Chapter 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Gustong maiyak ni Bianca dahil sa sinabi ni Andrew. Sa totoo lang, namiss niya ito ng sobra. She's 30 already. Kung magpapakipot pa siya ng bonggang-bongga ay baka maiwanan na siya ng tren at baka hindi na siya magkakalovelife. Binitiwan niya ang roses at chocolates at tinawag ito.

"An-andrew!", sigaw niya at nang humarap ito sa kanya ay patakbo siyang lumapit dito at yumakap.

"Andrew, oo na", nahihiyang sabi niya habang nakayakap dito.

Nang makabawi sa pagkakabigla ay yumakap na rin si Andrew sa kanya.

"You mean?", Tanong nito.

Inangat niya ang ulo niya.

"Oo na, yes na. As in sinagot na kita", sabi niya at biglang uminit ang mukha niya dahil talagang nahihiya na siya.

Ngumiti si Andrew. "Talaga? Bakit agad2x?", Birong tanong nito sa kanya.

Umingos siya. "Eh kasi, baka mapunta ka pa sa iba. At saka ano...", Putol niya sa gusto niyang sasabihin.

"Ano?"

"Ano, namiss na kita ng sobra", sabi niya saka kinagat ang labi.

"Girl, relax ka lang", sabi ng isip niya.

Natawa na si Andrew sa kanya. Saka niyakap siya nito ng mahigpit.

"Tayo na talaga? Hindi na magbabago ang isip mo?", Paninigurado nito.

"Oo sabi. Ang kulit mo po", sagot niya.

Maya-maya ay inangat ni Andrew ang ulo niya. Hinawakan nito ang baba niya.

"Oh my,my,my! Is he going to kiss me?!", Natatarantang tanong ng isip niya.

Biglang lumakas ang pagtibok  ng puso niya habang unti-unti namang lumalapit ang mukha ni Andrew sa mukha niya.

Napalunok tuloy siya. Tumigil sa paglapit ang mukha nito at pilyong ngumiti. At saka hinalikan siya sa noo.

"Next time, I'll kiss you here", pilyong sabi nito sabay turo sa lips niya.

Mas lalong uminit ang mukha niya at tinampal ito sa balikat.

"Heh! Umayos ka nga", sabi niya at umalis mula sa pagkakayakap nito.

Natawa pa lalo si Andrew sa kanya dahil sa kanyang reaksiyon. At pagkatapos ay sumiryoso ito at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"Bianca, salamat", sabi nito.

"Hindi kasi kayang tiisin. Saka laman ka ng isip ko buong araw"

"Oh? Eh, bakit kasama mo ang lalaking iyon kanina kung talagang ako ang laman ng isip mo buong araw?"

"Nagpapasalamat lang po 'yung tao dahil sa script", sagot niya.

Niyakap siya nito ulit. Ramdam niya ang pagtibok ng puso nito.

"Okay. I believe you. Pumasok ka na sa loob. May trabaho ka pa bukas", sabi nito saka pinakawalan siya sa pagkakayakap.

"Opo. Mag-ingat ka sa pagda-drive", sagot naman niya.

"Oo. 'yung binigay ko, oh. Tinapon mo agad", sabi nito saka tumingin sa likod niya.

"Ay, hala! Sorry. Eh, kasi Ikaw. Ang oa mo. May padrama-drama effect ka pa", sabi niya.

Natawa ulit si Andrew at hinimas ang ulo niya. "Pasok ka na"

Tumango siya. "Goodnight. Ba-bye", sagot niya saka nagwave ng kaunti.

"Goodnight", sabi ni Andrew saka tumalikod na at umalis.

Unti-unti siyang lumakad paatras at kagat pa ang kuko ng hintuturo habang nakangiti. At maya-maya ay pinulot ang nabitiwang bulaklak at chocolates kanina.

Dali-dali siyang pumasok sa loob.

"Yes!", Sabi niya.

---------------------------

Ang laki ng mga ngiti ni Bianca nang pumasok siya kinabukasan. Nandoon na rin ang kaibigang si Ysa at takang-taka ito sa hitsura niya.

"Hi bes!", Bati niya sa kaibigan.

Tumayo ito mula sa desk nito at lumapit sa kanya.

"Aba! Aba! Aba! Isang araw lang akong nawala ngunit parang may misteryong nangyayari sa kaibigan ko ah!", Sabi nito sa kanya.

Nginitian niya ito ng malaki at nagkibit-balikat. "Hmmm. Maybe meron, maybe wala", sagot niya dito.

"Baka gusto mong sabihin sa akin kung ano ang nangyari kahapon at kung bakit kasingganda ng araw ang mood mo"

"Oh! You tell me muna kung bakit ka nag-emergency leave  kahapon. Nagpropose na ba sa iyo ang boyfriend mo, ha? Hehehe", sabi niya na pilit iniba ang topic. Alam niyang hindi siya titigilan nito sa kakatanong .

"Ahm hindi. Pero baka...", Sabi nito at binibitin din siya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at napahalukipkip habang nakatingin dito.

"Sabihin mo na, bes. Baka ano?", At siya na mismo ang naeexcite sa sasabihin nito.

"Pero pagkatapos kong sabihin sa iyo, eh ikaw naman ang magsabi kung bakit iba ang mood mo ngayon", sagot nito at nakipagtitigan sa kanya.

Tumango siya. "Sure", sagot niya.

Huminga ito ng malalim. "Okay, promise huwag kang sisigaw"

"Oo. Sige go. Sabihin mo na. Kinakabahan ako diyan sa sasabihin mo"

Ngumiti ito. "I'm pregnant", sabi nito sa kanya.

Napamulagat siya at napanganga. "What?!", Sabi niya at aaktong sisigaw ngunit agad tinakpan ni Ysa ang bibig niya.

"Sabi ko huwag kang sumigaw", sabi nito.

Nagtatalon siya sa tuwa. "Oh my gosh! I'm so happy for you bes! Magiging tita na ako. Kailan ang kasal?", Excited niyang tanong.

"Next month ang napag-usapan namin. Kaya ako wala kahapon kasi hinimatay ako. Ayun, pagpunta namin sa ospital, nalaman kong 2 months na akong buntis", sabi nito sa kanya.

"I'm so happy for you, bes", sabi niya saka niyakap ang kaibigan.

At pagkatapos ay humiwalay ito sa kanya.

"Oh, it's your turn na", sabi ni Ysa.

"Okay, promise mo rin na hindi ka sisigaw, ah", sagot niya.

Tumango ito. "Promise"

"Kami na ni Andrew"

Ito naman ang napamulagat at napanganga.

"Oh my, my, my! Is that for real?", Tanong nito.

"Oo", sagot niya na talagang kinikilig.

"I think we have to celebrate later. I'm also happy for you, bruha. How about dinner tonight?"

"Pwede", sagot niya na nakangiti.

"Ang dami palang nangyari kahapon. Pero, magtrabaho na muna tayo", ang sabi ni Ysa.

----------------------

Isang mahabang araw na naman ang nakalipas at natapos naman lahat nina Bianca at Ysa ang dapat tapusin dahil sa hinahabol na deadline. Kaya medyo stress sila nang mag-uwian na.

"Bes, same restaurant ba tayo?", Tanong niya Kay Ysa na nag stretching pa dahil sumakit ang likod sa isang buong araw na pag-kakaupo kaharap ang computer.

"Oo bes. Nagugutom na rin talaga ako. Mag early dinner tayo", sagot nito.

"Ah Sige. Tara. Ako rin nagugutom na", sagot niya.

Pag-alis nila sa opisina ay agad silang nagpunta sa paborito nilang restaurant.

Mabuti na lamang at wala pa masyadong mga taong kumakain kaya agad dumating ang inorder nila.

Medyo marami-rami silang inorder dahil sa sobrang gutom.

Pagkatapos kumain ay nag-usap na ang magkaibigan.

"Sobrang nabusog ako bes. Kailan ba 'yung huli kung saan ganito rin karami ang kinain natin?", Natatawang tanong niya Kay Ysa.

"Nakalimutan ko na. Hahaha! Oh, oo nga pala, hindi ba kayo magkikita ng boyfriend mo ngayon?", Sabi ni Ysa.

Pagkarinig sa salitang boyfriend ay biglang uminit ang mukha niya.

"Hmm hindi siguro. Pero ewan ko lang. Baka mamaya", sagot niya sa kaibigan.

"Uy, nagba-blush siya. Did he kiss you na ba?", Panunudyo pa ng kaibigan.

Mas lalo pang uminit ang mukha niya.

"Ano ka ba? Nakakahiya! Hi-hindi pa Nuh", sagot niya saka nilagay ang mga kamay sa pisngi niya.

Mas lalo pang natawa ang kaibigan niya dahil sa naging reaksiyon niya. Maya-maya ay may tumawag dito.

"Ah oo. Magkasama kami ni Bianca ngayon? Susunduin mo ako? Ah Sige. Nandito kami sa paborito naming restaurant. OK bye. Love you!", Sabi nito saka tinapos ang tawag.

"Bruha, susunduin ako ni Brent. Okay lang ba?", Sabi nito sa kanya.

"Ha? Yeah. Ano pa nga ba ang magagawa ko", sagot niya.

"He'll be here in 15 minutes. Nasa malapit lang daw siya", dagdag pa nito.

Tumango siya. "Okay. Sa labas nalang natin siya hintayin", sabi niya tapos tinawag ang waiter para humingi ng bill.

Pagkatapos magbayad ay agad silang tumayo. Pag-ikot niya ay muntik na niyang mabangga ang isang babae na may kasama pang dalawang babae.

"I'm sorry", sabi niya. Ngunit pag-angat niya ng tingin ay nabigla siya dahil ang babae ay walang iba kundi si Joyce. "Ikaw?!", Nabigla niyang tanong dito.

++++++++++++

A/N:

Hello mga bes! Naks naman, nandito kaagad ang update ng Lola ninyo. Alam kong nabitin kayo sa nakaraang chapter. Kaya heto na.

Enjoy!

Megan ☺

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro