Minahal kita

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dito sa magulong mundo
bigla na lamang ako nag-kagusto,
pero alam ko na walang patutunguhan ito
pero sumugal at nagmahal pa rin ako.

Noong una sabi ko katuwaan
mawawala din naman,
pero iba yung nararamdaman ko saiyo
minahal kita ng totoo.

Sinubukan kong magparamdam
ngunit ako'y bigo, pinagtawanan lamang,
dapat pa bang ipagpatuloy ang aking nararamdaman?
kung alam kong sayang lang.

Kinukulit kita, sinasabi na gusto ka
ngunit ano man ang gawin,
ayaw mong maniwala
ano pa ba ang gagawin?para ikaw ay mapa sa akin.

Ngunit, napagtanto ko,bakit ako susugal?
kung ako lamang ang nag-mamahal,
bakit ako lalaban?
kung wala rin naman itong patutunguhan.

Itinigil ang pag ka gusto saiyo
hindi na gaya ng dati ang trato,
itinigil ang pag-gambala ko
at tuluyan ng lumayo.

Inisip ko na lamang na,kaylangan kitang isuko
hindi man naging tayo, pero parte ka na ng buhay ko,
Inaamin ko lubusan kitang minahal ng totoo
pero napagod ako sayo, suko na ako.

Plagiarism is a crime, punishable by law.


-BCG-

bloodycattygreen

All rights reserved 2021.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro