PAGE 24

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dear Diary ni Anna!

            It was November 21, when I receive a bad news from my family, you know that's break my heart so much, nawalan na ako ng gana mag patuloy pa sa buhay ko. Yung ginagawa ko ngayon para sana sa kanya, but he died, he left me.

["Z-zade...si pa-papa mo kase..."]

"Bakit anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong.

["Zade...wala na sya..."] Halos mabitawan ko yung cellphone sa kamay ko.

"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Anna.

"Si papa...wala na.." sunod-sunod na tumulo ang luha ko at naoa upo na din ako.

"I'm sorry." Hindi alam ni Anna ang gagawin nya sakin, natataranta na sya.

"Aalis muna ako, uuwe muna ako ng probinsya." Paalam ko.

Dali-dali akong umalis ng site at nag drive pa punta sa condo ko, nag impake ako ng gamit ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, basta nilagay ko lahat ng damit sa isang maleta, pinagkasya kong lahat.

When I open the door I was shock dahil kakatok na sana si Anna.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Sasama ako sa'yo."

"No."mabilis kong saad.

"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ako."usal nya.

Wala na akong nagawa kaya sinama ko na lang sya, sasakyan ko na ang dinala ko, mabilis ang naging byahe namin, hindi nag salita si Anna habang nag mamaneho ako, naka tingin lang sya sa harapan, diko na din sya pinapansin dahil nakatuon ako sa pag mamaneho. Nang makarating kami sa bahay sa probinsya ay bumaba agad ako para pumasok sa bahay.

"Asan si papa?" Galit kong tanong.

"Kung kelan wala na sya, saka ka lang uuwe-" malakas kong sinapak si Gab.

"Ang kapal ng mukha mo!"sigaw ko.

"Bakit kapa ba umuwe?" Isang suntok sa muka ni Bon ang pinadapi ko.

"Isa kapa,"inis kong saad, akmang sasagot si Sam. "Sige sumagot ka, tatamaan ka sakin,"banta ko, umalis naman sya at umupo sa tabi. "Hindi na kayo nahiya, andito kayong lahat, sinong nandon sa Hospital? Yung taong hindi natin kadugo ang nag mamalasakit kay papa, pero kayo nandito at parang tuwang tuwa pa kayo na namatay si papa ah, hindi ba kayo marunong tumanaw ng utang na loob? Simula pa lang sakit na kayo sa ulo, wala kayong ginawang tama, tapos kayo pa itong malakas magalit na wala naman kayong natulong? Ang kakapal ng mukha nyo," patuloy na tumutulo ang luha ko habang nagsasalita. "HINDI NA KAYO NAAWA KAY PAPA, MGA WALANG KWENTA!!" Sigaw ko. "SIMULA NGAYON MAG HANAP NA KAYO NG BAHAY NA TUTULUYAN NYO, DAHIL SIMULA SA ARAW NA ITO HINDI NA KAYO TITIRA SA BAHAY KO!!" Mabilis naman silang napatingin sakin.

"Pinapaalis mo ba kami?" Tanong ni Gab.

"Yes!" Galit kong sagot.

"Pinapatunayan mo lang na wala kang kwentang kapatid KUYA!" Si Sam.

"Eh kayo? Dina kayo naging mabuting KAPATID, dipa kayo naging mabuting ANAK!"Sigaw ko. "That's all, mag simula na kayong mag impake, kung di kayo aalis, tatawag ako ng pulis na magpapaalis sa inyo dito."usal ko at galit na lumabas ng bahay na yun.

Pag pasok ko sa sasakyan ay nandon pa rin si Anna, di sya sumunod sakin.

"Sorry about what happened."usal ko.

"No need, I understand, I just want to see your father." Napangiti ako don at pumunta na kami ng hospital kung nasaan si Papa.

Diary, hanggang sa malibing si Papa, kasama ko sya, hindi nya ako iniwan, at hindi ko alam kung paano ko sya pasasalamat.

Nagmamahal:Eng.Zade<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro