Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 2: Gaze

Hindi rin ako nagtagal sa bench ng school dahil sinundo na din agad ako ni Daddy.

Patapos na ang school year namin kaya naman sobrang busy. Tons of research papers, plays, assignments, quizzes, entrance exams, requirements. This is so stressful!

We are currently practicing for our musical play. Nakuha ko ang isa sa mga lead role at kasama din ako sa sasayaw. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin. I'm planning to go to the comfort room and change my shirt before anything else.

"Mag p-practice ba tayo mamaya sa sayaw, Eunice?" tanong ko habang kinukuha ko ang damit ko sa aking bag.

"Yap. Magpapalit ka? Sabay na tayo" aniya at sinabit niya ang kanyang damit sa kanyang balikat.

I nodded. Lumabas na kami at nagpalit ng damit.

Sometimes, I ask myself why do I need to do all of these. Is this what they call Education? Some are good at memorizing stuffs but when it comes to application? They fail. Some students study because they want to have high grades. I wonder if they would still review for quizzes and exams if they know that it is not graded? Will they excert the same effort that they are doing right now?

I shrugged my thoughts. Why do I need to think about these stuffs right now?

Nagpalit na kami ni Eunice pagkatapos ay dumiretso na sa gym. Doon naisipan ng teacher namin mag practice.

"Casey! Dalian nyo kayo na lang kulang!" sigaw ni Tracy

I ran towards them. I stood at my place and tied my hair into a bun.

I looked at Syd who's standing beside me. I raised my eyebrows. He's watching me.

"Kanina pa ba kayo kompleto?" I asked him.

"Nope. Kakarating lang din namin"

We practiced our dance for 30 minutes. I'm tired as hell but I need to participate for the play.

"Casey, pagkatapos niyan papasok ka. Kakantahan ka niya tapos ikaw iiwas ka lang ng iiwas" tumango lang ako sa sinasabi ni Tracy habang umiinom ng tubig. "Kapag na tapos ka ng kanta hihilain mo siya, Syd. Tapos sasabihin niyo na yung lines nyo"

"Okay" sabay naming sabi at p-pwesto na. This is my first scene.

Wag kang maniwala d'yan.

'di ka n'ya mahal talaga

Sayang lang ang buhay mo kung

mapupunta ka lang sa kanya

Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka

Dagdag ka lamang

Sa milyun-milyong babae n'ya

Syd started singing. He really has a great voice, pinkish lips and a pointed nose. No wonder a lot of girls like him.

Akin ka na lang (akin ka na lang)

Iingatan ko ang puso mo

Akin ka na lang (akin ka na lang)

Wala nang hihigit pa sa 'yo

I kept on ignoring him, not paying attention to what he's doing. Nagkukunwari akong nagbabasa ng libro at nag-aaral. When the background music stopped, he grabbed my arms.

"Sorry Aecy about what happened. I never thought that they would do that to you..."

I can hear some giggles coming from our classmates but I didn't mind them.

"I'm fine. Tapos na yun, kalimutan na natin" Binawi ko ang kamay ko sa kanya at niligpit ang mga gamit ko.

Lumipat siya ng pwesto at pumunta sa aking harapan. Tinutulungan niya akong ayusin ang gamit ko.

"Ako na." I snatched my books. I look at him and stared at his eyes. For a moment, I forgot my lines.

"Aecy..." He touched my hands and held it. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa aking mga libro.

"What?" I raised my eyebrows.

"Can you give me another chance?" He bit his lower lip.

Napatingin ako doon. Rinig na rinig ko ang tili nila Eunice. I can't concentrate!

Huminga ako ng malalim "Don't ruin that second chance, Nathan"

And then the lights focused on the next scene. Umalis na kami agad at pumunta na sa likod ng stage. Sinapat ko sila Eunice na nakangisi ngayon sa kanilang pwesto.

Natatawang umiling ako sakanila at humalikipkip.

Our story revolves about Aecy. Smart, wealthy, and a beautiful lady. Undoubtedly, she often catches the eyes of many guys in school.

One of these said guys is Nathan. A smart and athletic scholar. He tries to find a way to steal Aecy's heart, often reaching the point of having false hope.

"Kung ako lang ako yung nandoon, kanina pa ako nalusaw" Sandy handed me her sandwich as she sat beside me.

Ngumisi lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagbabasa ng script. I'm currently reviewing my lines. Hindi pa tapos nila Tracy ang story ng musical play namin kaya naman hindi ko alam kung ano ang magiging ending.

"Tapos niyo na ba yung sayaw?" tanong niya

"First dance pa lang ang naituturo. Mayroon pang isa. Baka bukas na yun i-practice"

This whole Musical Play is stressing me bigtime. We have 4 weeks left to practice and think about our play. Wala pa kami sa kalahati ng sayaw.

Huminga ako ng malalim.

"At least nakita ko na ang magiging flow ng story niyo. I like the idea. Start planning on your props and costumes. Think how can you promote your musical play. Good job!"
Ma'am smiled at us and I can see through her eyes that she's happy about what we did.

Bumalik na kami sa classroom. May next subject pa kami. I'm dead tired. Pawis na pawis ako at lagkit na lagkit sa sarili. I want to go home and take a bath.

"Casey...." Kinalabit ako ni Eunice. I felt the chair beside me move.

"Hmmmm" Nanatili akong nakayuko sa aking upuan at nagpapahinga habang wala pa ang aming teacher.

"Samahan mo muna ako sa gym oh. Nakalimutan ko kasi yung cap ni Kyle," aniya habang kinakalabit ako.

"Kaya mo yan, tinatamad na akong tumayo," Nanatili pa din akong nakayuko. Wala pa ding tigil si Eunice sa kakalabit sa akin at nakuha niya pa akong iyugyog.

"Saglit lang tayo, promise." I didn't response.

"Ililibre kita sa Caf pagkatapos. Dali naaaaa," Nagpatuloy siya sa pangungulit.

"Please, Casey. Kahit ano!"

"Fine! Ililibre mo ako ah!" Pumayag na din ako at tumayo. I rolled my eyes.

I know Eunice, she won't stop. Plus her offer is irresistable so why not grab it.

"Sus! Libre lang pala katapat mo" Tumawa siya't hinampas ako ng marahan sa balikat.

Ngumisi lang ako.

Nagsisi-uwian na ang ibang mga estudyante. Mostly, freshmen. Mas lalo tuloy akong nainggit. Some of them are looking at us but we didn't mind them.

Sa labas ng gym ay maingay. The door is slightly opened. I can hear some music and the disco lights are on. Sumilip ako at nakita ko sila Ashley. They are also practicing for their play.

Meaning to say, Eren is here.

"Samahan na kita sa loob," Bago pa siya mag salita ay hinawakan ko na ang kamay niya at hinila papasok.

Lumapit kami kay Ma'am. Eunice is talking to her while I'm busy looking for someone.

"Thanks Ma'am saglit lang po ito" ani ni Eunice.

Nagpatianod ako sa hila niya pero busy pa din ang mga mata ko sa kakahanap kay Eren.

Nasaan siya? Bakit hindi ko siya makita? Nasa likod ba siya ng stage? Sinong kasama niya kung gayon?

I shrugged my thoughts.

"Casey, we are looking for the cap not Eren" umiiling niyang sabi.

"No. You find your cap. I'll find Eren" binawi ko ang kamay ko sa kaniya at ngumiti.

Lumapit ako sa kanila Ashley at umupo sa tabi nila.

"Looking for someone?" nakangising sabi niya.

"No. Sinamahan ko lang si Eunice naiwan niya yung cap niya dito..." I said as I roam my eyes around the room again.

She laughed, "As if yun lang pakay mo."

Umiling na lamang ako at tumawa. Why do I need to explain myself? They won't believe in the first place.

Well, tama rin naman sila. Slight.

"Asaan ba?" tanong ko.

Tumawa na silang magkakaibigan ng malakas. I want to cover their mouths to shut them out. Nakakahiya! They are now looking at us!

Tumayo ako at lumayo sakanila. Hinampas ko muna ng malakas si Ashley bago umalis. What a nice friend I got here!

Naglalakad ako pabalik kay Eunice ng mahagip ng mga mata ko si Eren.

Nasa gilid siya. Nakatayo mag-isa. His hair is a little bit messy. He's wearing a gray shirt that hugs his body perfectly.

And he's looking at me.

Napaawang ang bibig ko.

Umiwas ako ng tingin sakanya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating ako kay Eunice na hawak hawak na ang cap niya ay muli akong tumingin sa gawi niya.

He's still looking at me. His face is serious.

My heart is beating so fast. I can feel it. Parang gusto niyang lumabas sa katawan ko.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Hindi ko kaya ang intensidad nito. Kitang kita ko ito kahit sa malayo.

"Tara na," I grabbed Eunice's hand.

"Thanks Ma'am!" Eunice shouted.

Bago ko isarado ang pinto ay tinignan ko muli siya. Dahan dahan ko pa itong ginawa.

Shit!

He's still looking at me and a grin is now plastered on his face.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro