Cotton Candy

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Edited version. Kung nagmukha ngang edited. Haha!

======

Nandito ako ngayon sa park, naglalakad-lakad. Kailangan ko kasing mag-isip. Tsk, ang hirap naman kasi ng sitwasyon ko ngayon.

Bago ang lahat, ako ng pala si Clarenz Drick Montes, 4th year high school student. Ano pang gusto nyong malaman? Kung may girlfriend na ako? Isang malaking WALA. At hindi pa ako nagkaka-girlfriend, NGSB kumbaga. Bakit? May mahal na kasi ako, pero malabong mahalin din niya ako kaya malabo ring maging kami.

Oo, yan ang problema ko. In love ako.

.

.

.

.

.

.

.

sa BEST FRIEND ko. Hutang*na naman kasi, bakit sa dami ng babae sa mundo, sa kanya pa? Alam ko namang para sa kanya hindi kami talo =_=

Naging mag-best friend kami nung first year pa lang kami. Oo, best friend agad. Naghahanap daw siya ng best friend na lalaki. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari at pumayag ako. Basta nung makita kong ngumiti siya, napatango na lang ako ng wala sa oras. Potek! Ang korni ko dre.

Siguro, noon pa lang may kakaiba na akong nararamdaman sa kanya. Paano ba naman kasi, tuwing hahawakan niya ang kamay ko para akong nakukuryente, ngiti pa lang niya buo na ang araw ko. P*ta! Di naman ako kumain ng cheese at mais, bakit ganito ang mga sinasabi ko?

Pero sa tuwing ganun ang nangyayari, ako lang ata ang affected. Parang wala lang sa kanya. Tinurukan ata yun ng anaesthesia eh.

Tahimik lang akong naglalakad nung biglang may humampas sa balikat ko. Alam na kung sino, sadista kasi yun kahit kailan. Bakit ko kaya minahal ang isang ito?

"CD! Sabi ko na nga ba ikaw yan eh! Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

"Naglalakad."

Pagkalingon ko sa kanya, kumakain siya ng cotton candy. Hindi ba siya nagsasawa dun?

"Hmmp! Pilosopo ka na naman dyan! Ang cold mo pa, may problema?"

"Oo. Ikaw." Sabi ko ng pabulong.

"Huh? Anong nisabi mo?"

"Wala, walang ulitan sa bingi."

"Amp naman! Hindi ako bingi! Ang hina kasi ng imik mo! Kainis ka!" Nakanguso nitong sabi.

Yan si December dela Vega, ang best friend ko, ung mahal ko. 4th year high school student na rin yan pero may pagkachildish. Tsk, nagtataka talaga ako. Bakit ko kaya 'to minahal?

"Sorry na." Natatawa kong sabi.

"Hmmp! Ewan! Kainis ka!"

"Mhie naman, sorry na po please?"

Tang*na, hindi ko talaga kayang tiisin ang babaeng ito.

"Bahala ka dyan." Paismid nitong sabi at ngumuso pa.

"Mhie ko, sorry na. Bati na po tayo, please?"

"Adkskjdsdatdsds..."

"Huh?"

"Wala! Sabi ko may favor akong hihingin Dhie ko."

Bakit Mhie at Dhie ang tawagan namin? Mommy at Daddy daw. Oy! Siya ang nag-isip nyan di ako!

Sa kanya ko nahawa yung pagiging korni. Malay ko ba dyan kung bakit Mhie at Dhie. Common na daw yung tawagang best o kaya best friend eh. Psh, parang hindi common yung Mhie at Dhie.

"Magpapanggap ulit tayo?" Tanong ko.

Tsk, may naporma na naman sa kanya. Mga paking ata yung mga lalaking yun. Hindi makaintindi na ayaw sa kanila ni Dec eh! P*ta!
(A/N Paking = matigas ang ulo. Dec, pronounce as Des.)

AKIN LANG SI DEC! AKIN LANG!
(A/N: Eh di iyo na, uwi mo sa bahay mo at itago mo sa cabinet. Kumutan mo, baka lamigin. Haha!)

"Ei, oo sana. Kulit ni Marco eh." Nakayuko nitong sabi.

"ANO?! YUNG GAG*NG YUN NA NAMAN?!" Sigaw ko.

Potek, nag-iinit yung dugo ko. Si Marco yung muntik nang mangmanyak kay Dec. Asa pa yung gag*ng yun. Ginawa raw niya yun kasi may gusto raw si Dec sa kanya. P*TA. ASA! Choosy sa lalaki itong si Dec noh!

"Relax lang CD. Oo, yung gag*ng yun nga."

"Dec, sinong may sabing mag-cuss ka?"

"Eh bakit ikaw pwede? Tapos ako bawal?"

"Babae ka kasi, di bagay sa'yo."

"Psh." Umirap ito tapos ay tumingin ulit sa akin. "Basta ha? Sa Lunes."

"Oo na." Pagsuko ko. "Matatanggihan ba kita?"

**********

Lunes na. Andito kami ni Dec sa ilalim ng puno. Wala lang, nakaupo lang. Lunch break naman eh. Nagkukwentuhan saka nagkukulitan lang kami. Kung hindi mo kami kilala, aakalain mong kami.

SANA NGA. KAMI NA LANG ( _ _)

Nagtatawanan pa kami nung biglang may lumapit sa amin. Automatic namang kumulo ang dugo ko. Si Marco.

"Hi December, free ka ba mamaya?" Tanong ni gag*ng Marco.

"No." Sagot ko.

"Pare, kailan ka pa naging si December?" Maangas nitong tanong.

"Tol, para malaman mo, GIRLFRIEND ko itong niyayaya mo, naiintindihan mo ba?" Sabi ko at ipinagdiinan ang salitang girlfriend.

"Kailan ka pa niya naging boyfriend? BEST FRIEND ka lang niya." Nakangisi nitong sabi.

HUTANG*NA! KABADTRIP 'TONG TARANTAD*NG ITO AH! Ipamukha ba naman sa'kin?! Bullsh*t!

"Bakit? Wala bang karapatan ang mag-best friend na maging mag-boyfriend?!" Biglang sabat ni Dec.

Oo nga naman! Bwisit itong-----O____O si Dec ba nagsalita nun?

"Sa pagkakaalam ko kasi, hindi naman kasalanan na ma-in love ang mag-best friend sa isa't isa, 'di ba?" Dagdag pa ni Dec.

"Oo nga naman pare. Ngayong alam mo na, na GIRLFRIEND ko itong pinopormahan mo, baka gusto mong tumigil na at lumayo sa amin kung gusto mo pang mabuhay ng matagal? Kung hindi ka pa rin titigil, itong kamao ko ang lalanding dyan sa mukha mong lubak-lubak at lalo ko pa yang papapangitin. Naiintindihan mo?" Banta ko kay Marco at itinulak ito.

"May araw ka rin sa aking mayabang ka!" Sabi ni Marco tapos dali-daling umalis.

Napatingin ako kay Dec tapos bigla kaming napatawa!

"Sayang! Di ko nakunan ng video o picture! Priceless yung mukha eh!" Tawang-tawa na sabi ni Dec.

"Akala ko siga yun? Bakit nabahag yung buntot?" Tanong ko.

"Natakot kasi sa'yo! Mukha ka kayang kakakain ng tao kanina." Pang-aasar ni Dec.

"What the----- SA GWAPO KONG ITO? MUKHA BA AKONG CANNIBAL?!"

"Joke lang CD. Feel na feel mo naman kasi yung sinabi mo kanina." Sabi ni Dec. "Adlkajfsdakdssggkdaadd...."

"Huh? Ano yung huli mong sinabi?"

Hindi ko naintindihan kasi binulong.

"Wala! Ibili mo na lang ako ng cotton candy please?" Tumatawa nitong sabi.

"Bakit parang baliktad? Dapat ako ang ilibre mo ah?"

"Eeeehhhh! Sige na Dhie ko, please?" Sabi ni Dec at nag-puppy eyes pa.

"Tsk, nagpa-cute na naman, di naman cute."

"Hindi raw ako cute? Eh bakit namumula ka?"

POTEK! Nahalata pa niya yun? 'Pag kasi nagpa-cute yan, namumula ako. Tang*na, parang bading lang.

"Bahala ka na nga. Dyan ka lang, bibili lang akong cotton candy."

Umalis na ako para bumiling cotton candy. Hutaena, tindi ng charms ng babaeng yun sa'kin eh.

Favorite niya nga pala itong cotton candy. Tuwing hapon, 'pag pauwi na kami, pareho kaming nakain ng cotton candy pag naglalakad. Oo, tuwing hapon. Kaya kasalanan niya 'pag nagka-diabetes ako.

Bumalik na ako dun sa pwesto namin at inabot ko na sa kanya yung isang cotton candy. Umupo na rin ako sa tabi niya at kinain na namin yung cotton candy namin. Malamang, alangang titigan lang namin yung cotton candy 'di ba?

"Nalimutan mo na naman ang drinks." Umiiling-iling na sabi ni Dec.

"Ha? Oo nga noh? Teka lang, bibili lang ako."

Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako.

"Ako na lang, libre ko na pati, nitulungan mo ako eh."

Nginitian muna niya ako bago siya umalis.

Tsk, na-hypnotize na naman ako ng ngiti niya.

Napasandal ako sa sandalan nung upuan saka tumingala. Tang*na, habang tumatagal, patindi nang patindi ang nararamdaman ko kay Dec.

Mabuti na lang at nasa ilalim ng puno itong upuan kaya di masyadong mainit. Wala ring masyadong estudyante na nagpupunta rito kaya pwede kong ilabas itong nararamdaman ko.

"Pambihira ka talaga Dec. Bakit kaya ako na-in love sa'yo?"

Alam ko, para akong tangang nag-eemote dito. WALANG PAKIALAMAN. Kung gusto mo mag-emote ka rin.

"Nakakainis naman eh. Bilyong babae ang populasyon ng mundo , bakit yung puso ko ikaw pa ang pinili? Tsk, sagwa naman nitong pinagsasasabi ko. Kung naririnig mo ako ngayon baka pinagtatawanan mo na ako. Pero, wala eh. Sobrang mahal kita. Ano ba 'to, kusa na lang nalabas sa bibig ko itong mga sinasabi ko."

Siguro kung may nakakakita sa'kin ngayon, iisipin nilang baliw ako. Oo, baliw ako. Baliw na ako dahil sa kanya.

"Ano bang ginawa mo sa'kin Dec? Ginayuma mo ata ako eh. Pagbigyan mo na akong magsalita dito, hindi ko kasi kayang sabihin ng harapan sa'yo eh, natotorpe ako. Yaan mo, witness ko naman itong puno saka itong cotton candy ko. Taena, nalabas ang pagkaduwag ko sa'yo. December dela Vega, mahal kita. Mahal na mahal, matagal na."

Napapikit ako ng mariin. Sana kaya ko itong sabihin ng harapan sa kanya.

Napabuntong-hininga ako. Psh, labo naman sa sabaw ng pusit kung masabi ko ito ng harapan.

"CD."

Bigla akong napamulat at napalingon kung saan nagmula ang boses na yun. Pagkalingon ko. F*CK! Nandun si Dec! Kanina pa kaya siya dun? Narinig kaya niya yung mga sinabi ko?

Nakatayo lang si Dec dun. Umiiyak pero nakangiti? Hala? Bakit kaya? Baka baliw na itong mahal ko?

"D-Dec, k-kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko.

"H-hindi naman." Humihikbi nitong sabi.

"M-may narinig ka ba?"

"Yung last part, yung last sentence lang."

"Dec, a-ano kasi. Hindi ko naman s-sinasadya na----"

Naputol yung pagsasalita ko kasi bigla siyang lumapit sa'kin at pinagsusuntok ako. Hala, galit ba siya?

"Ang gag* mo talaga CD! Bakit ngayon mo lang sinabi? Gag* ka! Ang tagal kong hinintay na sabihin mong mahal mo ako tapos natotorpe ka lang pala?"

"Aray ko! Ang sadista mo naman! Sorry na, huwag ka nang magalit kung minahal kita eh sa-------"

"Lechugas naman! Hindi mo ako na-gets? MAHAL DIN KITANG TORPE KA!"

Nanlaki ang mata ko. Hindi nga? Tunay nga mga dre? Sabihin nyong hindi nagkamali ang pakinig ko at basa ninyo!

"Oh? Bakit ganyan ang reaksyon mo? Ayaw mong maniwala sa'kin? LESHE! Dyan ka na nga!"

Patalikod na sana si Dec pero hinigit ko agad siya at niyakap.

"Dec naman, sorry na. Parang... Parang panaginip kasi."

"Pwes, hindi ka nananaginip Mr. Clarenz Drick Montes."

"Oo nga. Yakap kita tapos pwede ko pang gawin 'to."

O/////O > mukha ni Dec

Bakit naging ganyan ang itsura niya? Hinalikan ko lang naman. Yun nga lang binatukan ako.

"Ayan! Para matauhan ka! Lechugas! Nanghalik pa eh!" Namumula pa rin ang mukha niya.

"Sus! Nagustuhan mo naman eh." Nakangisi kong sabi.

"Tumigil ka kundi babawiin ko yung sinabi kong mahal kita!"

Niyakap ko naman agad siya. "Hindi na po. Teka, magiging under ata ako nito ah?"

"Maiba ako. Kailan mo pa ako minahal?" Tanong niya.

"Nung first year pa. Ikaw?"

"First year din, kaya nga nakipag-best friend ako sa'yo eh." -Dec-

"AHA! May HD ka na pala sa'kin nun?" Pang-aasar ko.

"ASA! Yabang mo. Nayabang ka pala pag in love?"

"Haha! Mahal mo naman.." Tinitigan ko siya ng mabuti. "I love you Dec, Mhie ko."

"I love you din po Dhie ko."

END.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro