KABANATA XII: Light

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nagsidatingan ang mga iba kong ka-officemate kaya hindi na rin kami masyadong nakapag-usap ni Tito Rodley. Pero ganunpaman, he asked me to come to his office tomorrow morning. Hindi ko alam kung para saan 'yon pero grabe ang kabang naramdaman ko.

Pakiramdam ko ay masyado yatang naging matapang ang apog kong lait-laitin ang gawa ng katrabaho ko at hindi niya nagustuhan ang attitude kong 'yon. Minsan talaga ay pahamak ang pagiging prangka. I shouldn't have opened this mouth of mine!

Ugh, kung bakit ba kasi gumana bigla ang pagkamaangas ko e!

"Yari ka, Rayee!" sabay na pangangasar ni Chan at Mike at inirapan ko naman sila

"Tss. E-E 'di tanggalin ako kung 'yon ang gusto niya. Wala naman akong ginawang masama. I just answered his question and hindi naman ako pinalaking sinungaling ng mga magulang ko kaya nagsabi lang ako ng totoo," utas ko bago kinagat ang burger na dinala nila sa'kin.

Ngumisi si Mike at umiling. "Matapang pa rin! Pero mamaya, malaman ko na lang kay Tito Rodley na lumuhod ka sa harap niya tapos nagmakaawa kang 'wag kang i-fire!" Humalakhak ang hinayupak.

"Thirty thousand is no joke, Rayee. Kaya mo bang makitang mag-fly away 'yon?" malokong tumingin at ngumisi si Chan sa'kin.

Malamang, hindi ko kaya!

That's a pretty big amount. Malaking kawalan saka hindi ka makakapulot ng ganyang halaga sa ilang oras na paglalakad makahanap lang ng bagong trabaho.

Pero anong magagawa ko kung patalsikin ako ni Tito Rodley? Do I have a choice?

I squinted and sighed. "Kasalanan ko naman so tanggap-tanggap ng pagkakamali pag may time."

Sakit, Lord.

"Okay." Nagkibit-balikat silang dalawa at may multo ng ngiti sa mga labi nila.

Akala ko sa "Okay" na 'yon, titigilan na ko ng dalawang mokong. Hindi pa pala dahil hindi nila ako tinantanan sa mga kantyaw nila. Medyo ginalingan talaga nilang bwisitin ako kaya kumota sila ng hampas ko no'ng mga oras na 'yon.

Though ganyan sila, I'm still grateful to have them. They are always there to brighten up my days kahit pa inuulan ako ng kantyaw nila kapag may maaasar sa'kin. Top one na alaskador pa 'tong si Mike. They never failed to make me laugh.

That's why I kind of feel guilty knowing that I'm keeping something from them. Something that I think, hindi naman talaga nila kailangang malaman pa.

"I'm happy to inform each and everyone of you na tumaas tayo sa rankings," ani team leader namin na mukhang lumaklak ng kalahating bote ng enervon dahil sa pagka-good vibes niya ngayon.

"And gusto nga pa lang i-acknowledge ang pagkabenta ni Rayanne ng twenty products ngayong araw na 'to!" aniya na hindi ko inaasahan kaya naman 'di ko naitago ang pagkabigla sa remarks niyang 'yon.

Ngumiti sa'kin ang team leader namin. "Congrats, Ms. Avellarez and good job!"

All of them clapped their hands as they congratulated and smiled at me. Ako naman ay manghang-mangha sa nangyayari at wala sa sariling tinanggap ang pakikipagkamayan nila. Ngayon lang ako nakatanggap ng papuri sa kanya. Mukhang sinapian yata ng mabuting kaluluwa 'tong team leader namin.

Sabi nila, malaki ang naging improvement ko nang pumasok ang sumunod na buwan. Natuwa ang team leader sa naging performance ko. Ikaw ba naman ang ilang araw na mag-overtime para lang pag-aralan ang sandamakmak na products ng kompanya. Aba'y 'di ko na mapapatawad ang sarili ko kapag hindi pa rin ako nagsumikap at umayos man lang ang naging performance ko.

"Uhm, excuse me..."

Lahat naman kami napalingon sa pinto kung saan nakasilip ang secretary ni Tito Rodley.

"Sorry for interrupting but Mr. Moncivalles is looking for Ms. Avellarez."

Biglang nagsitindigan ang mga balahibo ko at napalunok habang nakatingin sa sekretarya. Para akong kriminal na hinahanap knowing at thinking that I've done something wrong to Tito Rodley.

Tumango siya't ngumiti nang matunton niya kung saan ako nakaupo. Hindi ko alam kung paano niya nalamang ako 'yong hinahanap ng boss niya.

Masyado bang obvious na kabado ako kaya napagtanto niyang ako ang tinutukoy ni Tito Rodley?

Habang tinatahak namin ang kahabaan ng hallway, hindi mapakali ang mga daliri ko at halos matuyuan ako ng laway sa kaba. Nag-iisip na ko kung saan ako mamamasukan once na pinatalsik ako rito sa trabaho ko.

Hindi naman ako hirap na maghanap ng trabaho pero nakakapagod lang na palipat-lipat. Para na kong aswang sa walang humpay na paglipat-lipat ko ng trabaho. Parang akong panahon, pabago-bago at hindi mapirmi.

Nakakapagod kaya!

With so much thoughts running inside my head, hindi ko namalayang nakarating na kami sa tapat ng double doors. Hinawakan ng sekretarya ang makinang na doorknob at bumukas ang isang pinto ng double doors.

"Sir, nandito na po siya," sabi ng sekretarya.

"Let her in," isang pormal na boses ang sumagot.

Binuka ng sekretarya ang pinto, enough para makapasok ako at natanaw ko ang desk na malapit sa malaking glass window.

I can only see his back because he's facing at the window. Nakapamulsa siya at nang maramdaman niya ang yapak ko ay marahan siyang lumingon sa direksyon ko. Walang bakas ng ngiti sa kanyang labi at humalukipkip siyang pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Ibang-iba ang kanyang aura ngayon kumpara no'ng nagkausap kami two days ago.

Pero 'di kalaunan ay sumilay din ang ngiti sa labi niya at minuwestra niya ang upuan sa harap ko.

"Have a seat."

Nag-aalangan akong umupo pero nang nag-angat siya ng kilay at tinuro na ang upuan ay tuluyan akong nanlambot at napaupo. Puno ng kaba at takot ang buong katawan ko ngayon. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko.

Umupo siya sa kanyang swivel chair as he clasped his hands saka pinatong 'yon sa desk.

"Ms. Avellarez..." tumikhim siya bago nag-angat ng tingin sa'kin mula sa magkahawak niyang kamay. "How's your first month here in my company?"

"U-Uhm, o-okay lang naman po..." hindi mapirmi ang tingin ko sa kanya kaya bumaba ang tingin ko sa mga daliri kong 'di mapakali.

Marahan siyang tumango at ngumuso na parang nagpipigil ng ngisi.

"Hmm... hindi ka naman ba pinahihirapan ni Lorenzo?" he's referring to my team leader.

Umiling ako at bahagyang ngumiti. "Hindi naman po."

Marahan ulit siyang tumango at ngayon ay hinihimas na ang kanyang baba habang pinagmamasdan ako. I tried to read his movements to know what's on his mind but I failed. Mahirap siyang basahin at 'yon ang nagpakaba sa'kin nang husto. Para akong matutunaw dito sa kinauupuan ko nang wala sa oras.

Suminghap siya bago sumandal ng upo sa kanyang swivel chair at pinagmasdan ako nang mga mapanuri niyang mga mata. Lalong nag-aalab ang takot at kaba sa dibdib ko.

Mataman niya kong tinitigan. "You know what, Rayanne? You are one amazing woman. No'ng tinanong kita kung anong masasabi mo sa ginagawa na program ni Lorenzo, I was struck dumb. I haven't met such woman like you na magaling sa analyzation and who strictly applies the things she learned from her finished studies. And I'm telling you, with that kind of attitude you have, you will be a successful IT professional."

Sa dami nang nasabing compliments ni Tito Rodley, halos umapaw ang saya sa loob ko at pati ang mga bulate sa loob ng katawan ko ay nagdiriwang. Parang may tumagos na rainbow sa malaking window glass ng office niya nang mga oras na 'yon.

I didn't see that coming.

"T-Thank you po..." 'yon lang ang nasabi ko at yumuko para tingnan ang mga daliri kong hindi mapakali.

Hindi ko magawang ngumiti at pilit na kinakagat ang aking labi para pigilan ang pagwawala ko sa sobrang tuwa. Baka sa sobrang saya ko, makalimutan kong boss ko siya at mayakap ko pa siya.

"And dahil natuwa ako sa naging sagot mo sa'kin no'ng nakaraan, I have a proposition for you."

Nag-angat ako ng tingin at nag-aalangang nagtanong, "A-Ano po 'yon?"

Bumuntong-hininga siya at nag-angat ng kilay.

"May isang IT company akong hawak and I gave the care of that company to my son. Medyo namumroblema lang ako dahil umalis 'yong project manager nila. So, I came up with the idea na ipasok ka roon sa company kong 'yon to train you for the vacant position. In line with this, the company will pay for your master's degree. We'll be sending you to a graduate school in Sydney right after matapos ang project na hawak ng company ngayon."

"P-Po?" nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig sa pagkamangha.

"Your starting salary will be fifty thousand pesos once you accept my offer. And if you were able to finish the big project they're currently doing, I will tell my son to give you a bonus."

All along, nakatitig lang ako kay Tito Rodley at napapakurap-kurap na lang ako habang unti-unting pinoproseso ng utak ko ang mga sinasabi niya. I just can't believe my ears. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o talagang totoo ang lahat ng narinig ko.

Parang may pumasok ulit na rainbow sa loob ng kwarto at tinamaan ako.

"So, Rayee..." he leaned his elbows on his desk as he clasped his hands again. "Your decision will be my cue." He uttered and the corners of his lips turned up.

Huminga ako nang malalim at kinalma muna ang sarili mula sa sunod-sunod na magagandang bagay na natanggap ko. Sobra-sobra ang pagdiriwang ng loob ko sa mga narinig ko ngayon. Parang hihimatayin ako sa sobrang saya.

Okay Rayee, kalma ka muna. Hingang-malalim.

Oops! Teka hinay-hinay lang, baka pati si Tito Rodley ay masinghot mo.

Look, Mike! Your uncle just offered me a new job! Oh you effin' human! How dare you scare the hell out of me?!

Yari pala ha!

"Okay, Sir. I'll accept it." Nagkibit-balikat ako at hindi ko na napigilang mapangiti.

Nag-angat siya ng kilay at ngumiti sa'kin. He stood up then umalis siya sa pwesto niya at pumunta sa harap ko. Naglahad siya ng isang kamay para makipagkamayan.

"Congratulations, Rayanne Lawryn Avellarez," nakangiting niyang bati at tumayo naman ako para tanggappin ang nakalahad niyang kamay.

Sa mga oras na 'yon at hanggang sa makalabas ako ng kanyang opisina, hindi nawala ang ngiti sa'king labi at nag-uumapaw pa rin ang saya sa loob-loob ko. It's just that everything took me unawares and I couldn't contain my feelings. Parang wala akong ibang makita kundi rainbows.

Ganito lang talaga siguro ang buhay. Life is full of ups and downs. There are times when your life is completely dark. All you can see is yourself, standing in the middle of that darkness. Kahit saan ka tumakbo at lumingon, wala kang makita. And eventually, you'd feel tired and hopeless trying to find some light to brighten up your world.

But what's great about that darkness is that, you will learn something from it. Matututo kang magtiyagang hanapin ang ilaw na 'yon. Yes, it's exhausting but what's important is that, you tried your best and even pushed yourself to the limits just to see that light. You didn't give up. That's one good thing I learned from this dark and cold journey.

And luckily, I was able to find a light to start anew. Buti na lang ay kahit papaano ay may natitira pang kabaitan ang mundo para sa'kin. Now, I'm starting to believe that miracles do exist and that He didn't turn his back on me.

"So this is it, Rayee..." bulong ko sa sarili ko ngayong nasa tapat ako ng isang matayog na building.

Namangha ako sa taas at laki ng Moncivalles' building. Para akong nanggaling sa ibang planeta habang pinagmamasdan ito at nakaramdam ako ng excitement. May mini rotonda sa harap ng building at may mga mangilan-ngilang mga mamahaling sasakyan ang humihinto sa harap ng entrance ng building. Most people looked formal in their office attires. May mga naka-business attire and I think sila ang mga clients ng company.

I can't wait to work in this building!

Marahan ang paglalakad ko at hindi matanggal ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang building na may malaking M sa glass window nito sa may main entrance. Napawi lang ang ngiting 'yon nang mabangga ako ng kung sino. Pareho kaming napasalampak sa sahig at dumaing sa pagkakadapa.

"Ano ba 'yan?! Haharang-harang kasi! Hindi tumabi!" asik ng babaeng nakabangga sa'kin.

At siya pa talaga 'tong may ganang magalit? Bulag ba siya? 'Di niya ba ko nakita?

Tumayo siya sa pagkakadapa at pinapagpag ang kanyang red flared dress. Sinipat niya ko at hindi naman ako nagpatalo sa titig niya. I gave her a blank expression and she just rolled her eyes. She turned her back on me then walked away.

Akala ko papalag pa ang bruhilda na mukhang may dadaluhan pang children's party sa make-up niyang mala-clown.

Umiling na lang ako at bumuntong-hininga. "Mga ibang tao naman oh..."

Akmang tatayo na sana ako nang may biglang naglahad ng kamay sa harapan ko. Napatingin naman ako roon bago umakyat ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. A tall guy in his white long sleeves stood in front of me, wearing a mischievous smile like he's up to something no good.

His smile is somewhat giving me a hint that he's perilous.

"Miss, are you okay?" nag-angat siya ng kilay habang nakalahad pa rin ang kamay niya.

Ilang saglit akong napakurap-kurap habang nakatitig sa kanya. It's as if my eyes examined every inch of his face. He has these soulful brown hooded eyes, perfect-looking thick eyebrows, a high-bridged nose, and pinkish sexy lips.

He looked nice with his thick pompadour hairstyle and a very noticeable dark facial stubble made him looked so manly. Sa buong talambuhay ko, never kong nagustuhan ang mga mabalbas at mabigote. But this man over here looks really good with it.

He pressed his lips together and his dimples showed up. He's like a god standing right in front of me and I couldn't help but stare at him even more.

Parang na-stuck ang mga mata ko kakatitig sa kanya. Kung hindi pa sumagi sa isip ko na masyado ko na siyang pinagmamasdan, makakalimutan ko na ang itsura kong nakasalampak sa sahig.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakalahad. Mga ilang saglit kong tinitigan 'yon at imbis na tanggapin ay kusa akong tumayo. Naisip ko rin ang tanong niyang obvious naman kung anong sagot.

He bit his lower lip at sinara ang kamay niya saka binawi 'yon.

"Mukha ba kong okay ha?" I raised an eyebrow as I turned to him.

"I'm sorry for what happened..." bigla siyang nahiyang ngumisi at nagkamot ng ulo.

He was about to touch me pero hindi natuloy 'yon dahil tinabig ko ang kamay niya. I suddenly felt disgusted with him when he apologized for someone's fault. Evident na evident ang pagkagulantang niya sa ginawa ko dahil napaawang siya ng bibig.

I just hate the fact that he was the one apologizing, not her girl.

Bakit siya ang humihingi ng tawad sa'kin? Bakit hindi niya pabalikin ang girlfriend niya at siya ang mag-sorry sa'kin? Wala bang bibig ang girlfriend niyang leader ng flaternity?

Huminga siya nang malalim at saglit na napapikit ng mata bago ulit ako sinipat.

"Look, Miss. I know, my sorry is not enough para sa ginawa ng girlfriend ko. If you want, I'll take you to the nearest hospital para magamot 'yang sugat mong akala mo naman aabot sa bituka mo't ikamamatay mo."

Napaawang ang bibig ko at nagpantig ang tainga sa pang-iinsulto niya.

Aba't matindi rin pala ang apog ng isang 'to. Ibang klase rin kung pumalag. Hindi halatang lovesick puppy sa girlfriend niya at mukhang tagasalo rin ng mga kalat nito.

E kung tadyakan ko kaya sa noo 'tong unggoy na 'to!

Kumunot ang noo ko at iritadong bumuntong-hininga.

"'Di bale na lang! Mas mabuti sigurong 'yong girlfriendmo na lang ang dalhin mo sa ospital. Cancer kasi masyado 'yong girlfriend mo atpakihanapan na rin siya ng gamot," pabalik kong insulto bago siya iniwan roon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro