Chapter 30: Face Off

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 30

FACE OFF


Kataksilan at its finest.

Tanging boses ni Caleb na tinatawag ako ang rumehistro sa'king tainga. Walang anumang kaluskos sa paligid. Walang tunog mula sa mga sasakyan hindi kalayuan sa'min.

Mabilis niyang tinanggal ang mga kamay ni Zebbe sa pisngi at leeg niya. Tinangka niya akong lapitan pero pinigilan ko siya.

"A-Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito? Meron ba akong hindi alam ha?" firm kong usisa. Nilakasan ko ang loob na makita silang ganun.

"I can explain, baby. Please don't get mad of what you saw. It's not what you think."

Agad akong umiling out of disappointment.

"Hindi ko aakalaing makikita ko kayo ulit sa ganung sitwasyon, Caleb. Kahit pala pangalawang ulit ko nang napanood, masakit pa rin pala dito." Turo ko sa tapat ng puso ko kasabay ng pamumuo ng mga luha sa aking mata.

"No, it's not like that. Baby, hindi ko ginusto ang nangyari-"

"Hindi ginusto?" I screamed in disbelief. "Caleb, you had the chance to step back and avoid the kiss. Ilang segundo ba kayong nakatayo diyan, isa, dalawa, tatlo, apat?"

"I was frozen. Everything went so fast so I couldn't move against-"

"Iyon ay dahil ginusto mo rin ang ginawa niya!" muling pagpuputol ko sa pagrarason niya. Alam kong itatanggi lang naman niya ang nakita ko sa mukha niya. Ayaw kong mas masaktan dahil dun.

"Oh.. this seems so interesti-"

"You shut your mouth up, Zebbe! I never ask your opinion so you better shut up and get lost!" sigaw ko na rin sa kaniya nang bigla siyang sumabat. Animo'y enjoy na enjoy siyang panoorin kung paano kami nabubuwag.

Lalong uminit ang dugo ko kung paano siya nagkibit-balikat saka ako nginiwian at inikutan ng mga mata.

"Baby, let's fix this please." Hindi ko namalayang hawak na pala ni Caleb ang kamay ko't marahang hinimas 'yun. Matalim ko siyang tinitigan.

"I think you should fix what's between you two. Hindi mo maaayos kung anumang meron tayo kung may excess baggage ka pang dala diyan sa puso mo."

Kung gaano ako katapang nang sabihin iyon ay kabaliktaran naman sa loob ko. Nanginginig ang tuhod ko't namamawis ang mga palad ko sa labis na kaba. I didn't know where this feeling came from but I didn't have the assurance that he'd stay with me now. I'm not bearing his child anymore.

Takot akong piliin niya ngayon si Zebbe at iwanan ako sa ere.

"We don't have to settle things on our own because I invited someone to make this conversation even more firey and memorable."

Pareho kaming napatingin kay Zebbe na nakangiti sa'min-iyong ngiting parang may masamang binabalak against me.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko. Her smile said something I could't determine. Not util may naaninag akong pamilyar na taong naglalakad papalapit sa kinatatayuan namin.

"Jaxxon? Oh no," gulat kong bulong sa sarili nang mapatingin siya sa amin matapos mag-type sa phone niya habang naglalakad.

"Namamangka ka sa dalawang ilog, 'di ba? That's why I brought them in one place so it won't be hard for you to play with them at the same time."

Halos trumpile ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Napakapamilyar ng sinabi niya. Alam kong narinig ko na iyon lately.

"How dare you, Zebbe-"

Nang may nanlalaking mga mata'y susugurin ko sana siya nang mabilis siyang naglakad papalapit kay Jaxx.

Gusto niya kaming mas magkagulo. Masaya siyang makitang magsalpukan ang dalawang lalaking nandito. Ganun siya kasama.

"Honey, what are you doing here-Caleb?"

Napaawang ang mga labi ko sa pagbanggit niya ng pangalan ni Caleb.

"Kilala mo si Caleb?" I confusingly asked.

"You also know him so why won't I?" sarkastiko siyang tumawa ng mahina. Naguguluhan akong tumingin kay Caleb na ngayo'y nakakunot ang noo.

"What do you m-mean? All this time kilala niyo ang isa't isa? How come-"

"Kasi nga sila lang naman ang mga lalaking pinagsasabay mo, Mariyah, as simple as that! Bad for you, it's too late to deny it."

Nasapo ko ang noo sa inis sa panghihimasok niya sa buhay namin. Litong-lito na nga ako sa mga sinasabi nina Jaxx at Caleb, dumadagdag pa siya.

"Can you remind me, Mariyah? What did you just call, Caleb? Baby? And now, Jaxx is calling you honey. Wow!" manghang turan niya sabay palakpak. Palipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at kay Jaxx na nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Caleb.

"You're really one of a kind, girl! Tinutuhog mo ang dalawang lalaking pwede namang makahanap ng mas deserving kesa sa'yo. Iba ka!" dagdag pa niya.

"Can we stop this whole stupid thing? Zebbe," singhal ni Caleb sabay tingin kay Zebbe, "what is this all about, huh? If this is one of your schemes, then I don't have time for this. Get a life!"

Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko't hinila papasok ng park. Napalingon ako pabalik nang hilahin naman ni Jaxx ang kabilang kamay ko.

"No one's leaving," malamig ngunit maawtoridad na pahayag ni Jaxx. "Don't you think I need your explanation on this, Caleb?" aniya referring to our hands.

"Explanation? For what?" paninindigan ni Caleb. Pwersahan niya akong hinila sa tabi niya dahilan para mabitawan ni Jaxx ang aking kamay. Ipinalibot niya ang kamay sa baiwang ko ng mahigpit. Napalunok ako sa kaba.

"For dating him while dating you too," panghihimasok ulit ni Zebbe. Umigting ang panga ni Jaxx.

"Dating him? Are you joking? Asawa ko ang tinutukoy mo, Zebbe!" he even scoffed making me and Zebbe widen our eyes in great surrise.

"Ikaw ang asawa ni Mariyah? Omg!"

"Anong alam mo, Zebbe? At teka lang ha, for the record, wala akong asawa," deklara ko para maliwanagan sila. "Jaxx, akala ko ba maliwanag na sa'yong hindi ako ang asawa mo?"

"Nung una, oo. Akala ko magkamukha lang kayo. But not now after seeing this guy's annoying face!"

Nagulat ako nang duruin niya si Caleb. Akmang susuntukin niya si Caleb nang humakbang siya para takpan ako sa likod niya. Sinalo niya ang malutong na kamao ni Jaxx.

"You, bastard! Paano mo nagawang iwan siya noon sa ere saka mo siya babalikan ngayon? Ang kapal ng mukha mo! Babasagin ko 'yan!"

Nagkagulo silang dalawa kaya sinubukan kong hatakin palayo kay Caleb si Jaxx ngunit sadyang mas malakas sila. Napahiga si Caleb sa semento at agad namang lumuhod sa tapat niya si Jaxx. Hila niya ng malakas si Caleb sa kwelyo ng polo shirt niya't inilapit ang mukha sa kaniya.

"Hindi ko hahayaang masaktan siya ulit ng dahil sa'yo! Once is enough, Caleb!" Sigaw ni Jaxx kay Caleb sabay bitaw sa kwelyo't tumama sa kabilang pisngi ni Caleb ang kaniyang kamao. Pumutok na ang labi niya.

"Jaxx, stop it!" Muli ko siyang hinatak, hoping na makikinig siya sa pagsisimula kong umiyak.

Umayos siya ng tayo at muling dinuro si Caleb. "Pasalamat ka't may pakialam pa rin siya sa'yo! Tara na, honey, uuwi na tayo." Malakas niyang hinablot ang kamay ko. Nakailang hakbang kami nang pwersahan kong binawi ang aking kamay.

"Hindi nga ako ang asawa mo. Jaxx, si Caleb ang pinipili ko at hindi ikaw!" sigaw ko dahil sa galit na unti-unting nabubuo sa dibdib ko.

"Mariyah, naririnig mo ba ang sarili mo? You married me and Chandrea is our daughter-"

Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya't nagpadugo ng kaniyang labi. Pakiramdam ko'y unti-unting gumuguho ang mundo ko.

"Hanggang kalian mo ipagsisiksikan ang sarili mo at ang anak mo sa akin, Jaxx? Namatay ang baby ko dahil sa pagsisinungaling mo at sa pag-aalala ko sa anak mo!" Doon ay tuluyan akong napahagulgol ng iyak. Naitukod ko ang aking mga kamay sa tuhod sa lubos na panghihina.

"You impregnated her? So, you're her rumored secret affair, Caleb?"

Hindi ko na maaninag ang mga nangyayari. Isang malakas na suntok lang ang narinig ko. Sinundan iyon ng pangalawa, pangatlo hanggang sa hindi ko na mabilang ang palitan nila ng mga suntok.

Bakit kami humantong sa ganito?

Namatay ang baby ko't ngayon nama'y nagpapatayan ang dalawang lalaking naging mahalaga sa'kin.

"One wrong move and you'll be dead!" rinig kong banta ni Caleb saka ako inalalayang maglakad papasok ng kaniyang kotse.

"I will find you wherever you go, Caleb! Your happiness will be a curse!"

Bago kami makaalis ay boses ni Jaxx ang umalingawngaw sa paligid.

"He's really testing my patience," he murmured while driving. He slightly punched the stirring wheel. "If I have to fight this time, I will. There's no turning back."

Isang nakakabinging katahimikan.

"Hindi mo man lang ipapaliwanag ang mga narinig ko?" emotionless na usal ko habang diretso lang nakatingin sa daan.

"I'll tell you once it's settled-"

"Gulong-gulo na ang isip ko, Caleb. Gusto kong malaman kung bakit alam ni Zebbe ang tungkol sa'tin at kay Jaxx. Gusto kong malaman kung bakit sinabi niyang sigurado na siyang ako ang asawa niya nang makita ka. Sino ka ba talaga? Kilala ko pa ba ang taong nakasama ko ng tatlong buwan?"

I had no choice but to stay strong. Ayokong mag-breakdown ulit. Nakakapagod.

"I had this series of visions na may naririnig akong boses ng babae't lalaki. The girl chose to be with the guy knowing that they're hurting someone. At 'yung nakita ko, though blurry siya pero Caleb, may nakikita akong ikinakasal kaya ako naguguluhan ngayon!"

"Naalala mo na."

Napalingon ako sa kaniya sa pabulong niyang naiusal.

"A-Anong naaalala ko na? Should I remember something?"

Umiling siya. "This isn't the time, baby. I promise to tell you when everything's okay."

"No, you have to tell me now! I deserve the truth and I know only you can give me the peace of mind I'm in need right now." I exclaimed, shaking his shoulder with my two hands.

"Caleb, please tell me! Please," patuloy kong niyugyog ang braso niya. Nang mapatingin siya sa'kin, kitang-kita ko sa asul niyang mga mata ang pagkabahala.

Isang malakas at mahabang busina ng sasakyan ang narinig namin kaya sabay kaming napatingin sa kalsada. Tumambad sa amin ang papasalubong na truck.

"AAAH!" Malakas na sigaw ang nagawa ko habang ginagawa ni Caleb ang lahat para kabigin pakaliwa ang manibela at iwasan ang paparating na sasakyan.

"Baby, are you okay? May masakit ba sa'yo?"

Halos mag-duck, cover and hold ako kung hindi lang ako naka-seatbelt sa sobrang takot. Habol-habol ko ang hiningang nailibot ang tingin sa kalsada. Lumagpas ang truck dahil successful niyang naidiretso sa tabi ang kotse bago pa kami mapulbos nito.

"W-What was that?" tanging usal ko habang nanginginig ang aking mga kamay.

Biglang nag-flash sa'kin ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa harap ng kotse. Kasabay nito ang pagbangga namin sa isang ten-wheeler truck dahilan para umangat ang likurang bahagi ng kotse. Napabaluktot ako upang yakapin ang aking mga tuhod.

Anong nangyayari?

Sa lakas ng impact ay nabasag ang windshield at nagsiliparan ang mga basag na salamin. Naramdaman ko ang paghapdi ng aking braso at nang silipin ko'y dumudugo na ito.

"Ayoko pang mamatay, Caleb. No, Caleb!" patuloy kong hagulgol at mabilis tinanggal ang seatbelt para kapain siya tabi ko.

"Baby, I'm here. Nothing bad happened, I'm fine."

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin para protektahan ako sa mga bubog na maaari pang bumagsak. Nang tingnan ko siya'y mas maraming dugo ang nasa katawan niya dahil halos maipit siya sa pagkakayupi ng sasakyang sa side niya mismo tumama. Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya gayun din ang hagulgol ko.

"What's happening?" gulat na tanong ko nang akalain kong tapos na ang nangyari pero nagkakamali ako.

Hindi na huminto ang truck kaya naitulak nito ang kotse namin sa mahabang kalsada. Huli kong naramdaman ang pagtalsik ko mula sa'king kinauupuan hanggang sa ibabaw ng bumper ng sasakyan.

Magkahalong hapdi at sakit ng katawan ang nararamdaman ko habang nakadapa ako sa sasakyang may mga bubog. Nang tingnan kong muli ang loob ng kotse mula sa nakabukas nitong windshield ay tanaw ko si Caleb na umiiyak habang pilit akong inaabot pero hinang-hina na ako.

"Jow.."

It's the last word I utterd before I finally blacked out.

"Jow!" Naghahabol ako ng hiningang napaayos ng upo't napatingin-tingin sa paligid.

Umaga pa lang at walang anumang bahid ng pagkabasag ang windshield ng kotse niya.

"Hey, what's wrong? Baby, nakatulog ka sa byahe. Are you okay?" Nag-aalala niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi't iniharap sa kaniya.

Kinakabahan kong kinapa ang mukha niya.

Hindi basag ang wiendshield, wala kaming mga galos at nandito lang ako sa loob ng sasakyan.

"A-Anong nangyari.. nabangga tayo ng truck, hindi ba?"

Gulat siyang napabuntong-hininga. Sa lapit namin sa isa't isa'y nasinghap ko ang presko niyang hininga.

"You remembered that night?"

"That night? Anong meron sa gabing 'yun?"

Hindi niya ako sinagot. Sa halip, pinagdikit niya ang mga noo namin saka hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

"I'll tell you everything when we arrive home, hmm?" mahinahong sabi niya. Tumango na lang ako kahit napakabilis ng kabog ng dibdib ko.

Sobrang totoo kasi ng nangyari at alam kong talagang nangyari 'yun. Hindi ako maaaring magkamali. Isa 'yun sa mga visions na nakikita ko at sana'y mabigyang-linaw niya iyon mamaya.

"Are you ready?" he seriously asked. Nang tumango ako'y naihilig niya sa ulo sa headrest at pikit na ibinuga ang mabigat na buntong-hininga. "You're not suppose to tell her anything, Caleb," bulong niya sa sarili.

Nakaupo kami ngayon sa couch at dahil nagpumilit akong malaman ang totoo, heto kami't parehong kinakabahan sa mga mangyayari.

"Do you remember those days when you're new in the university?" paunang tanong niya habang mini-maintain ang aming eye contact.

"Yup, iyon 'yung time na nakilala ko sina Ciara at Blessie."

"You'd been teasing me with Zebbe. You always insisted that we're compatible and that you knew what's gonna happen next between the two of us."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "G-Ginawa ko 'yun?"

"How about risking your life in the attempt of running after me? You said I'll be killed that night."

Lalong nagulo ang brain cells ko sa mga sinasabi niya. Umiling ako. He sighed.

"You're slowly forgetting the fruits of your imagination and now, the truth is gradually coming back to your memories."

"I don't know what you're talking about, Caleb. I don't even remember such things. Ang alam ko, muntik na akong ma-rape at dumating si.." Napahinto ako dahil naalala ko kung sino ang mababanggit ko. "S-Si Jaxx," napatitig ako sa mga mata niya pero hindi ito natinag, "para iligtas ako."

"That's how you met him," pahina nang pahina ang boses niya hanggang sa naging pabulong ito, "if I only knew I won't visit your parents that day."

Binambo ng malakas ang dibdib ko sa narinig kaya napaayos ako ng upo't hinawakan siya sa pulso. "Kilala mo ang mga magulang ko?"

Tinitigan niya lang ako.

"But i-it can't be. Matagal na silang patay, Caleb." Mabilis na sumikip ang dibdib ko't para akong mauubusan ng hininga. Nang mapansin niya ang pagkabalisa ko'y agad niya akong niyakap at hinaplos ang aking buhok.

"Sssh.. I'm sorry," pagpapatahan niya.

Sana hindi na lang niya pinaalala sa akin. Na-miss ko tuloy sina mama't papa.

"Baby.. can you promise you won't get mad at me, okay?"

Matapos kong punasan ulit ang basa kong pisngi, ramdam ko ang lambot ng mga palad niya nang hawakan niya ang mga kamay ko.

"I promise."

Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago muli akong tinitigan sa mga mata.

"I don't know what will happen after this but I'm ready to risk everything.. for you and for our relationship."

Gusto kong kiligin pero nandun pa rin 'yung kaba at takot na bumabagabag sa'kin.

"We were high school lovers. You call me jow and I also call you jow, short for jowa."

Gulat akong napatingin sa kaniya nang kumurba ang dulo ng kaniyang labi. Animo'y may naaalala siya.

Jow. That's what he called me once.

Naalala ko ang ikinuwento sa akin noon ni Jaxx. Magkababata kami at halos hindi mapaghiwalay. We were high school batchmates din at sa pagkakakwento niya'y mahal na mahal namin ang isa't isa.

"Remember when I called you jow? Sobrang saya ko that time because I can freely call you with the endearment we used to call each other."

A moment of silence.

Naguguluhan talaga ako sa lahat ng naririnig ko. Sino ba ang dapat kong paniwalaan?

"I can even vividly remember how happy and contented we were back then. Not until I had to sacrifice you and my studies to work abroad to provide for myself-"

"Magkakilala na tayo before? As far as I know, Caleb, I knew you three months ago pa lang. A-Anong ibig mong sabihin?"

Ibig sabihin ba si Jaxx ang nagsasabi ng totoo? Kasi 'di ba may pictures pa siyang ipinakita. Sa pagkakaalala ko nga sa sinabi ni Caleb, three months pa kaming magkasama so napaka-imposibleng magkakilala na kami dati.

Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa'king mga kamay na mas nagpakaba sa akin.

"We're in a relationship since high school and got separated before we graduated-"

"Pero ang naaalala ko, nagkagusto ako sa'yo nung nagsimula akong mag-aral sa VU," sabat ko dahil 'yun naman talaga ang totoo. 'Yun ang naaalala ko.

"Dahil 'yun ang kayang abutin ng isip mo. Baby, we were so in love seven years ago."

Napaawang ang mga labi ko. Seven years?

Six years ago, nagpakasal daw kami ni Jaxx sa Australia kaya nagkaanak kami after a year.

"Seven years ago? Caleb, kung totoo ang sinasabi ni Jaxx na ako ang asawa niya't anak ko nga si Chaichai who's now six years old.." napasinghap ako ng hangin, "how will I believe you? Ano 'yun, boyfriend kita pero natutulog kami ni Jaxx sa iisang kama? C'mon, Caleb. Stop lying!"

Natigilan siya't napaisip sa sinabi ko. Mahirap naman kasing paniwalaan ang mga sinasabi niya.

"You had a child.."

Napaawang ang mga labi ko.

"Paano mo nasasabi 'yan na para bang may connection nga kami ni Jaxx noon? Caleb, sino nga talaga si Jaxx sa buhay ko? Please sabihin mo na sa akin kasi gulong-gulo na ako!" pagmamakaawa ko.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin sabay kinuha ang kaniyang phone mula sa bulsa ng kaniyang itim na pants. May d-in-ial siya habang nakahawak pa rin ang isa niyang kamay sa kamay ko. Iniligay niya ang airpods sa tainga saka nagsalita.

"Hello, Raven! Send me his number, I need to talk to him."

Malamig ang boses na utos niya sa kabilang linya saka ibinaba ito. Ilang sandali pa'y tumunog ang phone niya't agad siyang nag-type dito.

Nang may seryosong mukha'y muli niyang pinindot ang airpods sa tainga.

Nakabibingi ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa. Tanging heartbeat ko lang ang naririnig ko habang nakatitig sa kaniya nang madiin niyang hinimas-himas ang palad ko.

Tugdugdugdug.

"Jaxx.."

TUGDUGDUGDUG!

A-Anong-

"I demand for a paternal DNA test with your daughter as soon as possible."

Matapos niyang bigkasin 'yun, tumitig siya sa akin kaya binigyan ko siya ng what-are-you-doing? look.

Ano ba kasi ang iniisip niya? Na anak namin ang anak ni Jaxx?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro