Chapter 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Hindi pa umuwi si Andrew matapos nilang magkita ng bago niyang kliyente na si Bianca. Gusto pa niyang mamasyal muna sa mall at magwindow shopping.

Papunta na sana siya sa male section ng department store nang biglang makita niya si Bianca sa loob ng isang boutique. May kausap itong isang babae at sa wari niya ay hindi nasisiyahan si Bianca sa kausap.

Pumasok siya sa boutique at nagtago sa likuran. Gusto niyang malaman ang pinag-usapan ng dalawa.

Narinig niya si Bianca na sinabihan ang kausap na may boyfriend na siya. Maya-maya pa ay sumagot ang babae at humalakhak.

"Hindi lang sing, kundi mas pa", narinig niyang sabi ni Bianca.

Bigla siyang lumapit at inakbayan ito.

"Hi Sweetie! Sorry I'm late. Ang daming meetings", sabi niya at nginitian ito.

Nabigla ito at napatingin sa kanya. Napatigil naman sa paghalakhak ang babaeng kausap nito at napatingin sa kanya.

"Andrew?! What are you---?", hindi nito natapos ang sasabihin dahil kumindat siya. Mukhang nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin.

"Who is she?", tanong niya pagkatapos.

"Ah.. Si Lucy. Kaklase ko dati sa highschool", sagot nito at tumingin kay Lucy.

"And her ex-bestfriend", dugtong pa ni Lucy at ngumiti.

"Oh I see. I'm her boyfriend. Andrew here. Nice meeting you, Lucy", sabi naman niya at nakipag-kamay.

Nagtataka si Bianca sa ginawa niya pero hindi niya iyon pinansin.

"Nice to meet you too, Andrew. Anyway, see you sa reunion , Bianca", at nagpaalam na ito sa kanila.

Hinintay muna ni Bianca na makalayo si Lucy at pagkatapos ay tinanong siya nito at pinandilatan.

"Why did you do that? At paano mo nalaman na nandito ako?", tanong nito sa kanya.

Nagkibit-balikat siya.

"Nakita kita while papunta ako sa male section ng department store. Pakiramdam ko eh, naipit ka sa naging pag-uusap ninyo kanina so I decided to show up", paliwanag niya.

"Wala naman sigurong charge iyon, 'di ba?"

Ngumiti siya. "Well, pwede mo akong ilibre ng dinner kung gusto mo. Kape lang naman ang ininom natin sa Starbucks"

"Gosh, sige na nga. Anyway, thank you sa ginawa mong pag-save sa akin", sabi niya at ngumiti na rin.

"Walang anuman", sagot nito.

--------------------

Nakatutok na naman sa laptop niya si Bianca. Ngunit walang lumalabas na ideya sa kanyang utak. Basta't nakatutok lang siya sa screen.

Kanina pa rin tingin ng tingin  si Ysa sa kanya. Hindi nakatiis at nilapitan siya nito ng hindi niya napapansin.

"Hoy! Friend! Natutunaw na iyang laptop mo sa kakatitig mo! Ano ba ang iniisip mo, ha?", ginulat siya ng kaibigan niya.

Bigla siyang natauhan. Napatingin siya sa kaibigan.

"Bes, nagkita kami ng mortal enemy ko noong isang araw. 'Yung kinikwento ko sa iyo na nang-agaw ng manliligaw ko", sumbong niya dito.

"O,tapos?"

"Sila pala talaga ang nagkatuluyan ni Ivan"

"Selos ka naman"

"Hindi noh. Naalala ko lang 'yung ginawa niya sa akin dati. At saka, sinabi ko rin sa kanya na may boyfriend akong mayaman", sabi niya.

Hinampas siya sa balikat nito. "Ano? Bakit ka naman nagsinungaling?!", tanong nito.

"Para hindi ako mapahiya"

Napailing ang kaibigan. "Paano kung hahanapan ka ng pictures pagdating sa reunion ninyo? Eh, ikaw rin ang mapapahiya"

Ngumiti siya. "Magdadala ako ng boyfriend. Hehehe", sabi niya.

Hinampas siya ulit ng kaibigan.

"Aray! Ano ba?!", reklamo niya.

"Hoy, Bianca. Tigilan mo ako diyan sa kalokohan mo, ha. Hindi ka na bata. My God! 30 ka na, uy!", saway nito sa kanya.

"Pagbigyan mo na ako bes, pagkatapos ng reunion eh hindi na kami magkikita ulit ng mga kaklase ko. At saka, na meet ko na 'yung magiging fake boyfriend ko. Kamukha ni Park Chanyeol!", kinikilig niyang sabi sa kaibigan.

"Sino naman ang Park  Chanyeol na iyan?", tila walang pakialam na tanong nito.

"Hindi mo kilala? Sikat kaya iyon! Member siya ng EXO sa Korea"

"Friend, hindi na tayo teenager. Nasa 30's na tayo. Ang kilala ko lang ay Westlife, Backstreet boys, A1. Sila ang sikat sa panahon natin. Kaya tigilan mo nga ako diyan sa Park Chan Park Chan mo", sabi nito.

Natawa siya sa kaibigan. "Park Chanyeol", sabi niya.

"Whatever! Magtrabaho ka na. Baka nakalimutan mo may deadline ka sa pagpasa ng nobela mo", sabi nito.

Ngumuso siya. "Naks, naman. Ang seryoso mo, bes. Naku! Pag nakita mo ang fake boyfriend ko, eh, malalaglag iyang panty mo!", sabi niya at humalakhak.

"Tse!", sabi nito sa kanya.

Humalakhak pa rin siya.

Ito kasing si Ysa, ay napakaseryoso. Pero may boyfriend na ito at nagpaplano na ng kasal. Hindi tulad niya, magiging old maid na yata siya.

"Huhay! Buhay!", sabi niya sa sarili.

----------------------

Nagpunta si Andrew sa isang mamahaling restaurant. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakain ng paborito niyang pagkain sa restaurant na iyon. Patingin-tingin siya sa paligid kung may sumusunod sa kanya.

Nang masigurong wala ay  umorder siya. Pagkatapos ay isinuot ang headset. Habang hinihintay ang order ay nakikinig muna siya ng music.

Pasipol-sipol pa siya. Nang mapatingin siya sa labas ay may nakita siyang tatlong magkakasunod na sasakyan.

Nang bumaba ang driver at pinagbuksan ng pinto ang kung sino mang sakay nito ay agad siyang natigilan.

Kilala niya ang matandang lalake na may dalang baston. Bigla siyang tumayo at dali-daling pumunta sa exit.

"Sir! Sandali! Iyong inorder ninyo!", tawag sa kanya ng waiter.

"Ibigay mo na lang iyan sa mga bagong dating na customers!", sabi niya na ang tinutukoy ay ang nakita niya kanina sa labas.

"Anong ginagawa nila dito? Bakit sa lahat ng restaurant ay dito pa sila nagpunta?", tanong niya sa sarili.

Sa kakaisip ay may nabangga siyang tao.

Napatingin siya dito.

"Sir Andrew?", tanong nito sa kanya.

Bigla niya itong itinulak at tumakbo. Hinabol siya nito.  Tinawag ng lalake ang iba nitong mga kasama at humabol rin sa kanya.

"Sir Andrew,sandali lang at tumigil ka! Huwag mo na kaming pahirapan!", sigaw ng isa sa humahabol sa kanya. Ngunit hindi niya ito pinakinggan. Sa halip ay mas binilisan pa niya ang pagtakbo.

Pinagtitinginan sila ng mga tao. Pero hindi na niya iyon pinansin. Ang importante ay makalayo siya sa mga ito.

Nang masiguradong malayo na siya sa mga ito ay dali-dali siyang sumakay ng taxi at bumalik sa inuupahang tirahan.

++++++++++++++

A/N:

Naks! Sino kaya ang humahabol kay Andrew at bakit "Sir Andrew" ang tawag ng mga ito sa kanya.

Hay, abangan iyan.

And thank you mga readers.  :-)

---Megan---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro