KABANATA XXXVIII: Care

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Naging laman ng isipan ko ang pagiging pursigido ni Reandre para mapabalik ako sa MITI. Hindi ako mapakali sa kama ko, hindi alam kung paanong pwesto ng higa ang gagawin. Tumihaya ako't tinuon ang tingin sa ceiling.

Babalik na ba ko? Wala namang problema sa'kin kung bumalik man ako ro'n. Hindi rin naman gano'n kabuo ang desisyon ko na umalis ng MITI. I don't want to fail Tito Rodley. Hindi naman dapat madamay pa ang kompanya sa inis at iritasyon ko kay Reandre.

Now that I think about it, hindi na rin ganoon kataas ang iritasyon ko sa kanya. In fact, wala na pala akong nararamdaman na ganoon sa kanya. Napalitan 'yon ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. I can't put them into words. I can't understand why I have this inexplicable feeling too. Kung bakit gano'n na lang ang sakit na naramdaman ko nang sabihin ni Reandre na lumalaban pa rin siya sa patay na relasyon nila ni Riella.

Mariin akong pumikit at bumuntong-hininga. My heart felt so heavy and I could hardly breathe. Parang hindi pa rin naaalis ang punyal na nakatusok sa puso ko matapos marinig ang mga binitawang salita ni Reandre.

This pain is not the same as what I felt back then when Paul left me. Magkakaiba nga naman ang mukha ng pain. Iba ang intensidad nito kapag iniwan ka. Iba rin kapag nagkakagusto ka sa taong aware kang hindi ka magugustuhan kahit kailan. Iba rin ang sakit nito kapag umaasa kang mahalin ka rin pabalik ng taong mahal mo.

But at the end of the day, pain pa rin ang tawag dito. Magkakaiba man ng intensity at dahilan kung bakit ito naramdaman.

"I'm on my way there..." utas ko nang tumawag si Riane habang nagda-drive ako.

"Seriously?! Babalik ka na talaga dito?! Bilisan mo!" Her voice filled with delight, 'di maikakailang pinagdasal niyang magbago ang isip ko tungkol sa pag-alis.

I chuckled. "Oo na! Don't get too excited! Nagdadalawang-isip pa rin ako."

"Nagdadalawang-isip ka pa? E 'ni isa nga minsan wala ka?"

"Ewan ko sa'yo, Riane!" natatawa kong utas.

"Pero teka nga, napaisip lang ako..."

"'Wag ka nang mag-isip. Wala ka rin naman no'n ni isa!"

"Ginaya mo pa ko sa'yo? 'Wag ka ngang naghahanap ng karamay diyan!"

"Best friend kita. And you know what they say, birds of the same feathers flock together!"

Natawa na lang si Riane na nasa kabilang linya. Bago pa man ako makapagsalita para ibahin ang topic, naunahan niya kong magsalita.

"So ayon nga, what made you come back?"

Natahimik ako sa tanong niyang 'yon. Ang ngiti ko ay marahan na napawi habang prinoproseso't iniisip ang dahilan ng pagbabalik ko sa MITI.

I have to be honest, of course. Hindi rin naman ako babalik do'n kung 'di rin dahil sa nakita kong pagpupursigi ni Reandre na magkaayos kami. Yes, he made me swallow my pride. Ngayon ko na lang ulit 'to ginawa after four years.

Ngayong naiisip ang pagtaas ko ng puting bandera kay Reandre, dinarayo ng kaba at takot ang puso ko. Indeed, Reandre is a threat to me.

Pakiramdam ko, bumabalik ako sa pagiging tanga kapag nanlalambot ang puso ko sa kanya. Pakiramdam ko, ginagamit niya lang ako dahil kailangan ako sa kompanya nila.

If that's indeed the case, hindi ko mapipigilan ang sarili kong magalit sa kanya. Isusumpa ko pa siya para damang-dama niya ang galit ko.

"Did Mr. Moncivalles make some moves to make you come back?" Riane queried in a malicious tone.

Uminit ang pisngi ko. Naalala ko bigla ang pag-vo-volunteer niyang magluto for dinner namin last night. The image of him comforting me when we're at the bay side flashed through my mind. Parang naramdaman kong muli ang init ng mga braso niyang nakapulupot sa'kin no'ng mga oras na 'yon.

I shook my thoughts away. Masyado ko na naman siyang iniisip!

I sighed before replying to her, "W-Wala naman. Ako lang talaga ang nag-decide sa sarili ko na bumalik."

"Hmm... talaga?"

"Yes."

"Ah, okay. Kaya pala..."

Kumunot ang noo ko. "Kaya pala ano?"

She then chuckled. "Wala! Sige na, just get here! Drive safely, Rayanne! I love you, Bruha!"

Napailing na lang ako. "Baliw talaga kahit kailan. I love you more!"

I ended the call and sighed as I fixed my gaze on the road. My mind was bombarded with thoughts of Reandre once again. I thought I'd be fine if I just slept on it. That when I wake up the next day, hindi ko na maiisip ulit ang inakto ni Reandre last night.

But I was wrong. Dahil pag gising ko nitong umaga at pag punta ko sa kitchen, siya ang unang pumasok sa isipan ko. Too desperate to get him out of my head, nagtimpla lang ako ng kape't nagluto for breakfast, then sa veranda ako nag-almusal.

I stepped on the brake when the traffic light went red. Bumuntong-hininga ako at sinandal ang ulo sa mga kamay na nakahawak sa manibela.

"Stop thinking about him, Rayanne..." anas ko sa sarili.

In fact, hindi ko naman talaga siya dapat isipin. Abnormal lang talaga 'tong utak ko.

Sa kalagitnaan ng pananahimik ko, my phone beeped. Bahagya akong nag-angat ng ulo at sinilip ang cellphone ko na nakailaw ang screen para sa isang message.

Kinabahan ako habang nakatitig do'n. Kahit malayo sa'kin ang cellphone ko, nakita ko ang pangalan ni Mike ro'n. After dealing with my thoughts of his cousin, siya naman ang pumalit!

I took my phone and read his message.


Mike:

Good morning :) Where are you?


Ngumuso ako at nagtipa ng sagot.


Me:

Off to work.


Wala pang isang minuto, nag-reply siya.


Mike:

Okay, pupunta ako mamaya sa MITI. See you later.


Magtitipa na sana ako ng reply ko nang mag-beep ang phone ko dahil sa ibang message na dumating. My eyes widened and my heart beat frantically as I read the sender's name.

It's Reandre!

Nanginginig ang daliri kong pinindot ang text niyang kararating lang.


Reandre:

Good morning! You up already? Don't forget to eat your breakfast before you go to work, kung babalik ka na. I'm on my way to the office.

Take care, Lawryn. Drive safely! ^^


What the? Did he really send this? This guy is too nice and too sweet to be Reandre! At kailan pa niya naisipang i-update ako sa whereabouts niya? I can't believe this!

Parang nagkabaliktad ng traits ang magpinsan na 'to. What's happening to the world?

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ko sa office. As soon as I entered the office, my girl friends flocked to me. Mahigpit akong niyakap nina Mein at Riane at nagtagal 'yon nang mga ilang saglit. Akala ko ay magsisibalikan na sila sa mga trabaho nila after that. Pero nagkamali ako, sinundan pa talaga nila ako hanggang sa matunton ko ang aking cubicle.

I couldn't help but chuckle at them. Akala mo naman ang tagal kong nawala at sobrang namiss nila ako. Limang araw lang naman?

Parang mga timang lang ang putik!

I was expecting I'd have a lot of pending works to do. Hindi biro ang limang araw na hindi pumasok lalo na't ako ang in-charge sa mga documents ng clients. Pero pag tingin ko sa mesa ko, kumunot ang noo ko dahil malinis ang desk ko. Walang pending na trabaho. Parang pinaghandaan talaga nang husto ang pagbabalik ko.

Hinarap ko ang mga kaibigan kong babae at nalilitong tinuro ang desk ko.

"W-Wala akong trabaho? How come?"

May multo ng ngisi sa labi ni Riane na mas lalong ikina-confused ko. What the heck happened?

Tumikhim si Mein at sumandal sa hamba ng cubicle ko. "Well, sa pagkakaalala ko, mayro'n ka talagang mga pending works. It's just that, may nagmagandang-loob na asikasuhin 'yong mga pending works mo."

"Eh? Sino naman?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.

Nilingon ni Selle si Mein. "Si Lina, right? Siya ang nakita kong kumuha ng mga papel diyan sa desk ni Rayanne e."

Mein nodded enthusiastically. Bigla naman siyang nag-angat ng tingin sa kung saan bago siniko si Selle.

"Speaking of her, there's Lina..." Ngumuso si Mein para ituro si Lina.

Lumingon ako sa direksyong tinuro niya at nakita si Lina na patungo sa cubicle niya.

"Babalik na muna kami sa mga cubicles namin. Mamaya, sabay-sabay tayong mag-la-lunch, Rayanne. We need to talk about something," ani Riane at tinanguan ang dalawang babae para ayain na pabalik sa mga cubicles nila.

My brow furrowed. Ano naman 'yong pag-uusapan namin? Kapapasok ko lang, may issue na agad?

Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko kay Lina na yumuko para buksan ang power supply ng computer. Hindi pa ko nakakapagpasalamat sa kanya. I should approach her.

That's what I did. I rose to my feet and walked towards her cubicle. Pero bago ako tuluyang makalapit sa kanya, nilingon ko ang pinto ng office ni Reandre. Huminto ako sa tapat nito at bumuntong-hininga.

I wonder if he's already inside? Kailangan ko rin siyang makausap at sabihin na hindi niya kailangang umalis ng MITI ngayong nakabalik na ko. I don't want to make his life a misery. Kahit nakakairita ang pag-uugali niya pag narito siya sa office.

"Oh! Nakabalik ka na pala, Rayanne!" Lina beamed, breaking me out of my thoughts.

I turned to her then smiled. I took her hand and squeezed it lightly. Napakurap siya nang ilang beses habang nakatitig sa'kin.

"B-Bakit, Rayanne?" Naguguluhan niyang tanong.

"I just want to thank you for taking care of my work while I was away."

"Ah e... hindi ako ang gumawa ng work mo."

"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Sino?"

"Hindi ko rin alam, Rayanne." She shrugged then proceeded, "Basta, pinapasok lang ni Sir Reandre 'yong mga papers mo sa loob ng office niya."

My lips parted slightly to what she revealed. Why would he do that?

Don't tell me... siya ang umasikaso sa mga pending works ko?

No. That can't be.

"Sinabi ba niya kung bakit niya pinakuha?"

Umiling siya. "'Di rin po e."

I pointed to his office. "Nasa loob ba siya?"

Akmang kakatok na sana ako nang sumagot si Lina.

"Wala siya, Rayanne. Nag-text siya sa'kin na hindi raw siya papasok."

Bumaling ulit ako kay Lina at bahagyang kumunot ang noo ko. I thought he's on his way here?

And wow, textmates sila?

Malamang, Rayanne! Sekretarya niya 'yan! What the hell is wrong with you, girl?

Tumikhim ako at huminga nang malalim. "Thank you, Lina."

"Gusto mo tawagan ko at sabihing hinahanap mo—"

"No!" Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa magkabilang balikat ni Lina. "I-It's okay, Lina! H-Hindi naman ganoon kaimportante ang sadya ko sa kanya..."

"Hmm... okay?" Nag-angat siya ng isang kilay, naninimbang ang mga mata niyang nakatitig sa'kin.

Ilang saglit niya kong tinitigan bago nagkibit-balikat at tinalikuran ako.

Panay naman ang kumbinsi ko sa aking sarili na imposibleng si Reandre ang gumawa ng mga pending works ko. Masyado nang hindi kapani-paniwala 'yon. Ngayon pa nga lang sa inaakto niya ay hindi ko magawang mapaniwalaan na genuine 'yon.

He's just being nice because the company needs me. May hapding dumaan sa puso ko nang maisip 'yon. It's making me mad and I couldn't help but get frustrated by the unknown pain.

Thoughts bombarded my mind. Dahil sa walang pending works, malinis ang lamesa ko. Inabala ko ang sarili ko sa aking laptop, nagbasa na lang ng tungkol sa mga bagong technologies na nag-emerge ngayong taon. Natigil lang 'yon nang mag-aya ng lunch out ang mga kaibigan kong babae.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga kaibigan kong nagkukwentuhan. Hindi ako makasabay sa usapan nila dahil wala naman ako no'ng mga panahon na nangyari 'yon. Hindi ko rin ganoon nasundan ang kwento because I was too busy minding my own thoughts.

Naunang nagpaalam at umakyat ang mga kaibigan ko pabalik sa office, maliban kay Riane. Naiwan kaming dalawa sa restaurant dahil sinamahan ko siyang maghintay sa kung sinong hinihintay niya.

"Hoy, Rayee..." Riane nudged me, drawing my attention to her. "Masyado ka yatang tahimik? 'Yan ba napapa nang limang araw na hindi nakalabas ng condo?"

Umayos ako ng upo, tumikhim, naghalukipkip bago bumuntong-hininga, at tinitigan ang baso ng tubig na malapit sa pinggan ko.

"I just... can't stop thinking about Reandre's peculiar actions," I said loud enough for Riane to hear.

I felt her attention drawn to me. "Peculiar actions?"

"Yeah..." mahina kong utas at nilingon siya.

"Why? What happened?" Her eyes then widened when she realized something. "Nagkikita kayong dalawa?"

"W-Well... h-hindi naman sa intentionally na nagkita. Nagkataon lang na nagkita kami sa isang convenient store and... ayon, nagkausap lang."

"Wow! Destined talaga kayong magkita sa place na 'yon ha?" makahulugan niyang utas, ngumuso siya't makahulugan akong tinitigan.

 I squinted at her. "Ano na namang iniisip mo?"

"Uy? Wala ha!" Her eyes grew wide, natatawa niyang inangat ang dalawang kamay niya bilang pagsuko.

"I told you, nagkataon lang talaga—"

"Oo nga? Naniniwala naman ako ha?" she interrupted.

"E mukha ka kasing hindi kumbinsido. Seems to me you're thinking there's something between me and Reandre!"

"Oh? Iniisip ko 'yon? Ba't 'di ko alam?" She put her hand on the center of her chest, gaping at me with an exaggerated look of shock on her face.

I scoffed then rolled my eyes. Hindi na talaga siya natigil sa pang-shi-ship niya sa'min ni Reandre. 'Di ko alam kung maiirita o matutuwa ako sa kanya. Nagtatalo na naman ang dalawang kampo sa loob ko.

"Anyway, ano naman ang pinag-usapan ninyong dalawa?"

My lips protruded and I titled my head. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagkukwento. I don't know kung bakit ngayong tinatanong sa'kin ni Riane ang tungkol sa napag-usapan namin, hirap akong ikwento sa kanya. Pero kay Reandre, I failed to refrain from showing him my inner demons.

It seems as though he's the master of my heart and mind. Napapasunod niya ang mga ito. Ang kampo sa loob ko na ayaw sa kanya ay nagagawa niyang patahimikin at laging pinapanalo ang kampong boto sa kanya.

Just one embrace from him eased the pain in my heart. Parang naramdaman kong muli ang haplos niya sa buhok ko at ang mainit niyang yakap habang inaalala kung paano niya ko aluin no'ng mga oras na hindi ko napigilang umiyak sa kanya.

"Mukhang ang dami niyong pinag-usapan 'te ha? 'Di mo na alam kung anong uunahin?" Riane joked, breaking me out of my thoughts.

I shook my head slightly then scrunched up my nose a bit. "Ewan ko sa'yo, Riane!"

"Okay ganito na lang..." Umayos siya ng upo at hinarap ako. "Share mo na lang 'yan kapag nasa outing na tayo."

Kumunot ang noo ko. "Outing?"

"Yeah!" Pinanlakihan niya ko ng mga mata. "Hindi ka ba nakikinig sa usapan kanina?"

Malamang, hindi. Wala akong ka-ide-idea na outing pala ang pinag-uusapan. Ganoon ba ko kalutang?

I scratched my nape and pursed my lips. I was about to speak when I felt someone neared my back. Nag-angat ng tingin si Riane sa taong nasa likod ko at nginuso niya ito para ituro.

"You have a visitor." She grinned.

Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ang init ng dalawang kamay sa magkabilang balikat ko. My eyes widened a fraction as I tried to inwardly guess who it was.

"Kanina pa ba kayo rito?" Mike's baritone voice spoke.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sinalubong niya ako ng seryosong titig. Unlike Reandre, wala akong naramdaman sa paninitig niya sa'kin. No matter how deep and intense his stare was. It felt normal and not exciting at all.

"Obvious ba? Patapos na nga kaming kumain oh?" Si Riane.

Sumulpot naman si Chan sa gilid niya at bumuntong-hininga. "I told you to wait for us, right?"

"Do you think makakapaghintay pa kami? Gutom na gutom na kaya kami!"

Hinila ni Mike ang silya sa kanan ko't umupo ro'n. Sa kabilang gilid naman niya pumwesto si Chan, malapit kay Riane.

"How long do you usually stay out for lunch? Pwede ba kayong abutin ng alas dos?" Lumipad ang tingin sa'kin ni Chan.

I squinted at him as I drank some water. "Masyadong matagal 'yon. We can only stay for an hour. Hindi na lalagpas do'n."

Mike smirked, leaning his arms against the table. "I could ask my cousin for another two hours." 

Pairap ko naman siyang nilingon. "It's still up to me whether I'll stay or not."

He then rested his arm on the top side of my seat and turned to me with furrowed eyebrows.

Mas lalong nadepina ang pagkailang ko sa sudden move niya. Umalis ako sa pagkakasandal at tuwid na umupo, huminga nang malalim para ibsan ang pagkailang. I could sense him watching me closely. Pero binalewala ko 'yon at pinilit na magmukhang normal lang sa'kin ang lahat.

"Why are you such in a hurry?" He tilted his head. "Wala ka namang tatrabahuin."

His last words caught my attention, making me turn to him.

I furrowed my brow. "H-How did you know that?"

His lips protruded with a hint of a smile on his lips. "Reandre took care of it while you were on leave."

Hindi ko naitago ang pagkamangha ko sa narinig. My jaw dropped as he revealed that. May parte sa loob ko na gustong maniwala pero hindi ko magawang paniwalaan dahil hindi ko lubos maisip o ma-imagine na siya nga ang umasikaso ng trabaho ko.

"Really?" Nanlaki rin ang nga mata ni Riane. "I thought it was Lina who did her work?"

Umiling si Mike. "Nope. It wasn't her."

I turned to Riane and our eyes met. We were both struck dumb. Mike's words came as a bolt from the blue.

"E... baka naman pinapasok lang niya 'yong mga papers para i-distribute sa iba?" Wala sa sarili kong utas. 

"I caught him in the act, Rayee." He sighed then proceeded, "He was busy minding your work when I went inside his office. Nagtaka pa nga ako no'ng una kasi usually kakaunti lang ang papel sa mesa niya. But that day, three piles of papers were on his table."

Nanatili akong tahimik at nagpatuloy naman siya.

"He was sulky for three consecutive days na wala ka. Nag-offer akong tulungan siya but he refused. Masyadong possessive sa mga paperworks mo at ni isa ayaw niyang ipahawak sa'kin," natatawang sambit ni Mike habang iiling-iling.

Paulit-ulit kong inisip at prinoseso ang mga sinabi niya. Parang may kung anong mainit na humaplos sa puso ko. May kung anong gumuhit na saya sa puso ko. Hindi ko alam kung ano ang mga 'yon pero masaya ako.

"Wala raw akong alam sa work mo. Well, I wasn't offended since it's true. Wala naman talaga akong alam at baka magkaproblema pa pag ginalaw ko," Mike added and shrugged with a smirk on his lips. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro