March 2022 (i) Meet the Community

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!

Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:

Wattpad Stars: MsKindGirl, iamchast

Undiscovered Writers: halfbakedwriter , thefakeprotagonist

Wattpad Ambassadors: arrowheads, weirdskin

Halina't kilalanin natin sila!

---

Wattpad Stars

Si Isay o mas kilalang MsKindGirl ay nagsimulang magsulat sa Wattpad sa taong 2015. Nakilala niya ang Wattpad nang dahil sa kapatid niya na mahilig magbasa. Noong una, nagsusulat lang siya sa notebook hanggang sa pinasok niya na rin ang Wattpad. Sa taong 2021, naging isa siyang Wattpad Star at napabilang din ang isa niyang akda sa Paid Stories Program. Ang title ng akda na napili ay "Accidentally Kissed the PLAYBOY". Kadalasan na sinusulat ni MsKindGirl ay teen fiction at romance at handa pa siyang sumubok ng ibang genre.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni MsKindGirl.<< 

Si iamchast o maaari mong tawaging Chast, ay isang manunulat mula sa Wattpad na nagsimulang magsulat (ng seryoso) noong February 2019. Nagsusulat siya ng mga akda sa ilalim ng mga genre na: Teen Fiction, Romance, Mystery-Thriller, Horror, Paranormal, at iba pa. Noong 2020, nanalo ang isa niyang akda ng Wattys Award. Naging daan ito para sa kaniya upang maging parte ng Wattpad Stars Program. Ngayon na isa na siyang ganap na Wattpad Star, mas lalo niyang pinagbubuti ang pagsusulat ng mga istoryang makapagbibigay ng malaking impact sa kaniyang mga mambabasa.  

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni iamchast.<< 

---

Undiscovered Writers

Si Yennie o mas kilala bilang si halfbakedwriter sa mundo ng Wattpad ay isang manunulat at masugid na mambabasa mula pa no'ng pagkabata niya. Mahilig siyang mag-isip ng mga senaryo at paganahin ang imahinasyon kapag nagkukulang ang realidad na kalaunan ay naging libangan na. Sa kasalukuyan, siya ay nagsusulat sa Wattpad ng epistolaries at nobela at humihingi ng paumanhin sa mga malalapit na kaibigan para sa pangungulit tuwing may gusto siyang ikuwentong ideya.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni halfbakedwriter .<< 

Bata pa lang si Lowi o mas kilala sa tawag na thefakeprotagonist, nabighani na siya sa mga nobela, pelikula, o teleserye na puno ng misteryo o hiwaga. 'Yong tipong mapapaisip din siya kung ano ang sunod na mangyayari, sino ang salarin, at kung paano niya nagawa 'yon nang walang nakaaalam. Hanggang sa ang edad niya ay kalahati na sa kalendaryo, naisipan niyang magsulat sa kaniyang lumang kuwaderno, isinatitik ang mga nasa isip. Sa kasalukuyan, siya ay nag-aaral habang nagsusulat ng Mystery/Thriller at Young Adult fiction na parehong may temang LGBTQ+ sa Wattpad.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni thefakeprotagonist.<< 

---

Wattpad Ambassadors

Si Gi o arrowheads ay isang dreamer at storyteller. Siya ang mayroong committed relationship sa kape, sa kanyang kama, at kay Peter Parker, at naniniwala siya na ang em dash ang superior na bantas. Kapag hindi siya nagsusulat, kumakain siya ng chicken nuggets at cheesecake, nanonood ng mga K-drama, at nai-in love sa mga piksyonal na karakter (oo, kasama ang isinulat niya).

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni arrowheads.<<

Si Clara o weirdskin ay isang 123 taong gulang na pariwarang alien na piniling maging manunulat at alipin ng mga gawaing malikha dito sa Earth. Siya ay nagsimulang magsulat noong siya ay hasykul, nagpapalit-palit ng account at username mula 2013 sa Wattpad at naging isang ganap na Wattpad Ambassador noong Disyembre 2020. Sa kasalukuyan, siya ay nagpapatuloy magsulat ng mga series na nasa ilalim ng mga genre na Fantasy, Romance, YA, Mystery, at Action. Mahilig siyang magkape kahit nagpa-palpitate, magpuyat kahit low-blood, at kumain ng fried chicken kung saan siya allergic. In short, #Masochist Hindi rin siya mahilig sa mga boygroup at tanging loyal lamang sa bandang MCR #SheWentToTheBlackParade pero nagmamay-ari ng Army Membership simula 2020. #PanoYungDenialP.S Love yourself. Borahae. ♡

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni weirdskin.<< 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro