July 2022 (iii) News From Around Wattpad

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ngayong buwan ng Hulyo, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!

---

AmbassadorsPH

Lahat ng kuwento ay may simula at katapusan. Lahat ay umaasa na makamit ang happy ending kasama ang kanilang pinakamamahal. Pero minsan, ang tadhana ay mapaglaro. Minsan, hindi nito ibinibigay sa atin ang lahat. 

Paano kung humantong kayo ng pinakamamahal mo sa katapusang hindi mo kailanman inaasahan? Paano kung ang happy ending na ninanais mo ay mapunta sa hiwalayan? Ano ang gagawin mo? 

Ngayong buwan ng Hulyo, pag-usapan natin ang break ups at ang sakit, hapdi, at lungkot na katuwang nito. Sa loob ng 200-300 na mga salita, magsulat ng maikling kuwento na sumusunod sa temang, 'Goodbye, Love'. 

Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates and sticker badge. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!

---

Wattpad Filipino Block Party 2022: Your Best Season

Hello, Wattpadders! 

Narito na muli ang pinaka-exciting na party sa Wattpad! Inihahandog ng AmbassadorsPH ang Wattpad Filipino Block Party 2022: Your Best Season. 

Iba't ibang panahon... Iba't iba ring mararamdamang emosyon. Samahan kami at ang mga tampok na manunulat sa isang kapana-panabik na biyahe na maaaring magpakilig, magpasaya, magpaiyak o magpagulat. 

Handa na ba kayo? Tara na! 

---

WattpadFanFicPH

Hello FanFicPH people! 

Let your imagination flow like the pouring down rain. 

Ngayong buwan ng Hulyo, kung saan ang panahon ay maulan, pagkatapos ng isang kalmado at di matimplang weather ng buwan ng Hyunyo, sama-sama nating damhin ang pumapatak na sakit, tuwa, at kilig ng pag-ibig. 

Sa ilalim ng mga makulimlim na ulap. Sa pagyakap ng malamig na hangin. Tumatago ang araw, at nagpaparami ang mga patak ng ulan. Sumabay sa agos ng tubig at ilabas mo na ang nais mong sabihin. 

Inihahandog ng WattpadFanFicPH ang Pouring Rain, Pouring Love WriCon!

Pipili ka ng iyong idol, maging ito man ay local o international at gagawan mo ito ng maikling kwento. Mayroong pagpipiliang dalawang plot: 

Plot 1: Hopeless Romantic 

Ilabas ang iyong pagiging hopeless romantic at bigyang buhay ang plot kung saan nakita mo sya na nag lalakad sa ilalim ng ulan na malungkot at tila ba apektado sya ng panahon. 

 Plot 2: Opposite Attraction 

Mahilig ka ba kay Tom at Jerry nung bata ka pa? Kung oo, sakto sayo ang plot na to! Away bati kayong dalawa at hindi nyo matiis na hindi mag away basta nagkasama kayo sa iisang lugar noon pala ay may itinatago kayong lihim na pagtingin sa isa't isa.

I-follow ang WattpadFanFicPH para sa buong mechanics at iba pang updates!

---

WattpadRomancePH

Libutin ang Pilipinas kasama ang WattpadRomancePH ngayong Hulyo! 

Go Beyond Borders with us as we tackle three love stories set in the three major islands of the Philippines. Kung sa palagay mo ay kaya mong magsulat ng kuwento sa pagitan ng isang Pilipino at isang banyaga, kunin ang pagkakataon na ito para mapabilang sa aming mga ipinagmamalaking winners. 

'Wag kalimutang i-follow ang WattpadRomancePH para hindi mahuli sa aming pinakabagong mga balita at update. 

---

Wattpad Now Season 2

Nakapanood na ba kayo noong Mayo? May inaabangan ba kayong magiging guest sa show? Kung kapareho namin ay nasasabik na kayo sa iba pang mga pakulo ng Wattpad Now Season 2, puwes, tumutok lamang sa WattpadPH profile sa kumu tuwing alas nuebe ng gabi (tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes).

Marami rin kaming inihandang mga papremyo kaya manood at makipagkulitan na!

Aasahan namin kayo, ah?

---

At dito na nagtatapos ang July issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan! Maraming salamat sa inyong suporta!

Happy Wattpadding!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro