Chapter 13: Her Braided Hair

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 13

HER BRAIDED HAIR


"Next week will be the VU Annual Random Hearts Night. Starting today, you have to look for your best outfit so you and your new acquaintances will also have the best first impression."

Napansin ko ang mahinang tili ng aking mga kaklase.

"I was once a Vaundee and I honestly know how it feels to be in your shoes. Best of luck everyone and I hope you find your forevermates just as I did. Class, dismiss!" Nakangising pagtatapos ng professor namin at naghiyawan silang lahat.

"What's with the celebration?" Nalilitong usisa ko kina Blessie at Ciara na malalapad din ang ngiti.

"Random Hearts Night is the most romantic night ever here in VU. I swear, MM, maiihi ka sa sobrang kilig!" bulalas ni Blessie habang namumula ang buong mukha.

"Agh! Unfortunately, hindi ka naman siguro papayagang pumunta sa ganung klaseng event dito sa university. Seloso daw kasi si Prof-"

Hindi na natapos ni Blessie ang sasabihin dahil tinakpan na ni Ciara ang bibig niya nga panyo at muntikan pang masakal nito.

"You know what.. kung ano man 'yang hearts night na 'yan. Sinisiguro kong makakapunta ako." Nakangiting usal ko.

"Really? Promise mo 'yan ah?" Napahawak-kamay kami ni Ciara habang nagtatanguan.

"Nakaka-curious kaya. Anong ginagawa niyo kapag ganung event?"

Pinanliitan lang ako ng mga mata ni Ciara saka ngumisi.

"Wala talaga dapat akong sasabihin sa 'yo baka kasi ma-spoil ka, MM. But just to warn you lang naman," seryosong ani Blessie saka inilapit ang mukha sa akin, nakigaya na rin si Ciara.

"VU is an anti-couple university. During the event, only one pair will arrive as a match and that pair," pabulong na dagdag niya. "Will be thrown into the dumping site through a giant vaccuum."

Nakiskis ko ang aking balat dahil sa paninindig ng aking mga balahibo.

"W-What do you mean?" kinakabahan kong tanong.

"It means.. you two will vanish," pinataas-baba niya ang kaniyang mga kilay, "forever. Phew!"

Napabuntong-hininga ako ng malala dahil sa nerbyos na idinulot nun sa akin.

"Bakit Hearts night ang tawag kung may mawawala naman palang estudyante? Ang creepy lang." Napalunok ako.

"Weird, creepy, name it. Vaund University will never be Vaund without its secrets, MM." Nakangisi namang sagot ni Blessie.

Bakit iba ang pakiramdam ko sa event na 'yun? Bakit parang may hindi magandang mangyayari sa gabing iyon?

"Pero, MM," bigla akong hinila ulit ni Ciara pagkatapos bumulong. "That's one of the biggest secrets of VU so you need to shut your mouth up, okay?"

Mas kumabog ang dibdib ko sa narinig.

"How come-h-hindi aware ang lahat sa pagkawala ng mga estudyante taon-taon?" Medyo napalakas ang boses ko kaya agad nila akong pinatahimik habang tinititigan ng masama.

"Shut up nga, 'di ba?" pakikisali na ni Blessie na halata ang takot sa mukha.

Naitaas ko ang dalawang kamay.

"Tanging mga professors lang, ang Grand Master at key officials ng university ang may alam sa ganitong pangyayari. Nakikita nila kung sinu-sino ang mawawala sa gabing 'yun. Kung nagtataka ka rin kung paano namin nalaman lahat 'to," lumingon-lingon muna si Ciara sa paligid bago muling nagsalita. "Our best friend was lost last year. Isang professor ang kinulit namin at kalauna'y naawa sa amin. Siya ang nagsabi ng lahat ng mga nangyari." Mas napahigpit ang pagkakahawak nilang dalawa sa kamay ko.

"This time, we don't want to lose another special friend, Mariyah." Hindi ko alam kung bakit ngunit animo'y natutunaw ang puso ko sa concern nila sa'kin.

"Thank you. Thank you for considering me as your friend. I really owe you a lot." Niyakap ko silang dalawa, patuloy na nagpapasalamat.

Dalawang araw na ang lumipas ngunit wala akong ganang maghanap ng masusuot sa hearts night next week. Sa mga sinabi sa akin nina Blessie at Ciara, parang ayoko na lamang pumunta roon.

"Good morning, beautiful!" bati ko sa sarili habang nakatitig sa salamin.

Today's Saturday at ilang araw na lang ay hearts night na. Mabigat ang loob kong pinasok ang closet sa kwarto ko.

Kahit papaano'y kailangan ko rin maranasan ang buhay bilang Vaundee. Gusto ko ngang lumipat dito dati dahil sa sobrang sosyal ng university kahit pa ang alam ko noo'y hndi nag-e-exist ang VU. Ngayong nandito na ako, hindi ko sasayangin ang chance na 'to. Sigurado akong marami pang events ang university na wala ng mapapahamak na estudyante.

Pagkapasok ko'y binuksan ko agad ang glass closet at isa-isang tiningnan ang mga damit na narito.

"I love this o-Ohh! Angganda nito! Bagay sa'kin!" Mabilis kong inilagay sa hanger ang dress na nasa kamay ko't pinuntahan ang pulang mermaid gown na nakasuot sa isang maniquin.

"Napakalambot pa niya," hindi ko napigilang usal nang mahawakan ang telang ginamit sa gown.

Sa sobrang pagka-excite ko'y hinubad ko iyon sa maniquin at isinuot para masukat kung kasya ba sa akin.

"This is so fabulous! Sobrang fit sa akin."

Naghahalo-halo ang nararamdaman ko habang suot ko ang gown. Kumuha ako ng isang pares ng heels at nakangiting tiningnan ang sarili sa malaking salamin.

"Siguro naman wala akong makaka-match dun kasi si Caleb ang mahal ko."

Biglang nag-flash sa isip ko ang nakangiting mukha ni Jaxx nang makita niya akong sumakay ng bus. Natigilan ako.

Nakita ko ang mga mata niyang nangungulila't nasasaktan. Dinudurog ko ang puso niya habang binubuo naman niya ako. Mas bumigat ang nararamdaman ko nang sumariwa sa akin ang higpit ng pagkakayakap ko sa kaniya habang nasa byahe kami.

Ang mga bulaklak.

Ang mga paru-parung nagsasayawan sa hangin.

Ang mga bituin sa kalangitan.

"Jaxx," naibulong ko sa sarili.

Si Caleb pa nga rin ba talaga hanggang ngayon?

Nailagay ko ang aking mga palad sa tapat ng aking puso't marahang napapikit. Bakit ako nasasaktan habang kinukwestyon ng aking isip ang pagmamahal ko kay Caleb?

I'm not supposed to feel this way.

"Mariyah? Mariyah?"

Napadilat ako nang marinig ang mga katok at ang boses ni Caleb na tinatawag ako. Mabilis kong kinusot ang aking mga mata't nagbihis na.

"Yes? Bakit, Caleb?" tanong ko nang mabuksan ang pinto.

"Breakfast is ready, you can go downstairs," sagot niya.

Napaawang ang mga labi ko. Ngayon lang niya ako inayang kumain. Wala sa vocabulary ng isang Caleb De Castro ang mag-ayang may makasabay sa mesa. Kaya niyang kumaing mag-isa, nang hindi ako kasama.

"I'll go back and prepare the juice, just.. follow me if you're ready."

Hindi pa man ako nakakasagot ay tumalikod na siya't naglakad papuntang hagdan. Niligpit ko lang ang higaan ko bago tuluyang bumaba.

Tatanungin ko na naman sana kung pinagluto niya ba ako dahil sa dami ng nasa dining table pero umurong ang dila ko nang maalala ang huling beses na nagtanong ako. Baka padala na naman 'to ni Kween.

May parte man sa akin na gustong marinig na nag-effort siyang ipagluto ako pero ayokong kumain ng agahang sakit sa puso ang dessert.

"You're here. Have a seat and we'll have our breakfast."

Nakita ko siyang naglakad mula sa kusina bitbit ang dalawang cans ng fresh juice. Mas nabigla ako nang makita kung gaano ka-natural ang ngiti niya habang inilalapag iyon sa mesa.

Hindi ako umimik at naupo sa harap niya. Ilang minuto rin ang lumipas na walang nagsasalita sa amin. Kapwa palihim na tingin lang ang ginagawa namin sa isa't isa. Nang mahuli ko siyang sinusulyapan ako'y napaubo siya at uminom kunwari ng juice.

"May sasabihin ako," sabay naming bigkas.

"Okay, you go first," aniya, umiling ako.

"No, ikaw na. We're too old for ladies first here," pag-iinsist ko.

Silence.

"About the flowers," napabuntong-hiningang panimula niya saka tumingin ng diretso sa mga mata ko.

Nagsimulang sumikip ang aking dibdib. Ilang araw na ang nakalipas at wala akong balak na itanong man lang ang tungkol sa nakita ko pagkatapos naming makalabas mula sa dark room.

Natatakot akong masaktan na naman ulit. Paano kung mali lang ang pagkarinig ko?

"I'm sorry.. sorry for being i-insensitive this past few weeks." Muntik ng pumiyok ang boses niya ngunit nanatili akong nakatitig sa nangungusap niyang mga mata.

Ayokong mag-assume.

"Please forgive me for not checking on you, for not asking if you're fine, for not knowing what you feel about everything. I'm sorry for not consulting you with whatever I d-"

"Psssh," pagpipigil ko sa kaniya. Nakatapat ang hintuturo ko sa gitna ng malalambot niyang mga labi. "You don't have to say sorry, Caleb. In the first place, pinatira mo nga ako dito. I should be thankful instead of being mad." Nasapo ko ang mga pisngi niya nang umiwas siya nang tingin at pinaharap sa akin.

"Mas lalong wala akong karapatang magtampo dahil hindi naman kita asawa or.. kahit boyfriend man lang. Don't worry, Caleb, I'm super fine with this set up." Malapad ang ngiti kong inalis ang mga kamay ko't nagpatuloy sa pagkain.

Magiging choosy pa ba ako, e, pinapatira na nga niya ako sa mansion niya, pinapasabay sa kotse niya papuntang VU, pinapakain, binibihisan-I mean, binibigyan ng damit, pinapaaral at kung anu-ano pa. Kaya kebs na rin kung sinasaktan niya ako kahit hindi niya alam.

To note na hindi ko nga siya kaano-ano. He simply had a big heart to help people like me who were in great need. I truly admired him for that-kahit ang hirap niyang basahin at intindihin.

"Ikaw, ano 'yung sasabihin mo?" pagbabasag ulit niya nang katahimikan.

"Umm.. kasi 'di ba next week na iyong Hearts Night ng university? Gusto ko sanang pumunta ng MOA para maghanap ng maisusuot," nag-aalinlangang sabi ko.

Nakita ko kung paano siya napatigil sa pagkain. "Do you have money to spend? I mean-"

"It's okay. May mga dress naman pala sa closet ko, okay na 'yun for sure." I forced a smile.

Baka isipin niyang namimili ako ng isusuot. Actually, iyong red gown naman ang isusuot ko pero gusto ko lang makalanghap ng preskong hangin. Baka kasi kapag nandito lang ako't nakikita ko siya buong araw ay magtunggali lang sa isip ko ang mga mukha nila ni Jaxx.

"Here. Take this card. Buy whatever you want there. But always bear in mind that less is more. Mas maganda ka kapag natural ka lang." Seryoso man ngunit hindi ko sure kung imagination ko lang ba ang pagngiti niya sa dulo ng kaniyang mga labi.

Tinanggap ko ang card na dinukot niya mula sa kaniyang bulsa't inilagay iyon sa upuang nasa tabi ko.

"Compliment ba 'yun o ayaw mo lang na maging maganda ako sa event, Professor Caleb De Castro?"

Ngayon ay mas lumapad ang ngiti niya sa joke ko kaya natawa na rin ako. Nakakahawa talaga ang ngiti niya.

"Kumain ka na nga diyan. Kung anu-anong pinagsasasabi ng mga labi mo," agad siyang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain habang pulang-pula ang tungki ng ilong.

Agad naman akong nagtuloy sa pagkain nang maramdaman ko ang pag-init ng buo kong mukha. Binanggit niya ang labi ko dahil siguro.. tinititigan niya rin ako sa labi.

Natapos kaming kumain ng tahimik at matapos kong hugasan ang pinagkainan namin ay bumalik ako ng kwarto para maligo at nagbihis agad ako pagkatapos. Isang long sleeved-maroon turtle neck na crop top at plain black high waisted skort ang isinuot ko na ipinares ko sa puting sneakers. Isinilid ko rin ang card at phone ko sa isang pulang purse na may gold chain sling saka lumabas na nang kwarto.

"Aalis ka na ba?" salubong na tanong niya nang makababa ako ng sala.

"Yes, Caleb. Okay lang ba talagang lumabas ako?" nagdadalawang-isip kong tanong.

Tinitigan lang niya ako habang nakaupo sa couch, bitbit ang remote ng tv, mula ulo hanggang paa na parang boyfriend kong in-i-inspection kung hindi ba ako masisilipan ng ibang mga lalaki paglabas.

"Maupo ka muna rito," pagtatapik niya sa space na nasa tabi niya.

Nag-aalinlangan ma'y tahimik akong naupo sa tabi niya. Ilang segundo pa'y walang anu-ano niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko't pinatalikod mula sa kaniya. Ngayon ay kitang-kita ko ang pinanunuod niyang episode ng Tom and Jerry. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mga kamay niyang hinahawi ang buhok ko.

Wait. Tinatalian niya ba ang buhok ko? For real?

"You have some mini rubber bands?" pagtatanong niya kalaunan. Mabilis kong binigay sa kaniya ang pantali ng buhok na palagi kong dala sa'king bulsa.

"May sunflower pa talaga," natatawang aniya bago tuluyang bitawan ang buhok ko.

"Inaasar mo ba ako ha, Caleb?" pinaliitan ko siya ng mga mata na mas ikinangiti niya.

"Of course not. What I think is that you're more attractive when you have a braided hair."

Halos ikalaglag ng panga ko ang unti-unting pagiging linya ng kaniyang mga mata.

My chinito man.

"P-Pardon?" Ng may nagkakarerahang pintig ng pusong tanong ko.

Ngumiti muna siya't itinungtong ang kamay sa tuktok ng aking ulo.

"Nothing. I'll see you later. Take care of yourself and enjoy, Mariyah."

Ang husky na boses niyang binanggit ang pangalan ko ang mas nagpalakas ng tibok ng aking puso. Pwede ng may mag-disco sa loob ko sa sobrang lakas. Napalunok ako.

"Thanks. I have to go, Caleb. Bye!" Tipid na pagpapaalam ko't lumabas na nang bahay.

Agad akong nag-chat kina Blessie at Ciara nang makalabas ako ng village. Sasabay na rin sila sa pamimili ng isusuot nila sa event. Nang dumating ang sasakyan nila'y agad akong sumakay at dumiretso na sa MOA.

"Ayy, MM bagay 'to sa 'yo for sure! Medyo maputi ka kaya mas puputi ka kapag orange ang isusuot mo." Halos matumba ako nang malakas na itinapat ni Ciara ang isang flowy dress sa katawan ko.

"Paanong mas nakakaputi ang orange, ha? Itong blue, mas okay 'to sa 'yo, MM. Subukan mo dali!" Muntik naman akong mauntog sa dingding ng fitting room nang hilahin ako ni Blessie bitbit ang isang ball gown.

"Eeengkk! Para kang magiging bride's maid diyan sa suot mo, MM. Magpalit ka na bilis!" Itinulak na naman ako ni Blessie pabalik ng fitting room.

"Hearts night ba pupuntahan mo, MM or debut mo? Sinabi ko naman kasing huwag 'yan, e!" Nakapamewang na sabi ni Blessie.

Napakamot na lang ako sa batok habang nakatingin sa kanila't nabibigatan na sa suot ko.

"Diyan ka lang okay? Aabutan ka namin ng mga gowns na isusukat mo!" sigaw ni Ciara habang tinutulungan akong bumalik sa fitting room.

Naipaypay ko na lang ang aking mga palad sa init na ibinibigay ng makapal na ball gown na suot ko ngayon. Paano na lang kung nasa event na ako edi Nagmukha pa akong nasa Halloween party dahil naaagnas na ang make up ko sa pawis?

Napabuntong-hininga na lang ako. hindi ko naman na mapipigilan ang dalawa sa gusto nilang gawin sa akin.

"Ito saluhin mo, MM!" mabilis akong napasalo ng isang violet na gown na lumipad mula sa kung saan.

"Here pa, MM!" narinig kong sigaw ni Blessie ngunit bago ko pa man masalo'y sumabit na ang kung anumang hinagis niya sa mismong mukha ko.

"Woy dalawa lang naman ang pwedeng sukatin dito! Baka pagbayarin nila ako nito!" Nag-aalala kong sigaw pabalik sa kanila.

Hindi ko pa nga kasi alam kung magkano ang laman ng card na binigay ni Caleb at saka ayokong isipin niyang inaabuso ko ang pera niya para lang sa ganitong bagay.

Hindi ako gold digger kung tawagin nila.

"Huwag kang mag-alala, MM! Kami ang bahala sa 'yo," tugon naman ni Ciara at narinig ko pang nag-apir ang dalawa.

Napailing ako bago isinuot ang gowns. Isa-isa kong isinuot iyon at lumalabas upang ipakita sa kanila.

"Nope, hindi bagay." Nakapambabaeng de cuatro pang sabi ni Blessie habang nakaupo sa isang swivel chair.

"Hindi bagay, MM. Next!" Wala akong nagawa kundi ang magpalit ng damit. Mahihilo na yata ako.

"Kung utos-utusan niyo 'ko parang kayo ang nagpasama dito ah at 'di ako!" Sigaw ko sa kanila ngunit narinig kong humalakhak lang ang dalawa.

Meron talaga tayong mga kaibigan na kasiyahan ang mapagtripan tayo.

"Hindi ko pa rin bet 'yan for you, MM," kumento ni Blessie na nagkibit-balikat. "Yeah, too old fashioned," pag-sang-ayon pa ni Ciara.

Nang makalabas ako ng fitting room ay malapad ang mga ngiti nila.

"May extra gown ako sa bahay, pwede mong i-try," presenta ni Blessie.

"Me too!" dagdag naman ni Ciara.

Tuluyan nang bumagsak ang mga balikat ko't naupo sa katabing upuan ni Blessie. "Actually, may isusuot na ako. Pinasama ko lang kayo rito para mag-relax, nakakabaliw na kasi sa bahay. Naboboryong ako."

Napahalakhak ulit ang dalawa.

"Bakit 'di mo agad sinabi?" mapang-asar ang tonong tanong ni Ciara.

Napailing na lang ako't tumayo. May choice baa ko?

"Punta lang akong rest room. Bayaran niyo muna 'yang pinamili niyo then babalikan ko kayo." Nag-thumbs up silang dalawa kaya naglakad na ako papuntang rest room.

Wala masyadong tao kaya dumiretso ako sa isang cubicle. Ilang sandali pa'y natigilan ako nang marinig ang isang pamilyar na boses sa may 'di kalayuan.

"I'll wait for you outside," wika ng lalaki.

Pagkatapos ko'y inayos ko pa ang aking sarili sa harap ng mahabang salamin. Naghilamos na rin ako dahil mukha na rin naman akong naliligo ng pawis kanina.

"Ooh.. Look who's here."

Napatingin ako sa repleksyon ng babae sa salamin na kalalabas lamang ng cubicle. Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng mukha habang nakikita ko sa peripheral view ang ginagawa niyang paghuhugas ng kamay sa katabing sink.

"So tell me, are you stalking 'us'?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong niya habang pinapatuyo ang kamay sa hand dryer.

"Us?" pagmamaang-maangang tanong ko naman.

Napa-tsk siya. "Stop denying it, Mariyah. You like him... you like Professor De Castro."

Naglakad ulit siya papalapit sa akin at hinarap akong nagkibit-balikat.

"You keep on stalking us because you're a leech conceived in an itchy.. c-chubby... caterpillar-"

"Higad 'ka mo," pagpuputol ko sa maarte niyang Ingles.

"Whatever," inikutan niya ako ng mata, "palagi kang sunod nang sunod sa amin dahil umaasa kang mapapansin ka niya. Huh, continue dreaming, girl!" Alam kong si Kween Zebbe ka pero hindi ko inaasahang ganito pala kataas ang tingin mo sa sarili. "Ni isang beses hinding-hindi mo mahahawakan ang balat sa kahit anong bahagi ng katawan niya. Tandaan mo 'yan, Mariyah!" Seryoso't nagbabanta ang mga tingin niyang humarap muli sa salamin bago tumalikod sa direksyon ko.

"Tsss. Sabihin ko kayang nakatira kami sa iisang bahay at kulang na lang matulog kami sa iisang kama?" Natatawa kong bulong sa sarili.

"W-What did you just say?"

Napatingin ako sa kaniya't nagpanggap na walang narinig.

"Anong sinabi m-"

"Ahh..wala, wala Kween Zebbe. Bye, enjoy your date!" Nginisihan ko siya na ikinaikot naman ng mga mata niya bago tuluyang isara ang pinto. Napangisi akong inayos ang sarili habang nakatitig sa salamin.

Akala mo, ah, palaban kaya 'to kahit hindi ipinaglalaban. Awts, sige,sige.

Nang masiguro kong hindi ko na sila maaabutan ay bumalik na ako kina Blessie at Ciara.

"Ba't antagal mo, MM?" Salubong sa akin ni Ciara bitbit ang ilang paper bags.

"May inayos lang. Andaming insecure sa paligid, e." Pagdadahilan ko saka kinuha ang isang paper bag sa kamay ni Blessie.

"Naks, iba talaga 'pag maganda, 'no? Hanggang dito ba naman, MM?" Natawa na lang kami pareho't naglakad na palabas ng mall.

Abot-abot hanggang langit ang dasal kong sana hindi namin makasalubong sina Caleb at Kween Zebbe. Laking pasasalamat ko nang makasakay na kami sa sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro