July 2022 (i) Panayam kay NeifileTheDreamer

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Mag-iisang taon na akong Wattpad Ambassador at sa Content Team ako kabilang. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Bilang isang Wattpad Ambassador at kasama sa Content Team, marami kaming responsibilidad na ginagawa para mailagay sa ayos ang mga kuwento sa Wattpad. Marami rin kaming ginagawa upang masiguradong lahat ng stories sa Wattpad ay akma sa mga reader. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Noong nakilala ko ang Wattpad last 2016, isa na talaga sa goal ko na mapabilang sa Wattpad Ambassador Program at Wattpad Star. Bukod kasi sa pagiging reader, nais ko pang ma-explore ang Wattpad at nang nagkaroon ako ng pagkakataon last April or May 2021, grinab ko na ang opportunity. Nag-submit ako ng form para makasali sa Wattpad Ambassador Program at bandang June 2021, hindi ako nabigo sa unang pagkakataon. 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

Ang pinakamasayang parte bilang Wattpad Ambassador ay 'yong alam mong nakakatulong ka sa community, mapa-reader o writer man sila. Sa kabilang banda, ang pinakamahirap na parte ay 'yong pagmo-moderate ng mga mahahabang story dahil kailangan pa namin suriing mabuti ang mga ito upang masabing nasa ayos ito. Masaya na medyo mahirap ang pagiging Wattpad Ambassador. 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Hindi naman kinakailangang maghapon ang duty bilang isang ambassador, basta magawa mo lang ang task mo at naabot ang required time dito ay ayos na. Time management lang talaga ang kailangan. Naisisingit ko naman ang pagiging Wattpad Ambassador ko sa pang-araw araw kong gawain at pagiging Wattpad Writer din at the same time. 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Maging responsable sa mga gawain at matutong makisama sa mga tao ang natutunan ko nang ako ay naging Wattpad Ambassador. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors? 

Unity in diversity, ito talaga ang nakikita ko sa working environment ng Wattpad Ambassadors. Kahit na iba iba ng lenggwahe, bansa, at paniniwala ang mga tao rito, masasabi kong mayroon pa rin itong pagkakaisa— ito ay 'yong tumulong sa Wattpad Community at mabigyan ang mga user ng magandang experience. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

Nang naging Wattpad Ambassador ako, maraming nagbago sa pananaw ko bilang isang reader at writer. Para bang naging oportunidad ito upang mag-grow ako mula sa aking pagbabasa hanggang sa pagsulat ng kuwento. Marami rin akong natutunan patungkol sa mga dapat gawin sa loob ng Wattpad Community. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Nang matanggap ko ang mensahe na kasama ako sa Ambassador Training ang hindi ko makakalimutang karanasan. Magmula kasi noon ay nagbago na ang buhay ko bilang isang Wattpadder. 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

Isa rin akong Wattpader at naiintindihan ko sila. Tinatanggap ko na lamang ang mga kritisismo nila at ginagawa itong inspirasyon upang mapabuti pa ang trabaho ko bilang Wattpad Ambassador. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Sa mga co-ambassadors ko, I hope you're doing great. Salamat sa hard work ninyong lahat upang mas lalong mapaganda ang Wattpad Community. Sa mga nagnanais namang mapabilang sa amin, keep it up and alam kong makakasama rin namin kayo soon!  


1. E-book o physical book? 

E-book 

2. Tea o coffee? 

Coffee is life kahit mainit at nagpa-palpitate na 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Mahal ka 

4. Edward o Jacob? 

Jacob kahit nasa J ang trauma (charr) 

5. Jollibee o McDo? 

Jollibee! Bida ang saya forever 

6. Dine-in o delivery? 

Dine in 

7. Forest o beach? 

Beach 

8. Tacos o wings? 

Wings 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama? 

Kanan because I'm always right (charr again) 

10. Pusa o aso? 

Pusa 

11. Sitcom o drama? 

Sitcom 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro