One Shot 8: Imahe

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Seven year-age gap GusLey! (canon 'yang age gap nila, mas matanda si baby Lesley.)

P.S. Try lang ulit sa POV ni Gusion kasi syempre, mananakit ako eh HAHAHAHA.

~~~~~

"Hi Gusion!" Masayang bati ng dalaga sa kanya saka ginulo ang buhok niyang ilang minuto niyang inayos dahil nalaman niyang bibisita ito ngayon sa bahay nila.

Napikon tuloy siya kasi pinaghirapan niya 'yon. "Lesley naman!"

Kumunot ang noo nito, "Anong Lesley lang? Ate Lesley mo ako, hoy!" Pagtatama nito sa kanya.

"Si Reign lang ang kapatid kong babae." Aniya na nakasingkit ang mata niya.

Asa naman itong tatawagin niya itong ate!

"Ang pasaway naman talaga nitong kapatid mo, Gusset. Mukha ba akong hindi kagalang-galang?" Baling ni Lesley sa panganay niyang kuya na si Gusset.

Bahagyang napatingin sa kanya ang kapatid bago ito natatawang bumaling kay Lesley. "Hindi ka pa nasanay dyan. Hindi ka naman talaga tinatawag na ate n'yan."

Napanguso si Lesley, "Kakatampo tuloy. Lahat ng kapatid mo, ate ang tawag sa akin!" Himutok ni Lesley sumalampak ng upo sa sofa nila.

"Ayaw kitang maging kapatid." Sagot naman ni Gusion.

"Inaano ba kita? Inaway ba kita? Masama ba loob mo sa akin?" May pagtatampo sa boses ni Lesley.

Napatitig lang si Gusion sa magandang mukha nito.

Hindi naman niya pwedeng sabihin dito na ayaw niya itong maging kapatid kasi gusto niya itong mapangasawa!

Trese anyos pa lang siya habang bente anyos na ang dalaga, kaedad ng Kuya Gusset niya. Pareho kasing Business Administration ang kurso nila.

Isa pa ay close na talaga ang pamilya nila kaya kilala na niya si Lesley dati pa. Dahil nga pitong taon ang tanda nito sa kanya ay parang bunsong kapatid lang ang turing nito sa kanya.

Na nakakairita sa parte niya, sa totoo lang. Dahil ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na gusto niya itong maging kapatid, gusto nga niya itong maging asawa.

Kaso ay hindi pa nito nakikita na para sa kanya si Lesley. Mas maliit pa siya rito sa ngayon pero pasasaan ba at tatangkad din siya. Sisiguraduhin pa niyang mas matangkad pa siya rito pagdating ng oras.

At isa pa ay wala pa siyang napapatunayan sa ngayon dahil Grade 8 pa lang siya samantalang nasa ikalawang taon na ito sa kolehiyo.

Tangina, naiisip ko pa lang 'yong agwat namin, nakakapanliit na. Isip ni Gusion.

Kalaunan ay magkakatrabaho ito at paniguradong maraming lalaki ang aaligid dito. Mabuti na lang at overprotective ang bunso nitong kapatid na si Harley pati na rin si Tito Herald.

"I brought snacks." Dumating ang mama ni Gusion na maraming dalang pagkain.

Agad na lumapit si Lesley dito at nagkiss sa pisngi ng mama niya. "Hi Tita. Nakikigulo lang po ulit ako."

Natawa naman ang mama niyang si Rita Paxley, "Kung gusto mo nga eh pwede ka nang tumira rito. Kailan ba kayo aamin ni Gusset sa isa't isa ha?"

Nanlaki ang mata ni Lesley at Kuya Gusset niya.

"Mom!" Suway ni Gusion sa nanay niya tsaka tiningnan ito.

Natawa naman ang nanay niya dahil alam nito ang ibig sabihin niya sa tingin na 'yon. Umiling ito nang marahan habang natatawa.

"Tita naman, hindi kami talo nitong si Gusset! Tsaka, may iba pong balak pormahan itong panganay n'yo na graduating ng—"

Hindi na natapos ni Lesley ang sinasabi nito dahil binato ito ng Kuya Gusset niya ng unan sa mukha. Napasinghap tuloy siya at sinamaan ng tingin ang kuya niya.

Kumunot ang noo ng mama niya, "Graduating ng? Elementary, junior high, senior high, o college?"

Nanlaki ang mata ni Gusset, "Mom! Bakit may elementary?"

"Huh? Eh 'di ba favorite mo si Gui—"

"That's pedophilia, Mom!" Namumula ang mukha ni Gusset.

Natawa na lang ang nanay niya at hindi na sumagot. Nakakatakot talaga ang mga nanay, kahit wala kang sabihin, alam na alam nila ang nangyayari sa buhay ng anak nila.

"Omg! Alam ni Tita?" Bulong ni Lesley— na hindi naman bulong dahil narinig din nila o sinadya nitong iparinig.

"Shut up, Les." Gusset hissed.

"Grabe Tita, kaya pala magkaibigan kayo ni Mother dear eh. Parehas na parehas kayo ng wavelength ng utak." Komento ni Lesley.

Lalong natawa ang mommy niya, "Syempre naman, you'll know it too kapag naging nanay ka na."

Biglang pumasok sa imahinasyon ni Gusion ang isang pamilya kasama si Lesley at mga anak nila.

Napangisi siya.

Hintayin mo lang, Lesley. I'll make you mine.

=====

Five years later...

"Ayoko nang magtrabaho!"

Nagitla si Gusion nang marinig ang boses na 'yon sa baba. Agad niyang iniwan ang binabasang handouts para bumaba.
(Trans: Nagitla - nagulat)

She's here? Gusion thought habang dali-daling bumababa sa hagdan.

Madalang na kasi niyang makita ang dalaga dahil busy siya sa pag-aaral habang busy naman ito sa kompanya ng sariling pamilya.

Nang makababa ay nakita niyang humalik ito sa pisngi ng mom niya at nagmano sa dad niya. Humalik din ito sa pisngi kay Reign, Girder, at Gerard. Wala ang ang Kuya Geyser at Kuya Gust niya dahil nasa trabaho pa. Pero kasamang umuwi ni Lesley ang Kuya Gusset niya.

"Thank you for inviting me over, Tita. I'm so tired." Reklamo ni Lesley saka sumalampak ng upo sa couch nila.

"You're always welcome here. Lalo na at mag-isa ka lang ngayon. Your parents went on a business trip with Harley, 'di ba?" His mother said.

Pumikit si Lesley at tumango, "Opo. At dahil huwaran akong anak, syempre nagpaiwan ako para ako mag-manage sa company." Ngumuso ito.

Natawa ang mommy niya, "O siya, magpahinga ka lang dyan at magluluto na ako ng dinner. Greg, help me prepare dinner."

Agad tumalima ang daddy niya saka sumunod sa mommy niya sa kusina. Dahan-dahan naman siyang lumapit sa nakapikit na si Lesley.

Narinig niyang bumuntong-hininga ito.

"Gusto mo ng tubig?" Tanong niya rito.

Agad itong nagmulat ng mata at ngumiti sa kanya, "Gusion!" Masayang bati nito tsaka siya niyakap— o mas tamang sabihing sinakal dahil sa leeg niya pumulupot ang braso nito.

Pero hindi siya nagreklamo, napangiti pa nga siya dahil masaya itong makita siya.

"Kamusta college life? Stressed ka na ba agad? I never thought na mag-business ad ka rin, akala ko you want to be a diplomat?" Tanong nito sa kanya nang pakawalan siya.

He just shrugged at her. Alangan namang sabihin niya na dahil sa dalaga kaya mas pinili niyang mag-business ad kaysa political science.

Kapag naging diplomat siya, mas madalas na malalayo siya kay Lesley dahil madalas siyang aalis ng bansa. Ayaw niya no'n.

At isa pa, nagugustuhan na rin naman niya ang business ad kaya wala namang problema doon.

She pouted at him, "Damot." Anito tsaka muling nagbuntong-hininga.

"You're that tired? Dapat hindi ka na lang nag-volunteer." Kunot-noo niyang sabi.

Natawa naman si Lesley, "And hold back my parents from having a short vacation? They deserve to be free for a little while. Harls needs a vacation too. Hangga't bata pa, he needs to relax as much as possible kasi ang hirap maging adult."

Napatitig lang siya rito. Ganoon pa rin, ito pa rin ang pinakamaganda sa paningin niya, bukod sa mommy niya at kay Reign.

Muling sumalampak sa couch si Lesley at pumikit, "Gusto ko na lang maging patatas!" Reklamo nito.

Napatawa naman siya, "Ang ganda mo naman masyado para maging patatas."

Nagmulat ito ng mata sa gulat, "Oh? Oh? Saan mo natutunan humirit ng ganyan? May girlfriend ka na 'no!" Pang-aakusa nito.

Sumimangot siya rito, "Wala."

Kumunot ang noo nito, "Huh? Bakit wala? Ang daming babae sa College of Business Administration lalo sa Financial Management ah?"

"I don't like them." Kasi ikaw lang naman ang gusto ko.

Nanlaki ang mata nito tsaka mabilis siyang hinila papalapit dito. Nag-init ang pisngi niya nang magdikit ang balat nila.

Tangina, torture!

"Lalaki ba ang type mo?" Biglang bulong nito sa kanya.

Siya naman ang nanlaki ang mata at kamuntikan pang magmura. Buti napigilan niya ang sarili niya.

Sinamaan niya ito nang tingin, "Gusto mong halikan kita para mahimasmasan ka sa mga sinasabi mo?"

Tila naumid ang dila nito tsaka nanlalaki ang matang napatingin sa kanya. Gulat na gulat ito sa sinabi niya.

Hindi niya alam kung gaano katagal itong nakatingin sa kanya bago humagalpak ng tawa.

"You jerk! Para na kitang kapatid 'no!" Katwiran nito.

"Wow, lagi mo ngang kinikiss sina Girder sa pisngi."

"Eh kasi bata pa naman sila 'no? Tsaka mabait sila sa akin." Dumila pa ito sa kanya.

Mataman niya itong tiningnan, "You never kiss my cheek when I was a kid. Why is that?"

Natigilan si Lesley sa sinabi niya. Naging malikot pa ang mga mata nito na tila iniiwasan ang mapatingin sa kanya.

Nabalutan sila ng isang awkward atmosphere.

"Oh, himala. Hindi kayo nagbabangayan?" Bungad ni Gusset sa kanila.

Napansin ni Gusion na tila nakahinga nang maluwag si Lesley sa pagsulpot ng kuya niya.

"Wala akong energy makipagbangayan. Maghapon na akong dada nang dada sa office dahil sa meetings." Ani Lesley saka humiga na nang tuluyan sa couch nila.

Lihim siyang napangisi sa inakto nito. Akala mo ha. Hindi pa tayo tapos, Lesley.

Maya-maya pa ay tinawag na sila ng mga magulang para kumain. Hindi naman na bago sa kanya na kasama nila si Lesley mag-dinner— madalas nga ay kasama nito si Harley.

Ganoon din naman sila sa bahay ng mga Vance— kulang na lang din ay doon na sila patirahin ng mga magulang ni Lesley.

Buti nga at kahit magkapareho ng wavelength ang mommy niya at si Tita Kimberly, hindi pa naman ng mga ito naiisipan na magpagawa ng malaking bahay sa iisang lupa.

Nang matapos kumain ay naglabas pa ang mommy niya ng dessert.

"Dito ka na matulog, anak." Alok ng mommy niya kay Lesley.

Agad namang umiling si Lesley, "Naku Tita, hindi na po. Kailangan ko pa ulit bumalik sa office kasi may need pa akong tapusing presentation na gagamitin nila Mom bukas."

Kumunot ang noo ng Kuya Gusset niya, "Gabi na ah, tsaka nakisabay ka lang sa akin dito. Wala kang sasakyan."

Nakakunot din ang noo ng dad niya, "Oo nga naman, delikado na anak tapos mag-isa ka pa."

"Nandoon pa po 'yong secretary ko tsaka planner. Tumakas lang po talaga ako saglit." Natatawang sabi ni Lesley, "At meron namang pong susundo—"

Hindi pa natatapos ni Lesley ang sinasabi nito nang mag-ring ang phone nito.

Nag-excuse muna ito bago sinagot ang tawag.

"Yes? Malapit ka na? Okay, magpapaalam lang ako. Ingat." Nakangiti pa rin si Lesley nang maibaba nito ang tawag.

Parang bigla siyang kinabahan dahil dito. Ramdam niyang unti-unting bumabagal ang mga bagay sa paligid niya.

"Don't worry Tito and Tita, malapit na naman po 'yong sundo ko." Ani Lesley saka inubos ang slice ng cake nito.

Lahat sila ay napakunot ang noo, maliban sa Kuya Gusset niya na hindi nakatakas sa paningin niya na tumingin ito sa kanya saglit.

"Sino? Wala naman kayong driver." Nagtatakang tanong ng mommy niya.

Lumawak lalo ang ngiti ni Lesley, "My boyfriend, Tita. I'll introduce him to you kapag nakarating na siya rito."

Nabitawan ni Gusion ang hawak na tinidor nang marinig ang mga salitang 'yon galing sa dalaga. Napatingin sa kanya lahat sa mesa kaya dali-dali niyang pinulot 'yon.

Nakatungo lang si Gusion pagkatapos noon. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang maging reaction niya pero...

Putangina, ang sakit. Isip niya at kumuyom ang kanyang mga kamao.

Nanatili lang siyang nakatungo kahit na pa may narinig silang busina sa labas at nagsitayuan na ang pamilya niya.

Wala sa sarili siyang tumayo at pumunta sa pintuan, malayo sa kanila.

"Tita, Tito, si Granger po. Boyfriend ko." Masayang pakilala ni Lesley sa mga magulang niya.

Doon napaangat ng tingin si Gusion sa kasamang lalaki ni Lesley.

Matangkad din ito, maitsura, maayos manamit, mukhang maykaya rin sa buhay at higit sa lahat— mas matanda ng tatlong taon kay Lesley na sakto lang na edad ng isang lalaki na bagay kay Lesley.

Hindi sa katulad niyang pitong taon na mas bata sa dalaga.

Tangina naman talagang buhay 'to.

Naramdaman na lang niyang may tumapik sa balikat niya.

"Kanina ko lang din nalaman." Bungad ng Kuya Gusset niya. "One year na sila. And kaka-introduce lang din niya kina Tita Kim last week. Their relationship was a secret dahil alam mo kung gaano kahigpit si Harley sa ate niya."

Hindi pa rin nagsalita si Gusion at nanatili lang ang tingin kay Lesley.

"Harley doesn't approve him until now, as per Girder. Mukhang hindi rin siya gusto nila Tita Kim pero civil sila kay Granger dahil mukhang okay naman si Lesley." Dagdag pa ng kuya niya. "I'm sorry if I wasn't able to look after her. May nakalusot pa rin pala."

Umiling si Gusion, "It's okay Kuya. Alam ko naman na hindi talaga maiiwasan na walang magkagusto kay Lesley pero tangina, ang sakit pa rin pala kapag nangyari."

Narinig niyang bumuntong-hininga ang kapatid saka tinapik muli ang likod niya. Alam niyang naaawa ito sa kanya dahil alam naman nito kung ilang taon na niyang dala-dala ang nararamdaman para kay Lesley.

"Akyat na ako." Paalam niya at walang lingon na pumunta sa kwarto kahit na pa tinatawag siya ni Lesley.

Pasalampak na humiga si Gusion sa kama niya na nakatakip ang braso sa mata. Doon na tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

Kanina pa naninikip ang dibdib niya sa sobrang sakit kaya kailangan niyang mailabas 'yon.

Pero pagkatapos noon, mas magsisikap pa siya para maging karapat-dapat kay Lesley. Hindi dapat siya panghinaan ng loob.

=====

Four years later...

"Congrats Gusion!" Bati ng pamilya niya nang makagraduate siya.

Nagrenta ang mga ito ng mamahaling restaurant para doon magcelebrate. Kasama pa nila ang mga Vance.

Paanong hindi mapaparenta ang mga ito ng isang buong restaurant eh nagtapos lang naman siya with flying colors? Summa cum Laude to be exact. Highest honor na makukuha ng isang college student.

"We're so proud of you." Ani dad niya at mommy sa kanya.

Napangiti naman si Gusion at yumakap sa mga ito.

"Pero final decision mo na ba 'yon, anak? As much as possible, ayokong malayo ka sa amin. Mag-isa ka doon, baka walang mag-alaga sa'yo." Nag-aalalang tanong ng mommy niya.

Ngumiti nang bahagya rito si Gusion, "Yes Mommy. Mas maganda kung sa Canada branch natin ako mag-train. Para hindi na rin kayo mapagod ni Dad sa pagbalik-balik doon."

"Pero two years, son? Hindi ba pwedeng isang taon lang?" Hirit pa ng mommy niya.

Malambing na niyakap niya ang mommy niya, "Two years is just enough for my training, Mom. 'Di ba nag-usap na tayo? Hindi naman ako mag-eextend after two years."

"Eh paano kung makakita ka ng magandang Canadian do'n at maisipan mong doon mag-settle, aber?" Nakataas ang isang kilay na sabi ng mommy niya.

Natawa naman si Gusion at dumako ang mata sa isang dalaga na nasa kabilang bahagi ng mesa, "You know that it's impossible, Mom. I have my eyes, mind, and heart fixated to only one person."

Doon napangiti ang mommy niya, "I'm glad that you didn't take it negatively nang magkaboyfriend siya. But you strive to be better and for that, I'm so proud of you, baby." Hinaplos pa nito ang buhok niya.

Napabuntong-hininga siya pero ngumiti rin, "Mom, twenty two na ako. Hindi na ako baby!" Reklamo niya.

"Kahit seventy years old pa kayo ng mga kuya mo, baby pa rin kayo para sa akin." Sansala naman ng mommy niya.
(Trans: Sansala - salungat, parang katwiran)

Napatawa naman ang dad niya, "Hayaan mo na ang mommy mo, Gus. Ayaw lang niyang tanggapin na tumatanda na siya."

Napasinghap ang mommy niya, "Gregory Anael Paxley?! Sa sala ka matutulog mamaya!" Inis na sabi nito tsaka lumayo sa kanila.

Nanlaki naman ang mata ng dad niya, "Wife! Wait!" Bumaling ito sa kanya, "Suyuin ko muna mommy mo." Anito tsaka sinundan ang asawa.

Natawa na lang si Gusion habang tinatanaw ang magulang.

How I wish we will also be like that ni Lesley. Napabuntong-hininga siya.

Nang busy ang lahat sa usapan ay napansin niya pasimpleng tumayo si Lesley at lumabas. Agad naman siyang sumunod dito.

Akmang tatawagin niya ang dalaga nang marinig ang boses nito.

"Of course not! Parehong family namin ang nandito because it is a celebration for him! For the love of God, Granger!" Pasigaw na sabi ni Lesley na may kausap sa phone, "I even sent you a picture earlier! Ano pa bang gusto mo? Pati ba naman sa family ko ilalayo mo ako?"

Nangunot ang noo ni Gusion. Mukhang malala ang away nito at ng nobyo.

"Stop being selfish Granger. Sa apat na taon nating relationship minus the on and offs, wala akong ginawang iba kundi intindihin ka kahit nakakapagod na! Lagi na lang bang ako ang magcocompromise sa relasyong ito? Four years and you can't still trust me?"

Nakapameywang si Lesley habang pabalik-balik ng lakad. Kitang-kita at rinig na rinig niya sa boses nito ang frustration.

"Mag-usap tayo kapag malamig na ang ulo mo at bukas na ang isip mo." Huling linya ni Lesley bago ibinaba ang tawag.

Napaupo bigla si Lesley sa concrete wheel stopper sa parking area at napasabunot sa sariling buhok. Hindi ito umiiyak pero puno ng stress at frustration ang mukha nito.

Pinalipas muna ni Gusion ang ilang minuto bago niya ito nilapitan.

"Les?" Mahina niyang tawag dito.

Agad itong nag-angat ng tingin sa kanya at kumunot ang noo, "Ate Lesley." Pagtatama nito sa kanya.

Inikutan niya ito ng mata, "Hindi kita kapatid."

Ngumuso ito pero at least ay nakita niyang guminhawa na ang mukha nito kumpara kanina.

Tumabi siya ng upo rito sa wheel stopper, "LQ?"

"Oh, you heard."

"Sa taas ng boses mo kanina, baka pati sa kabilang bayan, rinig ang boses mo." Biro niya.

Hinampas naman nito ang braso niya, "Ang OA."

"You only raised your voice kapag inis o galit ka." Puna ni Gusion at tiningnan ito.

Napabuntong-hininga si Lesley tsaka tumingin sa harapan nila, "I'm too stressed these past few days. Pinagsabay-sabay naman dating ng problema." Muli itong humugot ng malalim na hininga, "Anyway, enough about me. Celebration mo 'to ngayon kasi you graduated na at summa pa. Sana all matalino."

He gave her a deadpan look, "You graduated Magna Cum Laude in case you forgot?"

Natawa naman si Lesley, "Pero hindi summa, mas matalino ka pa rin." Natahimik ito saglit, "Pero I'm still wondering why you didn't pursue your dream which is to be a diplomat. Natatandaan ko pang elementary ka pa lang, nagbabasa ka na ng constitution book. You were even studying laws of different countries."

Mataman niya itong tiningnan bago ngumiti, "I don't think you're ready to hear the reason."

Napatingin din ang dalaga sa kanya na salubong ang kilay. Mga ilang minuto siguro silang magkatitigan bago naunang pinutol ito ni Lesley.

"Anyway, I have a gift for you." Ani Lesley at may kinuha sa bulsa, "Alam kong mayaman ka na and probably you won't need this but no'ng makita ko 'to, ikaw agad naisip ko."

Tila lumukso ang puso ni Gusion nang marinig 'yon.

Inabot ni Lesley ang maliit na kahon sa kanya. Agad naman niya 'yong tinanggap at binuksan.

Napanganga nang bahagya si Gusion nang makita kung ano ang laman nito.

It is a beautiful key holder, ang pendant nito ay constitution book and the scales of justice.

"I just don't want you to forget your original dream kaya siguro ikaw ang una kong naisip nang makita ko 'yan." Dahilan ni Lesley.

Hinawakan ni Gusion ang key holder. Sobrang ganda nito. Marahil ay nanghihinayang talaga ang dalaga na hindi niya itinuloy maging diplomat.

Pero natutunan naman niyang magustuhan ang kursong tinapos. Pinakaunang rason naman kung bakit niya ito kinuha ay dahil sa dalaga, pero gusto rin naman niyang makatulong sa negosyo ng pamilya nila.

Hangga't maaari ay gusto niyang sa kanya na maputol ang responsibilidad sa negosyo nila. Gusto niyang magtapos ang mga nakababatang kapatid sa kursong gusto nila.

"Thank you, Les. It's beautiful." Nakangiti niyang sabi saka ibinalik sa kahon ang key holder. "Yes, it was my dream to be a diplomat pero nagbago na 'yon. Hindi mo kailangang manghinayang."

Ngumiti ito nang tipid sa kanya, "Well, I just remembered how you look whenever you read books about law. You really looked happy and I don't want that to disappear. All of you deserve to be happy."

"At kayong mga panganay, hindi? Our parents didn't raise us to be their retirement plan, alam mo 'yan. Lahat tayo ginusto nating mag-take ng business ad. Walang pumilit sa atin." Katwiran naman niya.

Napahinga nang malalim si Lesley tsaka ngumiti, "Touché. Wala na akong laban."

Mga ilang minuto silang natahimik, pareho lang nakatingin sa unahan nila.

"I'm leaving." Basag ni Gusion sa ilang minutong katahimikan.

"Yeah, I heard nga from Tita. She was sulking to Mommy. Kesyo bakit kailangan mo pa raw magstay doon." Mahinang sagot ni Lesley.

"Because I want to prepare myself. Gusto kong pagbalik ko rito, handa na ang lahat." Ani Gusion at tiningnan ito.

Napatingin sa kanya ang dalaga, "Prepare yourself for what?"

"Prepare myself so you could see me as a man at hindi parang nakababatang kapatid." Aniya tsaka lumapit dito, "So prepare also yourself dahil pagbalik ko, you will be mine, Lesley."

Tila naestatwa si Lesley sa gulat at sinamantala 'yon ni Gusion para angkinin ang labi nito.

=====

Two years later...
(A/N: Daming time skip, dinaig pang anime. HAHAHAHA.)

"Lesley my dearest daughter!"

Napapikit si Lesley saglit nang marinig ang boses na 'yon pero agad din naman siyang napangiti.

"Yes, Mommy? Bakit napadpad ka na naman dito sa office? No work for you na 'di ba? Ako na ang bahala." Ani Lesley saka tumayo sa swivel chair para yakapin ang ina.

"Masyado ka nang nalulunod sa trabaho. We told you na kaya pa naman namin ng daddy mo." Nag-aalalang sagot naman ng nanay niya.

Natawa naman siya nang mahina, "I'm okay, Mom. Deserve n'yo ni Daddy magpahinga na sa trabaho."

Umismid ang mommy niya tsaka may ibinulong, "Makakapagbakasyon ka rin naman sa mga susunod na linggo o buwan."

"Sinong may sabing magbabakasyon ako?" Nagtatakang tanong ni Lesley sa ina.

"Ako."

"And why? Wala akong balak magbakasyon, 'My." Ani Lesley tsaka inilahad ang palad sa nakatambak na mga dokumento.

Her mother smiled knowingly, na nagpatayo sa mga balahibo niya. Alam niya kapag ngumiti nang ganoon ang mommy niya. May binabalak ito o kaya alam na hindi niya alam.

"I just know that you will. Gusto mong magpustahan pa tayo?" Hamon nito sa kanya.

Mataman niyang tiningnan ang mommy niya. Ayaw niyang makipagpustahan dito kasi laging ito ang nananalo. Tama lagi ang mga hula nila nito. Ewan ba niya kung psychic ang mommy niya o sadyang malakas talaga ang mother's instincts nito.

"Anyway, kaya ako nandito kasi sinusundo kita." Dagdag ng mommya niya.

"Pwede n'yo naman po akong imessage or tawagan na lang." Katwiran ni Lesley at muling bumalik sa upuan para magtrabaho.

Pinaningkitan siya ng mata ng ina, "Kung ginawa ko 'yon, hindi ka naman pupunta kasi mas pipiliin mong magtrabaho."

Napangiwi si Lesley dahil totoo naman 'yon.

"Ano po bang meron?" Tanong niya sa mommy niya.

"Welcome back party kay Gusion! Ngayon ang dating niya from Canada."

Saglit na natigilan si Lesley nang marinig ang pangalan na 'yon at kasunod no'n ay ang ginawa nito noong gabi bago ito umalis.

Ramdam niyang nag-init ang pisngi niya kaya naman sunud-sunod siyang umiling para mawaglit ang naisip.

"Susunod na lang ako 'My." Buntong-hininga ni Lesley.

"Nope, I'll wait for you here." Ani mommy niya tsaka inilagay ang bag sa sofa bago pumunta sa sulok kung nasaan ang coffee maker at mga tsaa.

Napasapo na lang si Lesley sa noo niya at bumalik sa pagtatrabaho.

Walang nagawa si Lesley kundi tapusin nang maaga ang trabaho dahil nagmatigas talaga ang mommy niya na hihintayin siya nito. Kaya ngayon ay pareho na silang nasa kotse niya at nagmamaneho siya papunta sa bahay ng mga Paxley.

Nang makarating sila doon ay napansin ni Lesley na kompleto na doon ang sasakyan ng mga Paxley, pati kotse ng daddy niya at ni Harley ay nandoon na.
(A/N: 19 years old na si Harls dito. 12 years gap nila ni Lesley.)

Nasa pintuan pa lang sila ng mommy niya ay dinig na dinig na niya ang mga boses at tawanan ng mga ito.

"They're here na!" Rinig niyang sigaw ng Tita Rita niya na agad naman silang sinalubong.

Nagbeso agad ito sa mommy niya at sa kanya.

Nakita pa niyang nag-high five ang mommy niya at Tita Rita niya. Mukhang nagplano talaga ang dalawang ito na mapilit siyang mapapunta ngayon. Napailing na lang siya.

Dumiretso si Lesley sa kusina para ilagay ang binili nila ng mommy niya na blueberry cheesecake na paborito ni Gusion.

Pero napatda siya nang makita ang binata sa kusina— pero hindi ito mag-isa.

May kasama itong babae na curly ang buhok at may ribbon na violet. Masayang nag-uusap ang dalawa.

Parang ramdam niyang nanikip ang dibdib niya nang makita 'yon.

Familiar sa kanya ang mukha ng babaeng kausap nito. Ito yata 'yong babaeng gustong pormahan ni Gusset.

"Oh, andito ka na pala." Rinig ni Lesley na may nagsalita sa likod niya.

Pagkalingon niya ay si Gusset pala, "Kakarating lang namin ng mommy. Hinintay talaga ako sa opisina para lang makapunta ako rito."

Napatawa si Gusset at humakbang papasok sa kusina kaya sumunod siya rito.

"Alam kasi ni Tita Kim na mas pipiliin mo pang magtrabaho." Komento ni Gusset.

"Sabagay, pero need ko rin talaga magdouble time lalo pa at kaka-terminate ko lang sa CFO ko. Ang matandang 'yon, nambubulsa ng pera kaya naman pala kapos sa budget ang ibang department."
(A/N: CFO - Chief Financial Officer)

Nanlaki ang mata ni Gusset na napalingon sa kanya, "Oh? Paano 'yong legal matters against him?"

"My lawyer is already handling it." Napabuntong-hininga si Lesley at inilagay sa ref ang cheesecake, "As for new CFO, I assigned the assistant CFO."

"Why not hire a new one?"

Lesley gave him a deadpan look, "Aanhin ko naman ang bagong employee kung may mas capable naman sa loob ng company ko? Mas gamay na ng assistant 'yong work flow kaya mas magiging smooth ang transition compare kung mag-hire pa ako ng bago."
(A/N: Sana all ganito mindset ng mga company na napupuntahan ko, lalo na 'yong last company ko.)

"She's right, Kuya. You need to utilize your own employees kaysa mag-hire ng bago." Dinig niyang sang-ayon ni Gusion.

Napatingin siya sa gawi nito. Mukhang nakikinig pala ang dalawa sa usapan nila.

Ngumiti siya nang tipid dito, "Welcome back."

Sumimangot si Gusion, "Wala man hug? Kiss?"

Inikutan niya ito ng mata bago niya ilahad ang mga braso para sa isang yakap.

Agad namang tumayo si Gusion at mahigpit siyang niyakap. Nakayuko ito nang bahagya habang yakap siya dahil mas matangkad na ito sa kanya ngayon. Halos hanggang leeg na lang siya nito.

Ramdam niya ang hininga nito sa leeg niya dahil nakabaon ang mukha nito doon. Parang inuubos nito ang amoy niya. Ramdam niya rin na pahigpit nang pahigpit ang yakap nito.

"Ano, bro? Miss na miss?" Pang-aasar ni Gusset sa kapatid.

Ramdam niyang ngumuso ito pagkatapos ay dinampian ng halik ang leeg niya kaya naman nagulat si Lesley at natulak niya ang binata.

Feeling niya sobrang namumula siya ngayon.

Nang lumingon siya sa hudyo ay nakangisi ito sa kanya.

Magsasalita sana ulit si Lesley nang mapanganga siya nang makitang nag-kiss si Gusset at babaeng kausap ni Gusion.

"Hoy Gusset, gago ka! Paano mo nauto ang batang 'yan?" Gulat na sabi ni Lesley.

"Anong nauto? Mahal ako ni Guin 'no!"

"Sabi na familiar siya eh! Bunsong kapatid ni Lance!"

Namula si Gusset, "She's in the legal age now when we have a relationship."

Natawa naman si Lesley, "Wala naman akong ibang sinabi." Lumingon siya sa babae, "Correct me if I'm wrong pero sa pagkakatanda ko you're Guinevere, right?"

Tumango ito, "Yes, Ate Lesley."

"Oh, you know me? Si Gusset ba nagkwekwento sa'yo tungkol sa akin? Baka kung anu-ano sinabi nito tungkol sa akin ha. At ni-blackmail ka ba nitong lalaking 'to? Ginayuma ka ba?"

Natawa si Guinevere, "Hindi naman Ate Les. I love him, really."

"Ay wow." React ni Lesley, "Ingatan mo 'tong batang 'to, siraulo ka. Kung hindi, sasapakin kita." Banta ni Lesley kay Gusset.

"Anyway," ani Lesley at tumabi kay Guin, "By this time, twenty two ka na 'no? What degree ka nag-graduate?"

"BS Biology po." Magalang nitong sagot.

Napangiwi naman si Lesley, "Remove the po. Alam kong nine years ang gap ko sa'yo pero huwag mo akong masyadong patandain. Gayahin mo 'tong si Gusion, pero huwag mong gayahin na hindi ako tinatawag na ate."

Napatawa naman si Guinevere, "Hindi ka talaga tatawaging ate n'yan, Ate Les. Matagal na 'yang may—"

"Shut up Guin." Putol ni Gusion sa sinasabi nito.

"Umayos ka bro. Girlfriend ko 'yan." Sita naman ni Gusset sa kapatid.

Nag-make face lang si Gusion sa kapatid. Natawa na lang siya dahil isip-bata pa rin talaga ang mga ito minsan.

"Brat, tawag ka nila Mom kaya pumunta ako rito." Ani Gusset kay Guinevere.

Napanganga si Lesley sa tawag ni Gusset sa kasintahan. Walanghiyang 'yan!

Umikot naman ang mata ni Guinevere, "Let's go, jerk."

Namalayan na lang ni Lesley na nakaalis na ang dalawa. Hindi pa rin siya makahuma sa tawagan ng mga ito.

"Hey." Rinig niyang tawag ni Gusion sa kanya.

"Hmm?" Aniya rito.

"I miss you." Mahina nitong sabi, sapat lang para marinig niya. Dahan-dahan din itong lumapit sa kanya at muli siya ikinulong sa isang mahigpit na yakap.

Tahimik lang silang dalawa habang yakap siya nito. She was patting and caressing his back samantalang nakapalibot sa beywang niya ang parehas nitong braso at mahigpit 'yon.

"I miss you so much." Bulong nito, "Hindi naman kita nahahawakan ng ganito dati pero miss na miss talaga kita."

Lesley just hummed dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso ni Gusion dahil sa posisyon niila.

At malamang ay ramdam din nito kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya.

Sa totoo lang ay parang nakababatang kapatid lang talaga ang turing niya rito. Pero nang magsimulang tumuntong ito ng kolehiyo noon, unti-unting napansin ni Lesley na parang nagiging conscious na siya kapag malapit si Gusion sa kanya. Ayaw niyang makasagabal dito at isa pa ay malaki rin ang agwat ng edad nilang dalawa.

Ano na lang ang iisipin ng iba? At baka maging awkward din sa mga pamilya nila dahil sobrang close talaga ng mga ito.

Kaya mabuti na lang nakilala niya noon si Granger. Tumagal naman sila ng ilang taon kaya lang ay maraming beses silang on and offs noon.

Isang linggo after ng celebration noon ni Gusion ng graduation nito sa college ay tuluyan na siyang nakipaghiwalay kay Granger. Masyado itong controlling at possessive— at ang pinakapinagseselosan nito ay si Gusion noong mga panahong 'yon dahil ramdam daw nito na may gusto si Gusion sa kanya.

Bigla ay pakiramdam ni Lesley na namula ang pisngi niya dahil naalala niya 'yong gabi ng celebration noon ng graduation ni Gusion.

Tumikhim si Lesley at bahagyang itinulak si Gusion. Akala niya ay bibitaw na ito sa yakap pero lumayo lang pala ito nang kaunti ngunit nasa loob pa rin siya ng bisig nito.

"Hmm? You're blushing? That's cute." Tumawa pa nang mahina si Gusion.

Natatawang inirapan niya ito at mahinang hinampas tsaka kumawala sa yakap nito.

Akala ni Lesley ay makakalayo siya rito pero agad nitong nahigit ang braso niya bago siya nito binuhat paupo sa countertop. Agad itong pumuwesto sa pagitan ng hita niya habang hawak pa rin ang magkabilang beywang niya.

Nanlaki ang mata niya sa pwesto niya, "Gusion!"

"Sshh." Iniligay nito ang hintuturo sa labi niya, "Silence, love. Maiistorbo tayo ng wala sa oras."

"Anong love ka dyan? Kakabalik mo lang—"

"Nalimutan mo na ba 'yong sinabi ko bago ako umalis?" Ngumisi ito, "Once I came back, I'll make you mine."

"I'm seven years older—"

"You think I care about our age gap? Les, bata pa lang ako, ikaw na ang gusto kong mapangasawa. Kaya ayaw kitang tawaging ate dahil bakit ko tatawagin ng ate ang aasawahin ko?"

"People will judge—"

"Do we really need other people's opinions?"

"You're still young, and mas suitable sa'yo kung close sa age mo ang mapangasawa mo." Ani Lesley.

"Ikaw nga ang gusto ko." Tila nagmamaktol na sabi ni Gusion, "I love you ever since. It took me years to prove myself that I can be your man. Tanggapin mo naman ako."

Namuo ang luha ni Lesley sa mata niya. I don't deserve him. She thought. Alam niyang sobrang laki ng potential nito samantalang siya ay... eto lang.

"I love you." Naiiyak na sabi ni Lesley. "Took me years also to suppress that kasi alam kong hindi dapat ako ang—"

Hindi na natapos ni Lesley ang sinasabi niya dahil agad na inangkin ni Gusion ang labi niya para sa isang matamis na halik.

Malalim at matagal, hindi tulad no'ng gabi bago ito umalis na dampi lang.

Hindi alam ni Lesley kung gaano katagal na ang halikan nila, ang tanging alam lang niya ay kapag parehas na nilang kailangang huminga, saglit lang mahihiwalay ang mga labi nila pero muling maghihinang pagkatapos.

"Ah, shit." Mura ni Gusion na hinihingal, "That's so fucking worth it after years of longing."

Kinunotan niya ito ng noo, "Language."

Ngumiti lang ito sa kanya, "Sorry, baby." Anito tsaka muli siyang hinalikan.

"Susmaryosep ang mga batang ito!"

Agad na naitulak ni Lesley si Gusion at nakita niya ang mga magulang nila na nanlalaki ang mata na nakatingin sa kanila. Kita pa niya ang masamang tingin ni Harley kay Gusion.

"Istorbo." Nakangusong sabi ni Gusion.

"Well, sana hindi kayo rito sa kusina, aber? Not in my kitchen, young man!" Sita ni Rita sa anak, "Doon kayo sa kwarto mo."

Napatakip na lang si Lesley sa mukha niya sa sobrang hiya.

Naramdaman na lang niya na binuhat siya ni Gusion, hindi paakyat sa kwarto nito ngunit paountang kotse nito.

"Saan tayo pupunta?" Gulat na tanong ni Lesley habang kinakabit nito ang seatbelt niya.

"Sa condo. Daming istorbo rito sa bahay." Sagot ni Gusion.

"I told you daughter, magbabakasyon ka in the next few weeks or months!" Rinig niyang sigaw ng mommy niya.

~~~~~

I don't know how to end this. Ang tagal na nito eh ngayon ko lang natapos HAHAHAHAHA.

Consider this as my mini comeback. Hihi.

Note, no grooming happened here ha. Sadyang malaki lang age gaps nila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro