January 2022 (i) Meet the Community

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter! 

Dahil nagsimula rin tayo ng bagong taon, may mga bago rin kayong aabangan sa mga panayam namin dito sa ating newsletter. And because good things come in pairs, simula ngayong buwan, asahang makapagbabasa kayo ng dalawang panayam sa bawat kategorya!

Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:

Wattpad Stars: Imcrazyyouknow, therealestpotato

Undiscovered Writers: eugenebryle, fieryjia

Wattpad Ambassadors: Exequinne, TheGirlLookingAtYou

Halina't kilalanin natin sila!

---

Wattpad Stars

Si Jacob o mas kilala bilang Imcrazyyouknow sa Wattpad ay nagsimulang magsulat sa Wattpad noong April 2013. Nagsimula siya sa one shot stories hanggang sa full-length novels. Ang ilan sa kanyang mga akda ay na-publish ng LIB at PSICOM noong 2018 hanggang sa kasalukuyan. Sa ngayon ay mayroon siyang 101 published works sa Wattpad na nabibilang sa 70 completed novels, 48 one-shot stories, at 5 short stories. Noong 2020 ay nanalo ang kanyang vampire story (The 19th Century Vampire) sa pinakaeleganteng patimpalak ng Wattpad, ang Wattys. Ito rin ang naging daan niya upang maging parte sa exclusive programs ng platform, ang Wattpad Stars Program at kalaunan, ang Paid Stories Program. Sa ngayon, ang story niyang Waking Up in Vegas ay kabilang sa Paid Stories Program--ang bumibida sa kanyang flagship series sa ngayon.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni Imcrazyyouknow.<<


Si therealestpotato ay mas kilala bilang Sol sa kaniyang mga mambabasa. Siya ay isang ESL (English as Second Language) writer, isang Wattpad Star, at Wattpad Exclusive Writer. Siya ang may-akda ng paid story na The Devil's Match na nanalo ng 2020 Watty Award at siyang naging daan na rin para matupad ang pangarap ni Sol na maging Wattpad Star.

Ang kanyang espesyalisasyon ay Literary Fiction at LGBTQ+ fiction, kasama na rin ang paminsan-minsang romantic-comedy na mapapa-utot ka sa saya.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni therealestpotato.<<

---

Undiscovered Writers

Kung may bagay na gustong-gusto mangyari si eugenebryle, iyon ay ang maging lahat sa iisang lugar at sa iisang oras lang. Nakita niya ang potensyal sa pagsusulat kaya sinubukan niya ito at hindi nga siya nagkamali dahil sa pagsusulat niya lang nararanasan maging kahit ano sa isang upuan lang. May Sagittarius Stellium siya at parehong Pisces ang Moon and Rising niya kaya masiyadong malawak ang kaniyang imahinasyon ngunit malabo niya lang itong nakikita sa isip niya. Naniniwala rin siyang may sugar daddy na nakalaan para sa kaniya.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni eugenebryle.<<


fieryjia writes books about marriage, mistresses, how strong love is, and how to let go of those who don't appreciate you. She loves writing romance and fantasy novels and is eager to branch out into other genres. Her fans adore her even more because she enjoys bringing plot twists to her work. Her stories will make you fall in love, cry, be grateful, and make you wonder about love. Fieries, her readers, are always supportive and enthusiastic about the stories she writes for them. When she is unable to write due to a mental block, she creates magic on a blank canvas. She enjoys painting portraits as well as landscapes. Writing serves as an escape for her, as well as a means of self-satisfaction. 

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni fieryjia.<<

---

Wattpad Ambassadors

Sofiya Caeran (@Exequinne) is a Filipino author and poet who has eight cats which don't exist. They are a builder of worlds and an epic series plotter who specializes in all things fantasy, butt-kick adventure, and morally gray characters. A passionate poet at heart, a whiny genre fiction author by virtue, and a crazy mind at large, they are behind the High Fantasy series, The Chronicles of Fantasilia, the YA Contemporary Novel, Forever the Same, and a slew of worlds and works to come in the near future.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni Exequinne.<<


Si Aeece ang nangarap na maging Wattpad Ambassador dati, at ngayon kabilang na siya dito at dahil dito, naniniwala siyang lahat ng pangarap ay puwedeng matupad.

 >>I-click ito upang mabasa ang interview ni TheGirlLookingAtYou.<<

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro