KABANATA XVII: Pervert

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Alone. 'Yan ang depinisyon ng buhay ko ngayon.

Mag-isa ako sa bahay. I'm free to do whatever I want. Walang pumipigil. No one is there to tell me what to do. Hindi katulad no'ng naninirahan ako under my parents.

For many years, I've been living under my parents. Kung anong gustong ipagawa ni Mama ay kailangan kong sundin. She's a control freak. But at some point, I can't deny the fact that somehow it helped me to be a lot independent now. Kung hindi ko na-realize na she's been too much of a control freak, nasa bahay pa rin ako hanggang ngayon at hindi matututo na mamuhay sa sariling dugo at pawis.

"I'm cooking Chicken Curry for dinner. Why, Chan? Subukan mo lang talagang pumunta rito at babangasan kita," utas ko, ni-loudspeaker ko ang cellphone ko habang nagluluto.

"Wow! Chicken Curry talaga? Isn't that Paul's favorite?" panunuya niya.

Bumuntong-hininga ako't ngumisi. "Pasalamat ka't wala ka dito. Makakatikim ka talaga sa'kin ng mag-asawang suntok at sipa."

He chuckled. "Still the grumpy Rayanne?"

I smirked and rolled my eyes. "Ikaw kasi! Move on din 'pag may time!"

"I think I could never move on from that moment of yours, Rayee. Halos ikamatay mo na nga ang break up niyo!"

"That's all in the past..." I smiled timidly.

"So, you've totally moved on from that?" he queried in a curious yet mischievous tone.

Move on. Yes, I've already moved on. Matagal na rin since no'ng naka-move on ako. Huli kong nakita si Paul ay siya ring huling pagluluksa ko para sa pang-iiwang ginawa niya. I let myself get drowned to the pain he caused. Hanggang sa mamanhid at hindi na makaramdan ang puso ko. Hanggang sa ito na ang kusang sumuko sa lahat ng dinaramdam nito.

Naisip ko mang magpakamatay pero hindi ako nagpadala roon. Taking your own life will never be the solution when you're bombarded with so much problems. Hindi mo sinosolusyunan ang problema kung ganoon ang nakikita mong paraan. You're running away from it.

"Oo naman!" I said proudly, tinikman saglit ang niluto ko bago nagpatuloy, "Diyos ko, ilang taon na. It won't help me grow kung hindi ako mag-momove on."

"Amen to that," ani Chan. "Kailan ba ko makakabisita diyan, Rayee?"

"Hmm..." pinatay ko ang kalan nang makuntento ako sa aking timpla. "Kapag natutunan mo nang 'di ako pilitin tungkol sa pagsama sayo ni Mike 'pag bibisita ka rito."

"Bakit ba kasi galit na galit ka sa kanya?"

Pinasadahan ko ang aking buhok at bagsak-balikat na sumandal sa haligi ng kitchen.

"Chan, I don't want to talk about it."

He sighed. "You always say that whenever he's our topic. Sinusubukan kong maayos kayong dalawa, Rayanne."

I smiled bitterly. "Why are you doing this anyway? Para sa aming dalawa o para sa kanya dahil hindi niya magawang lumapit sa'kin because of his stupid pride?"

"I'm not doing this for him. This is for the sake of our friendship. Ganoon na lang ba kadali sa inyong dalawa na itapon 'yong mga pinagsamahan natin?"

Nagtiim-bagang ako at pumikit kasabay ng pagbuntong-hininga. "It's not like that, Chan. Mike needs to have a taste of his own medicine. Kailangan niya ring matutong magpakumbaba at i-admit ang mali niya. Hindi 'yong iba lagi ang nag-aadjust para sa kanya."

Suminghap si Chan. "Hindi ba't tinanong ka rin niya kung bakit ka nagagalit pero hindi mo rin sinabi sa kanya?"

"Hindi siya tanga para hindi ma-realize ang mali niya. Malaki na siya. He should know that."

"But Mike is not a mind reader, Rayee. Hindi naman natin masasabi kung umakma ba sa dahilan mo ang naiisip niyang rason kung ba't ka nagagalit. You're being unfair to him, Rayanne."

A long silence ensued. Wala akong mai-rebut. I can't help but agree with Chan. At some point, I've been irrational, thinking that Mike should know his faults even without hearing my side. Ngumuso ako't tumungo. Parang biglang dinayo ng kung anong mabigat ang dibdib ko.

Huminga ako nang malalim para ibsan ang bigat sa dibdib ko.

"Talk to him, Rayanne. Hindi mo naman siguro ikamamatay ang pagpapaliwanag sa kanya." Chan chuckled a bit.

"Tss. Alright, A-I'll talk to him..." I said anxiously.

"Good!" ani Chan sa masiglang tono. "I will tell him that you're ready to face him. Diyan—ang—kay—usap—unit—anong—num—unit—mo—"

"Teka lang, Chan..." nataranta naman ako nang bigla siyang magputol-putol. "Send ko na lang sa messenger mo 'yong number ng unit ko."

"Malolowbat—na—"

"Buksan mo na lang pagka-charge mo..."

"Wal—ako—ger—" naputol na nang tuluyan ang tawag.

Umiling akong napangisi. May cellphone pero walang charger? Ano 'yon?

Agad kong pinindot ang messaging app ko at nagsimula nang magtipa para i-text si Chan sa unit number ko. Pero sa kalagitnaan ng pagta-type ko, napatigil at napaisip ako bigla.

Parang biglang umurong ang tiyan ko thinking that we'll see each other after four years. We're not in good terms and hindi rin naging maganda ang huli naming pag-uusap. I can feel in my guts na magsisisihan pa kami knowing how prideful Mike is.

I was about to continue typing when the doorbell rang. Hindi ko mapigilang ngumiti thinking that my expected visitor has finally arrived.

Tinunton ko ang pinto at binuksan 'yon. Sumilay ang ngiti ko nang makitang sila nga ang dumating.

"Ate Raine!" Excited kong sigaw.

"Insan!" Masaya niyang utas at nagbeso-beso kami.

Bumaling naman ako sa batang lalaking nakahawak sa isang kamay niya. I couldn't help but smile as his eyes stared at me, para bang bago ako sa paningin niya. Nakailang kurap siya ng mata bago pumantay si Ate Raine sa kanya at hinarap ang anak sa kanya.

"Drixy, say 'Hello' to your Tita Rayee," ani Ate Raine at muli akong tiningala ng bata.

I gave him a warm smile pero napaawang ang bibig ko nang lumapit siya sa'kin at inangat ang dalawang kamay niya sa'kin.

"Lift," simpleng sabi ni Drix.

Napangiti naman ako at sinunod siya. Nang maayos ko ang pagkakabuhat ko, he gave me a peck on my cheek.

Ngumisi ako at sinipat ang pinsan ko. "Like a boss 'tong anak mo 'te."

"E kanino pa ba magmamana 'yan? Syempre sa ama!" She chuckled.

Pumasok si Ate Raine at siya na rin ang nagsara ng pinto. Hindi naman nagpababa sa'kin si Drix. One time kong sinubukan na ibaba siya but he cried immediately. So ang ending, he remained sitting on my lap habang nakikipag-usap ako kay Ate Raine.

"It's been what? Three years since no'ng huli tayong magkita! And that was... kasal pa ni Rem! Medyo chubby ka pa noon ha? What happened? Na-inspire ka yata magpapayat?"

Napakaganda nga naman talaga magsimula ng usapan nitong pinsan kong 'to.

Ngumisi ako at tinampal ang braso niya. "'Yan talaga napansin mo sa'kin ha?"

"E totoo naman kasi! You've changed! Dati inaasar pa kita kasi ang laki-laki ng hinaharap—"

"Bulgaran? Bulgaran 'te?" Natatawa kong untag.

She laughed hysterically. "Nag-iba ka lang sa physical appearance but you're still the same Rayanne I used to know."

I chuckled. "Anyway, first born niyo ni Kuya Kurt 'tong si Drix? And, what's with Drix? Mukhang sinunod mo sa pangalan ng favorite fictional character mo sa mga binabasa mong story 'yan ha?"

"Uhm... nope. Second child na namin 'to." Hinaplos niya ang ulo ni Drix. "To be honest, it's a combination of my two favorite fictional characters' names. Pero sa second name lang ako nakapag-decide. Kurt rin ang first name niya dahil 'yon ang gusto ng ama niya. Then, Liendrix for his second name."

"Wise..." nakangiti akong tumango.

"Ikaw? How's life after escaping from your control freak mother?" Sumimsim siya sa kape niya.

Bumagsak ang tingin ko sa ulo ni Drix at hinaplos 'yon. "Okay lang naman. It feels great to be finally independent."

But somehow, nakakalungkot.

"Hmm... still not in good terms with Tita Jie ka pa rin ba? Wala ka pa bang balak umuwi roon?" Si Ate Raine.

I shrugged and chuckled a bit.

"Can't tell. Masyado pang sariwa ang away namin. Ayaw ko namang mauwi kami sa sumbatan na dalawa for not coming home for two years. Baka nga hindi na rin niya inaasahan na umuwi pa ako after all what I've said."

Bumagsak ang dalawang balikat niya't ngumuso.

"Kung sabagay, knowing Tita Jie. Mataas ang pride. But you know, a mother will always be a mother. Kahit na ilang beses mo siyang layasan, hindi ka rin niyan matitiis."

I pursed my lips then smiled timidly.

"Mahal ka naman ni Tita e. It's just that you have to open yourself to her. Para na rin maintindihan ka niya and to make her realize that you have your own life to deal with," dagdag pa niya.

Mapait akong ngumiti at umiling.

"Sinubukan ko na 'yan, Ate Raine. In the end, 'yong sa kanya pa rin ang pinipilit niya. Na nakatira ako sa kanya kaya susundin ko lahat ng sasabihin niya. That I'll be living my whole life fulfilling every dream na hindi niya nakamit. And that's gonna be unfair to my part."

"And you know me, Ate Raine. You know how I hate the idea of selfishness. It makes me puke. And I also hate the idea na nakakasakal 'yon," dagdag ko at inayos si Drix sa pagkakapwesto sa lap ko.

Hinawakan ni Drix ang kamay ko at pinaglaruan 'yon. Hindi ko maiwasang mapangiti as I watched him playing with my fingers. Ngayon lang nakakita ng diwatang katulad ko. Alagad ko lang kasi ang nanay niya.

Hohohoho! Char lang!

I could sense Ate Raine staring at me. She's waiting for me to stare back at her and continue our topic which is something I don't like to talk about any further. Ramdam kong gusto niya kong bumalik sa puder ng nanay ko.

And I know that I can't do what she wants me to. Hindi pa ngayon.

Maybe... some time in the future. I don't know. I can't really tell.

"Tita Ayee, t-toys?" He gazed upon me.

"Naku! Tita Rayee doesn't have toys e. I'll buy some toys so that every time you visit here, may malalaro ka. Okay?" I smiled at him and he nodded, all smiles.

"Ayan..." pumalatak si Ate Raine at umiling. "You're spoiling him just like his father."

"What? What's wrong with buying toys for him? E anong gusto mong gawin ng pamangkin ko every time na nandito kayo? Uminom ng mga wine ko?" Pabiro kong untag.

Tinampal niya ang braso ko at nangiti. "Baliw ka talagang babae ka kahit kailan!"

Natawa na lang din ako sa reaksyon niya.

My nephew doesn't have anything to play with kapag nandito siya. Bukod sa pagkain sa ref ko, wines lang din ang mayroon ako. He could watch cartoons on TV but that would be boring if every time na nandito siya ay ganoon na lang ang gagawin niya. It would be better kung may mga laruan at least hindi lang isa ang entertainment niya. Para rin hindi naman laking TV ang pamangkin ko.

"Oo nga pala..." nagliwanag ang ekspresyon ni Ate Raine. "Kamusta naman kayo ni Mike?"

Kumunot ang noo ko at ngumuso, thinking if I would answer her question or not. Parang ayaw kong sagutin but I just can't leave her hanging. Pero ano bang isasagot ko?

Nag-angat siya ng kilay tila gulat sa pagkawalang-imik ko.

"Oh my gosh! Pati kayo ni Mike not in good terms rin?"

I shrugged and smirked.

Tinampal niya ang braso ko. "Ano na naman bang pinag-awayan niyo? And kailan pa kayo magkaaway?"

"Long story, Ate. Apat na taon na kaming hindi nagkikita so... yeah, four years na kaming magkaaway."

Her eyes widened. "What the heck?! Seriously?! Pinaabot mo ng apat na taon 'yang away niyo?!"

"Bakit naman hindi? Tutal mukhang wala rin naman siyang balak na kausapin ako after what happened..." mapait akong ngumiti.

She groaned. "Hindi ka rin ma-pride e 'no? Come on, Rayanne! You two were best friends! And you know kung gaano ako boto sa love team niyong dalawa! Kung hindi lang sumingit 'yang palku mong ex, you two would have end up together."

Kunot-noo ko siyang binalingan at umiling nang nakangisi. "You don't know what you're saying, Insan. Sa gusto mong mangyari, hindi ako tatagal ng isang taon sa relasyon namin if ever."

She furrowed her brow. "Why naman?"

I rolled my eyes and sighed. "Come on, Ate Raine. Everyone knows how much of a playboy he is. Ayaw ko ng sakit sa ulo. 'Di bale nang maging single ako for life kaysa may kasama akong toxic every single day."

She smiled and shook her head. "Hay naku, Rayanne! 'Wag mong paringgan si Kupido. Iba manggago ang isang 'yon. You'll never know what strategy he'll use to hit you with his arrow."

Ngumiwi ako at kunot-noo na ngumuso.

"Hmm... may address ka ba ng hinayupak na 'yon? Babarilin ko lang sana. Unahan ko na siya," asik ko.

"Baliw!" She chuckled.

Kung saan-saan na napunta ang usapan naming dalawa. Marami pa kaming pinag-usapan tungkol sa pamilya. The important thing is, nalihis ang topic namin from Mike. To be frank, iwas na iwas talaga ako na maging topic si Mike. It's just that, I don't know how I'll explain it to them kung bakit hindi kami nagkakausap. No one knows we're not in good terms except Chan. Wala ring nakakaalam kung ba't hindi kami nag-uusap ngayon maliban kay Chan.

That's why he's pretty determined para pagbatiin kami ni Mike which is something I can't give for now. Ang alam lang niya ay 'yong magkagalit kami. He doesn't know the reason.

I know that I'm being shallow to this one but I just can't let this pass. Basta ang alam ko lang, naiirita ako sa ginawa niya noon. Chan did the same thing but Mike's case was different. Hindi katulad ni Chan na lumipas din agad ang galit ko makalipas ang ilang araw lang.

Siguro, isa na roon ang malaking tampo the fact na sa kanilang dalawa ni Chan, siya ang mas close ko.

"Ano? Sesend ko na ba?" I asked, lying on my bed and staring at my phone.

Nakatipa roon ang unit number ko, ready to send na sa messenger ni Chan. Nagdadalawang-isip akong pindutin ang send button. May kung anong nagtatalo sa loob ko at hindi magkasundo. And this is somehow bothering me.

Juicecolored! What am I going to do with this?

I sighed as I put my phone down on the nightstand. More thoughts began to bother me as I closed my eyes. Hindi ko na rin alam kung anong pwesto ng higa ang gagawin ko. Sa huli, nakaharap sa kisame na lang ang napili kong pwesto.

Sa totoo lang, I don't really know if I did the right thing. Kung tama bang umalis talaga ako sa bahay. Mataas ang emosyon ko when I decided to leave home. May saya sa loob ko. But there's sadness also that I can't seem to fathom.

Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko namalayang bumagsak na ang talukap ng aking mga mata. Nagising na lang akong tinatamaan ng sikat ng araw ang mukha ko't narinig ko ang huni ng mga ibon. The sun's warm rays hit my bare skin.

Pero... alam niyo 'yong feeling na late na pala akong nagising?

Napabalikwas ako ng bangon at nataranta na naman ang lamang loob ko.

"Oo na! Papasok na nga ako. Parking lot na ko," utas ko kay Riane kahit na kalalabas ko lang ng banyo at nagpupunas ng buhok ko.

"Naku, Rayanne Avellarez! Mapepektusan talaga kita sa fallopian tube if I found out that you just got out of your bathroom," I could sense na nanggigigil na siya sa'kin.

Malamang hindi ko ipapaalam sayo. Duh?

"Reandre is looking for you. He's asking kung ano ng mga updates sa project charter natin with the current client."

"Sabihin mo maghintay siya. 'Wag siyang demanding."

"Uhm... Rayanne—"

"What? Kabibigay lang niya sa'kin ng client two days ago, gusto niya may project charter agad? Anong akala niya sa project charter? Inuutot ko lang then ready to present na?"

"E sa gusto ko may project charter na agad e, Ms. Avellarez," a deep cold voice spoke on the other end.

I was struck dumb. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nilubayan ng dugo sa katawan. Ilang saglit akong natahimik at mariin na napapikit.

Damn, the evil creature heard everything. Evil Reandre heard it all!

Fuck, Riane. Ba't 'di mo agad sinabing naka-loudspeaker ako?!

Why oh why my gulay!

"Better get here in thirty minutes or else, I'm..." suminghap siya. "I'm gonna make you fart a project charter for real."

There's a lump in my throat. I hardly gulped. I gathered my strength to rebut.

I took a deep breath then forced a smirk.

"B-Ba't hindi na lang ikaw ang umutot ng project charter? Tutal ikaw naman 'tong nag-aapurang makapag-produce ng project charter?"

"Iba rin. Palaban..." I heard him smirk as well. "Don't test my patience, Ms. Avellarez. Baka pagsisihan mo 'tong pagsagot mo sa'k—"

"I'm not afraid to lose this job, Mr. Moncivalles. Ayos na rin siguro ang apat na taon kong pagtitiyaga sa work attitude mo. Mas iniinda ko pa nga 'yang attitude problem mo kaysa sa tambak na trabaho ng kompanya."

Hirap akong lumunok. Parang may nakabara sa lalamunan ko nang mga oras na 'yon pero imbis na tumigil na ay nagpatuloy pa rin ako.

"If you want me out of your company, then go. I won't stop you. Tutal, kaya lang naman din ako nagtitiis na pumasok sa office is because Tito Rodley asked me to help the company. Pero mukhang kaya mo naman since you always think that you're so good as fuck."

"R-Rayanne..." mahinang tawag ni Riane.

Hindi ako umimik. A deafening silence ensued. Ilang saglit akong naghintay na magsalita si Reandre pero ni isang salita ay wala akong narinig sa kanya.

"If you'll fire me, then so be it," mariin kong sabi.

Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Reandre sa kabilang linya. Mukhang ready na siyang sermunan ako.

"Just get here."

What the? Sa lahat ng sinabi ko, 'yan lang ang masasabi mo?

Oh come on! What a gay!

"What if I don't want to?" Paghahamon ko.

"Hmm... then, I'll tell my father to go there. Siya na lang pag-aadjust-in ko. Para 'di naman nakakahiya sayo," he said in a sarcastic tone.

Parang kumawala ang kaluluwa ko sa katawan ko. My eyes grew wide at mas lalong nataranta ang lamang loob ko.

"D-Damn it! I'm coming!"

Napatakip ako ng bibig dahil sa pagkapiyok ko at sa napagtanong iba ang dating ng sinabi kong 'yon.

Fuck. Lupa, kainin mo na ko!

I heard him chuckle sexily. "Your words, Ms. Avellarez. Too... nevermind."

Damn you, Reandre Moncivalles.

Pervert! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro