May 2022 (i) Panayam kay therealestpotato

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Magdadalawang taon na ako sa Ambassadors team sa parating na June/July. Hindi ko na talaga matandaan kung anong batch ako eh, haha. Naging kabilang ako sa Team Outreach, at sa kalaunan ay naging parte na rin ng Content team na ngayon ay ang major role ko. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Bilang Ambassador, especially dahil kabilang ako sa Content team, parte ng responsibilidad ko ang panatilihing safe ang platform para sa lahat ng users. Kaya nakaabang kami sa mga biglaang pagdami ng spam accounts, phishing scams, etc. para iparating ito agad sa Wattpad directly. Noong parte pa ako ng Outreach team, hands-on din kami sa mga users para i-welcome sila sa platform at bigyan sila ng mga guides kung paano gamitin ang Wattpad. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

I'll say na nakapag-desisyon akong maging Ambassador dahil gusto kong maging mas involved sa community. Dahil na rin lumalaki na ang following ko at that time, gusto kong maging isang informed na user, and at the same time, maging isang magandang ehemplo para sa mga followers ko. 


4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador? 

Pinakamasaya na part is yung makilala ng ibang mga volunteers din sa team at mag-bond sa mga shared interests niyo. Galing sa iba't ibang mga bansa, iba't-ibang edad at estado sa lipunan. Pero I'll say na pinakamahirap naman is pag may backlash sa community at mga Ambassadors agad ang sumasalo. Volunteers lang po kami, at mga tao rin. 


5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Easy lang to sa akin kasi nag-fuse na ang responsibilidad ko for work and leisure sa Wattpad, haha. Nagsusulat na ako para sa Wattpad ngayon full-time as an exclusive writer, and hindi naman demanding ang required volunteer hours bilang isang Ambassador kaya nasisingit ko sa week ko. Kailangan lang talagang matuto kang mag say-'no' kapag hindi mo na kaya, tapos healthy work-life balance din. 


6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?

Pinakamagandang aral na natutunan ko as an Ambassador is yung pag-manage ng time and responsibilities. Pumasok ako sa team sa mga panahong nagta-transition ako from a young adult na marami pang free time into a working young adult na, and may adjustments na kailangang gawin regarding sa kung ano kadami ang responsibilities ko sa team, at responsibilities sa work. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?

I think yung work culture talaga ng team is diversity, collaboration, and trust. Sa team namin, alam namin na galing kami sa iba't ibang parte ng mundo at ibang cultures din. Still, nagtutulungan kaming lahat para sa iisang goal and expected na rin sa amin na gagawin namin ang required volunteer hours kahit walang mag-check. Diversity, teamwork, and trust ang first impression ko talaga na work culture ng Ambassador team. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

Nakatulong siya sa akin as a user first and foremost kasi naging mas informed ako sa responsibilities ko as a user ng platform and sa kalaunan, pwede na rin akong mag-relay ng information sa mga followers and friends ko on Wattpad. Naging mas conscious ako sa content na sinusulat ko at sa mga nababasa ko rin na stories. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

I guess hindi ko malilimutan yung mga gabi na gumagawa kami ng duties namin sa Outreach and habang nasa call, nagrereklamo kami ng ilang friends ko sa team na ang mga jowa nga namin hindi namin pinupuyatan ng gano'n. Pero tawa pa rin, kasi may sense of camaraderie. May mga moments din na ang kasama mo, naka-graduate na and ang iba, nakakuha ng bagong trabaho or kakalipat lang sa bagong bahay, so nagse-celebrate kayo as a team. Yung mga wholesome moments na yun ang hindi ko makakalimutan. 


10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

May standard operating procedure naman kaming Ambassadors eh. Wag lang mag-engage para hindi lumaki ang gulo and wag personalin, pero maging bukas parin sa mga grievances ng users. At the end of the day, ang mga Ambassadors ay mga Wattpad users rin. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Para sa lahat ng Ambassadors na nagbabasa nito, sana marasap mga ulam niyo ngayong araw, haha. At para sa mga gustong maging parte ng Ambassadors program, ihanda niyo ang mga sarili niyo. Sumali para sa tamang rason. Sumali kayo para sa pagmamahal sa community natin dito sa Wattpad. :)


1. E-book o physical book? 

Physical book 

2.Tea o coffee? 

Tea 

3. Mahal mo o mahal ka? 

Mahal ko 

4. Edward o Jacob? 

Jacob 

5. Jollibee o McDo? 

Jollibee 

6. Dine-in o delivery? 

Delivery 

7. Forest o beach? 

Beach 

8. Tacos o wings?

Wings 

9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama? 

Kanan? 

10. Pusa o aso? 

Aso 

11. Sitcom o drama? 

Sitcom  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro