Crossroads Buddi3s

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Huff... huff..." hinahabol ko ang hininga ko dahil tinakbo ko ang isang pedestrian lane kanina. Gabi na, mga 11 ng gabi kaya't bihira na lang ang mga kotse kaya tinatakbo ko na lang. May isang van na dire-diretso dumaan kanina habang nakastop ang signal. Tatawid na sana ako ulit pero huminto ako at umatras. Naka go signal naman pero hindi ko talaga kaya mag-isa na tumawid sabay pa ang van na walang pake sa light signals. Pero kailangan ko pa tumawid ulit dahil nahulog ang wallet ko sa gitna ng lane... God help me... Nag receive lang naman ako ng pera pero bakit ganito kahirap.

"You okay?" Tanong ng katabi ko.

"Honesty. I'm not okay. Hindi talaga. Super hindi-" Kung ano ano na ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko nga matingnan ang kausap ko dahil sa sobrang kaba ko. Pero alam ko na lalake ito dahil sa malalim pero kalmado nitong boses.

"Okay okay. Calm down. Do you need help? Can I help?"

"I will gladly accept your help. But it will put you in an awkward position. Okay lang ba?" Sabi ko sabay lingon sa kausap ko. Akala ko nasa mid-30's na ito pero nang makita ang itsura nya, masasabi ko na nasa mid-20' siya.

"Sure. Ano ba ang gagawin ko?"

"Wala kang gagawin... a-akapin ko lang ang b-braso mo..." tinamaan na ako ng hiya. Ang gwapo nya. Maputi, matangkad, clean cut ang buhok, mapulang labi, medyo makapal ang kilay at maningning ang kanyang itim na mata. Mukhang matino at respetado ito.

"That's all? I thought bubuhatin pa kita or something..." tapos tumawa s'ya. Pantay ang mapuputi n'yang ngipin. Ang ganda ng ngiti. My goodness... binigyan ata ako ng anghel. Biglang may bumisina na kotse sa harap ko kaya't nagulat ako at napahawak sa kamay n'ya at isang kamay sa aking dibdib. Nang kumalma ay napalingon ako sa kausap ko at nakita ko ang gulat na gulat niyang ekspresyon. Dali-dali ko naman binitawan ang kamay n'ya.

"Sorry, sorry! jerk reflex ko talaga ang humawak sa malapit sa akin pag nagugulat ako. Lalo na pag nasa kalsada ako. S-survivor kasi ako sa isang r-road accident. M-may PTSD kasi ako... sorry..." Pag depensa ko. May kasama na sana ako tumawid dahil sa reflexes ko mawawalan pa...

Noong seven years old kase ako na aksidente ang buong pamilya ko. Tumatawid kami sa isang kalsada ng may truck nabundol sa mga magulang ko. Naitulak ako ni mama palayo kaya fracture lang sa braso ang natamo ko. Pero ang mga magulang ko... Nagulungan sila ng truck. Kitang kita ko ang nagkalat na laman at dugo sa paligid. Dugo at laman ng mga magulang ko. Hindi ko maalala ang buong pangyayari at iyon na lang ang naalala ko. Ang mga sumunod na araw, buwan at taon ay hindi ko maalala. May pahapyaw na mga alaala pero ang naalala ko lang ito dahil ikinuwento sakin ng nag iisang kamag anak ko na kumupkop sa akin. Sabi ng tiyahin ko hindi daw ako umiyak ng araw na iyon, pero halata ang trauma dahil pag nakakakita ako ng truck o kotse nagwawala daw ako. Hindi ko man maalala pero dahil sa mga reflex ko at asal ko sa kalsada, mukhang totoo naman.

"Ganun ba... sorry. Nagulat lang talaga ako sa busina ng kotse pati sa paghawak mo. Go signal na ulit. Tara tawid na tayo." Sabi niya at lahad ng kanyang braso papalapit sa akin.

"Salamat." Hinawakan ko ang kanyang pulsuhan at umakap sa braso niya.

"Umm... ano nga pala pangalan mo?"

"Dominic.Ikaw?"

"Seraphina. Kwento ka naman tungkol sa sarili mo.. kung okay lang syempre!"

"Half korean and half american ako. Nagbakasyon kami dito ng family ko but we decided to stay here."

"Wow! Foreign ka pala. Ang galing mo mag tagalog kaya akala ko pure breed ko or may ninuno ka dito"

"Ninuno?" Tanong niya habang nakakunot ang mga kilay. Haha ang cute.

"Ah! Ancestor in english." Mabilis kong paliwanag sabay tawa. Napa-'ah' siya dahil sa realization.

"Nakatawid na tayo." sabi niya. Nahimasmasan ako sa pagtawa. Nakatawid nga kami. Ambilis! Pag tumatawid ako parang sobrang tagal!

"Woah... ngayon lang ako na katawid ng matiwasay..."

"Ma..twi..sa-ay?"

"Ma-ti-wa-say means peaceful." inisa isa ko per syllable para mabigkas niya. Huwag na lang natin tanungin baka mapahaba haba pa ang usapin.

"Ah.. okay. I'm gonna get going now.."

"Oh.. okay! Thank you-ack!" Kaya nga pala ako nagpatawid ulit kasi kukunin ko ang nahulog ko na wallet!

"Why? Is there something wrong again?"

"Wallet ko... nakalimutan ko kunin wallet ko..." sabay turo sa wallet ko na nasa gitna ng pedestrian lane.

"Oh. That's all. I'm going to fetch it for you.." Lalakad na sana siya pero hinawakan ko agad ang kayang pulsuhan.

"Wait! Isama mo ako ulit please... sa kabilang side ang papuntang bahay ko... Sorry talaga sa abala.." nahihiya kong sambit. Halos yumuko na ako pero nang tiningnan ko siya ay nagpipigil siyang tumawa.

"OI! Huwag mo naman ako tawanan... " sabi ko at nag-pout.

"I know. I know. I'm sorry. You're cute..." sabi niya tapos tawa. gosh ... maiinis sana ako kasi pinagtatawanan niya ako pero nakakabighani ang tawa niya... Lord is he the one?!

Hinayaan nya din ako na umakap ulit sa braso niya. Nang makita ang wallet ko ay dali-dali ko ito kinuha ay balik sa pag-akap sa braso niya.

"Salamat sa tulong ha.. Uwi na ako."

"Samahan na kita. It's quite dark. It's much better na may kasama ka sa daan."

"That's so considerate of you. Aabalahin kita ulit." Sabi ko at ginawaran siya ng matamis na ngiti.

"No problem."

Sinamahan niya ako sa paglakad papunta sa apartment na inuupahan ko. Panay kami kwentuhan tungkol sa buhay buhay namin. Sabi nga na it's much nicer to talk to a stranger about your burdens.

Dominic. Isa siyang half-half na foreign katulad ng nabanggit niya kanina. Bumalik na daw ang magulang niya sa states at iniwan siya dito sa pinas. Siya mismo ang may gusto na magpaiwan dito sa pinas. Pero habang nagkukwento si Dominic kanina ay tumatawa tawa siya pero ang hirap na hindi mapansin ang lungkot sa mga mata niya.

"Salamat sa paghatid! Ingat ka sa pag uwi!"

"Haha unti na lang ang lakad ko doon banda sa second block ang bahay ko." Hahaha the grammar structure...

"Ganun ba? Salamat ulit! Nice meeting you, Dominic."

"Nic na lang, Seraphina."

"Kung ganun, Sera nalang tawag mo sa akin."

"Sure, Sera. Good night."

"Good night din Nic!" at simula dito ay naging magkaibigan ang dalawa.

Madalas sila nagkikita sa pedestrian kung saan sila unang nag kita. Naging routine na para kay Seraphina at Dominic ang sabay at magkadikit na pag tawid. Noong una ay na iilang si Seraphina at nagugulat naman si Dominic pero ngayon ay comfortable na sila. Binansagan pa nila ang isa't isa bilang Crossroads Buddies.

"Thanks again sa paghatid." Ngumiti si Seraphina kay Dominic. Sinamahan ulit ni Dominic siya sa pagtawid pa uwi sa bahay niya. Galing si Seraphina sa University Campus kung saan siya nag aaral.

"No problem." Sagot naman ni Dominic.

"Question, may cellphone ka ba? If you want, pwede mo i-share isa sa social media accounts mo para ma-contact mo ako if ever na need mo ako. Diba?"

Natigilan si Dominic sa tanong ni Seraphina. Biglang nagbago ang timplada ng mukha ni Dominic. "Ah... pasensya na. Wala kasi akong phone sa ngayon. Nasira kasi."

"Ah ganun ba... " bahagyang napa-yuko si Seraphina. Halatang halata ang pag ka dismaya.

"Sasabihin ko sayo pag na ayos na. So don't be sad..." Pag susuyo ni Dominic. Alam niyang mali ang magsinungaling at nag iwan ng pangakong walang laman. Pero wala siyang magagawa.

"Okay ... Ingat sa pag-uiw and salamat sa tulong mo today." Mahinahong sabi ni Seraphina.

"Walang anuman, bye-bye!"

"Bye!" tiningnan lang ni Sera na mapalayo si Dominic sa entrance ng bahay nya.

"Sera! Naka-uwi ka na pala!" Bungad naman ng isang may katandaang babae pagkatapos buksan ni Sera and pinto. Mid-40's na siguro ito.

"Oh! Tiya! Napa bisita ka ata?" sabay mano sa kanya.

"Bakit? Bawal ba bisitahin ang nag-iisang pamangkin ko?" pagkatapos ng pag-mano ni Sera ay hinila niya ito sa mahigpit na yakap.

"Tiya naman.." at tumawa naman siya.

"Ah! Congrats pala, Sera!" lumuwag ang yakap ng kanyang Tiya.

"Bakit po? Para saan po?" Kitang-kita sa mukha ni Sera ang pagtataka.

"Nakita kita kanina na tumawid mag-isa! You did it! Nalagpasan mo din!" Masaya ang pagbigkas ng Tiya ngunit may bahid ng pag aalala ang mukha nito.

"Pero may kasama ako kanina tiya.."Takang taka si Sera. Paano naging mag-isa tumawid kung yakap ang braso ni Dominic? HIndi n'ya ba napansin si Dominic? Ito ang mga tanong na bumabagabag kay Sera. Hinawakan ng Tiya ang mga kamay ni Sera at pinaupo sa sofa. Tinabihan niya ito at hinaplos ang pisngi and nagsimula mag salita.

"Sera... alam mong pasyente kita. Medyo matagal na din ang huling therapy session mo sakin ija... Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa iyo ng mga nakaraang buwan-"

"Alam ko Tiya! Pero kaya ko at kinakaya ko! Nilalabanan ko din! May tumutulong din sakin na labanan ko! Kaya tiya huwag ka na mag-alala... Kaya ko. Pangako ko naman na lalapit naman ako sa iyo kung need ko talaga diba?" Paliwanag ni Sera at ginawadan pa niya ng matamis na ngiti ang kanyang Tiya.

"Okay. I'll believe you. Pero tungkol sa sinasabing kasama mo kanina... I don't know kung delusion mo lang ito or what. Hindi pa kita na assess ng maayos... Pero ang tanong ko sayo..." Biglang huminto sa pagsasalita ang Tiya.

"Ano po iyon?" Tanongnaman ni Sera.

"Mukhang nahahawakan mo siya base sa nakita ko kanina pero... na hahawakan ka ba niya?"

Ang tanong ng tiya nya ay paulit ulit na naglalaro sa utak ni Sera. Dahil dito ay nagdududa na din siya sa nakikita at sa sarili niya. Hindinaman masama ang intensyon ng Tiya pero nababhala parin si Sera. Paano siya mahahawakan ni Dominic ng hindi gumagawa ng eksena. Ang weird naman kung humingi ako ng favor sa kanya just to touch me...

Madaming tumatakbo sa isip ni Sera ngunit si Dominic ay tahimik lang na sinasabayan na maglakad si Sera sa tabing kalye. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Sera at hindi napansin ang paghinto ni Dominic dahil naka stop light pa ang pedestrian.

"Sera!"

"Sera!"

"Seraphina!" Hinabol ni Dominic si Sera dahil may sasakyang padaan sa likod nito. Malapit na siyang masagi ng sasakyan.

"Huh?" Nagulat na lamang si Sera nang hilain siya ni Dominic. Tumawa naman itong si Sera.

"Hinawakan mo ako. Ibig sabihin totoo ka..." Tawa parin ng tawa si Sera pero si Dominic naman ay natulala na may halong takot sa mukha. Nagkagulo ang lahat ng tao na nasa paligid nila.

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

"Hindi na humihinga!"

"Kawawang bata!"

"Hala! Tinakbuhan siya ng sasakyan!"

"Dapat hinarang n'yo!"

"Jusko!"

Kahit sobrang gulo ay tawa parin ng tawa si Sera.

"Tara uwi na tayo, my crossroad buddy." Pag aaya ni Sera.

Hinawakan ni Dominic ang kamay ni Sera at masayang tumawid ang dalawa. Masayang magkahawak ng kamay habang tumatawid.

-fin-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro