XII. TRY NOT TO GASP

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

c h a p t e r 12

VANCE.

SLOWLY, I turned my body towards his direction as I carefully fixed my posture. When I finally stood up, I met his eyes.

He plastered a devilish grin on his face. The man didn't lose an eye contact with me. I'm not sure if he had seen Jade as she asked me. I hope he didn't.

He then, walked towards my direction and in my defense, I stepped back to the hallway.

The man smirked even more, teasingly and provoking.

I tried to hold my breath the moment he tightened his grip on his gun, but in split of seconds, an explosive shuriken landed on his forehead. The next thing I knew, human flesh and blood were spattered all over my face and vest.

Hindi agad ako nakakilos matapos ang pagsabog ng katawan ng lalaking na sa harap ko. Saka lang ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko nang biglang may umimik sa likuran ko.

"Head shot, and second kill," saad ng boses at agad ko itong nakilala.

Nang nilingon ko siya ay naabutan kong nag-aayos siya nang pagtayo.

"Do not, ever, do that again Colt," I said to her as I wiped off the spattered blood on my cheeks.

"Saying thank you is a basic courtesy, Arden. Come on! Acquiring some doesn't requires you to attend seminars!" she said with the same tone of mine, as how I said it to her few days ago.

"Are you mocking me?" my forehead creased as I raised my voice.

"Isn't it obvious?" she chortled.

"You know what, Colt?" I formed my lips into thin line, trying to hold on to the last string of patience I have. "I'm trying my best to be cool with you." I then, looked away and sighed hard.

"Could you stop that? Your childish attitude towards me? It doesn't makes you cool," I furiously added and grab the broken laptop on the ground.

Imbis na bulyaw o pagtataray, nakatanggap ako ng dalawang tapik sa balikat mula kay Colt. Napahinto ako sa kinatatayuan ko.

"Ingat ka sa lamok ha?" panimula niya at napalingon ako sa gawi dahil sa narinig.

"Mahirap pa naman makahanap ng blood donor para sa OA positive ang blood type." binigyan niya ako ng isang malawak na ngiti saka kumindat.

Bahagya akong napaatras sa ginawa niya. Is she trying to hit on me?

The fudge, Colt, seriously? Of all places and time? Why right now?

And frankly, I don't really like how she threaten me with her good smile.

You prick, what were you thinking?

"Double-o-one and Nine-two-five! What happened?" Ryde approached towards our place.

Nakita ko ang magkapatid at si Verity na nakatayo sa likod ni Ryde. Agad namang dumapo ang mga tingin nila sa hawak kong laptop.

Umabante si Jake at Verity sa loob ng pasilyo na kinatatayuan namin. Sabay nilang sinuri ang bangkay ng lalaki.

"Live na ulit ang security cameras," dismayado kong sabi sa kanila.

"Saan siya nanggaling?" humakbang si Ryde papalapit at nagmasid sa buong lugar.

Ryde dropped and knelt his right knee on the ground. May kinapa siya sa sahig at nang may matulkalasan siyang kakaiba, agad siyang nag-angat ng ulo sa gawi namin.

"There's a passage way down here," he said and looked for a way how we can open the compartment doorway.

Lumapit naman sa pwesto namin si Verity at hawak niya ang phone ng lalaking nakabulagta. Akma niyang ilalagay ang earpiece sa tainga niya, pero hinablot iyon ni Colt mula sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Mahirap na, traydor ka pa naman." sinamaan niya nang tingin si Verity at inabot kay Ryde ang earpiece na galing sa lalaking pinasabog niya ang ulo.

Napailing na lang ako at naglakad papalapit sa kinatatayuan ni Verity. Kailangan kong masuri ang phone na nakuha niya mula sa lalaki. Lalo na ngayon, wala na kaming takas sa mga tauhan ng Vipers dahil makikita kami sa mga cameras nila sa hideout na 'to.

Tahimik naming hinintay ang mga susunod na sasabihin ni Ryde. Matapos niya kasing maisuot ang earpiece ay hindi siya gumalaw at tila nakiramdam sa maaaring tunog na marinig.

All of us gasped for an air and took a deep breath when Ryde finally spoke with us.

"Nine-two-five, check the phone and report its data and status." Ryde commanded me.

Sinubukan kong buksan, ngunit sinabi mula sa screen nito na kailangan ng facial recognition.

"We have a problem," I said and faced them.

"Let me guess? You've caused it?" Colt butt in and shoved her curly bangs upwards to see me clearly.

I rolled my eyes and plastered a thin line from my lips. "No I'm not. You, caused it Colt." I tried to rest my face as I'm annoyed as hell right now.

"To access this gadget, we need a facial recognition. Apparently his head was blasted out." I reported and looked at their eyes intently.

Really helpful, Colt. Really.

"Why me? Don't start with me, Arden. I saved your ass--" she warned me as she rose her left brow but I didn't let her finish her rants.

I raised my right hand to stop her from blabbering petty things.

I felt a sphere-shape shallow portion at the back of the gadget. And as I checked it, I said to them, "Pass me his hand--I mean, bring him here," I almost stutter.

My jaw almost dropped when Jade immediately handed me a hand. A FREAKING HAND.

Shit, this is terribly gross.

Wala akong magawa kung hindi hawakan ang putol na kamay at idikit ang hintuturo nito para sa finger print recognition ng gadget.

"Does it work?" Jade asked as she peek onto the screen. "What are those?" she then queried beside me.

Agad namang naglapitan sa gawi ko sina Jake at Verity. Samantala, abala pa rin si Ryde sa paghanap ng paraan kung paano kami makadaraan sa nakita niyang compartment.

Different familiar symbols were shown from the screen. All of them were highlighted by black color. The screen background is green.

"I am not quite sure, but I suppose. . ." I paused, "These symbols are Runic Alphabet." I continued as I tried to swiped its screen upwards and downwards.

Hindi ako kasing talino ng iba kong kaklase no'ng na sa kolehiyo pa lang ako. Pero natatandaan ko pa ang mga symbols na 'to.

Hindi ko man makabisado lahat, pero pamilyar ako rito.

"Runic Alphabet? I never heard of that before." Jade gave me a puzzled look. "And how sure of you with your guts, Vance?" she followed.

I cleared my throat. "As far as I remembered, Runic Alphabet is the old Germanic Alphabet." I tilted my head as I squinted my eyes. "But this made me wonder. Each symbols represent a sound, rather than a literal letter. . ." I said with an uncertainty.

"You're pondering about it too much, Vance." Ryde came to our spot. "We gotta move," he said as he showed us the opened compartment.

We moved quickly and walked down through the stairs below the passage way. Medyo madilim ang paligid. Mabuti na lang at nakapagdala si Jade ng flare, kaya nang masindihan niya iyon nagkaro'n kami ng liwanag sa nilalakaran.

Lahat naman kami ay napahinto nang tumigil sa paglalakad si Ryde.
Dahan-dahan siyang lumingon sa 'min habang nakahawak sa suot sa earpiece.

Ryde gestured his left hand, telling us that someone is talking from the earpiece.

"Hallway is clear," he said and Jake tried to stop him from talking.

"Harrison, ano ba? Mahahalata nila 'yan!" mariin niyang bulong sa kaharap.

Halos mabilang ko na ang pagpintig ng puso ko sa sobrang kaba. Gusto ko na ring awatin si Ryde. Tama si Jake. Maaaring ma-trace na naman kami at mapunta lang sa wala ang lahat ng ginagawa namin.

"Approaching, roger that." muling bigkas ni Ryde at tinabig ang kamay ni Jake na tila pumipigil sa harap niya.

"Soon enough, the Vipers will know we're here. I need to do that to lure their attention and suspicions," he clarified and continue walking.

Nakita ko pa ang pagkamot ni Jake sa likod ng tainga niya bago kami muling naglakad at sundan si Ryde.

Matapos ang mahabang paglalakad pababa sa hagdan. Narating namin ang dulo nito. Three doorway stumbled on our way. Each doorway has a respective electronic screen beside them attached to the nearside wall. An ID-sized screen that accesses a finger print recognition.

Jade walked towards the doorway in the middle. She then pulled out a thumb from her vest's pocket. Definitely, it's from the man awhile ago. 'Di ko akalain na gano'n katibay ang sikmura ni Jade. Nagawa niya pang itago sa suot niyang vest.

Matapos niyang idikit ang daliri ay umilaw ang maliit na kahon nang kulay berde.

Ngunit agad itong nagpalit ng kulay pula at ngayon naman ay nanghihingi na ng codes.

"Vance, come over," saad ni Jade at agad naman akong sumunod.

Nagkaroon na ako ng ideya sa dapat na gawin. Kinuha ko mula sa bulsa ang gadget ng lalaki. Nang buksan ko ito ay agad na nawala ang naka-flash na symbols. What on the world?

Isang mahabang tunog galing sa identity recognition box ang umalingawngaw sa paligid.

"Mayro'ng timer ang paglagay ng access codes!" saad ni Colt mula sa pwesto niya.

"Ilang segundo?" tanong ko at lumapit sa pwesto niya.

"Hindi ko alam!"

Muli na naman itong tumunog. Pareho kaming napagitla ni Colt sa nakakairitang ingay mula roon.

"It's twenty seconds," isang boses ang sumali sa usapan namin ni Colt, si Verity. "Every twenty seconds, the codes will be altered. So you must input the accurate one, quickly," dagdag niya pa saka kami tiningnan sa mata.

ᛞᛖᛗᚢᛋᚨ

Agad kong inalala ang mga katumbas na kahulugan nang naka-flash na symbols mula sa gadget na hawak ko. Ang katumbas ang dapat na i-input sa maliit na screen sa harap namin.

Rambled english alphabet ang naka-display sa maliit na box. Kung ano mang pindutin ko sa screen, agad 'yon mag-re-register

Ah! Bahala na! Kung magkamali man ako nang hula, uulitin ko na lang.

Ngunit unang subok ko pa lang, mali na kaagad ang nag-register. Naubusan na rin ako ng oras.

"Arden, 'wag maya't mayain ang pagiging tanga. Sabi mo kanina alam mo 'yan?" biglang komento ni Colt na kinabanas ko.

"Pasensya naman, ha? Hindi naman kasing talas ng memorya ni Einstein ang utak ko para ma-memorize hanggang ngayon ang Runic Alphabet," iritable kong sagot saka sinubukan muli na i-register ang codes na nakapresenta sa hawak kong gadget.

ᚨᛋᚢᛞᛖᛗ

Ngunit gaya nang kanina, hindi ko pa tapos i-input ang code na kailangan, naubusan muli ako ng oras. Hindi ko na napigilang mapabuntong hininga sa sitwasyon. Wala namang komento sina Jake at Ryde sa bukana ng hagdan. Nagmamasid lang sila kung sakali mang may dumating na tao.

ᛞᛖᛗᚢᛋᚨ

Nang muling nag-flash ang panibagong symbols sa hawak kong gadget. Wala na akong sinayang pang oras. Sige na, Einstein sapian mo ko kahit saglit.

"S, A, D. . ." pero bigla akong nablanko at natigilan. Hindi ko maalala ang kahulugan ng pang-apat na runic symbol.

Mariin akong pumikit at nang maalala ko ay mabilisan kong tinipa sa screen ang mga susunod na kahulugan ng symbols. "E, M, U!"

Matapos ang ilang segundo, umilaw ng berde ang maliit na screen sa harap namin.

Bumungad sa 'min ang matutukoy kong Cell Chambers. Naalala ko mula sa kwento ni Jake na maraming cells ang kinaroroonan ni Jade noon.

Nagsimula kaming maglakad sa isang silid na napaliligiran ng mga transparent cell tubes na may laman na tao sa loob. Wala silang malay at tila may mga nakakabit na dextrose sa braso nila.

Malamang ito ang mga biktima na kinukuhaan ng organs na ginagawang lots sa auction house.

Kulay puti ang buong paligid maging ang sahig na nilalakaran namin. Malapit na kami sa dulo ng silid nang biglang huminto ang isa sa kasama namin. Lahat kami ay napahinto rin sa paglalakad at sinundan siya ng tingin.

"Hope!" sigaw ni Verity at tumakbo papalapit sa isa sa mga transparent cell tube.

No way! Buhay pa ang isa sa mga pinsan ni Verity?

"Locke, we need to go!" Ryde exclaimed at her.

Pero parang tumagos lang sa magkabilaang tainga ni Verity ang sinabi ni Ryde. Patuloy siya sa pagsubok na buksan ang cell tube. Nagkatinginan kami nina Colt. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam nang awa kay Verity. Wala naman siya rito ngayon kung hindi dahil sa pagkawala ng pinsan niya.

"We can leave her here, if she wanted to," imik ni Jade sa tabi ni Jake.

"I don't think Ryde would agree on that," sagot naman ng kapatid niya.

Pinagmasadan namin kung paano kumbinsihin ni Ryde ang dating kasintahan.

Namataan kong nagkusot ng mata si Verity. Umiiyak ba siya?

"I. . . I'll stay here, Harrison." naulinigan kong saad niya at tila nauutal na dahil sa namumuong luha mula sa mata niya.

"You knew, Locke. . . I can't--" he looked down for about seconds, then met Verity's gaze. "We can't leave you here," Ryde said and I even saw a glimpse of his adam's apple moving upward.

Hindi na muling nagsalita pa si Verity at hinayaan niyang aluin siya ni Ryde papalapit sa 'min. Bago pa man namin tuluyang lisan ang Cell Chambers, nakita ko ang paglingon ni Verity para sulyapan ang pinsan niya.

Mabilis kaming nakapasok sa Quarter Lab. Nakakapagtaka na hindi gano'n kahigpit ang security sa silid na pinasukan namin. Kumpara sa pinanggalingan naming kwarto, ibang-iba ang ambiance ng isang 'to. Mayro'ng apat na bahagi ng silid ang natatakpan ng kulay green glass cubicles. Bawat bahagi ay may pintuan na dapat daanan bago makapasok sa loob. At ang nilalakaran namin ay nagsisilbing hallway lang.

Hindi ko akalain na makasabay muli si Verity sa paglalakad. Sinamantala ko nang magtanong.

"Bakit may ibang daanan papunta sa Vipers den?" imik ko at agad naman siyang napalingon sa gawi ko.

"Dito dumadaan ang Crackens," mabilis niyang sagot at agad na binalik ang tingin sa nilalakaran namin.

Crackens? Akala ko ba nag-iisa lang ang Cracken? Ibig sabihin, Cracken ang napatay ni Colt kanina?

Bahagya kong nilingon ang p'westo ni Colt. Seryoso siyang nakikipag-usap kay Jake habang naglalakad. Kapag nalaman niya 'yon, malamang papalakpak na naman tainga niyan at magbibida. Buti na lang at hindi niya narinig ang sinabi ni Verity.

Ilang minuto rin kaming alertong naglalakad. Palabas na kami sa pangalawa sa huling silid bago ang Cracken Block. At hindi namin inaasahan na kung gaano kami kabilis nakapasok at daan sa mga pinanggalingan naming silid. Gano'n naman kapigil-hininga kaming bulagain ng apat na mga lalaking armado.

Walang habas nila kaming pinatamaan ng mga bala. Wala naman kaming nagawa kung hindi magkubli sa gilid ng pintoan.

Nakarinig na kami ng mga yabag nila na papalapit sa pwesto namin. Patuloy sila sa pagpaputok ng baril at nang makahanap ng tiyempo si Ryde na nakasandal sa pader malapit sa 'kin, dumungaw siya sa pinto at agad na naghagis ng pairing knife. Sa kabilang banda ng pinto ay gano'n rin ang ginawa ni Verity.

Mabilis silang bumalik para ikubli ang sarili. Tumahimik na ang paligid at wala nang bumabaril sa amin. Dahan-dahan kaming sumilip ni Colt at natanaw namin ang dalawang katawan na nakabulagta sa sahig.

Natamaan ni Ryde at Verity ang dalawa ng pairing knife, sakto sa noo ng mga ito.

"Paanong?" hindi makapaniwala kong tanong sa dalawa.

"We're assassins!" sabay nilang sagot at hindi ko maiwasan tayuan ng balahibo sa batok.

May dalawa pa sa labas, pero hindi naman sila umaatake. Nagpapakiramdaman pa ang bawat isa. Hindi kami dapat na sumugod agad. Nabaling naman ang atensyon namin nang biglang umilaw ng pula ang ibabang bahagi ng doorway ng silid na kinaroroonan namin. Kakaiba ang pintong ito.

Gawa ito sa makapal na semento. Manggagaling sa taas at baba ang dalawang magsisilbing pinto. Sa gilid nito, nakakabit sa pader ang switch na kailangang hilain pababa para mabuksan ang doorway.

Unti-unti nang umaangat at bumababa ang dalawang semento para magsara.

Ibig sabihin may time limit rin ang pintong 'to?

Mabilisang sumulyap sa labas si Colt. "They're busy outside, I think it's better for us to move now," suhestiyon niya.

Dahil do'n, hindi nagdalawang-isip ang magkapatid para sugurin ang dalawang lalaki sa labas. Sakto naman na bumukas ang pinto sa kabilang silid. Agad kaming sumunod sa kanila. Base sa reaksyon ng mga lalaki, hindi sila handa sa pagsugod ng magkapatid. Wala rin pala itong bitbit na armas. Napaatras ito at pumasok sa loob na palagay ko'y ang Intensive Medical Unit.

Nang makapasok kami, walang ibang tao ang na sa loob. Tanging mga medical apparatus lang ang na sa paligid. Mga surgery tools at ilang kama na nakahilira sa loob.

Akmang hahawak sa earpiece ang isa sa mga lalaki. Pero agad na dinampot ni Jake ang bakal na stoller sa gilid niya. Buong pwersa niya itong himampas sa kaharap.

At nang makitang nahilo ang lalaki, hinablot ni Jake ang puting kumot na nakalatag sa isa sa mga kama. Mabilis niyang ibinuhol sa leeg ng lalaki hanggang sa maging kulay ube na ang buong ulo nito.

Isang malakas na kalampag naman ang nagpalingon sa akin sa kanang gawi ko. Mabilis na umapak si Jade sa isang kama para makasampa sa balikat ng lalaki. Pinangsakal niya sa lalaki ang mga binti niya. At walang ano ano'y, mariin na pinihit ni Jade ang leeg ng lalaki pakanan.

Tunog ng nabaling buto ang sunod kong narinig. Nanlambot ang katawan ng lalaki at tuluyan nang natumba. Bago pa man tumama sa sahig ang katawan ng tao ay tumalon na si Jade, saka nagpagpag ng mga palad niya.

Lumapit ako sa gawi ng lalaki na napatay ni Jade. Kinapa ko ang bulsa ng suot niyang blaser. At hindi ako nangkamali, mayro'n siyang identification card na dala. Pero ang pinagtatakhan ko lang, imbis na impormasyon ng tao ang naka-imprenta sa hawak ko. Isang QR code ang nakita ko.

"Illicit Task Force, let's go!" tawag sa'min ni Ryde mula sa kabilang pintuan.

Magkasama silang tatlo nina Colt at Verity na nauna na sa pintuan. Nang marating ko ang doorway, dinikit ko sa maliit na screen ang ID na nakuha ko. Hindi nagtagal at bumukas ang doorway na katulad sa kaswal na elevator. Nauna akong humakbang palabas. Ngunit sa ilang segundo tumigil ang pagtibok ng puso ko. Naramdaman kong may naapakan akong kakaiba.

Dahan-dahan akong yumuko para suriin kung tama ba ang hinala ko.
At hindi ako nagkamali! Nakaapak ako ng trap button!

"Vance. . ." imik ni Jade nang makalapit siya sa pwesto ko.

Hindi nakapagsalita sina Colt at Jake, at tinapunan lang ako ng dismayadong tingin.

Hindi ko naman sinasadya!

"Vance, don't move." naramdaman ko ang kamay ni Ryde sa kanan kong balikat.

Agad kong sinundan nang tingin ang dahan-dahan niyang pagtingala niya ng ulo.

We're doomed as fuck. Great.

Mayro'ng malaking metal cage ang nakalambitin sa itaas namin. At sigurado, na isang galaw ko lang. Mata-trap kaming lahat.

"Hindi natin p'wedeng iwan si Vance--" komento ni Jade pero naputol iyon nang bumukas ang pintuan sa katapat na silid kung saan kami nahinto.

Ang Cracken Block.

Iniluwa ng pinto ang isang matangkad na naka-formal attire na lalaki. Nakasuot din ito ng full-covered white mask.

Naglakad ito papalapit sa pwesto namin. At wala akong magawa kung hindi mapakapit ng mahigpit sa suot kong vest.

"Quite impressive, everyone. . ." isang malalim at garalgal na boses ang bumati sa 'min.

Wala ni isa sa 'min ang makapagsalita. Tanging batuhan lang ng makabuluhang sulyap ang aming magawa. Sa totoo lang pagod na ako sa misyon na 'to. Nasubok na ang lahat ng pasensya na mayro'n ako. Tapos, ganito lang pala ang kahahantungan namin?

"Leave your weapons," utos nito at mula sa likod niya, lumabas ang limang bruskong kalalakihan.

Lumapit ito sa 'min at tinutukan kami ng naghahabaang mga baril.

Isa-isa nang kumilos ang mga kasama ko. At nang masulyapan kong may itinago si Ryde sa suot niyang combat shoes. Ngunit nagitla ako sa marahas na paghila sa 'kin patayo ng matangkad na lalaki. May inilabas siyang maliit na remote. Pinindot niya iyon at naramdaman kong wala akong naaapakan na trap button.

"Don't ever attempt to escape or fight. Be presentable in front of the Vipers," saad ng Cracken at binuksan ang isang silid sa kaliwang bahagi kung saan siya lumabas kanina.

Ibig sabihin, wala sa dulo ng East route ang Vipers Den. Katabi lang pala ng Crackens Block!

Pinapasok kami ng mga kalalakihan. Aaminin ko, ang higpit ng kapit sa 'kin ng lalaki at marahas akong tinulak sa loob. Kupal na 'yon! Agad kong hinimas ang braso na halos mamantal. At habang inaalis ko ang sakit sa balat ng braso ko, napagmasdan ko kung saan kami dinala.

Madilim ang buong silid dahil sa dim light na ibinigay ng bumbilya sa taas.
Hugis oval ang kinatatayuan naming kwarto. Ang paligid naman ay napaliligiran ng painted na vines at mga bulaklak. Ang sahig naman ay tinatakpan ng matingkad na pulang carpet na hugis oval din.

Ito na talaga 'yon. Narating na namin sa wakas ang Vipers Den. Malalaman na rin namin kung sino ang Vipers.

The moment of truth or our end.

Sa dulo ng silid ay may tatlong hakbang ng hagdan at tila mayro'ng entablado ang na sa gawing iyon. Tatlong nakatalikod na upuan ang naaninagan ko nang biglang sumindi ang ilaw sa buong silid. Akala ko walang nakaupo sa mga upuan. Pero nang tumama ang ilaw sa gawi ng mga iyon. Natanaw ko ang pigura na nakaupo ro'n.

Dahan-dahang umikot ang na sa gitnang upuan paharap sa amin. At mula sa kanang bahagi ko, nasulyapan ko ang bahagyang paghakbang paatras ni Ryde. Nakita ko rin ang pagkuyom ng kanyang kamao. Teka anong nangyayari kay Ryde?

Binaling kong muli ang atensyon sa harap. Nasilayan ko ang babaeng nakaupo sa gitnang upuan na sa tanya ko'y na sa mid fifties na. Mahaba ang kulay itim nitong buhok. At nagbibigay ng malakas na awra ang suot niyang pulang dress na may slit sa kaliwang bahagi.

Mula sa inuupuan, tumayo siya at naglakad pababa. Isang malawak na ngiti ang ibinigay niya sa 'min saka nagsalita. "Ryder Harrisson," panimula nito at hindi ko napigilang mapalingon sa gawi ng taong binanggit niya.

"What brings you here. . . my great prodigal son?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro