KABANATA XIX: Excuse

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

On my way home, my mind was crowded with thoughts. Hindi maalis ang imahe ni Reandre sa utak ko na kinausap si Jerrold just to tell him that he wants to come with us to the club later. I just can't believe na sasama siya at makikiparty sa'min. I'll probably feel awkward tonight knowing that I've done something impulsive to him.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pang manatili sa iisang lugar na naroon si Reandre. Kanina nga lang no'ng nasa loob ng office, parang napakasikip ng mundo ko at tila nasasakal at hindi makahinga nang maayos.

Halos ipukpok ko ang aking ulo sa manibela nang sumagi sa isip ko ulit ang nangyaring sagutan namin sa phone. Sumobra yata pagiging maangas ko sa kanya. Mukhang ito talagang pagiging bitchy ko kung minsan ang magdadala sa'kin sa kapahamakan.

Kung pwede lang na hindi sumama, ginawa ko na. But this was long planned at inaasahan din talaga ako ng mga ka-officemates ko na sasama ako. I don't want to be a talkshit.

I feel like I'm going to retch out of embarrassment.

"Ugh... may time talaga I'll zip you na," pagod kong utas, pertaining to my sinful mouth.

I tapped the tip of my fingers as I stared at the traffic light. Nang mag-green 'yon, pinaandar ko 'yon and I leaned against my seat. Just when I was having a quiet moment in my car, my phone rang all of a sudden. Pasulyap-sulyap ako sa cellphone ko to check who's calling.

I slightly furrowed my brow when I saw an unknown number flashing on the screen.

Sino namang nilalang 'to at saan na naman niya nakuha ang number ko?

Malamang nito isa sa naman sa mga babaitang kaibigan ko ang nagbenta sa'kin. Madalas akong makatanggap ng calls from unknown callers. Every time I ask them how they got my number, isa lagi sa circle of friends ko ang nagbibigay. Ever since no'ng nagpasya akong magpapayat at ayusin ang sarili ko na awa ng Diyos naging successful naman, lagi na nila akong nirereto sa kung sino-sino. 'Di ko alam kung ba't ang hilig nilang ibenta ako. Masyado naman yata silang enthusiastic na magka-love life ako ha?

Most of them were typical guys who knew nothing but to shower me with compliments about my looks. Different lines but the same meanings conveyed. They admired your face, curves, and edges. Then, kapag hindi ka nakuha sa mga compliment na 'yon, they will stop bugging you.

And just like the wind, nagdaan lang sila.

I put my Bluetooth earphones on and then took the call.

"Hello?"

Hininga na animo'y nag-aalinlangan na magsalita ang nasa kabilang linya. I sighed heavily and tilted my head as I lazily stared the road.

Tumikhim ako. "Game of silence ba trip mo? I'm sorry but I don't have time to play that game with you—"

"Still sulky as ever huh?"

I froze as I heard a familiar voice. Ilang taon man ang lumipas, I still recongnized his voice and how much of a baritone it is. The coldness of his voice added some dominance on it pero walang pinagbago.

Naroon pa rin ang panunuyang tono nito na noon pa lang ay taglay na ng kanyang boses.

"M-Mike?" nauutal kong utas, nag-aalinlangan na magsalita.

He chuckled a bit. "I thought you wouldn't recognize me."

Tss. Pwede bang 'di ko ma-recognize 'yong boses mo? Mi ultimo boses mo parang nambababae!

I gulped. "Why did you call? H-How did you get my number—"

"Woah there! Easy. One question at a time lang."

I shut my eyes tightly for a second. Parang nayanig ang mundo ko't naalog ang utak ko. Hindi ko maorganisa ang mga salita sa isipan ko kaya hindi ako nakaimik. Mixed emotions filled my system. Sa dami ng emosyon na gumagambala sa'kin, isa lang ang lubos na alam ko.

Inis.

"Where are you right now?" he broke the deafening silence between us.

"On my way home," matipid kong sagot.

"Are you free tonight?" Tumikhim siya bago nagpatuloy, "Can we meet—"

"May lakad ako tonight. I'm afraid we can't meet, Mike."

"Hmm... okay..." He sighed heavily. "Maybe some other time huh?"

Kailangang humanap ng palusot. I'm still not ready to face him!

Think, Rayanne! Think!

"U-Uhm... we'll see. P-Puno kasi 'yong schedule ko..."

"Hmm... gano'n ba?" He cleared his throat. "Just call me when you're free."

"E paano kung ikaw ang hindi free?" Sumakto sanang hindi ka free!

"That will be impossible 'cause I'll make time, Rayanne. Magkausap lang tayo," he finished.

Ilang segundo akong natahimik. I don't know why he's so persistent to see me. 'Di ko alam kung talaga bang gustong-gusto niya kong makita o marahil dahil kay Chan kaya siya nagkakaganito. I highly doubt it na si Chan ang nag-udyok sa kanyang tawagan ako knowing how haughty he is.

"Still there?" he queried in a husky voice.

My breath hitched. "U-Uhh... I'm sorry. Nagda-drive kasi ako."

"Hmm... okay. I'll just call you late—"

"Uhh... baka hindi ko masagot 'yong tawag mo," I cut him off.

A deafening silence ensued. Tila may dumaan na anghel at natahimik ang paligid ko.

"Okay... sige..." he trailed off.

I hung up the phone. Hindi ko na hinintay pang madugtungan ang pag-uusap namin. I can't think of what to say so it's safer to end the call. Hindi ko na rin alam kung paano ko pa siya sasagutin sa mga nararamdaman kong nagbabadyang tanong sa labi niya.

Minaniubra ko ang aking sasakyan papasok sa parking lot ng condominium. I killed the car's engine then stayed inside my car for a moment. My head leaned against the headrest and a frustrated sigh came out of me.

I suddenly felt exhausted. Sa kakaunting oras na nagkausap kami, na-drain ako kakaisip ng alibi ko para lang putulin ang pag-uusap namin. It's not that I don't want to. It's just that I'm not yet ready to face him. May balak naman akong harapin siya, hindi pa nga lang ngayon.

"Good evening, Ma'am," pambungad ni Mang Polo, isa sa mga ka-close kong security guard ng condominium.

Ngumiwi ako. "Manong naman oh! Rayanne na lang po!"

He chuckled. "E wala. Nasanay ako sa 'Ma'am' e!"

"Musta, Mang Polo? Ngayon ko na lang ulit kayo nakita ha?" Nakipag-fist bump ako sa kanya at pareho kaming natawa.

Ganito kami magbatian every time na magkikita kami dito sa condominium. Minsan nga napapatingin pa sa'min 'yong mga ibang may unit sa condominium. Very unusual daw kasi na makipag-interact nang ganito sa isang security guard considering kilala akong tao dahil sa mataas ang posisyon sa isang well-known company like MITI.

Oh, how I hate that idea!

That's unacceptable. Hindi porket tingin mo mas nakakaangat ka sa ibang tao, you'll look down on them. Just because you're a well-known person doesn't mean you won't interact with people na hindi mo ka-wavelength. Lahat ng tao ay pantay-pantay, kahit ano pa ang narating sa buhay at gaano man kataas ang lupang kinatatayuan.

He scratched his nape. "E nagkasakit kasi 'yong bunso ko. Wala si Misis kaya ako ang nagbantay."

"Naku... malala po ba ang sakit niya?"

"Ay! Hindi naman! Maayos na siya ngayon. Kaunting sinat na lang." He beamed then agad ding napawi 'yon nang may napagtanto siya. "Oo nga pala, Rayanne! May naghahanap sa'yong lalaki kanina!"

"Po?" Nag-angat ako ng kilay. "Sino po?"

"E... hindi ko na narinig ang pangalan, hija. Basta narinig ko lang na hinahanap ka kanina riyan sa tao sa front desk."

Nilingon ko naman ang front desk. Magtatanong sana ako kaso walang tao roon. Mukhang nasa break din nila.

Natuyuan ako ng lalamunan, pilit na iniisip kung sino ang maaaring maghanap sa'kin at ang tanging pumapasok lang sa isipan ko ay si Mike. Pero naisip ko ring malabo naman siya iyon gayong hindi ko naman natuloy na ibigay 'yong address ko kay Chan na siyang tanging magsasabi sa kanya.

"Namumukhaan niyo po ba 'yong itsura no'ng naghahanap sa'kin?" naninimbang kong tanong.

Mang Polo caressed his chin, tila inaalala at hinahagilap sa linya ng memorya niya ang itsura ng lalaki.

"Matangkad, matikas ang pangangatawan, saka taas-taas 'yong buhok," ani Mang Polo na minuwestra pa ang taas-taas na buhok.

"Hmm... sino kaya 'yon..." anas ko at nag-isip.

Marami akong kakilala na ganoon ang height at pangangatawan. Bago sa pandinig ko 'yong hairstyle na sinabi ni Mang Polo. Wala akong maalalang kakilala ko na mayro'ng ganoong hairstyle kaya naman ilang saglit akong napakunot ng noo sa loob ng lift, iniisip kung sinong ponsyo pilato ang may balak gambalain ako.

"Anyway..." Sinipat ko ulit si Mang Polo. "Salamat po sa info, Mang Polo."

Nagpasalamat din siya. Naglakad na ko patungo sa lift at doon nag-isip ulit tungkol sa naghahanap sa'kin.

Hindi naman uubra kay Chan ang ganoong hairstyle since may pagkakulot ang isang 'yon at hindi maitatayo ang mga buhok no'n. He's been always into messy hairstyle kaya malabong maging ganoon ang hairstyle.

Oh really, Rayanne? Talaga bang pag-aaksayahan ko ng oras na isipin ang may-ari ng hairstyle na 'yon?

I glanced at my watch and my eyes grew wide when I realized that I only have an hour to prepare for our night out. My God! Gaano ko ba katagal na inisip ang tungkol doon?!

I groaned to the fact na ang bagal makarating ng lift sa floor ko. Pag ako nabanas, mag-aala unggoy na kong aakyat sa cable wire ng lift na 'to!

When the lift reached my desired floor, I immediately went out of the lift then ran along the hallway. But then, my steps gradually slowed down when my eyes saw a familiar figure of a man near my unit. Parang unti-unting nawalan ng lakas ang mga paa ko't nahinto sa paglalakad nang napagtanto ko kung sino 'yon.

In his white button-down long sleeves with sleeves rolled up to his elbows, paired with ivory fitted jeans and black plain toe derby shoes, Mike was leaning against the wall. Nakasandal ang isang paa sa pader and both hands in his pocket.

Sa loob ng apat na taong hindi kami nagkita, I could say that his physique improved a lot. His biceps were already well-defined before. Ngunit ngayon, mistulang yumayakap ang sleeves ng kanyang damit sa mga ito. Ang matangos niyang ilong ay ganoon pa rin tulad ng dati. His piercing eyes looked more dangerous but mischievous at the same time, tila hindi mo malaman kung may magseseryoso o magloloko.

His single-length spiky hair matched Mang Polo's description of the man who was looking for me. Walang dudang siya nga 'yon.

His gaze went to my direction and the protruding lump in his throat moved up as he gulped. Lumambot ang ekspresyon niya't unti-unting sumilay ang isang ngisi na hindi ko nakita for four years.

"K-Kanina ka pa ba dito?"

Ugh! Why am I stuttering?

He shrugged, tilted his head, and cracked a smile. "Bakit? Are you gonna do something to make it up to me?"

My mouth slighly opened, shaking my head in disbelief. "Hindi pa rin talaga nababawasan ang tapang ng apog mo 'no? You're still that mahangin!"

Bumaling ako sa aking pinto at sinusian 'yon. Marahas kong binuksan ang pinto and I was about to slam it shut when his hand stopped it with full force.

"Mike!"

Nilaban ko ang pwersa ng kamay niya with my body pressed against the door and both hands gripping on the doorknob.

"Don't be so rude, Rayanne! I just want a decent talk with you!" he bellowed pero may tumakas na ngisi sa kanya.

Oh kita mo nga! Decent talk? How could we have a decent talk kung pati sa pagmamakaawa sa'kin ay hindi niya magawang magseryoso!

"Oh talaga?! Sinong niloko mo?! Kailan ka pa natutong magseryoso huh?!" I barked.

"Oh come on, Rayanne! Can I have the right to change?"

Nanatili ang bigat ng katawan ko sa likod ng pinto. Siya? Magbabago?

When did he learn that? Kailan pa nasama sa bokabularyo niya ang salitang 'yan?

"Rayanne, we're already adults. It's time for us to face this serious thing happening between us," he sputtered.

Hindi na ganoon kalakas ang pwersang ginawad ko sa pinto. Tila sa mga sinabi niya, nabawasan ang lakas ko. Napagtanto kong humina rin ang pwersa niya nang kahit hindi ko itulak 'yon ay hindi ito gumalaw.

I heard him sigh, animo'y napagod sa pakikipagtulakan ng pinto. I'm not sure if that's what he's tired of.

He sighed. "Can I go inside now?"

No words came out from me. Mistulang nawalan ako ng boses at hindi maibuka ang bibig ko upang sagutin siya. A part of me told me to let him in. Ngunit ang isang parte nama'y tila leon na nagwawala sa loob ko't hindi sang-ayon sa kagustuhan ng isang parte. Hindi matahimik ang parteng 'yon hangga't nagpapagambala ako sa parte ng sistema kong gusto nang bumigay at papasukin si Mike.

I was about to come up with a decision when he slowly pushed the door. Hinayaan ko siya't umatras palayo sa pinto. Words failed me as he stared languidly into my eyes.

His chiseled jawline moved as he clenched his jaw. Nakakapanibagong pagmasdan siya dahil sa mangilan-ngilang pagbabago sa pisikal niyang pangangatawan. Kung dati ay wala akong ibang maramdaman sa kanya kundi ang malokong aura niya, ngayon ay may kahalo na itong mapanganib na aura na hindi ko kailanman naramdaman sa kanya way back four years ago.

"Let's talk," pinal niyang utas.

Tinalikuran ko siya't naglakad papunta sa living room. "I told you, Mike. May lakad ako. Hindi pupwede ngayon."

Ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin ngunit binalewala ko 'yon. Dire-diretso akong pumasok sa kwarto at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. Pilit kong binuhay muli ang nagbabagang galit ko sa kanya. I forced myself to come back to its senses. Hindi pwedeng magpadala na lang ako sa pagiging looking dangerous niya 'no!

Ginugol ko sa pag-aayos sa aking sarili. I took a brisk shower then did my skin regimen. I put my red velvet mini flared dress with sleeves on and paired it with red ankle strap heels. I put some cherry red lipstick on, then pressed my lips together in a smoothing motion afterwards. I removed my glasses and put on some eyeliner to make my upturned almond eyes fiercer.

Tagal ko ring pinaghirapang mag-lose ng weight para lang maisuot ang mga tipo kong damit at gusto kong ayos. There was no shortcuts for it. Dadaan ka talaga sa mahirap na proseso at mararamdaman mong gusto mo nang mag-give up.

But... if you're that determined to reach something, the pain won't matter to you. Mamamanhid ka hanggang sa hindi mo namamalayan, that pain made you stronger instead.

Parang sa buhay lang, the more na nasasaktan ka, lalo kang tumitibay o nagiging matatag. Isang espada na pinapanday muna bago hinahasa hanggang sa tumalim.

Tinagalan ko para iparamdam sa kanya na seryoso akong hindi ko muna siya kakausapin ngayon. Pilit kong winala sa isipan kong nasa sala si Mike. Pinakiramdaman ko pa kung naroon pa rin siya. I bet he's not there anymore. Sa tagal ko ba naman dito sa kwarto, malamang hindi na nakapaghintay ang isang 'yon.

And I was right! Narinig kong nagbukas ang pinto ko at mga ilang saglit ay sumara 'yon. I couldn't help but smile to the idea that he went off. I excitedly grabbed my shoulder bag and went out of my room.

But I was wrong. Mike was still there, sitting comfortably on the couch like a king. Napahinto't napahawak ako sa aking dibdib nang makitang naroon pa rin siya.

"H-Hindi ka pa umaalis?" Kumunot ang noo ko.

He stared at me with a gaping mouth. Then, his head tilted a bit as his eyes raked on me from head to toe. The hard lump in his throat moved up as he gulped and pursed his lips. He gazed at me like a work of art in front of him. But... there's something in his eyes I've never seen before.

In his eyes, I saw desire. He's like a beast staring at his prey. Tila hinuhubaran ako sa hagod ng kanyang tingin.

Uminit ang pisngi ko. I feel naked all of a sudden.

"When... did you learn to wear something like that?" He clenched his jaw and his cold eyes met mine.

"Why do you need to know?" I propped my hands on my waist and tilted my head.

His lips turned up at one corner. "So kailangan pag naka-red dress, matapang na? Where did my innocent Rayanne go?"

"I'm not your belonging, Mike," mariin kong utas.

"Kung talagang matapang ka, let's talk." He stood then strode towards me.

His stance shook me a bit. Bigla akong nanliit sa aking kinatatayuan as I looked up to him to equal his glowering gaze. His piercing eyes stared at me languidly, trying to dominate me. Tila sa tingin niya, parang tinuturukan ako ng pampahina at unti-unti akong nanlalambot.

"Listen, Rayanne..." Hinawakan niya ang mga siko ko. "It's been four years. Hindi lang naman ako ang may kasalanan dito. You even told me to have fun—"

Kumunot ang noo ko. "Teka nga... you're telling me that we both have faults sa nangyari. But it seemed as though you're blaming me more for what happened just because I told you to have fun?" I stormed as I took a step forward and tapped his hard chest with my index finger.

He shut his eyes tightly, saving the last strand of patience he has. "It's not like that, Rayanne—"

"E ganoon 'yong pinaparating mo, Mike!" Nilagpasan ko siya't dumiretso papunta sa pinto.

Ngunit bago ko pa mahawakan ang doorknob, his arms wrapped around me. Napaatras ako nang higitin niya ko, pulling me into a back hug, a tight one. May kung anong mainit na humaplos sa puso ko nang mga oras na 'yon. I felt his breath on the back of my head and his manly scent befuddled me.

Nanatili akong nakatayo, tila nakapako ang mga paa sa sahig at nagpipigil ng hininga. Tumigil sa pagproseso ang buong sistema ko, walang ibang nagawa kundi ang huminto na tila naghihintay sa paliwanag o sasabihin ni Mike.

"Rayanne, please forgive me..." he whispered in a husky tone. "I'm sorry for not taking care of you that night. I swear... I searched for you."

"Oo na, Mike! Tinatanggap ko na 'yong apology mo! Ano masaya ka na ba?!" I tried to remove his arms around me, ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa'kin.

"Rayanne, please stop getting mad at me...." masuyo niyang bulong tila ginagawa akong bata at hinehele.

"Mile Trake... may pupuntahan pa—"

"I missed you... so bad...." he buried his face in my hair and inhaled deeply.

Hindi ako umimik kahit pa sa loob ko'y may nagwawala't pinipilit akong magsalita. I tried to stop myself from responding to his actions. Deep inside, I do miss him. I want to apologize as well and hug him back. He's my best friend after all. Marami na rin kaming 'di pagkakaunawaan noon pero ngayon lang kami umabot sa ganito.

Something's holding me back, wanting me to completely shut my heart to those who caused me pain that I've endured for the past four years. Kapag usapang puso, malabong hindi ito ipagtanggol ng utak ko. Though in reality these two won't agree with things, ang utak pa rin ang magsasalba sa kanya sa huli. That's why my head refused any reason for such action.

And... there's no valid excuse for hurting and breaking my heart.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro