Chapter 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Masakit ang ulo ni Andrew nang magising kinabukasan. Sapo ang ulo nang bumangon siya. At medyo nahihilo. Pero nabigla siya nang makita ang lugar. Wala siya sa kanyang kama at napansin niya na nasa sofa lamang siya. Wala siya sa kanilang bahay.

Inilibot niya ang buong tingin sa paligid. Medyo kumunot ang noo niya dahil pamilyar sa kanya ang sala.

Nang mapatingin siya sa isang picture frame ay saka lang niya naalala na nasa bahay siya ni Bianca. Pero hindi niya maalala kung bakit siya napunta dito.

Pagtingin niya sa maliit na mesa na nasa harap niya ay nakita niya ang isang maliit na papel at binasa iyon.

Andrew,

Pasensiya ka na hindi Kita naihatid sa inyo kagabi dahil hindi ko alam kung saan ang bahay ninyo. Hindi na rin kita ginising dahil mali-late na ako. Siyanga pala, uminom ka muna ng kape bago ka umalis. May mga pagkain ako sa ref, kumuha ka na lang diyan.

                                     Bianca

Tumayo siya pagkatapos basahin iyon. Medyo nahihiya siya kay Bianca dahil sa nangyari kagabi. Kinuha niya ang susi ng kotse niya na nasa tabi lang kanina ng maliit na papel at lumabas na.

----------------------

Kanina pa napapansin ni Ysa na nakatutok lang siya sa computer. Kaya ginulat siya nito.

"Hoy!", Gulat nito sa kanya.

Parang nagising si Bianca sa malalim na pagkakatulog nang bumulaga sa harapan niya ang kaibigan.

"Ay, palaka! Ano ka ba?!", Sabi niya dito.

"Ano na naman ang problema at ganyan ang hitsura mo?", Tanong nito.

Umiling siya. Pero hindi naniniwala ang kaibigan. Tiningnan pa nito lalo ang mukha niya.

"Anong wala? Ang laki ng eye bags mo oh! Hindi ka nakatulog kagabi noh?!", pangungulit nito sa kanya.

"Sasabihin ko sa iyo mamaya. Pero kailangan ko munang pumunta ng Cr", sabi niya saka tumayo.

Sigurado kasing kukurutin siya into kapag sinabi niya na dinala niya sa condo si Andrew. Kahit anong yugyog niya dito para magising eh no effect talga. Mabuti na nga lang at nakahingi siya ng tulong sa guard na nagbabantay sa buong building kung saan nandoon ang condo niya at ito na ang nagbuhat Kay Andrew.

Paglabas niya sa Cr ay tinawag siya ng secretary.

"Bianca, may naghahanap sa iyo. Boyfriend mo. Nandoon sa visitor's lounge", kinikilig na sabi sa kanya nito.

Kumunot ang noo niya.

"Anong boyfriend ang pinagsasabi ng babaeng ito?", Tanong niya sa sarili.

"Boyfriend?", Tanong niya.

Tumango ito. Saka bigla niyang naisip si Andrew.

Dali-dali siyang nagpunta sa visitor's lounge at tama nga ang hinala niya. Nandoon si Andrew na naghihintay sa kanya.

"A-andrew?", Tawag niya dito.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Saka tumayo.

"Hi! I'm sorry about last night", sabi nito sa kanya.

"Ah, uhm. O-okay lang iyon", sabi niya saka hinimas niya ang batok niya.

"Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa bahay mo. Pero salamat pa rin"

"Ah, ha ha.. Wala iyon. Ba- bakit ka nga pala nandito? Nakita mo ba ang maliit kong sulat sa mesa?"

Tumango ito. "Oo. Pero umalis ako kaagad. Uhm, Bianca, may sasabihin nga pala ako sa iyo. Pero mamaya nalang siguro. May kailangan pa akong ayusin sa bahay. Free ka ba mamaya around dinner time?", Sabi nito.

"Ah, yeah. Si-sige", sagot niya.

Ngumiti ulit ito. As usual, parang malalaglag na naman ang puso niya kapag ngumiti ito.

"Sige, alam kong marami ka pang gagawin sa trabaho ngayon. Tatawagan nalang ko kita mamaya. Susunduin kita sa bahay mo", sabi nito.

Tumango siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Pero gusto rin naman niya itong makita kaya go na rin.

Tiningnan pa muna niya itong lumabas at pagkatapos ay bumalik na siya sa opisina.

------------------------

Kuyom ang mga kamao ni Andrew habang nakikinig sa mama niya. Nakikiusap ito sa kanya na sundin na lamang ang kagustuhan ng Lolo niya.

"Ma, kung nakalimutan nyo na, ganito rin ang nangyari dati. Akala ko ba, tutulungan ninyo ako na makiusap sa Lolo na tigilan na niya ito? Bakit nag-iba na naman ang isip ninyo?", Tanong niya sa mama niya. Pinipigilan niya ang sarili na magtaas ng boses dito.

"Andrew, anak, talagang sinubukan kong kausapin ang Lolo mo, pero ayaw niyang makinig. Tinakot niya ako na sisirain niya ang negosyo na iniwan ng papa mo kapag hindi ka sumunod sa gusto niya", naluluhang sagot nito sa kanya.

"Ma, hanggang kailan ka ba matatakot sa kanya? So what kung sisirain niya ang negosyo na iniwan ni papa? Pwede pa rin naman tayong magsimula ulit?"

"Hindi mo naiintindihan anak. Pinaghirapan ng papa mo na maitayo ang negosyo niya. Hindi ko makakaya na mawala ito sa atin"

Huminga siya ng malalim. Naiintindihan niya ang mama niya pero hindi rin niya makakayang magpakasal sa babaeng hindi niya mahal.

"I'm sorry ma. Pero ganoon pa rin ang desisyon ko", sabi niya saka kinuha ang maliit na maleta at kumuha ng ilang damit. Pagkatapos ay kinuha niya ang susi ng kotse at umalis.

"A-andrew!", Tawag ng mama niya pero hindi niya ito nilingon.

Masama ang loob niya sa ina niya.

-----------------

Dali-daling inayos ni Bianca ang sarili. Kanina lang ay tinawagan ay tinawagan siya ni Andrew na susunduin siya nito bago mag alas-siyete. Kaya naman agad siyang umalis sa trabaho. Tinawag pa siya ng kaibigan pero hindi na niya ito pinansin.

"Ano kaya ang sasabihin ng taong iyon?", Tanong niya sa sarili habang sinusuklay ang buhok sa harap ng salamin.

Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig ang doorbell. Alam niyang si Andrew na iyon kaya agad niyang kinuha ang bag niya.

Dali-dali siyang lumabas at nakita agad si Andrew na nakatayo sa labas.

"Tara", nakangiti niyang sabi dito.

Dinala siya nito sa isang mamahaling restaurant. Nag-order kaagad sila.

"Ah, Andrew, ano nga pala ang sasabihin mo?", Tanong niya.

Ngumiti ito. "Later. Kakain muna tayo. Gutom na ako", sagot nito.

"Importante ba iyan?", Tanong niya ulit.

"Hindi naman masyado", saka ngumisi ito na ipinagtataka niya.

"Naku ha, ano ba talaga iyan?"

Nginitian lang siya nito.

Matapos ang ilang minuto ay dumating na ang order nila. Agad silang kumain. Patingin-tingin siya kay Andrew habang kumakain.

Nahuli siya nitong nakatingin dito. Nag-iwas siya kaagad ng tingin at kumain. Napailing na lamang ito.

Pagkatapos nilang kumain ay muli niya itong tinanong.

"Okay, since tapos na tayong kumain, pwede mo na bang sabihin sa akin ang gusto mong sabihin?", Tanong niya.

Tumitig ito sa kanya at napabuntong-hininga. Uminom muna ito ng tubig bago nagsalita.

"Bianca, alam kong mabibigla ka sa sasabihin ko. Pero, pero habang tumatagal ay...", Sabi nito. Hindi nito alam kung paano tatapusin ang sinabi.

"Habang tumatagal ay ano?", Tanong niya.

"Habang tumatagal ay mas gusto kong... Gusto kong makasama ka, makausap at makita lage. Pwede bang totohanin na lamang natin ang lahat? P-puwede ba kitang maging girlfriend, totohanang girlfriend?", Tanong nito sa kanya.

"A-ano?!", Gulat niyang tanong dito.

+++++++++++++

Halu guys! Pasensiya napo kung matagal ang update. Napaka-busy lamang po these past days. Sana ay hindi po kayo bibitaw sa kwentong ito.

Maraming salamat sa suporta.

Megan ☺

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro