PAGE 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Dear Diary!

      Bat ganon diary? Ang sakit, ang sakit-sakit, kase may nalaman akong hindi ko dapat malaman, sana pala hindi na lang ako pumunta, sana pala hindi ko na lang narinig, sana wala akong tenga para di ako masaktan.

Kase diko talaga yun matatanggap, hindi. Ano ang nangyari? Nalaman ko lang naman na gusto ni Evan si Ate Marian, Yeah oo as in si Ate Marian.

Nung una di ako naniwala, pero umamin na si Evan, gusto nya nga daw si Ate marian, anong gagawin ko? Tapos alam din ni Ate Marian na may gusto ako kay Evan, jusko nakaka luka.

Para kaming lobe triangle na ako ang kontrabida at sagabal sa pagmamahalan nila huhuhu, tinanong ko naman si Ate Marian kung gusto nya si Evan ang sagot nya.

"Di ako pumapatol sa bata, atsaka si biboy lang ang crush ko noh."

Yan ang sagot nya. Buti na lang talaga si kuya Biboy ang gusto nya. Buti na lang, eh ang kaso, hindi nya ako gusto, kase nga panget ako, oo panget ako. Ang panget panget ko.

Ang hirap pag panget ka. Talo ka sa lahat ng bagay pag panget ka.

Love:Anna<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro