One Shot 1: All My Heart

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nubayan, wala akong maisip na title haha. Sorry na.

Uhh, I'll be using cliché plot here. HAHAHA. And sorry for the bad words. Huwag n'yong gamitin ha? Bad 'yon. Hahahaha.

=====

"Lesley Vance!"

Napahinto si Lesley sa pag-head bang habang nakikinig siya ng mga kanta ng bandang Sleeping with Sirens nang marinig niya sa intercom ang dumadagundong na boses ng boss niya.

"Anong problema mo?" Padaskol niyang sagot nang hinaan niya ang volume ng speakers niya.

"Pumasok ka rito." 'Yon lang ang sabi ng mala-hari niyang boss.

Napabuga na lang ng hininga si Lesley habang inaayos niya ang bangs na humarang sa mukha niya. Kinuha lang niya ang tablet at hindi na nag-abala pang ayusin ang itsura niya saka tumayo at dire-diretsong pumasok sa opisina ng boss niya.

"Hindi ka man lang ba marunong kumatok?" Bungad ng boss niya nang hindi man lang nag-aangat ng tingin.

"Gago ka ba? Ikaw ang nagsabing pumasok ako rito." Iritadong sabi ni Lesley.

Biglang nag-angat ng tingin sa aknya ang boss niya habang magkasalubong ang kilay nito, "Anong sinabi mo?"

Binigyan niya ito ng pekeng ngiti, "Sabi ko nga po kakatok po muna ako." Sumimangot siya at saka bumulong, "Bingi."

"May sinasabi ka?" Tanong nito sa kanya.

Binigyan pa ulit niya ito ng isang pekeng ngiti, "Wala po."

Lumabas ulit siya ng opisina nito pagkatapos ay kumatok bago ulit pumasok.

"Kumatok na ako. Masaya ka na?" Sarkastikong sabi niya rito.

Muli na namang nagsalubong ang kilay nito, "Baka nakakalimutan mong–"

"Secretary lang ako at boss kita blah blah blah. Paulit-ulit na lang boss. Wala bang bago?" Putol niya sa mga sinasabi nito.

"I can fire you right now–"

"Ay 'di maigi! Tagal ko nang nagpapasa ng resignation letter sa'yo pero ayaw mong i-approve." Nakasimangot na sabi ni Lesley.
(Trans: Maigi = mabuti.)

Kita ni Lesley na napabuga ng hangin sa inis ang boss niya. Natawa na lang siya sa loob-loob niya.

Sa katunayan ay tatlong taon na siyang nagtatrabaho bilang sekretarya nito. Matagal na niyang gustong magresign pero ayaw naman nitong i-approve.

The first two years na nagtrabaho siya sa kompanya ay sekretarya siya ng tatay nito dahil ang tatay pa nito ang namamahala five years ago. Pinalitan lang ito ng current boss niya ngayon na anak ng dating boss niya.

Gusion Paxley

Matanda lang ito ng isang taon sa kanya. At sa tatlong taon na pagiging secretary niya nito eh ni hindi man lang niya ito nakikita pang ngumiti. Kahit pa nga may mga gatherings at events ay hindi man lang ito ngumingiti.

Lagi itong walang emosyon, o 'di kaya'y magkasalubong ang kilay.

"Don't test my patience Lesley Vance." Halatang nagpipigil ng inis si Gusion.

"Ano ba kasi 'yon? Eh kung ina-approve mo na resignation letter ko eh 'di sana matagal nang hindi sumasakit ang ulo mo sa akin." Inirapan niya ito.

"Bakit ba gustung-gusto mong magresign? Maayos naman ang sweldo mo." Kunot-noong tanong nito sa kanya.

"Duh." React niya at inikutan niya ito ng mata, "It's not all about having good salary, boss na masungit. Kabaliktaran ka ng tatay mo eh. At aabutin tayo ng bukas dito kung iisa-isahin ko ang reasons bakit gusto ko nang magresign."

Sumandal ang boss niya sa swivel chair nito at inilahad ang kamay, "Then go on, enumerate them. I don't care kung abutin tayo ng bukas dito."

Pinaningkitan niya ng mata ang boss niyang nakangisi ngayon sa kanya.

Hayup amp!

"Halatang hindi mo binabasa resignation letters ko." Napahawi siya sa bangs niya. "Gago talaga amp." Bulong niya.

"You saying something?" Nang-aakusang tanong ng boss niya sa kanya.

"I'm not saying something boss." Nginitian niya ito nang peke, "I'm saying you're gago."

Akmang magsasalita pa ang boss pero inunahan na niya ito. "Ano bang kailangan mo at nang makabalik na ako sa pwesto ko?" Nakapameywang niyang tanong.

"You." Maikling sagot ni Gusion habang diretsong nakatingin sa kanya.

Napasinghap si Lesley at nanlalaki ang mga matang tumingin sa boss niya na mukhang nagulat din sa isinagot nito.

"I-I mean, you need to review these papers. Are you sure you're doing your job properly? Ang dami kong nakitang errors." Nakaiwas-tingin na sabi ni Gusion habang iniaabot ang mga folder sa kanya.

"Sure ba 'yan boss? Baka mamaya wala naman ha, hindi ito ang unang beses na may pinapareview ka sa akin tapos wala namang errors." Padabog niyang kinuha ang mga folder sa boss niya tsaka walang sabi-sabing lumabas ng opisina nito.

Pagkaupo pa lang niya sa kanyang pwesto ay nakita niya na may ilang missed calls sa kanyang cellphone. She rolled her eyes immediately nang makita kung sino ang tumawag.

Agad niyang pinindot ang intercom upang makausap ang boss niya, "Boss, hindi mo na naman sinasagot ang tawag ni Ginibear. Nakasampung missed calls agad sa akin."

"Tell her I'm busy and to fuck off." Diretsong sagot nito.

Napamaang si Lesley. Wow, tarantado amp.

Hindi niya alam kung playboy ba o sadyang tarantado lang talaga ang boss niya. Madalas kasi itong makipag-dinner date sa iba't ibang babae at pagkatapos kapag tumawag ang mga ito kinabukasan ay nagagalit ito at hindi na muling kinakausap ang naka-date na babae.

Pero itong si Ginibear– Guinevere pala, isang linggo na pero nangungulit pa rin hanggang ngayon. Paano'y galing din sa isang mayamang pamilya kaya siguro malakas ang loob.

Siya kasi palagi ang nag-a-arrange ng dinner date ng boss niya at siya rin ang contact ng mga ito madalas kaya alam ng mga babae ang number niya.

It's time to change my number na nga ata.

Pero naiisip pa lang niya na panibagong pagpapakilala na naman ang gagawin niya sa mga negosyanteng kasosyo ng kanyang boss ay tinatamad na siya bigla.

Maya-maya pa ay muling nag-ring ang phone niya at napangiti nang makita kung sino ang caller.

"Good morning Ma'am Rita." Bungad na bati ni Lesley.

"Hija, ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na Tita na lang itawag mo sa akin?" Tanong ng ginang na siyang ina ni Gusion, "O mukhang ayaw mo ng Tita, Mommy ata gusto mong itawag sa akin eh."

Napasinghap siya sa gulat pero ramdam ni Lesley na bumilis ang tibok ng puso niya, "Gusto ko pa pong mabuhay. Maraming salamat po."

Natawa ang ina ni Gusion sa kabilang linya, "Kamusta naman si Gusion?"

"Ma'am, ilang beses ko na po bang tinanong sa inyo kung saan n'yo po pinaglihi ang anak n'yo? Sa sama ng loob po ba?" Napabuntong-hininga si Lesley, "Pwede po bang pasabi kay Sir Gregory na siya na ang mag-approve ng resignation ko? Please po Ma'am, maawa na po kayo sa akin."

"Bakit? Ayaw bang pirmahan ni Gusion?"

"Aba ay tatlong taon na po ako nagfa-file sa kanya eh hanggang ngayon po ayaw pa rin."

Natawa ang ginang, "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Lesley. Naturuan ko kasi siyang huwag pakawalan ang mga bagay na mahalaga sa kanya."

Napamaang si Lesley, "Ano po?"

"Wala hija, ipagpatuloy mo lang 'yan nang mahirapan ang anak ko." Iyon lang ang sinabi nito pagkatapos ay binaba na ang tawag.

Napahilot sa sentido si Lesley. Pagka-weird naman ng pamilyang ito.

Napabalik lang siya sa huwisyo niya nang marinig niyang may bumati sa kanya.

"Yo Les!"

"Oh, Sir Claude at Sir Granger. Nasa loob po si boss, nagmumukmok na naman. Pasok na lang po kayo." Sagot niya habang itinuturo ang pinto ng opisina ng boss niya habang nakangiti.

"Thanks." Maikling sagot ni Granger at parehong sumaludo sa kanya ang dalawang lalaki.

Akmang bubuksan na ng dalawa ang pinto ng opisina pero bigla itong bumukas at iniluwa nito ang boss niyang busangot na busangot ang mukha.

"Anong nangyari sa'yo bro? Bakit ganyan ang itsura mo?" Takhang tanong ni Claude.

"Bilisan n'yo na at pumasok kayo rito. Sinabi ko na sa inyong bawal kausapin ang sekretarya ko kapag nandito kayo." Nakasimangot na sabi ng boss niya.

Natawa si Granger, "So pwede namin siyang kausapin sa labas ng building mo?"

"Hindi rin, tarantado kayo." Bwelta ng boss niya.

Tawa ni Claude at Granger ang huling narinig ni Lesley bago tuluyang sumara ang pinto ng opisina ng boss niya.

Napakunot-noo na lang si Lesley pero ipinagkibit-balikat na lang niya ito at ginawa na ang trabaho niya.

=====

Nag-aayos na ng gamit si Lesley sa kanyang mesa dahil tapos na ang office hours nang lumabas sa opisina ng boss niya ang tatlong ulukan.
(Trans: Ulukan = siraulo, gago, tarantado– name it. XD)

"Les, sama ka sa amin, dinner." Alok ni Claude.

"No, thank you. Ipagluluto ko pa si Harls." Nakangiting tanggi ni Lesley saka isinukbit ang bag niya.

"Oh! Boyfriend?" Tanong ni Granger na halatang may iniinis.

"Gago, kapatid ko 'yon." Natatawang sagot ni Lesley.

Katunayan ay ka-close na kasi niya ang dalawa kaya napagsasalitaan niya ang mga ito ng ganoong salita. Paano'y gago naman talaga ang dalawa. Palaging binubugaw siya sa boss niya.

Natigil lang sila nang marinig nilang may tumikhim at ito ay walang iba kundi ang pinaglihi sa sama ng loob na boss niya.

"Mauna na kayo, ihahatid ko si Lesley." Sabi ni Gusion.

Agad namang inasar si Gusion ng dalawang kaibigan.

"Makapagtrabaho nga rito, libreng hatid pala ng boss ang secretary niya. Laking tipid sa pamasahe o kaya gasolina." Pang-aalaska ni Claude.

Hindi naman ito pinansin ni Gusion at basta na lang hinawakan ang pulsuhan niya tsaka siya hinila papuntang elevator.

Rinig na rinig pa niya ang pang-aasar sa kanila ni Claude at Granger hanggang sa magsara ang elevator.

Hawak pa rin ni Gusion ang pulsuhan niya at ramdam na ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya. Napapikit na lang siya at nanalangin na sana ay hindi nito maramdaman sa hawak nitong pulso ang bilis ng tibok ng puso niya.

Walang nagsasalita sa kanila habang nakatingin sa reflection nila sa pinto ng elevator.

Malapit na silang bumaba nang maramdaman ni Lesley na tinanggal na nito ang hawak sa pulso niya kaya nakahinga siya nang maluwag. Nang magbukas ang elevator ay nahigit niya ang kanyang hininga nang biglang ipinagsalikop ni Gusion ang mga kamay nila.

Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa magkahawak nilang kamay. Alam niyang pinagtitinginan sila ng ibang empleyado pero mukhang walang pakialam ang boss niya.

Sinubukan niyang hilahin ang kamay niya pero mas humigpit lang ang hawak nito sa kanya.

Nang makarating sila sa kotse nito ay pinagbuksan siya nito ng pinto.

"Sakay." Maikling utos ng boss niya.

"Ano ako? Aso?" Mataray na sabi ni Lesley.

Napahilamos na lang sa mukha gamit ang kamay ang boss niya. Halatang nagpipigil ito ng inis, "Could you just get in the car peacefully?"

Tumaas ang isang kilay niya, "Tapos na ang office hours kaya bakit kita susundin? Mamaya kung saan mo pa ako dalhin at ipamurder mo ako, kawawa naman ang kapatid ko–"

Napakamot ang boss niya sa ulo nito sa inis.

Hindi na napigil ni Lesley ang sarili kaya natawa siya, "Sasakay na nga po. Kakalet ka naman agad boss." Sumakay na siya sa kotse nito.
(Trans: Kakalet = Nagagalit)

"Sasakay ka rin naman pala eh." Bulong ni Gusion pero narinig niya ito.

"May sinasabi ka boss?"

"Wala. Sabi ko ang ganda mo." Sabi nito saka sinara ang pintuan ng kotse.

Aba't tarantado 'to ah.

Umikot ito papuntang driver's seat tsaka agad na binuhay ang makina ng kotse at pinaandar ito.

Tahimik lang sila sa buong byahe. Hindi naman ito ang kaunahang pagkakataon na ihahatid siya ng boss niya sa kanilang apartment. Madalas kasi kapag may business meetings o party na pinupuntahan sila ay sinusundo siya nito at hinahatid pauwi pagkatapos.

Kahit nakakagulat isipin, pero may pagka-gentleman na kaunti naman ang isang Gusion Paxley.

Inihatid pa siya nito hanggang sa apartment unit nilang magkapatid. Bigla siyang kinabahan nang marinig niya ang boses ng mga magulang niya sa loob ng unit. Hindi nagpasabi ang mga ito na bibisita pala sila ngayon!

Nataranta siya at agad na itinulak paalis ang boss niya, "Boss, uwi ka na. Nasa loob sina Tatay, baka makita pa nilang inihatid mo ako at kung anong isipin nila."

Nagsalubong ang kilay ng boss niya, "What's wrong with that?"

"Conservative ang mga magulang ko boss. Kaya kung ayaw mong–"

"Lesley anak?"

Nanigas ang katawan ni Lesley at dahan-dahang pumihit paharap sa direksyon kung nasaan ang mga magulang niya. Nakangiti ang mga ito sa kanya pero ang bunso niyang kapatid ay nakasimangot. Marahil ay nakita agad nitong kasama niya ang boss niya.

Napalingon ang nanay niya sa likod niya, "Gusion? Aba nandito ka pala hijo." Ngumiti ito sa binata.

Agad na lumapit si Gusion sa mga magulang niya at nagmano, "Magandang gabi po. Inihatid ko lang po si Lesley dahil gabi na."

"Maraming salamat hijo. Kumain ka na ba ng hapunan? Sumalo ka na sa amin." Nakangiting alok ng tatay niya.

Napamaang si Lesley habang kausap ni Gusion ang nga magulang niya, lalo na habang nakikita niya nakangiti ang tatay niya. Istrikto ang tatay niya pagdating sa mga lalaking napapalapit sa kanya– kahit pa nga mga kaibigan niyang lalaki ay iniisa-isa nito at sinisigurong walang intensyon ang mga ito na ligawan siya. Kahit sa mga nagtatangkang manligaw sa kanya noong nasa probinsya pa siya ay wala man lang pinayagan ang tatay niya.

Pero mas nakakapagtaka na bakit kilala nina Nanay si boss?

Hindi na yata siya updated masyado sa happenings sa paligid niya.

"Hindi pwede." Busangot na tutol ng bunso niyang kapatid na si Harley.

Marahang kinurot ng nanay nila ang braso ni Harley kaya napa-aray ito, "Umayos ka sa bisita natin Harley."

Umismid lang ang kapatid niya at nauna nang pumasok, sumunod naman ang mga magulang niya habang naiwan silang dalawa ng boss niya sa labas ng apartment.

Tinaasan siya ng isang kilay ng boss niya nang makitang nakatingin lang siya rito, "What?"

"Bakit kilala ka ng mga magulang ko, boss? Sigurado akong ito ang first time na nakita mo sila."

"How sure are you?" Sagot ng boss niya na may misteryosong ngiti sa labi pagkatapos ay nauna nang pumasok sa apartment niya.

Ano raw?

=====

Wala sa sarili si Lesley habang nakatulalang nagta-type sa computer niya. Hindi talaga mawala sa isip niya ang eksena last week noong bumisita ang mga magulang niya.

Para kasing matagal nang magkakilala ang mga magulang niya at ang boss niya. Hindi siya na na-inform na close pala sila.

Nagsalubong ang kilay niya. Pero paano? Bakit? Saan? Kailan?

She groaned in frustration habang pinupokpok ang ulo niya gamit ang kamay. Sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip.

"Hoy hampaslupa."

Tila napanting ang tenga nang marinig iyon. Kilala niya ang boses na 'yon.

At dahil hindi naman siya hampaslupa, isa siyang dyosa correction– hindi niya ito nilingon at pinagpatuloy ang pagta-type.

"Hoy kinakausap kita!" Tili nito sa inis.

She mentally rolled her eyes. Hindi hoy ang pangalan niya. Lesley Vance ang pangalan niya.

"Wala ka talagang galang. Hindi mo ba ako kilala? I'm Guinevere Baroque, the only princess of the Baroque family. How dare you na hindi ako pansinin? Wala ka talagang pinag-aralan kaya–"

"I took up Bachelor of Science in Business Administration major in Operation Management and graduated as Magna Cum Laude." Nilingon niya ang spoiled brat ng Baroque and gave her a flat look– kasing flat ng dibdib nito, "I know how to carry and present myself in a proper way, I know how to address people and not call them hampaslupa or hoy when clearly everyone has a name. I may not be rich like you, but at least my attitude isn't rotten like yours." Binigyan niya ito ng pekeng ngiti bago bumalik sa pagta-type.

Napasinghap ang dalagang hamak na mas bata sa kanya ng tatlong taon, "How dare you–"

"Yes, how dare me." Putol niya rito, "Kung ang ipinuputok ng butsi mo ay ang hindi pagsagot sa mga tawag mo ni boss eh hindi ko na kasalanan 'yon. I always inform him that you were calling me to ask about him but it was his decision na hindi na sagutin ang mga tawag mo." She sighed, "Don't you get what he is trying to tell you? It's for you to stop because it's clear as the water, my boss isn't interested with you."

"At kanino siya interesado? Sa'yo? In your wildest dreams." Nang-uuyang sabi nito sa kanya.

Napangiwi siya. Alam naman niyang imposibleng magka-interest ang boss niya sa kanya pero pilit niyang itinatago ang nararamdaman niya dahil alam niyang hindi niya dapat maramdaman 'yon.

The fact na empleyado siya nito ay isang malaking sampal na kay Lesley na hindi niya dapat mahalin ang boss niya.

Pero huli na ang lahat. Nahulog na siya eh.

"Oh ano? Hindi ka nakapagsalita kasi–"

"Tapos ka na ba sa mga issue mo sa buhay? Kasi kung oo, maaari ka nang umalis dahil marami pa akong trabaho."

Ngumisi ang dalaga na parang inaasar siya, "Eh 'di natameme ka rin–"

"Sumasakit ang ulo ko sa'yong bata ka. For your information, hindi ako kagaya mong ambisyosa at pinagsisiksikan ang sarili sa taong hindi naman ako mahal." She gave her a cold look, "Nasagot ko na ang tanong mo, maaari ka na bang lumayas sa paningin ko?"

Napasinghap sa gulat ang dalagang Baroque at akmang sasampalin siya. Pero bago pa niya ito mapigil ay may ibang kamay nang pumigil dito.

"G-Gusion..." Banggit ni Guinevere sa pangalan ng boss niya.

Napatingin si Lesley kay Gusion at napalunok siya sa kaba dahil sa nakikita niyang emosyon sa mukha nito. Galit na galit ito na para bang makakapatay ito dahil sa galit.

Nataranta naman si Guinevere at pilit na hinihigit ang kamay mula sa mariing pagkakahawak ni Gusion. Napangiwi si Lesley. Alam niyang masakit 'yon dahil sa itsura pa lang ng babae ay parang iiyak na ito.

"L-let me explain Gusion. Si Lesley kasi ang nagsimula, hindi ako. Magtatanong lang naman sana ako sa kanya kung bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko but she started saying nonsense things to me." Naiiyak na sabi ni Guinevere.

Napa-wow na lang si Lesley sa gulat dahil siya pa ang binaliktad nito. Kapal din naman ng mukha nito.

Hindi nagsalita si Gusion at sa halip ang pabalyang binitawan ang vraso ni Guinevere, dahilan para matumba ito sa sahig.

Napasinghap si Lesley at lalapitan sana upang tulungan si Guinevere na umiiyak na para tumayo pero pinigilan siya ng boss niya.

Kinuha ni Gusion ang phone niya, "Paalisin n'yo itong babaeng umiiyak na parang tanga na nasa tapat ng opisina ko. Huwag na huwag n'yo nang hayaang makatapak ulit ang babaeng ito rito sa building, maliwanag?"

'Yon lang ang sinabi nito saka ibinaba ang tawag pagkatapos ay walang imik na hinila siya papasok sa opisina nito.

"Boss, alam kong ayaw mo sa kanya pero babae pa rin 'yon boss. Respeto na lang sana bilang babae." Pangaral niya rito.

Kahit na nakakainis ang ugali ni Ginibear, babae pa rin naman 'yon. Medyo harsh ang ginawa ng boss niya.

Nangunot ang noo ng boss niya, "She was about to slap you, and you still think about being kind to her?"

She placed her hands on her waist, "Boss, babae rin kasi ako ano ho? Kahit na ma-attitude siya eh you shouldn't have hurt her physically like that. Spoiled brat pa naman 'yon, magsusumbong 'yon panigurado."

He shrugged, "I don't care."

"Ikaw naman kasi boss, makikipag-date-date ka sa kanila tapos i-echapwera mo na lang sila pagkatapos. Hindi ko alam kung gago ka o gago ka lang talaga eh. Bilang isang babae, gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi kami laruan at pampalipas oras ha? Sarap mong batukan sa totoo lang." Pangaral niya rito habang napapatampal sa noo niya. Naiinis na kasi siya.
(Trans: Echapwera = balewala, hindi na pinapansin)

"Tapos parang kasalanan ko pa kapag hindi mo sila pinapansin after–"

"Dahil kasalanan mo naman talaga." Putol nito sa kanya.

Nagsalubong ang kilay ni Lesley, "Anong kasalanan ko? Inaano kita at sa akin mo pa binibintang ang katarantaduhan mo?"

Nangunot ang noo ni Gusion, "We should do something about your mouth. Hindi ko nagugustuhan ang nga salitang lumalabas dyan."

"Aba'y nire-realtalk lang naman kita boss. Anong masama doon? Tapos kung makabintang ka pa dyan na kasalanan ko kahit wala naman akong ginagawa–"

"That's it, wala kang ginagawa– wala ka pang ginagawa pero it's still you." Putol na naman nito sa kanya habang nakatitig sa kanya.

Kumabog bigla ang dibdib ni Lesley, "A-ano?"

Napabuga ng hangin si Gusion, tila kinakalma ang sarili, "I tried– I tried diverting my feelings for you by dating other girls pero tangina Lesley, ikaw pa rin eh. Ikaw pa rin ang laman nito." Turo nito sa puso nito, "Alam kong magdadalawang-isip ka kasi secretary kita. I badly wanted to approve your resignation but I'm torn kasi gusto kong palagi kitang nakikita, gusto kong nandito ka lang sa opisina or let you go but I know there's still a chance na hindi mo ako tatanggapin."

Napamaang na lang si Lesley habang nakikinig sa confession ng boss niya.

It isn't one-sided after all?

Dahan-dahang lumapit sa kanya ang boss niya at marahan siyang hinila for a tight embrace, "Kahit anong gawin ko, you still have all of my heart."

Lesley giggled, "Kanta 'yan boss."

Gusion groaned in frustration while burying his face on her neck, "Way to go to ruin the atmosphere Lesley."

Napatawa na lang si Lesley at bahagyang tinulak ang boss niya para matingnan niya ito sa mukha pero nakakulong pa rin siya sa mga braso nito.

"Pero bago ang lahat boss, bakit kilala ka ng mga magulang ko?"

Ngumisi ito sa kanya, "Isn't it obvious? Nauna na akong magpaalam sa kanila at ligawan sila bago kita ligawan officially."

Napanganga si Lesley, "Ha?"

Gusion chuckled, "Kaya wala ka nang magagawa. I already got their approval though I'm still working on your little brother's blessing."

"Sigurista ha?" Natatawa na lang na sabi ni Lesley habang naiiling.

Natawa na lang din si Gusion, "Well, whether you like it or not, I'll nake you mine." Hinalikan siya nito sa noo.

Napangiti na lang si Lesley.

Mapahirapan nga ang isang ito.

~~~~~

Hayyyy! I miss writing in tagalog. HAHAHAHA. Puro mura tuloy. Huwag n'yong gagayahin ha? Hahahaha.

Anyway, so nasuspend na 'yong work namin for two weeks, after that, we'll wait for another announcement kung maeextend ba siya or hindi. Virusproof ata ang tingin sa amin ng boss namin.

Anyway again, keep safe everyone okay? Always wash your hands at avoid going outside. Please, have discipline because it's for your own safety, huwag pasaway. Sayang ang effort ng frontliners natin at ng government kung hindi tayo susunod. Plus, let's always pray para sa ikabubuti ng lahat. Keep the faith, mawawala rin ang COVID-19 na 'yan, okay?

And another thing, sorry kung sobrang inactive ko ha? Sobrang busy lang talaga sa work. Grabe ang stress ko, mas mataas ata sa Mt. Everest eh– charot– pero kidding aside, sorry talaga. Medyo mahina rin kasi ang signal dito sa staff house namin kaya hindi rin ako maka-online masyado. Ewan ko ba, nasa Muntinlupa na nga ako't lahat eh yanong hina pa rin ng signal.

So ayun lang, jusko. Mas mahaba pa ata note ko kaysa sa one shot mismo. Hindi ko naman regularly i-a-update 'tong book, namiss ko lang talaga magsulat sa tagalog. HAHAHAHA.

Keep on loving our Dangerous Couple, GusLey! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro