KABANATA IV: Pagod

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Maglalakas loob na ko. Hindi ko na kaya 'to. Kailangan ko nang ilabas ang lahat ng 'to.

Nandito ako ngayon sa tapat ng Guidance Office. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Nagdadalawang isip akong pumasok.

Ugh... ba't ba ang hirap naman? Talaga bang magsasalita na ko?

Huminga naman ako nang malalim at tumingin sa doorknob.

"Okay... this is it..." Hinawakan ko naman 'yong doorknob at pinihit para buksan 'yong pinto.

Habang unti-unti kong binubuka ang pintuan, siya namang paglakas ng kalabog ng dibdib ko.

Am I really doing this? Am I ready for this?

"Good morning, Ma'am." Ngumiti naman ako at nilingon naman niya ko.

Huminga naman siya nang malalim at humalukipkip sabay ngiti.

"Diyos ko! Akala ko naman kung sino! Maka-ma'am ah? Feeling estudyante lang ha?" natatawa niyang sambit.

I smiled timidly.

"May problema ba?" Napakunot-noo naman siya nang makita niya 'yong ngiti kong 'yon.

Napalunok naman ako at pilit pa ring ngumiti kahit nahihirapan na ko sa sitwasyon. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Para bang may nakabarang bato sa lalamunan ko na hindi ko malunok-lunok.

Natatakot kasi ako na baka, hindi ko alam, ako lang pala talaga ang may diperensya. Baka ako lang 'tong hindi nakakaintindi.

"E... Ma'am Yem kasi..." I gulped. "M-May... uhm... h-hihingi lang po sana ako ng advice."

"Ahuh? So what kind of advice do you need? Wait, drop the Ma'am. Magkasing-edad lang naman tayo." She chuckled and leaned against her chair.

"Ah e... love advice?" nag-aalinlangan kong sagot sa kanya.

"Hmm... so why do you need an advice about that? Is there something wrong?" Nag-iba naman ang ekspresyon sa mukha niya tila ni-turn on ko ang curiousity mode niya.

"Yeah. A—I mean, hindi naman siguro talagang... problema. Gusto ko lang malaman kung... tama ba 'yong ginagawa ko?" Lumunok naman ako at humugot ng hininga bago nagpatuloy.

"Look kasi ganito 'yan, Ma'am. We both know that Paul is a workaholic person. May mga times na wala na talaga kaming time for each other. Yes, I admit that, at first, nahirapan ako and madalas naming pag-awayan 'yong bagay na 'yon."

"Hmm... okay..." Tumango siya.

"Pero... as time goes by, nasanay na rin ako at naiintindihan ko na rin siya. Okay lang sa'kin kahit na hindi na kami makapag-usap o kaya magkita. Kung minsan din, wala rin akong natatanggap na text sa kanya. Hindi ko rin naman siya inoobliga."

She pursed her lips and stared at me more.

"Do you think I did the right thing? 'Yong hinayaan ko na lang na magkaganito. Yung... pinabayaan ko na lang siya dahil alam kong doon siya masaya at nabanggit din naman niya noon na hindi lang naman para sa kanya 'yong ginagawa niya. Ginagawa rin naman niya 'yon para sa'min. Tama naman na iniintindi ko na lang siya 'di ba?"

After telling her my thoughts, she rested her elbow on her desk and put her hand under her chin. She stared at me for a while as if she's carefully observing me.

"Bakit mo ginagawa 'yon?" Mataman naman niya kong tinitigan.

"Ha? E-E... ginagawa ko 'yon kasi 'yon ang naman ang dapat 'di ba?"

Huminga naman siya nang malalim.

"Listen carefully, Rayanne. Kahit na tama 'yong ginagawa mo pero mali naman ang dahilan mo kung bakit mo ginagawa ang isang bagay, well... hindi pa rin siya tama. At saka isa pa, huwag mong paikutin ang mundo mo sa kanya. You have to be independent. Hindi ko sinasabing magpaka-busy ka para sa kanya."

I could hardly gulp. Somehow, I can't help but agree with her. She has a point.

"What I'm trying to tell you is... try to get busy too, but not because you want to get even with him. Gawin mo 'yon dahil sa gusto mo. Minsan, you have to do things not because you have to. Huwag si Paul ang gawin mong rason. Learn to do things for yourself especially if you feel it's going to make you a better person."

"So... what you're trying to tell me is... intindihin ko siya dahil... gusto ko?" Mataman ko naman siyang tiningnan.

"Precisely, Rayanne. Doing things for what your heart truly desires. Hindi dahil may dahilan ka. Intindihin mo siya kasi 'yon ang gusto mo. Kasi if you look on the other side na ang ginagawa mong pag-intindi ay dahil sa ganito 'tsaka ganyan, ang magiging tanong diyan, Rayanne, hanggang kailan? Hanggang kailan mo siya iintindihin? Kung ganoon ang mind set mo, I'm telling you, mauubos ka."

Hindi naman na ko nakapagsalita matapos nang sinabi ni Yem. Napaisip kasi ako sa sinabi niya at may point nga naman siya. May mali pa rin pala sa ginagawa ko.

Akala ko tama na 'yong iniintindi ko siya dahil sa rason kong 'yon ang dapat. Mayroon pa rin palang tama at mali sa pag-iintindi. At least, ngayon alam ko na mali pa rin pala ako. May panahon pa ko para itama 'yon.

Nagpasalamat naman ako kay Yem matapos nang usapan namin. Nakatulong din nang malaki ang pakikipag-usap ko sa kanya. Gumaan rin ang pakiramdam ko at nakahinga nang maluwag.

For the first time in forever, nagising ako nang maaga!

E kailangan e. Seven o'clock kasi dapat nasa school na ko dahil sa pre-final exam. Correction, ako 'yong magpapa-exam syempre.

"Himala? Ang aga mong gumising?" pagtataka naman ni Mama nang makalabas na ko ng kwarto. Okay na kami.

Hindi ko rin naman matiis na hindi siya kausapin. She's my mother after all. Kahit madalas kaming hindi magkasundo, I still love her. It will always be that way.

"Exam namin sa pre-finals. Ay este—pre-finals exam po kasi. Maaga 'yong una kong babantayang klase." Napakamot naman ako ng buhok.

"Bangag ka pa nga. Nagulat ako sa'yo e. May exam ka e tapos ka ng mag-aral. E since maaga kang gumising, ikaw na maghanda ng breakfast." Ngingisi-ngisi naman si Mama.

Pinagsamantalahan na naman ako ng nanay ko.

Ito ang ayaw ko pag nagigising ng umaga e. Malagkit na nga sa pakiramdam, lalo pang manlalagkit 'yong pakiramdam ko nito dahil sa usok. Para akong iniihaw 'pag natatamaan ng usok.

Tamang-tama pa. Medyo kalahi pa ng baboy ang peg ko 'di ba?

Mabilis ko namang natapos lahat ng kailangan kong gawin bago umalis papuntang school. Dahil sa sobrang aga ng gising ko, aantok-antok pa ko sa biyahe. Sabayan mo pa ng matinding traffic. Nagfefeeling EDSA kasi 'tong P. Tuazon.

Napatingin naman ako sa relo ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko 'yong oras. Fifteen minutes na lang before seven AM pero nandito pa rin ako sa P. Tuazon!

Naknang toots naman oh! Hindi naman ako pwedeng bumaba para lakarin.

Duh?! Ang layo kaya!

Haggard ako nito pagdating sa klase!

Umusad naman ang daloy ng trapiko makalipas ang pitong minuto. Pero nakanang tutcha talaga, hindi pa rin ako aabot nito kung nakaupo lang ako dito.

I took a sigh and patiently waited for the car to move. Buti na lang kahit papaano aircon kasi FX. Pero kung jeep 'to, malamang banas ako nito.

"Naknang... ang dami ko ng hinihintay ah? Pati ba naman sasakyan nakikisawsaw pa?" anas ko at nasapo ang noo ko.

Bigla namang pumasok sa isipan kong tawagan si Paul. I wonder if he's already in the school. Makikisuyo na lang muna ako na siya na bahala sa unang class na babantayan ko kung sakaling 'di ako umabot.

I dialed his number and then tinapat ko ang cellphone sa aking tainga.

"Hello, Stam. Nasa sch—"

"Sta—aya—wag—dit—ko—ay..."

"Stam, 'di kita maintindihan."

"Sa—ko, mam—ya—ka—tu—ag—na—go—"

"Okay. Okay, tawag na lang ako ulit."

Damn, signal. Muli kong ni-dial ang numero niya at tinawagan siya.

"Hello Stam, tinatanong ko kanina kung nasa schoo—"

"Wala pa nga ako sa school! Nandito pa ko sa bahay! Naliligo pa ako! Male-late na ko!" asik niya't pinutol ang tawag.

Natahimik at natigilan ako sa pagbulyaw niyang 'yon. Naramdaman ko ang panginginig sa'king kamay at sa takot na mahulog ko ang cellphone ay dalawang kamay kong hinawakan 'yon. Ngayon lang ako nakatikim ng sigaw mula sa kanya.

Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang gawin niya 'yon lalo na nung binaba na niya 'yong tawag. Bigla ko namang naramdaman 'yong panghihina ng mga tuhod ko sa nangyari. Naramdaman ko ang panlalambot at panginginig ng sistema ko.

"Manong, p-para po..." nasabi ko na lang at dahan-dahan naman akong bumaba.

Pero masyado akong nanghina kaya muntikan pa kong mahulog sa FX. Buti na lang nahawakan agad ako ng katabi ko, kaya naman 'di ako tuluyang tumumba sa lupa. Inalalayan niya kong makababa.

Sumakay ako ng tricycle pabalik sa bahay. Hindi maalis sa isip ko 'yong nangyari at nandoon pa rin 'yong nginig ko. Hindi naman siya ganoon dati. Parang napakalamig na niya. Madalas na siyang nagiging masungit at walang pakialam sa'kin.

Hindi. Siguro nung last time, pagod lang siguro siya.

Pero ito? Ano 'tong nangyari? Aksidente lang? 'Di sadya? Don't tell me hindi siya aware sa ginawa niya?

Baka nadala lang ng emosyon niya.

Lagi na lang ba emosyon ang dapat sisihin? Hindi ba't kontrolado naman natin 'yong mga bagay na yan?

"Saan ka ba, Miss?" the tricycle driver asked, breaking me out of my thoughts.

Gano'n pa man, tulala pa rin ako at wala sa sariling nilingon ang tricycle driver.

Hininto niya 'yong tricycle at yumuko para tingnan ako. "Okay ka lang ba, Miss?"

Tumingin naman ako sa labas at doon ko lang napagtanto na nasa tapat na pala kami ng condominium.

"Dito na lang po." Binigay ko naman ang bayad ko at bumaba na.

Mga ilang saglit pa, nakarating na rin ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Sa sobrang uhaw ko pa nga, tinungga ko na 'yong bote. Matapos kong uminom, wala ako sa sariling naupo sa sofa.

Nagsimula na naman sa pangungulit ang isipan ko. Iniisip ko kung bakit ganoon na lang ang pagka-cold niya sa'kin. Lately, he's like that. I didn't mind it at first.

But now that he showed another sign of coldness, I'm starting to think that there's something wrong. I'm trying to fight the sadness within me, but it is tenacious.

Ano bang kinagalit niya? 'Yong pagtawag ko ulit? Hindi ko lang naman siya naintindihan nung una kaya tumawag ako ulit. Malay ko bang naliligo siya?

This has gone too far. Halos hindi na nga niya ko tinetext. But still, wala siyang naririnig mula sa'kin. Pag nasa school kami, ni hindi na rin niya ko masyadong pinapansin. He is acting cold lately.

Darn! Mahirap bang bumati kahit "Good morning" pag nakakasalubong ka niya?! Ganoon ba talaga siya ka-busy para 'di ka na niya mapansin? Masyado bang masakit sa bulsa magpaload?

Kinuha ko naman 'yong cellphone ko sa bulsa ko. I typed his number and was about to press the call button, but something held me back. Hindi sa hindi ko ito mapindot.

Hindi ko lang talaga alam kung tatawagan ko ba siya o hindi. Para bang umuurong 'yong tiyan ko ngayon sa takot na baka kung ano pang masabi ko.


Ako:

Stam... sorry. Sorry kung nakulitan ka sa'kin. Pasensya na po. Pero, hindi mo naman ako kailangang sigawan.


In the end, tinext ko na lang siya. E kasi parang hindi pa ko handang kausapin siya dahil nanginginig pa ko nang dahil sa nangyari. Sa sobrang pag-iisip ko sa nangyari kanina, natutulala na lang ako.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Paul doon. I immediately grabbed my phone and read his reply.

At hanggang sa text, ramdam ko ang coldness niya. Kahit pa nagsorry na siya.


Stam:

Sorry. My Fault. Ikaw kasi. Sinabi ko ng naliligo ako. Kala ko naintindihan mo ko.


Kasalanan ko ba kung choppy ka? E sa hindi kita maintindihan kaya tinawagan kita ulit! Sorry na ha?!

Hays. Well, I guess ako naman nga yata talaga 'yong may mali.

Hays. Oo na may fault ka rin pero hindi niya kailangang manigaw. May ganoon ba talagang factor, Rayanne?

Oo na. Masakit masigawan ng taong mahal mo. Pero 'di naman ako masisigawan kung hindi rin naman dahil sa kagagahan ko 'di ba?

Pero bakit sobra naman yata 'to? Pwede naman niya kong kausapin nang maayos 'di ba? Yung hindi pabalang o naiinis. Pati sa text niya, 'yong sorry niya para bang labag pa rin sa kanya. 'Di naman siya ganyan dati. Parang pakiramdam ko, wala na akong ginawang tama sa relasyon namin.

Siguro nga ganoon na ang tingin niya sa'kin.


Ako:

Pasensya na sa istorbo. Hayaan mo na muna akong makapag-isip. Makapag-isip sa kasalanang nagawa ko...


Nanginginig ang mga kamay kong ni-type yan. Natatakot ako na baka ma-misinterpret na naman niya ko.

Kilalang-kilala ko na si Paul. For almost three years na magkasama kami, kapag nagkakaganito kami, kinakabahan ako. Dahil alam ko kung saan papunta ang mga ganitong usapan namin. Ayoko na ulit mapunta kami sa sitwasyon na 'yon.

Pero kasalanan ko ba kung kinailangan ko muna ng kaunting oras para mag-isip-isip?

At, hindi nga ako nagkamali.

Dahil sa sumunod na text na pinadala niya sa'kin, mistulang tumigil ang mundo.


Stam:

Sige hahayaan na lang muna kita. Siguro nga, mas makabubuting bigyan na kita ng space.


Nanginginig ang mga kamay kong ni-dial ang number niya para tawagan siya. At nang sinagot naman niya 'yon, agad akong nagsalita kahit na medyo nanginginig pa ako.

"Stam... anong ibig mong sabihi—"

"Ayoko na," pamumutol naman niya na siyang nakapagpahinto sa'kin nang husto.

Nagmistulang bato ako sa pwesto ko, hindi makapaniwala sa narinig. Pero kahit na anong sakit ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ako nagpatalo doon at nagsalita pa rin.

"Stam... di ba sabi nating dalawa, hindi papasok sa isip natin yang word na yan? This is not the solution to our problem. Huwag ka namang padalos-dalos. Mapapag-usapan pa naman natin—"

"Hindi ko na kaya. Ayoko na," aniya sa basag ang boses.

Nahihirapan din siyang huminga at panay ang pagsinghap niya. Hindi pa rin humuhupa ang takot at kaba sa puso ko. Nanginginig ang mga kamay ko.

"Paul, listen to me. Maayos natin 'to. We just need to talk about this. Ayokong bitawan ka. I can never ever do it. No, I won't do it. Maniwala ka naman sanang maayos pa tay—"

"Rayanne, please... palayain mo na ako..."

"No, Paul... ayoko... please... huwag ganito," pagmamakaawa ko.

"Nahihirapan na ko... ang hirap-hirap na, Rayanne..."

"Paul... please huwag mo naman akong iwan—"

"Pagod na ko! Hindi ko na kaya 'tong sitwasyon natin! Pagod na pagod na ko sa'ting dalawa!"

Natigilan muli ako, unti-unting pumikit ang mga mata ko sa hapding bumalot sa puso ko. Ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang nakawala at dumaloy sa aking pisngi. Hindi ko alam kung paano pa ulit ako magsasalita dahil sa kung anong tumusok sa puso ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon sa kanya.

"Sorry, Rayanne, but I have to do this. Mas lalo lang magiging mahirap para sa'tin kung ipagpapatuloy pa natin 'to. Masyado na tayong nagkakasakitang dalawa. Hindi ko na kaya lahat ng ito. Hirap na hirap na ko. Napakarami ko ng priorities sa buhay. I'm doing this for the two of us."

Tumikhim muna ako bago magsalita ulit. Nalalasahan ko na ang mga luha ko kaya naman pinunasan ko 'yon gamit ang likod ng aking kamay. I paused for a while to contain myself.

"Paul... ako rin naman nahihirapan na sitwasyon natin..." I paused again to refrain from sobbing.

Naghintay ako na magsalita siya pero tumahimik lang siya.

"'Yong pagiging busy mo na nagiging dahilan nang pagkawala mo ng oras sa'ting dalawa, kahit na mahirap sa'kin 'yon, tiniis ko 'yon dahil mahal kita at ginawa ko 'yon hindi lang dahil sa 'yon ang gusto mo."

Hindi siya umimik. Rinig ko ang mahinang paghikbi niya sa kabilang linya.

"N-Nag-adjust ako para lang hindi na mauwi sa ganito ang lahat. Kinausap ko pa si Yem para humingi ng advice at dahil doon, mas naintindihan ko na dapat ay gawin ko ang mga bagay na 'yon hindi dahil lang sa gusto mo..." I sobbed more.

Narinig ko ang singhap niya sa kabilang linya. Kahit pa hirap na kong magsalita dahil sa mabigat na kumokonsumo sa'kin, nagpatuloy pa rin ako.

"Dapat ay gusto ko rin. Naging mahirap rin para sa'kin ang mga 'yon pero hindi kita sinukuan dahil naniniwala akong... naniniwala akong... kaya natin 'to. Basta b-ba w-walang... bibitaw. Basta..." Hindi ko na napagpatuloy ang gusto kong sabihin dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"I'm sorry, Rayanne. But... it's not working anymore. Let's just stop this. Mahirap din para sa'kin 'to pero... ito lang ang nakikita kong paraan para hindi na tayo mahirapan," namamaos niyang utas.

"Pero Paul... mas mahihirapan ako sa gagawin mo. You're asking me to let go... t-to leave your life. Don't you think this is too much, Paul...?" mamaos-maos kong sabi habang patuloy na rumagasa ang luha sa'king pisngi.

"N-No, it's not what I meant to do. Hindi kita inaalis sa buhay ko... masyado kitang mahal para gawin 'yon," he said in a husky tone.

"Hindi... ba pwedeng h'wag na lang ganito...?"

Ilang sandaling natahimik ang kabilang linya. Tanging mabigat na paghinga lang niya ang naririnig ko na sinasabayan din ng bawat mahirap na paghinga ko. Ni hindi na nga ako makahinga nang maayos dahil sa barado na ang ilong ko sa kakaiyak.

"Kahit sana maghiwalay tayo, friends pa rin. Okay lang ba 'yon?" Si Paul.

Hindi ko alam, Paul. Masyadong masakit 'tong ginagawa mo sa'kin ngayon. Hindi ko alam kung kakayanin kong maging magkaibigan tayo matapos nito. Dahil alam ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi lang magiging kaibigan ang turing ko sa'yo. It will be always beyond that.

Tumikhim muna ako bago sumagot sa kanyang masaklap na tanong.

"O-Oo naman..." Mapait akong ngumiti sa kawalan habang dumadaloy ang luha sa aking pisngi.

"Thank you..." Narinig ko naman siyang suminghap bago nagpatuloy, "Thank you for everything..."

"W-Wala 'yon..."

Hindi ko maiwasang mapapikit sa sobrang sakit ng eksenang 'to sa buhay ko.

"Oy... huwag kang masyadong magpaapekto dito ah. Pumasok ka ngay—"

"A-I can't, Paul. Magpapahinga na lang muna ako."

"Ah... sige... pahinga ka na lang muna. Ibaba ko na 'to. Kailangan ko nang pumasok. Okay lang ba sa'yo?"

Pilit ko namang pinagdidikit ang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko ngayong ibaba na niya ang phone. Pero huminga ako nang malalim at pinilit na sagutin siya.

"Oo naman..." Tumikhim naman ako. "Sige bye..."

"Bye... Rayanne." Nararamdaman ko namang malungkot siya nung sinabi niya 'yon.

"A-I... love you..." Napapikit naman ako, umaasang sasagutin niya ang sinabi kong 'yon.

Narinig ko siyang suminghap bago sumagot, "I... love you too..."

Matapos no'n ay binaba na niya ang phone na siyang nagpatindi ng pagtulo ng luha ko. Hindi ko mapigilan ang paghikbi sa sobrang sakit at halos hindi na rin ako makahinga sa sobrang bigat ng loob ko. Wala na kong nagawa kundi ang mapayuko sa aking mga tuhod at... patuloy na umiyak. Hindi ko na alam kung paano pipigilan ang pag-agos ng aking luha.

Pagod na ko.

Pero... ito pa rin ako, umiiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro