KABANATA LV: Keepers

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Memories.

As long as you live, they're gonna be there. Hangga't humihinga ka, maalala't maaalala mo sila. Isang bagay lang na konektado sa isang partikular na alaala, makakalabit nito ang lahat.

Some people believe that if a certain memory lingers on, it means you haven't moved on. Ibig sabihin, naaapektuhan ka pa rin ng pangyayaring 'yon.

Everything I saw that night was still vivid in my memory. My eyes couldn't leave the screen. I couldn't believe what I was staring at. Marahan kong i-ni-scroll ang mouse habang mataman kong binabasa ang conversation ni Paul sa isang lalaki.


Paul:

Mahal, ayos ba outfit ko?


Lanz:

Ayos na ayos! Cute naman ng mahal ko na yan!


Mahal? Are they...

Hindi, Rayanne. Nakwento niya sayo na may best friend siya 'di ba? Maybe that was him.

Pero ba't parang ang sweet naman nila sa isa't isa? Gano'n ba talaga pag mag-best friend? Hindi naman kami ganito ni Mike! Hindi kami nagsasabihan ng "I love you"!

Baka sobrang close lang talaga nitong si Paul 'tsaka Lanz?

Nakaawang ang bibig ko habang binabasa pa ang mga nauna nilang usapan. Alam kong hindi tama 'tong ginawa ko. Pero masyadong mataas ang kuryoso't emosyon ko para tumigil. Pakiramdam ko ay may dapat akong malaman. May dapat akong makita.

Patuloy lang ako sa pag-scroll up sa conversation hanggang sa marating ko ang pinakaunang usapan nila. The pain within me intensified when I realized it all started just before he broke up with me.

Hindi ko napigilan ang pagguhit ng mapait na ngisi sa'king labi. Tears crawled down my cheeks as I stared at the screen.


Lanz:

I love you!


Paul:

I love you too!


Those chats happened a day before our break up. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa mouse, napapaisip kung itutuloy pa ba ang pagbabasa sa conversation nila. Pero parang nagkaroon ng sariling utak ang kamay ko't nagpatuloy lang sa pag-scroll.


Lanz:

Mahal, may gift ako sayo. Itago mo sa pinaka-folder mo ha?


Paul:

Sure, Mahal! <3


Nanghihina akong sumandal sa upuan ko, hindi pa rin makapaniwala sa nabasa at nakita sa conversation nila. Hindi lang basta usapan ang laman no'n. May mga maseselang litrato na talagang ikinatigil ng mundo ko nang mga oras na 'yon.

Hindi rin ako makapaniwala sa mga napagtanto ko. Sa katotohanang bumalaga sa'kin. Halos magmukha akong tanga sa pwesto ko habang paudlot-udlot na ngumingisi sa kawalan.

Masakit na ngang naiwan. Mas masakit pa pala pag nalaman mong pinaniwala ka sa isang kasinungaligan. Mas masakit pa pala na malaman mong nagdusa ka sa walang kakwenta-kwentang bagay. Sa hindi naman dapat pagdusahan. 

Halos araw-araw akong nag-isip at paulit-ulit na kinuwestiyon ang sarili kung sa'n ba ko nagkamali! Kung sa'n ba ko nagkulang!

Ang alaalang 'yon ang naging laman ng isipan ko habang nagmamaneho patungo sa bar na sinabi ni Riane. Sa oras na 'yon, walang tumulong luha sa mga mata ko. Hindi katulad noon na sa tuwing maiisip ko ang naganap na hiwalayan namin ay hindi maaaring hindi ako maiiyak.

Nalihis na lang ang isip ko kay Reandre nang makarating ako sa nasabing lugar. Naglalaban ang liwanag at dilim sa langit, hudyat na patapos na naman ang araw. Medyo natagalan ako sa biyahe dahil sa rush hour.

The smell of liquor and cigarette welcomed me as I entered the bar. Sumalubong din sa'kin ang malakas na tugtugin. Marami ring tao sa lugar kaya nakadagdag din 'yon sa ingay ng palagid. Gitgitan din kaya hindi maiwasang masangga ng kung sino-sino.

My gaze roamed the place, searching for Reandre and my friends. Napabuntong-hininga na lang ako nang hindi sila nahanap.

Damn, where are they?

Abala akong nililibot ang tingin sa lugar nang may biglang kumapit sa palapulsuan ko. Babawiin ko na sana ang palapulsuan ko nang bigla kong makitang si Riane pala ang humawak sa'kin. Hinila niya ko palapit sa kanya.

"Riane!"

"Come on! Kailangan na kailangan ka na talaga namin!" Nagsimula naman siyang igiya ako sa kung saan.

Pumasok kami sa elevator at naghintay 'yon na huminto sa tamang palapag. Nakatingin lang ako sa floor indicator hanggang huminto 'yon sa fifth floor. As the elevator opened, loud music bombarded my ears. Pero 'di tulad no'ng nasa ibaba, medyo kaunti ang tao rito.

Karamihan sa mga naroon ay mga kilala't sikat na tao sa iba't ibang industriya. Nahagip din ng mata ko ang magkakapatid na Del Gallego. I was a bit intimidated by their sophisticated looks. Masasabi mo talagang mayayaman sila.

Paglabas namin ng elevator, agad na lumipad ang atensyon ko sa isang banda. Malayo pa lang ay narinig ko na ang isang pamilyar na boses. Hindi ko pa nakikita ay alam ko na kung sino 'yon. Nang matunton na ang kinaroroonan nila, agad ding dumapo ang tingin ko kay Reandre na pinagpipilitan ang hiningi kay Achi.

He wore a navy blue dress shirt with sleeves rolled up to his elbows. Ilang araw lang kaming hindi nagkita ay napansin ko na agad ang kaunting paghaba ng kanyang balbas at bigote. His hair was quite disheveled, making him look hot kahit pa mukha siyang miserable sa inaasal niya ngayon.

"Reandre... I think you had enou—"

"No, Achi! Give me more!" He lifted his index finger. "Kaya ko pa..."

Achi looked at me, frustrated. Mukhang humihingi na ng saklolo sa pagiging makulit ni Reandre. Nakatitig din sa'kin sina Chan at Riane na tila sinasabing ako lang ang sagot sa sitwasyon dito.

May mga mangilan-ngilan na nakatingin sa direksyon namin. May mga bulungan din na, probably, si Reandre ang alam ng mga 'yon.

Hindi ko rin naman alam kung bakit siya nagkakaganito. Maski ako ay naghahanap ng kasagutan. Seeing him like this puzzled me. Is it possible that he's still not over his ex?

But he already started dating again, right? Don't tell me ginagamit niya lang na panakip butas ang naka-date niyang 'yon?

I sighed heavily as I looked at Achi again. I nodded once and he immediately got it. I swallowed hard before nearing the bar counter. I sat on the bar stool beside Reandre. I cleared my throat, making him look at me.

His droopy eyes lingered on me for a fleeting moment. He then looked away, shifting his gaze to the glass of whiskey that Achi put in front of him. Hindi ko alam kung ako lang 'to o parang may galit siya sa'kin.

He stared into space as if he didn't care about my existence. Annoyed by the fact he ignored me, I scoffed and glared at him.

"Ano? Gusto mo na lang bang magsunog-baga buong buhay mo?" I leaned my forearm on the bar counter.

"Go home, Rayanne...." His voice was husky and cold.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Achi. He then looked at Reandre and licked his lips.

"Reandre, you should go home with her," Achi advised as he nodded once.

Tila bingi at hindi pinansin ni Reandre ang sinabi niya. Marahan na pinaikot-ikot ni Reandre ang baso ng whiskey habang nakatingin pa rin sa kawalan. I began to feel frustrated about his cold actions.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka humihinto riyan," I retorted.

He closed his eyes and heaved a sigh. "Don't be so stubborn. Just go home, Rayanne."

Nilagok naman niya nang isang beses ang isang baso ng whiskey. Marahas siyang bumuga ng hangin at pabalagbag na nilapag ang baso sa counter. Para bang mas nag-alab ang iritasyon sa sistema niya dahil sa nalagok na whiskey, kunot-noo niyang sinipat si Achi.

"One more glass, Achi," aniya, may pagbabanta sa boses niya.

"No, Achi. He had enough." Hahablutin ko na sana ang baso pero nahuli niya ang palapulsuan ko.

"Kaya ko ang sarili ko, Rayanne. Go fucking home..." mariin niyang utas.

"No, Reandre. Pag sinabi kong hindi ako aalis—"

"Damn it, Rayanne! Just go home!" he bellowed, making me close my eyes and move back a bit.

His bloodshot eyes lingered on mine for a moment. Kitang-kita ko ang prustasyon sa mga mata niya. Tila ba nagsusumamong tumigil na ko at hayaan na lang siya. Na iwanan na lamang siya.

His grip on my wrist loosened. He swallowed hard as he let go of it slowly.

"Just go home, please..." he muttered.

My brow furrowed as I shook my head languidly.

"Shit..." Pabalagbag niyang binagsak ang kamao niya sa bar counter.

"No, Reandre," I said with an air of finality.

"Damn it! Just leave, Rayanne!" He caterwauled.

"I said I won't!" I chided. "I won't leave you here! Ano bang problema mo ha?!"

A sarcastic smirk plastered on his lips. "Anong problema ko? You wanna know what my problem is?!"

He turned his gaze on me and clenched his jaw. Hindi ko mawari kung galit o prustasyon ba ang nakikita ko sa mga mata niya. Tila ba naputol ko ang kahuli-hulihang hibla ng pasensya niya.

"This!" Tinuro niya ang dibdib niya. "This is my problem! Heto 'yong problema dahil kahit anong pigil ko sa kanya, ayaw niyang huminto! That no matter how fucking hard I try to convince it to be happy with your choice, it won't fucking accept it!"

Mas lalong kumunot ang noo ko, naguguluhan dahil hindi ko pa rin maintindihan kung saan siya nanggagaling.

"I don't... I can't understand, Rayanne! Hindi ko maintindihan kung bakit si Paul pa rin! You still chose him after all the shits he put you through! You could've chosen someone better!"

Wala akong masabi. I remained silent as I looked at him, confused. He ran his fingers through his hair in a swift motion.

"You still chose him despite the fact that Mike could treat you better..." Huminga siya nang malalim. "Pero ano, bumalik lang siya nawindang na naman ang mundo mo! Umasa ako na hindi ka na babalik sa kanya... na hindi mo na pipiliin ulit si Paul... na kahit... kahit si Mike na lang..."

He lowered his head. Nakatitig ako sa kanya habang ginugulo ng maraming katanungan ang isipan ko at dinarayo ng lungkot ang puso ko. Why is my choice such a big deal to him? And where did he get that conclusion that I chose Paul? He was there himself when I didn't make a choice at all.

Lalo lang nanunuot ang pait sa sistema ko ngayong tila pinapaubaya niya ko kay Mike.

Napansin kong kumunot ang noo niya na tila nahihirapan sa kung anong dahilan. His jaw clenched. Mga ilang saglit pa'y nag-angat siya ng tingin sa'kin at napawi ang kunot ng noo ko dahil sa sumunod niyang sinabi.

"Kahit pinsan ko na lang piliin mo..." He smiled bitterly. "Kahit... kahit hindi na ako..."

Natigilan ako sa huli niyang sinabi. I couldn't believe what I've just heard. Words failed me as I watched his tears crawled down his cheeks. Mapait siyang ngumiti kahit pa humihikbi, piniplit na maging masaya kaya hindi.

"Even though... I saw you first..." He bit his lower lip, lowering his head again.

Words failed me and I couldn't tear my gaze away from him. Tila prinoproseso pa rin ng sistema ko ang mga sinasabi niya. I finally understood him. Alam ko 'yon sa sarili ko pero naroon pa rin ang pangamba na baka nag-iilusyon lang ako. Na baka ako lang ang nag-iisip na may nararamdaman din siya para sa'kin.

"Should it be... finders keepers? I found you first..." His somber gaze lingered on mine as another tear ran down his cheek. "I loved you first..."

Uminit ang sulok ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Napaawang ang bibig ko sa mga huling salitang lumabas sa kanya. Hindi ko alam kung anong unang dadamhin: saya o lungkot. Masaya dahil sa nalamang mahal niya rin ako. Malungkot dahil sa pagpapaubaya niya sa'kin.

But in the midst of these emotions, I was also confused by his word. What does he mean by he found me first? That... he loved me first?

My train of thought got distracted when a punch was thrown at him. Nabigla ako't napaatras nang bahagya dahil do'n. My eyes widened a fraction when Mike grabbed Reandre's collar. Nagtatagis ang bagang at nanlilisik ang mga mata niya kay Reandre nang higitin niya 'to palapit sa kanya.

Agad ko namang dinaluhan si Mike para pigilan pero masyado siyang nagmatigas.

"Mike! Stop it!" Sinubukan ko siyang higitin palayo.

"'Wag kang makialam dito, Rayanne!" Tinabig niya ko kaya naman napaatras ako.

Muntikan na kong mawalan ng balanse. Buti na lang agad din akong nadaluhan ni Riane para alalayan.

"You traitor!" He fumed. "Didn't I tell you not to get in my way?! I warned you! Not her, Reandre! Not her!"

Mapait na ngumisi si Reandre at hinawakan ang palapulsuan ni Mike. Muli naman siyang binigyan ng suntok sa mukha ni Mike. Bumagsak sa sahig si Reandre, tila walang balak na lumaban sa pinsan. Para bang tatanggapin na lang niya ang lahat ng ibibigay na suntok ng pinsan niya at wala siyang pakialam kung mabasag ang mukha niya.

This violent scene is what I was avoiding to happen. Hetong nag-aaway sila dahil sa'kin. Hetong nasisira ang pagiging magpinsan nila dahil sa'kin.

I closed my eyes, frustrated. No matter how hard I try to stop this from happening, it still happened. I was left with no choice but to face it. Dahil 'yon naman talaga ang dapat kong gawin, the fact that I am indeed in love with Reandre. Masyado akong naging takot magpakatotoo dahil alam kong may ibang masasaktan.

To the point that I didn't realize I was hurting the one I love too for being a coward.

Nilapitan siyang muli ni Mike at kinuwelyuhan ulit siya. "Wala kang isang salita, Reandre! Wala kang kwentang—"

"Mike, tama na!" Muli kong dinaluhan si Mike para higitin pero hindi siya nagpatinag.

Lumapit na rin sila Achi at Chan para tulungan ako sa kanilang dalawa.

"Wala kang kwentang kausap, Reandre! I told you to back off!"

"I said stop it!"

"Lumayo kayo! I'm not done with Reandre!"

"I said fucking stop!" I pushed him with all my might. "Tumigil ka na, Mike! I already told you to stop!"

Hinampas ko siya nang hinampas sa sobrang prustasyon. Kahit pa nilubayan na niya si Reandre at nakatayo na, hindi ako tumigil ng paghampas sa dibdib niya.

"Rayanne!"

Sinubukan niyang hulihin ang mga kamay ko pero iniwasan ko 'yon at nagpatuloy sa paghampas sa kanya.

"Rayanne! Stop it!" mariin niyang utas nang sa wakas ay nahuli niya ang mga palapulsuan ko. "Why are you so mad at me?!"

We both glared at each other. Mabilis ang paghinga ko dahil sa magkakahalong emosyon na bumabalot sa sistema ko.

"Why the hell are you defending him?!" He clenched his jaw. "Why?!"

Hindi ako nakaimik, nanatiling nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.

His brow furrowed as he smirked. "D-Don't tell me... you're in love with him?"

"Mike—" magsasalita pa sana si Achi pero agad pinutol ni Mike 'yon.

"Stay out of this, Achi!" Mike broke in without gazing away from me. "What, Rayanne? Are you in love with Reandre huh?"

I swallowed hard as I clenched my jaw.

"Say it!" He bellowed. "What?! Do you love him—"

"Yes!" I exploded as I pulled my wrist out of his grip. "Yes! I do love him!"

"No..." He shook his head languidly. "You can't be in love with him!"

"Who are you to decide on that?! Who are you to tell me who to love?!"

His brow furrowed even more. "You can't love him, Rayanne!"

"I will love who I want, Mike! You don't have the fucking control to my heart!"

I was breathing heavily caused by the raging emotions conquering me. Do'n ko lang naramdaman na tumulo na pala ang mga luha ko. Dahil kahit papaano, nakaramdaman pa rin ako ng awa sa kanya. Dahil naramdaman ko rin namang totoo ang ipinagtapat niya sa'kin.

Nakaukit ang prustasyon sa kanyang mukha. He looked defeated. Mukhang napagtanto rin niyang hindi na magbabago ang nararamdaman ko. Na hindi niya maapektuhan 'yon kahit anong pagtangging gawin niya.

I shifted my attention to Reandre. Nilapitan ko siya't nilagay ang braso niya sa balikat ko. I helped him get up. 'Di kalaunan ay tumulong din sina Riane at Chan sa'kin na akayain siya.

"I-I don't get it, Rayanne..." Mike scoffed. "I don't get it why him..."

I looked at him with bleary eyes. Kahit ako, tinatanong ko rin ang sarili ko niyan. Even I can't answer that.

Bumaling ako kay Riane at tinanguan siyang minsan. Nakuha naman niya agad ang senyas kong 'yon at nagsimula na kaming maglakad para dalhin sa sasakyan ko si Reandre. Balak pa sana kaming habulin ni Mike pero narinig ko si Chan na agad siyang pinagsabihan na hayaan na lang kami.

Hindi naman gaanong napunta sa'min ang bigat ni Reandre dahil nakakaya pa rin niyang maglakad kahit papaano. Hindi lang din maiwasang pagewang-gewang kami dahil na rin sa medyo marami-rami na ring siyang nainom.

Tinulungan ako ni Riane hanggang sa maipasok namin siya sa shotgun seat ng sasakyan ko. Nakapikit siyang sumandal sa headrest pero hindi niya napigilan ang pagbagsak no'n dahil sa kalasingan. Sinarado ko naman ang pinto sa side niya bago nag-angat ng tingin ulit kay Riane.

I sighed as I smiled weakly at her. "I'll take it from here. Thank you, Riane."

"Focus on Reandre. Don't worry about Mike. Kami na bahala sa kanya."

Yumuko ako, nakokonsensyang iiwan sa kanila si Mike.

"I'm sorry..."

Riane sighed and held my shoulders. "You don't have to be sorry for being real. For being honest with your feelings."

"Still, nakasakit ako."

"You are not responsible for his feelings. It's Mike's. Sinabi mo na rin naman sa kanya 'di ba na hindi mo siya mabibigyan ng chance? Siya pa rin ang nagpupumilit. It's his choice so it's for him to deal with his emotions."

Hinanap ni Riane ang mga mata ko at agad kong nakita ang matinding pag-aalala roon. Hindi ko napigilang maluha at mapayakap nang mahigpit sa kanya. I sobbed as tears crawled down my cheeks relentlessly. She caressed my hair and hugged me even more.

I'm so thankful that I have a best friend like her. I found a sister in her. Wala sa haba ng panahon at hindi nasusukat sa tagal ng pagsasama ang totoong pagkakaibigan. 

"Siguro naman... it's crystal clear what Reandre has for you. Malinaw na malinaw na mahal ka niya. Baka itanggi mo pa!" She chuckled.

Natawa rin ako sa sinabi niya. Kumalas kami sa yakap at ilang saglit pang nagkatitigan bago niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Sige na! Asikasuhin mo na 'yang balbuning impakto mo at baka gabihin pa kayo sa daan."

I chucked and nodded. She also nodded and wiped my tears.

"Sige na umalis ka na at baka pati ako maiyak sayo," aniya, medyo kapansin-pansin ang nagbabadyang luha sa kanya.

We both chuckled. Binitawan naman na niya ko at umikot na ko papunta sa driver seat. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at isang busina bilang paalam sa kanya. She waved and smiled sweetly.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro