PAGE 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dear Diary!

Muli akong nag babalik, sa isang linggong di kita naka usap, ito ako nag babalik dahil nga merong masayang nangyari sakin hihihi eh kase ganto yun, kanina sa school, eh alam mo naman ako adik na adik ako kay kieth, si kieth nga pala yung crush na crush ko na kinukwento ko sa'yo, kase ganito talaga yun, may nangyari kanina at ayaw kong makalimutan, kaya e kukwento ko sa'yo.

Kanina kase sa school si kieth nag lalaro ng Basketball, diba nga intramural meet namin ngayon, so napadaan ako sa court, gosh ang gwapo nya lalo na kapag naka Jersey sya, goshh tapos lumapit ako at umupo sa bench na medyo malayo sa kanila, bweset kase si Kessel hindi ako sinamahan, tapos ayun na nga kunwari umupo lang ako don ng di sinasadya at nakita silang nagpa-practice doon.I grab my phone in my bag and take a stolen picture of him hihihi.

At alam mo bang ang katangahang ginawa ko? Diary nakakahiya yun, kase may flash pala yung phone ko at diko na tanggal huhuhu.Nilapitan nya ako tapos sinabihan ng...

"You take a picture of me without my permission?"Taas kilay nyang tanong, gosh yung puso ko subrang bulis ng tibok, buti na lang talaga at sya lang ang lumapit sakin at dina ang mga trops nya, tapos kahit pawisan sya, ang bango nya hihihi gusto na lang syang amoy-amoyin hihihi.

"A-ah s-sorry," Yan lang yung nasabi ko sa kanya kase naman hindi ko talaga alam ang sasabihin ko, ang awkward kaya.Tapos nasa malapitan pa sya.Iniisip ko na nga agad kong ano ang gagawin nya sakin eh, kung ipapatapon nya ba ako sa mars o ibabalibag o kaya naman bubugbugin hanggang sa dina maitsurahan ang mukha ko, andami talaga at feeling ko malapit na ako mamatay.

"We can take a picture together if you want, you may ask me first, hindi yung nag nanakaw ka ng picture ko, pano kung panget pala ako diyan? Patingin nga?"Jusko Diary pwede na ako mamatay,tiningnan nya yung cellphone ko at ang mas lalong nakakahiya pa eh yung wallpaper ko kaming dalawa na pinag dikit ko lang, napa pikit na lang ako don dahil narinig ko yung mahinang tawa nya.

Tinawag nya yung tropa nyang isa, akala ko kaya nya tinawag yun kase magpapatulong syang pagtawanan ako, kaso mali pala."Can you take us a picture?"Yan yung sinabi nya, kinilig ako don tapos awkward akong nag post katabi nya, tapos yung kamay nya pinatong nya sa balikat ko para akbayan ako, jusko my heart was pumping very past.

"Ayan may pang wallpaper kana,"natatawa nyang sabi bago inabot sakin yung cellphone ko."I have to go, may practice pa kami, bukas nga pala yung laro namin if you don't mind, pwede ka bang manood?"Ako ba? Ako ba niyayaya nya? Gusto nyang manuod ako ng laro nila? Oh my god, manunuod talaga ako.

"Oo naman ikaw pa, eh malakas ka sakin,"Para akong tanga nung sinabi ko yun, feeling close ang ate nyo.

"Asahan ko yan ha, hahanapin kita bukas, ohw by the way, what's your name?"

" Just call me Anna ,"Naka ngiti pa ako nyan, kase deadma lang ako sa kanya palagi tapos ngayon tinatanong nya na kung ano pangalan ko hihihi kinilig ang pwet ko mga besh.

"Okay Anna,call me Kieth, kung ayaw mo pwede ring baby,"Naka ngiti pa sya yan tapos kinindatan pa ako, kaya ako namang si gaga naka nganga lang sa kanya."see you tommorow,"kinindatan nya pa ako uli bago tumalikod.

Alam mo Diary paasa sya, di nya naman ako pinansin kinabukasan eh, kaya hindi kona sya crush, you know HAHAHA bahala sya sa buhay nya.

Diko na sya kilala simula ngayon, bahala sya jan, denelete ko na din yung picture nya sakin, wala na akong pake sa kanya.

Love:Anna<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro