1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

Sabi nila, kapag daw humanga ka sa isang tao ng ilang linggo crush daw ang tawag don, pero kapag lumampas na sa buwan ibigsabihin ay mahal mo na siya, eh paano kapag nakalampas ng sampung taon?

I have a crush on this guy, matangkad, matalino, mabait, makapal ang kilay, matangos ang ilong, pero hindi clear skin, at higit sa lahat basketball player.

Simula yata ng makilala ko siya ay hinangaan ko na siya, hindi ko alam na tatagal nang sampung taon yung pagkagusto ko sa kaniya, wala na akong pakialam kung ano pa ang tawag dito basta hanggang ngayon siya lang ang lalaking laman ng puso ko, sabihin niyo ng corny pero yun ang totoo.

May mga istudyante ang nagtutumpukan sa isang room dahil nandon si Ci-L, room nila yun eh, dinudumog siya kase may laro na naman sila next week.

"Jenna, alam mo na?" Bungad agad sakin ng kaibigan ko na si Ian.

"Ang?" Tanong ko habang inaayos ang gamit ko sa upuan.

"May laro sila next week,"

"Yeah I know," kinuha ko ang cellphone ko at nag scroll sa Instagram, mukha lagi ni Ci-L ang nakikita ko, sunod-sunod ko naman ni-reakan ng heart.

Hindi niya rin mapapansin na lagi akong updated sa kaniya dahil hindi lang naman ako ang naghahabol sa kaniya eh, marami pang iba.

"Buti na lang hindi ikaw yung fan girl na nagpapapansin sa kaniya 'no?" Sabi ni Ian.

Tiningnan ko siya at umiling, hindi kase ako katulad ng iba diyan na ipagluluto ng cookies ang crush nila tapos ibibigay nila, duhh I'm not a desperate woman, alam ko kung hanggang saan lang ako, reresputuhin ko ang mga bagay na alam kong sagrado na.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso akong muli sa court, at hindi nga ako nagkamali dahil nandoon na naman siya para mag practice, agad kong kinuha ang camera ko at kinuhaan siya ng litrato.

Pasimple akong naglakad sa gilid ng court pero sa kasamaang palad ay nakita ako ng isa sa mga couch dito.

"Oy, Jenna, ikaw pala, pwede mo ba akong tulungan na ipasok ang mga ito?" Agad naman akong tumango at mabilis na tinulungan siya sa mga bola.

Pagkakataon ko na din para makita siya ng malapitan.

"Oh, Ci-L, hindi kapa uuwi?" Tanong ni coach at umiling naman ang huli.

"Dito na lang po?" Tanong ko at ibinaba ang mga bolang hawak ko sa bench.

"Oo, salamat ha,"

"Ayus lang po," sagot ko naman at nginitian ito, saglit akong umupo roon at pinanuod si Ci-L na mag laro, lagi niyang nasho-shoot ang bola.

Laging three points, kaya pati sa puso ko naka three points ka rin eh.

Corny.

Matapos makakuha ng magandang litrato ay umalis na din ako doon, bakit kaya siya lang yung nagpa-practice at hindi niya kasama ang iba niyang kaibigan?

Minsan nga naiisip ko na, what if magkagusto siya sakin? What if kumukuha lang siya ng magandang timing para dumiskarte? Pero hanggang imagine na lang ako kase ang hirap namang abutin ni Ci-L, wala siyang girlfriend at isa yun sa nagbibigay pag-asa sa mga humahanga sa kaniya, hindi ko man aminin sa sarili ko pero alam kong isa ako sa umaasa.

Ci-L is my ideal man, kaya nga umabot ng 10 years eh, pero sinubukan ko namang pigilan pero hindi talaga, hindi ko kayang pigilan kase hangga't pinipigilan ko lalo lang lumalala ang nararamdaman ko para sa kaniya, siguro meron talaga time para mawala ito, e-enjoy ko na lang hangga't may gusto pa ako sa kaniya.

Hindi muna ako umuwi ng bahay, nag hintay ako sa labas ng locker room dahil alam kong papasok siya doon, nagkunwari akong may hinahanap sa locker ng makitang pumasok na siya, medyo malayo ang locker niya sa locker ko, at ang suwerte ko pa dahil dalawa lang kami ang tao dito, hindi niya siguro ako napansin dahil medyo malayo ako, nang makakuha na siya ng gamit niya ay agad akong sumunod para tingnan ang laman ng locker box niya, agad ko yung kinuhaan ng litrato at may iniwan na letters sa locker niya.

"Sino yan?" Tanong niya mula sa CR, mabilis naman akong lumabas dahil narinig kong bumukas ang pinto, tumakbo ako hanggang sa gate ng school at hingal na hingal na huminto.

Mabilis akong umuwi ng bahay, at saktong wala namang tao doon kaya pumasok agad ako sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko.

Prinint ko na din ang mga picture na kuha ko kanina sa kaniya.

"Ang pogi mo," sabi ko at pinagmasdang maigi ang litaro niya.

___________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro