Chapter 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter 4: Unexpected

Umalis na rin siya sa room namin pagkatapos. Hindi ko namalayan na ako na lang pala ang hindi pa nakakapagpasa. I want to chase and ask him what he meant by that but I was too shocked to even react.

"Kuya Sanny, asaan po si Vincent?" Nadatnan ko ang driver ng daddy ko na naglilinis ng sasakyan.

Umuwi na din ako pagkatapos ng klase. Wala nga kaming ginawa pagkatapos. The teachers had a meeting. Wala akong magagawa kundi maghintay ng uwian dahil may attendance pang ginagawa pagkatapos. Vincent didn't return after that. Nalaman ko na lang na umuwi na pala siya sa bahay nang nagtext siya sa akin.

"Baka nasa kwarto niya..." aniya at nagpatuloy sa paglilinis.

Nagpasalamat ako sakanya't umalis. I headed towards Vincent's room. I didn't dare to knock. I opened his door without his authorization and saw him lying on his bed, watching T.V.

Nakapamaywang ko siyang tinignan.

"Bakit ang aga mong umuwi?" Pumunta ako sa kanyang tabi.

"Nakakatamad na pumasok. Plus, wala naman din kayong ginawa pagkatapos diba?" aniya habang nakatuon ang pansin sa T.V.

I frowned. "How did you know?"

"I accidentaly heard it when I went to Guidance office," Kibit-balikat niyang sabi.

I nodded. I want to tell him what happened but I'm having second thoughts about it. Eren is one of his friends. I'm not really sure which of the two of us has his loyalty.

"What happened? I know you wouldn't go here for nothing." Tumikhim siya't ngumisi.

Inirapan ko siya't binato ng pillow. Tumawa lang siya at umilag.

Umiling na lang ako at nagmartsa paalis sa kanyang kwarto. Bakit ko ba naisipang pumunta dito? My cousin is such a jerk! Tumatawa pa siya habang pinanood akong lumabas. Binagsak ko ng malakas ang pinto niya.

Bwisit! He know me so well!

Sa mga sumunod na araw ay mas naging busy kaming lahat. Todo-todo ang practice namin para sa nalalapit na play. Mayroon pang mga research projects na pinapagawa. Nakaka-stress lang dahil sabay-sabay nila itong ibinibigay. I don't know what I should face first. I'm not really good when it comes to these situations.

Mag a-alasdyis na ng gabi pero hindi pa ako natutulog. My eyes are already falling but I kept it still by drinking lots of water. I'm doing the questionnaire for our research paper which will be distributed tomorrow.

Alas dose na ako natapos. I badly want to sleep. My body is aching to be on my bed. I was about to sleep when Eunice messaged me on Facebook.

I grabbed my iPad.

Eunice: Gising ka pa?

I replied a big like. Ngumisi ako. I can imagine her annoyed face right now.

I decided to check my facebook for a while. It's been months since the last time I opened my account. I accepted all my friend requests and read some messages. In my perspective, there's really nothing special about this social site. I only downloaded this because I want to see Eren's posts. Sadly, he's not that active just like me.

I clicked his name. I saw his familiar profile picture. He's only wearing a plain v neck shirt while wearing a cap but still he looks so good. I scrolled down his timeline. I saw some tagged photos from his friends and relatives. I saved all of them. I continued scrolling.

I stopped when my eyes caught a breathtaking photo of him. This was taken when we were in grade 7? I'm not sure. He was fixing his hair while facing the camera. That jaw. Those lips. Those eyes. It's like he's hypnotizing me. I bit my lower lip. He looks so freaking hot!!!

I read some of the comments on that picture. Napailing na lang ako. Grabe. Kahit na grade 7 pa lang kami noon, madami na talagang nagkakagusto sakanya. Nakakatuwa lang kasi sa dinami-dami nang nagsabing ang gwapo niya sa picture na yun ay ni isa ay wala siyang pinasalamatan.

I was about to press back when I suddenly liked it. Accidentally.

Shit.

In-unlike ko agad. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Kinakabahan ako. Shit. Makikita niya bang nilike ko yun? I'm so careless!

Dali-dali kong kinuha ang phone ko. I dialed Eunice's number.

Pick it up, Eunice. Pick it up!

"What?" Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot niya na agad. Thank goodness!

"Kapag ba nilike ko yung isang picture tapos in-unlike ko, makikita pa din yun?" Kinagat ko ang aking kuko. I'm still at Eren's profile. Parang lalong sumabog ang utak ko sa ginawa ko.

"Oo ata. Ang alam ko" aniya

Pumikit ako ng mariin. "Thanks Eunice" I ended the call.

Tumitig ako sa picture na nasa harap ko ngayon. Sinabunutan ko ang aking sarili. Naiinis ako!

Paano kapag nakita niya yun? Ibig sabihin malalaman niyang iniistalk ko siya? Sa gantong kalagayan pa? Sa gantong oras?

Tinabi ko ang Ipad at phone ko sa tabi at humiga sa aking kama. I closed my eyes. I tried to calm myself and stop overthinking but I couldn't. OI want to sleep. My whole body is tired but my heart, isn't. It keeps on beating so fast

"Casey, nagawa mo na ba yung questionnaire natin?" Bumangon ako sa pagkakayuko saaking desk at tinignan si Kyle na nasa aking harapan.

"Yeah." Kinuha ko ito saaking bag at pinakita sakanya. Binasa niya ito at tumango.

"Idistribute niyo na lang ito mamayang lunch ni Syd. Baka hindi ako makasama dahil mayroon kaming meeting sa MAPEH Club" aniya at binalik saakin ang mga papel.

Tumango ako sakanya. "Sige"

Maya-maya ay pumasok na ang aming teacher sa Math. Nagturo lang siya't nagbigay ng assignment. Kahit na nakinig ako ay hindi ko pa rin makuha. I'm now taking Eren's advice but it seems like it's not working for me. I'm not sure if I am dumb or I'm just really not interested in Math.

"Katie, nakita mo si Syd?" Kaka-tapos lang namin ni Eunice mag lunch sa Cafeteria. Kinuwento ko sakanya ang nangyari saakin pero ang magaling kong kaibigan ay tinawanan lang ako. Ito daw ang napapala ko sa pagiging stalker.

"Nasa labas ata siya." aniya at nagpatuloy sa ginagawa sa kanyang laptop.

I thanked her and started looking for Syd. We need to distribute the questionnaires now. The data should be passed tomorrow. I'll talk to Kyle later and tell him to tally all the data that we will gather.

Pinunasan ko ang pawis sa aking noo. Where is Syd? I've been looking for him for the past 10 minutes. I can actually do this alone.

Nang hindi ko talaga siya makita ay pumunta na ako sa room nila Eren. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. They're our respondents. Andito kaya siya?

Malapit na ako sa room nila ng mamataan ko si Syd. Beside him is Eren. Nakatalikod sila sa room. Napahinto ako saglit at kinalma ang sarili. I watched them talk. It seems important and private. I wonder what is it all about?

I continued walking. Nakita ko si Ashley na kakalabas lang ng room. Ngumisi siya sa akin.

"Casey!" she shouted.

Sinapo ko ang aking noo. Nakita kong lumingon sa gawi ko sila Syd. Ashley is so loud! She needs to shut her mouth sometimes.

Di ko siya sinagot at pumunta na lang kay Syd. Kinakabahan ako ng sobra. I don't know if he saw it already.

"Samahan mo ko ipamigay yung questionnaires natin. Wala si Kyle eh. May meeting," Ipinakita ko sakanya ang hawak kong mga papel.

Ngumiti siya saakin. "Yeah sure. Halika ka na" He grabbed my hands.

"I hope you understand..." aniya niya kay Eren sa seryosong tono bago kami umalis. Tumingin saakin si Eren bago binalik ang tingin kay Syd. His cold stare sent shivers through my spine. My eyebrows narrowed. Anong sinasabi ni Syd? Tungkol ba yun sa pinag-uusapan nila kanina?

Pumasok kami sa loob ng room nila. Their classroom is a little bit messy but because of its features and colors, plus the tiles that is surely expensive, you will not pay any attention to it.

Pumunta ako sa gilid at pinagmasdan si Syd na narororoon sa gitna. I saw some girls fix their hair the moment they saw Syd. Ngumisi na lang ako. I diverted my attention to Syd who's now distributing the papers.

Pagkatapos niyang ipamigay ay lumapit siya saakin. He smiled at me. "Kumain ka na ba?" aniya

"Yeah" tumango ako. I looked at some of the papers on his hand.

"Bakit may sobra?" tanong ko.

Ipinakita niya saakin ang 3 piraso ng papel. "Ashley and Sophia are not here. Si Eren ay nasa labas, hindi pa pumapasok" Huminto siya saglit na para bang tinatanya ang reaksyon ko ng binanggit niya sa Eren.

I avoided his gaze and looked at the door instead. Suddenly, Eren came. Pumasok siya't umupo sa kanyang pwesto. I watched him. Naririnig ko ang mga mahihinang asar saakin ng mga tao sa harap. Ngumisi lang ako sakanila.

"Bigyan mo na" aniya ko kay Syd.

He looked at me with an unreadable expression on his eyes. "Okay" aniya at umalis saaking tabi.

Pinagmasdan ko siyang pumunta kay Eren. He got the paper without looking at Syd. I wonder what they talked about a while ago.

Eren started answering the questions. He's bitting his lips while playing his pen on his hand. I want to curse him for being so hot just by doing those things. Why does he have to be this perfect? Pinaglapat ko ang labi ko ng mariin. Baka ngumanga ako dito ng wala sa oras. I don't want to look funny in front of him.

"Anong oras na?" kinalibutan ako nang maramdaman ko ang hininga ni Syd saaking tenga. Tumingin ako sakanya. Nagulat ako dahil sobrang lapit ng mukha niya saakin.

Lumayo ako ng kaonti.

I checked my phone "1:30 na"

Tumango siya saakin at bahagyang tumawa. I raised my eyebrows. "What's funny?"

Umiling siya habang kinakamot ang kanyang ilong. He's trying to hide his laugh! Tinignan ko siya ng masama at sinapak.

Kainis!

"Wala nga" aniya at tumawa. Pinanood ko lang siya. Umiling ako sakanya at tinignan muli si Eren.

Shit.

Nakatingin siya saakin. His cold eyes bore inside me. Halos hindi ako makahinga. Iniwas ko ang aking paningin.

Why does he keep on staring at me like that? It makes me nervous! It makes me uneasy! It makes me insane!

Tinuon ko na lang ang pansin ko kay Syd na busy na kinukuha ang mga papers na ibinabalik sakanya. He's wearing a smile as he says 'thank you'.

Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. No matter how much I try, I can't forget his expression. His eyes.

Kahit na kinakabahan ay dahan dahan kong tinignan ang gawi niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Shit! Nakatingin pa din siya!

Halos hindi ako makahinga ng tumayo siya sa kanyang upuan at nagsimulang lumapit sa harap. Diretsyo ang tingin niya saakin. Hindi ko alam kung dapat ko bang iiwas ang tingin ko dahil hindi ko makaya ang intensidad nito.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang makakawala na ito. Para bang excited na excited siya sa nararamdam niya. Huminga ako ng malalim.

Act normal, Casey. Act normal.

"Here's my paper" aniya sa isang malamig na tono. Ayaw ko sanang kunin ang papel niya dahil ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at baka makita niya ito pero kinuha ko pa din.

Tinignan ko siya sa mata at sinubukang bigyan ng matamis na ngiti "Thankyou"

Tumango siya ngunit hindi pa din umaalis sa aking harap. He's watching me! Hindi ko alam ang gagawin ko. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sakanya. Bakit di pa siya umalis? He's driving me crazy! I can't read what's on his mind!

"Stalking at dawn, huh?" he grinned as he turned back.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro