INSERT PAGE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Hoy ikaw na dairy ka, hindi mo ba alam na antagak kitang hinanap ha? Hindi kita makita-kita. Nag college na lang ako lahat lahat andito ka lang pala sa maleta ko. Pero sorry ha, kasalanan ko naman kase eh, bakit kase don pa kita tinago, yan tuloy... I'm a college student now diary, malapit na ako grumaduate, alam mo naman yung mga pangarap ko diba? Gusto kong makapag patayo ng Café and restaurant, makapagpatayo ng bahay na malaki, at good news may nakita na akong pwedeng mag tayo ng bahay ko HAHAHA oo, he's Engineer tapos ang gwapo nya pa, bat kaya may ganong klase ng taong pinag pala hahaha, diko na gusto si Carl, may jowa na yun eh, so lipat tayo, hahaha nagiging stalker ako pag dating sa kanya, hindi nya ako kilala syempre, kontento na akong nakikita ko sya sa malayo, balita ko din yung tatay nya may sakit at malubha pa, meron din syang mga kapatid, balita ko nga sya nagpapaaral sa mga yun eh, ang bait nya diary.

Meron pa akong nalaman yung kaibigan nya na si Lheo nag away sila dahil kay Grace HAHAHA Ang bobo kase nitong si Lheo alam nya na ngang jowa ni Zade si Grace inagaw nya pa. Buti na lang at kilala ko itong si Lheo kaya nabatukan ko, magka iba sila ng course na kinuha ni Zade, Architect si Lheo at Engineer naman si Zade.

Ganon pala talaga noh, kapag crush mo yung isang tao gagawin mo ang lahat para makakuha ng information tungkol sa kanya. Actually hindi na ito crush, I love him na, na realize ko ito nung naging partner ko sya sa isang event sa school nung malapit na kaming grumaduate, syempre kilig kilig ako don, ang kaso parang hindi nya ako natatandaan, kase nung last na nakita ko sya nung magkasama kami ni Lheo, parang wala lang naman ako sa kanya, feeling ko hindi ako nag eexist sa buhay nya.

Ang sakit sa pakiramdam nung tinitingnan mo lang sya sa malayo habang ngumingiti sya kasama ang ibang babae, yung ang lapit mo na sa kanya pero hindi mo sya mahawakan, Zade is blind for my Love, hindi ako nag eexist sa buhay nya. Hindi nya ako kilala, ni hindi nya nga ako naaalala eh. That guy was my Love, my everything, my life.

Ayaw ko ng mag mahal ng iba, kung hindi lang din naman sya ang makakatuluyan ko. I love him, kahit Hindi nya ako kilala.

Love:Anna<3

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sulat na yun, mahal nya ako nung una pa lang? Bakit hindi ko sya natatandaan? Bakit? Dahil ba ganon ako ka focus kay Grace para diko sya maalala? Nakakainis naman, kung sino pa yung mahal ako ng totoo yun pa ang hindi ko matandaan.

Anna, I'm sorry for my mistake, pinapangako ko, hinding hindi na kita makakalimutan, mahal na mahal kita.

I LOVE YOU MY HOME<3


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro