One Shot 2.2: Strings of Fate

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Yuhoo! After one year— finally. HAHAHAHAHAHA.

Wala lang. Just heard this song randomly— and it's so nostalgic kasi high school days ko pa 'to last na napakinggan! And wala lang, kinilig lang ako tapos naramdaman kong need ko na dugtungan 'yong One Shot 2.1. HAHAHAHAHA

~~~~~

Hindi alam ni Lesley kung paano siya nakalusot noon noong mahuli nitong kausap si Miya tungkol sa pagiging heaven being niya.

Alam niyang hindi naniniwala ang binata sa mga extraordinary na bagay, lalo na sa Diyos.

Sa pagkakaalam niya ay nawalan kasi ito ng mahal sa buhay— ang lola nito— na kahit buong araw o buong gabi itong nagdasal kay Lord ay binawian pa rin ng buhay nito. Na kaya nito gustong magdoktor dahil sa pananaw nito ay hindi naman pinapakinggan ng Diyos ang mga hiling ng tao.

Kumbagaman, kung maging isang doktor ito ay magagawan daw nito ng paraan para mailigtas ang buhay ng isang tao.

Ito ang madalas nilang pagtalunan ni Gusion— ang tungkol sa Diyos. Kahit anong paliwanag ni Lesley na totoo ang Diyos, na nakikinig ito sa lahat ng hinaing ng mga tao ay ayaw nitong maniwala.

Goal niyang mapabalik-loob ito kay Lord bago pa magbago ng kulay ang string nila.

Sana lang magawa ko. Ani Lesley sa sarili.

Kasalukuyan silang naghihintay na maging green light ang signal na pwede na silang tumawid. Day shift nila ngayon sa ospital kung saan sila OJT.

Malapit nang lumubog ang araw, marahil ay ilang minuto na lang mula ngayon pero makulimlim ang langit.

Napatda na lang si Lesley nang bigla niyang naramdamang may biglang dumapo sa kanyang tenga. Napalingon siya sa katabi at nakitang si Gusion pala ang salarin. Nilagay kasi nito sa isa niyang tenga ang isang airpod.
(A/N: You can start playing the song here. Wala lang, kinikilig ako eh. HAHAHAHA.)

"Mula nang makilala ka
'Di na makapaniwala
Na kahit pa magkaiba
Tayo'y sadyang naging isa"

Nabigla sila dahil naramdaman nila ang unti-unting pagpatak ng ulan. At ang unang reaction ng mga tao ay tumakbo upang maghanap ng masisilungan, maging si Gusion. Pero hindi si Lesley.

"Sa langit ay ba't kumalas?
Nahulog ba mula taas?
Pakpak mo ay pakibaklas
Upang makasama ka nang mas
Madalas..."

"Anong ginagawa mo? Sumilong muna tayo." Suway sa kanya ni Gusion na pilit siyang hinihila.

Umiling si Lesley at natawa sabay umikot pa habang sinasalo ang dumarami ng patak ng ulan, "Ang KJ mo. Unang ulan ng month na 'to. Sometimes Gusion, hindi mo kailangang magtago at tumakbo, learn how to dance in the rain."

Lumayo si Lesley sa kanya nang kaunti habang nakangiting umikot ay nakalahad ang mga palad upang saluhin ang mga patak ng ulan.

Walang nagawa si Gusion kundi ang tumayo lang doon at titigan si Lesley sa ginagawa nito. Nababasa na rin siya ng ulan pero pakiramdam niya ang bumagal ang oras ng mga panahong 'yon habang nakatitig kay Lesley.

Ramdam na ramdam din niya ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Anghel sa lupa, mananatili ka
Hindi na hahayaang lumipad at iwan ako
Anghel sa lupa, nahuhumaling na
Langit nadarama 'pag kapiling kita."

"Anghel..." Bulalas ni Gusion habang nakatitig kay Lesley, "My angel."

Bumaling sa kanya at ngumiti, at hindi namalayan ni Gusion na ngumiti siya pabalik dito.

Samantalang napansin ni Lesley ang mga tingin sa kanya ni Gusion. Natigilan siya.

Alam niya ang mga tinging iyon dahil ilang beses na ba niyang nakita ang mga ganooring uri ng tingin ng mga in love na mortal?

Tila nahigit ni Lesley ang kanyang hininga.

Hindi maaari. Gusion, hindi mo ako pwedeng mahalin! Mga salitang gustong sabihin ni Lesley pero hindi niya maisatinig dahil tila nalulunod siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.

=====

"Lesley."

Narinig ni Lesley ang tawag na iyon pero mas pinili niyang dumiretso sa paglalakad at nagpanggap na hindi niya ito narinig.

"Lesley!" Mas malakas na sigaw ni Gusion at naabutan na siya nito kaya nahawakan siya nito sa braso.

Nagulat naman si Lesley dahil doon, may naramdaman kasi siyang kakaiba.

"Oh Gusion, ikaw pala." Tila wala lang na sabi niya at palihim na hinihila ang braso mula sa kamay nito pero hindi ito nagpatinag.

"Iniiwasan mo ba ako?" Direktang tanong nito.

Napasinghap siya na animo ay gulat sa ipinaratang nito. Pwedeng-pwede na talaga siyang gumanap sa mga dramang pinapanood niya. K-drama nga ba ang tawag doon? Basta 'yong hindi niya maintindihan ang language pero may subtitle naman.

"Ako? Iniiwasan ka? Bakit naman? May dahilan ba?"

"Hindi ko alam. May dahilan nga ba?" Balik-tanong ni Gusion.

Nagkibit-balikat si Lesley at tinapik ang likod nito, "Kulang ka lang sa tulog n'yan. Kung anu-ano ang naiisip mo."

Parang normal lang si Lesley kung makipag-usap kay Gusion pero sa loob-loob ay kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan.

"May sasabihin ka pa ba? Aalis na kasi ako." Tanong ni Lesley, magtatrabaho pa kasi siya— bilang love instrument. Hindi na niya masyadong nagagawa ang trabaho, buti na lang ay nandoon si Miya.

Ilang beses na nga bang tinatangka ni Gusion na i-corner siya para makausap pero palagi siyang nakakahanap ng dahilan para makalusot.

"Please stop avoiding me." Mahina pero rinig na rinig ni Lesley ang desperasyon sa boses ni Gusion.

Pinagtitinginan na nga rin sila ng ibang estudyante sa school nila. Nasa gitna pa kasi sila ng corridor.

"Gus, I'm not avoiding you." Napabuntong-hininga si Lesley.

"But I can feel that you are." Frustrated na sabi ni Gusion, "Hindi ko alam pero hindi ako mapakali kapag iniiwasan mo ako. May nagawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin para magawan ko ng paraan."

Napapikit nang mariin si Lesley dahil nafru-frustrate na rin siya kay Gusion.

Inangat niya ang isa niyang kamay para matanggal ang kamay ni Gusion sa braso niya nang may mapansin siya.

Nakikita niya ngayon ang string na nagdudugtong sa kanilang mga kamay at nanlaki ang mata nang makita kung ano ang kulay nito ngayon.

Hindi pwedeng mangyari 'to. Ani Lesley sa sarili.

Habang nasa tama pa ang kanyang pag-iisip ay agad niyang hinila si Gusion patungo sa isang sulok kung saan wala masyadong tao.

"Lesley—"

Naputol ang sinasabi ni Gusion nang agad niyang inilahad ang maliit na gunting sa harap nito, "Cut it now, or you will regret later."

Nagtatakang tumingin ang binata sa kanya, "Cut what?"

"Our connection!" Inis na sabi ni Lesley at itinaas pareho ang kanilang mga kamay na pinagdudugtong ng string, "Nakikiusap ako Gusion, putulin mo na bago mo pa pagsisihan ang lahat sa huli."

Nakakunot-noong napatingin si Gusion sa kamay nila. At napansin nga niya doon ang makintab na maliit na hiblang nagdudugtong sa kanilang mga hinliliit.

Pulang-pula ito mula sa kanyang daliri hanggang sa gitna ng string samantalang light na kulay pula mula sa daliri ni Lesley hanggang sa gitna rin.

Hindi naniniwala si Gusion sa mga extraordinary things pero alam niya kung ano ang tawag sa hiblang 'yon.

String of fate. Aniya sa sarili. Pero bakit gustong putulin ito ni Lesley? Bawal ba? Hindi ba kami itinadhana?

"Ayoko." Mariing sabi ni Gusion.

Nakita niyang muling napapikit nang mariin si Lesley. Kitang-kita niya ang frustration sa mukha nito at ewan ba niya pero nalilibang siyang makita ang iba't ibang reaction sa mukha nito.

Dahil kahit anong reaction pa nito sa mukha ay sobrang ganda pa rin ng dalaga.

Hindi lang 'yon, ito lang din ang taong kayang bumara sa kanya. Sa lahat ng sinasabi niya ay may sagot ito— parang hindi nauubusan ng dahilan kaya naman gustung-gusto niya palaging kausap ang dalaga. Kahit na sa totoo ay ayaw niya sa maingay, pero pagdating kay Lesley ay gustung-gusto niyang marinig ang boses nito kada minuto.

"Utang na loob Gusion. Gawin mo na lang, please?" Halos nagmamakaawang sabi sa kanya ng dalaga, "Ayokong mahirapan ka sa huli."

"Give me valid reasons kung bakit kailangan kong putulin ang string natin, Les." Ani Gusion, "Kung gusto mong maputol ang string ay bakit hindi ikaw ang pumutol nito?"

"Ayokong mahirapan ka." Hirap na hirap na sabi ni Lesley.

"At sa tingin mo ay hindi ako mahihirapan kapag pinutol ko ang bagay na nagdudugtong sa atin?" Ngumisi siya rito, "Sorry angel, but you're stuck with me for a very long time. If cutting this string means you will leave me then I won't cut it."

Narinig niya ang pagsinghap ng dalaga, "A-angel?"

"Based on your reactions, alam kong hindi ka isang tao." Seryosong sabi ni Gusion, "I'm only presuming you're an angel."

"And you said you didn't believe in those things."

"Yes. But you made me think otherwise." Marahang sabi ni Gusion at unti-unting lumapit na naman sa kanya, "Is it forbidden for a mortal like me to fall in love with you?"

Natawa nang mapakla si Lesley, "Why do you think I kept on pushing you away kung hindi?"

May dumaang sakit sa mata ng binata, "But the color of our strings—"

"You'll find someone who is really meant for you Gusion." Putol ni Lesley, "It's just that— hindi ako 'yon. Kaya please..." Muling inabot ni Lesley ang gunting sa kanya, "Cut it before it's too late."

=====

Seven years later...

"Doc, emergency!" Sigaw ng isang nurse, "May taong nabaril sa ulo, tatlong bala. Nasa kritikal na kondisyon."

Ang pagod na mata ni Gusion ay biglang nanlaki sa gulat, "What? Nasaan na ang pasyente?"

"Nasa operation room na po Doc. Kayo na lang po ang hinihintay."

Tumango si Gusion at agad na hinagilap ang suit na ginagamit niya kapag nasa operation.

Isa na siyang ganap na neurosurgeon at resident neurosurgeon na siya sa ospital kung saan siya dati nag-OJT.

Halos iisang oras pa lang ang pahinga ni Gusion ngunit wala siyang magagawa dahil may oath silang mga doktor.

Mabuti na rin na may pagkaabalahan siya upang malibang ang sarili.

Tunay na kritikal nga ang kondisyon ng pasyente. Halos wala na nga itong pag-asa na mabuhay ngunit ginawa pa rin ni Gusion ang lahat upang maisalba ito. Matagumpay niyang natanggal lahat ang bala ngunit nasa coma ang pasyente.

Pasalampak na naupo si Gusion sa kanyang swivel chair at pagod na tumingin sa wall clock. Alas dos na ng madaling araw. Inabot din ng walong oras ang operation niya.

At dahil hindi rin naman siya makatulog kahit pagod na pagod na ay napagdesisyunan niyang lumabas upang makalanghap ng sariwang hangin at makapagkape.

Mga ganitong oras ang ayaw ni Gusion kapag mag-isa siya. Nag-o-overthink kasi siya. At nararamdaman niya na may parang malaking butas sa puso niya na hindi niya maintindihan.

Parang may kulang.

Napatingala siya sa langit at napansing may shooting star na dumaan.

Dala nang sobrang lungkot ay napahiling siya kahit na hindi naman talaga niya gawain ang humiling s shooting star.

Pagod na ang katawan niya at ayaw na rin niyang mapagod ang utak niya sa kakaisio kaya itinapon na lamang niya ang kape at naglakad pabalik sa ospital.

=====

"Grabe 'no? Hindi pa rin pala nila isinusuko ang buhay ng anak nila."

"Oo nga, sa pagkakaalam ko, halos magwawalong taon nang coma ang anak nila."

Nangunot ang noo ni Gusion habang naririnig ang chismisan ng mga nurse. May naririnig na siyang ganoong chismis kahit noong nag-o-OJT pa lang siya na na-coma nga raw ang anak ng may-ari ng ospital.

"Himala na lang siguro talaga na hindi pa rin sumusuko ang katawan niya."

"Bakit daw ba na-coma?"

"Wala ring nakakaalam eh. Basta biglang ayaw na lang magising. Pero humihinga pa at normal din naman ang pulso."

"Ilang doktor na ang tumingin doon pero hindi pa rin daw malaman hanggang ngayon ang dahilan kung bakit biglang na-coma."

"Doc Gusion." Tawag sa kanya ni Rafaela na isang resident pediatrician doon, "Pinatatawag ka ng may-ari ng ospital."

"Bakit daw?" Tanong ni Gusion.

Nagkibit-balikat si Rafaela, "Punta ka na lang sa office nila."

Tahimik na lang din na naglakad papuntang office ng owner si Gusion. May hinuha na siya kung bakit siya pinatatawag pero gusto niyang makasigurado.

Marahan siyang kumatok at narinig naman niyang pinapasok siya ng mga ito.

"Good afternoon po Doc Vance at Mrs. Vance." Bati niya sa mga may-ari.

Isang surgeon din si Herald Vance at katuwang nito ang asawa sa pamamahala ng ospital.

"Good afternoon, Doc Paxley. Have a seat." Nakanguting sabi ni Mrs. Vance sa kanya.

"May palagay akong may kutob ka na kung bakit ka namin pinatawag." Panimula ni Doc Vance, "Will you please take a look on our daughter?" Anito saka may inabot sa kanyang folder, "Nandito lahat ng records ng mga tuminging doctor sa anak namin. You can review this first."

Tinanggap niya ang folder at in-scan 'yon. Agad siyang natigilan nang makita ang pangalan ng anak ng mag-asawa. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi malamang dahilan.

Ngunit ipinilig ni Gusion ang ulo, "Mawalang galang po pero may gusto lang po akong itanong."

"Ano 'yon hijo?" Ani Mrs. Vance.

"Bakit hindi n'yo pa po isinusuko ang anak n'yo? It's been eight years..." Puno ng kuryosidad na tanong ni Gusion.

Ngumiti nang malungkot si Mrs. Vance, "Mahirap bilang isang magulang na isuko ang buhay ng anak niya, hijo. Araw-araw naming ipinagdadasal na magising na ang anak namin. Ipinagpasa-Diyos na namin ang buhay ng anak namin."

Biglang nag-iba ang ritmo ng tibok ng puso ni Gusion, "Naniniwala pa rin po kayo sa Kanya kahit na ganito ang nangyari sa anak ninyo?"

"May dahilan ang Diyos, Doc Gusion." Ani Mr. Vance, "Lahat ng bagay ay may dahilan."

Pakiramdam ni Gusion ang may pumitik sa kanyang alaala. May nagfla-flashback sa kanyang nakikipagtalo siya sa isang babae tungkol sa Diyos.

Napahawak siya sa ulo niya at napapikit nang mariin dahil pumitik 'yon sa sakit.

"Doc Gusion, are you okay? Hindi mo naman kailangang magmadali. You can approach us anytime kung gusto mo nang makita nang personal ang anak namin." Nag-aalalang sabi ni Mrs. Vance.

Napatango na lang si Gusion. Hindi niya maisip ang sitwasyon ng anak nito kundi ang babaeng tila nasa alaala niya pero hindi niya kilala.

=====

Huminga nang malalim si Gusion habang nakatingin sa mansion ng Vance. Nandito siya ngayon dahil dito nakahimlay ang anak ng mag-asawa.

Agad naman siyang iginaya ng isang nurse patungo sa silid.

Hindi alam ni Gusion kung bakit pero para siyang kinakabahan na na-eexcite. Napailing na lang siya upang bumalik sa huwisyo. Sa ngayon ay pasyente niya ito kaya kailangan niyang magconcentrate.

Bawat hakbang ni Gusion ay lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. At nang makita niya kung sino ang nakahimlay sa kama na may mga nakakabit na aparato ay natigilan siya.

"Doc?" Nagtatakang tanong ng nurse, "Hala Doc, bakit po kayo umiiyak? Alam n'yo na po ba kung ang dahilan kung bakit nasa coma pa rin ngayon si Miss?" Natatarantang tanong ng nurse.

Doon lang natauhan si Gusion at dinala niya ang kanyang kamay sa pisngi niya. At tunay ngang umiiyak siya dahil naramdaman niyang basa ang kanyang pisngi.

"Lesley..."

Nagtatakang napatingin na lang ang nurse sa kanya ngunit hindi na iyon pinansin ni Gusion. Diretso lang ang tingin niya sa dalagang nakahiga sa kama at dahan-dahan siyang lumapit dito.

Nang makalapit ay nanginginig pa ang kamay ni Gusion na inabot ang pisngi ng dalaga.

Doon na napahagulgol nang iyak si Gusion. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya. He felt complete, he felt he was finally home, pero nalulungkot din siya dahil naabutan niya sa ganitong sitwasyon ang anghel niya.

Yes, his angel.

Kaya pala sa nakaraang pitong taon ay pakiramdam niya ay may kulang— dahil pala sa nakalimutan niya si Lesley noong pinutol niya ang string na nakakonekta sa kanila.

Ayaw niya talagang putulin noon ang string nila pero nakita niya ang desperasyon sa mga mata noon ni Lesley nang araw na iyon. Kung ipagpapatuloy niya ang pagiging matigas na ulo ay alam niyang hindi naman magiging masaya si Lesley dahil sa hindi niya malamang dahian pero ginawa niya dahil ayon sa dalaga ay iyon ang nararapat.

Hinawakan nang mahigpit ni Gusion ang kamay ni Lesley gamit ang dalawang kamay habang patuloy pa ring umiiyak. Sinenyasan na lang niya ang nurse na iwan muna sila saglit.

"All this time, you are here angel." Sambit niya habang tumutulo pa rin ang luha.

Hindi alam ni Gusion kung gaano siya katagal na umiiyak pero tumahan din naman siya nang maglaon. Nakatitig lang siya sa nakapikit na si Lesley at natatakot pa nga si Gusion na kumurap dahil baka biglang maglaho na naman ito.

Dahil abala siya sa paghaplos sa kamay at pisngi nito ay hindi niya namalayang may apat na pigura ang biglang lumitaw sa kabilang bahagi ng kama ni Lesley.

Si Miya, Angela, Chang'e at Esmeralda.

"Gusion." Tawag ni Esmeralda.

Nagulat nang bahagya si Gusion ngunit dahil sa ayos ng mga ito ay alam niyang hindi tao ang mga bagong dating.

"Kailangan pa ba naming ipakilala ang mga sarili namin?" Tanong ni Miya, "Alam kong sa mga na ito ay natatandaan mo na ako dahil bumalik na ang mga alaala mo."

Tumango si Gusion, "Pero hindi ko alam kung ano kayo."

"Heaven beings kami na nakaassign sa Destiny Department. Ako ang head doon." Ani Esmeralda, "Ako si Esmeralda. Ito si Chang'e, siya ang nangongolekta ng wishes ng tao sa shooting star. Si Angela naman ang namamahal ng strings of fate. At si Miya naman ang gumagabay sa buhay pag-ibig ng mga mortal."

"Cupid?" Takang tanong ni Gusion pagkakita sa arrow na hawak ni Miya, "Cupid is a girl?"

"Cupid is just humans' representation, pero babae ako." Umikot ang mata ni Miya sa iritasyon dahil inis na inis talaga siya kapag naaalala niyang ginawa siyang lalaki ng mga mortal na ito.

"Anyway, ang pinunta namin dito ay dahil sa sitwasyon ni Lesley." Dagdag ni Miya, "Well, kasalanan ko kasi kung bakit siya napunta sa sitwasyong 'yan."

"Ano? Anong ginawa mo?"

Napangiwi si Miya, "Well, dapat magkikita na kayo noong pumasok kayo noong college, seatmates sana kayo noong first day n'yo but I messed up with the arrow that I used to her. 'Yong na-inflict ni Lunox na arrow ang nagamit ko. Lunox is a dream angel by the way. Akala namin ay magigising na siya after few days pero nagulat kami nang maging heaven being siya."

Napatanga si Gusion. Naniniwala na siya sa mga extraordinary na mga bagay pero hindi pa rin niya maproseso agad lahat nang narinig niya.

"At para hindi magkagulo ang timeline noon ay minanipula ko nang kaunti ang tadhana noon." Sangat ni Angela, "Itinago namin ang physical na katawan ni Lesley at pansamantalang binura ang existence niya dito sa lupa."

Kaya pala no'ng OJT pa lang kami ni Lesley ay hindi naman siya kilala ng mga nagtatrabaho sa ospital kahit kaapelyido niya ang may-ari.

"Tumagal din ng isang taon na tulog si Lesley. Nakabalik lang siya sa physical body niya noong pinutol mo ang string." Dagdag ni Angela, "Ang tigas ng ulo n'yo eh. Pero joke lang dahil kayo naman talaga ang itinadhana sa isa't isa."

"Pero bakit wala pa rin siyang malay hanggang ngayon? It's been seven years." Nagtatakang tanong ni Gusion.

"Dahil hinihintay ni Superior na humiling ka." Sagot ni Esmeralda, "Ikaw ang bukod tanging mortal na kailanman ay hindi pa humihiling sa Kanya. At sobra Siyang natuwa nang sa wakas ay humiling ka na."

"Alam ni Superior na hindi ka na humiling pa simula noong mamatay ang lola mo. Gusto lamang Niyang malaman mo na hindi naman Siya tumatanggi sa mga kahilingan ng tao. He only knows two answers to every prayer: yes and wait. Hindi Siya sumasagot ng hindi. May plano si Superior para sa lahat." Mahabang paliwanag ni Chang'e at ipinakita sa kanya ang isang maliit na glass bottle na may lamang isang maliwanag at maliit na star, "Ito ang kahilingan mo at nandito kami upang tuparin 'yon."

Napatitig si Gusion sa boteng iyon at tila napuno ng kasiyahan ang puso niya sa ideyang matutupad ang kahilingan niya.

Binuksan ni Chang'e ang bote at lumipad ang maliit na star dahan-dahan patungo sa natutulog na si Lesley.

Nang dumampi ang maliit na liwanag sa noo ni Lesley ay nakita ni Gusion ang paggalaw ng talukap ng mata nito at ang unti-unting pagmulat ng mata nito.

Hindi namalayan ni Gusion na pinipigil pala niya ang hininga niya lalo na nang magtama ang mata nila ni Lesley.

Unti-unting namuo ang luha sa mata nito at gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito.

"You made it... Gusion." Mahinang sambit ni Lesley.

Muling napaiyak si Gusion at niyakap nang mahigpit ang babaeng muling nagpapaniwala sa kanya sa mga extraordinaryo na mga bagay, lalo na sa Diyos.

"I love you, Lesley." Bulalas ni Gusion, "I love you, my angel."

"I love you Gusion. Thank you for believing Him." Sagot ni Lesley na kahit nanghihina pa ay pinilit na mahawakan si Gusion.

I want to be in the place where I feel complete— I want to feel that I am finally home. Ang hiling ni Gusion.

Thank you for not giving up on me despite my lacking and doubting You, Lord. Dasal ni Gusion at mahigpit na niyakap si Lesley.

=====

Pagod na pagod si Gusion galing sa trabaho. Halos sixteen hours din siyang naka-duty dahil nag-leave nang araw na iyon ang dapat naka-duty na neurosurgeon. Alas dos na nang madaling araw nang makauwi siya.

Pagbukas niya nang pintuan ay nagtaka pa siya dahil bukas pa ang TV sa sala. Nang makita kung bakit ay tahimik na muna siyang pumunta sa kwarto upang maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Exposed siya sa iba't ibang kemikal, germs at kung ano pa galing sa ospital at ayaw niyang maipasa 'yon sa iba.

Nang matapos ay tahimik niyang ini-off ang TV at tahimik na binuhat ang tatlong taon at dalawang taon na si Lession at Gusley. Marahil ay nagpumulit na naman ang mga ito na hintayin siya galing sa trabaho sa sala pero kilala niya ang asawa at alam niyang pinatulog nito nang maaga ang mga anak.

Nang mailagay sa kwarto ang mga anak ay ang natutulog na magandang asawa naman ang dahan-dahan niyang binuhat.

Habang paakyat ng hagdan ay naalimpungatan ang asawa niya.

Agad itong ngumiti sa kanya, "You're here."

"Yes, I'm here." Ani Gusion at dahan-dahang inihiga sa kama ang asawa.

"Welcome home." Hinaplos ni Lesley ang pisngi niya.

"I'm home, angel." Sambit ni Gusion at binigyan nang magaang halik sa labi ang asawa.

~~~~~

Omg, it's so mahaba. HAHAHAHAHAHA. Yep, end na dyan.

Kailangan ko na i-end sa two parts lang kasi baka abutin ng isang taon ulit bago madugsungan. HAHAHAHAHAHAHA. Charot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro