalaman ng isip nito.

      Pagkaraan ng ilang minuto, sa wakas ay naapuhap na niya ang angkop na tugon sa kuwestiyong gumugulo sa kaniyang isipan. Rumehistro pa ang pinaghalong gulat at galit sa mga mata niya.

      “You wanted to steal the silver blades that can put us, the original vampires, to eternal sleep, you son of a gun!” nagngingitngit na wika ni Rojo.

      Kasing-bilis ng kidlat siyang nakalipat sa harap ng unang taong hinawaan ni Rory ng pagiging bampira. Sinakal niya ito, dahilan upang mas lalo itong gumalaw-galaw, nahihirapan sa paghinga. Halos pumutok na rin ang mga ugat nito sa noo. Pilit nitong binuka ang bibig ngunit hindi talaga nito magawang magbitiw ng kahit isang salita sapagkat pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak ni Rojo sa kaniyang leeg.

      Maya-maya pa’y natigil siya sa ginagawa nang may sumigaw ng: “Stop it, Rojo! Leave it to me!”

      Pinihit niya ang kaniyang leeg patungo sa nagsalita at napabitiw kay Akihiro. Napaubo naman ang huli at naghahabol ng hininga. Ang kaninang lalaking nakatayo sa pintuan ay kaharap na nila ngayon. Walang iba kundi si Rory Colmillos Del Grosso.

      Humakbang paurong si Rojo habang nagkasalikop ang mga bisig niya sa harap ng kaniyang dibdib.

      “What did I tell you, Chavez?” sikmat ni Rory, nagkakulay-dugo na rin ang mga mata nito. “’Pag nagkatagpo ulit ang landas nating dalawa, I’ll fucking end you!”

      Sa mga sumunod na minuto, umalingawngaw ang sunod-sunod na pagdaing ni Akihiro. Sampal dito, suntok doon. Hiyaw rito, ungol doon. Habang si Rojo naman ay prenteng nakaupo sa malambot na sofa habang pinagmamasdan ang dalawa.

      “Y-you killed . . . you killed Hadassah,” nanlalatang sabi ni Akihiro. “E-even though . . . she didn’t do anything wrong.”

      Ang tinutukoy niyang Hadassah ay ang kaniyang kasintahan. May karamdaman noon si Akihiro pero nagsumamo siya kay Rory na gawin siyang bampira. Sa panibago niyang buhay, nakilala niya si Hadassah, isang taong lobo, at kalaunan ay naging nobya niya. Kaya lang, may masamang balak ang babae, kasama ang iba pang taong lobo, sa mga Del Grosso. Subalit sa huli, tumaob ang lamesa—si Rory ang tumapos sa buhay ni Hadassah.

      “How many times do I have to knock some sense into your head? Hadassah was a traitor, for crying out loud!” bulyaw ni Rory kay Akihiro. “Ginawa ko lang kung ano sa tingin ko ang nararapat.”

      Hindi sumagot si Akihiro. Kahit nanghihina, muli siyang nagpumiglas. Ang tanging nasa isip niya ay kailangan niyang makawala para mapatay si Rory. A fang for a fang, ang naglalaro sa kaniyang isipan.

      “Killing us, the original vampires, is like throwing straws against the wind, Chavez,” biglaang pagsingit ni Rojo habang nakataas ang gilid ng kaniyang mga labi.

      Binalingan siya ng kaniyang nakatatandang kapatid. “Ako na ang bahala rito, Rojo. You can go now.”

      Tumango-tango naman si Rojo bilang tugon at kaagad na nagpaalam sa kapatid. Nang maglaho ito, nagpatuloy si Rory sa pagpapahirap kay Akihiro. Muli na namang umalingawngaw ang sigaw ng huli.

      Akmang tutuluyan na niya ito nang may biglang sumulpot sa magkabilang gilid nito. Witches, agad na rumehistro sa utak ni Rory. Apat na mangkukulam ang tumabi kay Akihiro: dalawang babae at dalawang lalaki na pare-parehong nakasuot ng kulay-ubeng kasuotan, ang itim nilang buhok ay nahaluan ng kulay-abo, at napapalamutian ng kulay-uling ang kanilang mga labi.

      Dahan-dahang napaatras si Rory nang magsimulang umungot ng inkantasyon ang tatlong mangkukulam na magkahawak ng kamay. Samantala, ang isa naman ay kinakalas ang kadenang nakatali kay Akihiro. Sanhi ng pagbigkas nila ng mga salitang may kapangyarihan, naglakbay iyon sa hangin at pumalibot sa ulo ng isa sa mga orihinal na bampira hanggang sa lumikha iyon ng matinding sakit.

      Napahilot si Rory sa kaniyang sentido. Parang tinutusok ng daang-daang karayom at pinupukpok ng martilyo ang kaniyang ulo. Paulit-ulit na naglakbay sa paligid ng tainga niya ang malalabong salitang binibigkas nila na humihikayat ng mahika. Ang sigaw ng utak niya, Stop it, please! Stop! Hanggang sa tuluyang bumigay ang magkabila niyang tuhod.

      Kalaunan, nang makawala na si Akihiro mula sa pagkakagapos, tinulungan siya ng mga mangkukulam na tumayo nang maayos. Pagkalipas ng ilang segundo, tuluyan silang naglaho na parang bula at iniwan si Rory na nagdurusa sa matinding sakit na sumalakay sa katawan niya.

*****

      Sa kasalukuyan, makikita si Rojo sa loob ng kanilang dormitoryo habang nakahawak ng champagne glass na may lamang kulay-presang likido. Nakatitig siya sa litrato ng isang babaeng iniligtas niya, maraming dekada na ang nakararaan, mula sa pagkakahulog sa mataas na gusali.

      Pagkatapos, bigla namang umeksena sa kaniyang isipan ang mukha ng binatang hindi niya makalilimutan, at iniligtas niya rin ito noong nahulog ito sa kanilang dormitoryo.

      Mas gumulo pa ang isip ni Rojo sa kadahilanang ang babaeng iniligtas niya noon at ang binata sa kasalukuyan ay magkamukhang-magkamukha.

      “Who are you . . . Clellan?”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro