🌼Chapter 2🌼

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Hacienda Alcantara]

Kakauwi lang ni Benjo galing Teirra Blanca, para kausapin ang ilang trabahdor nila sa bagong taniman nila
Sa bahaging iyon ng norte.

Papasok na sya ng bahay sa Hacienda Alcantara, ng nakita nya si jocel habang nagdidilig ng halaman sa harden. Kasama nito ang anak na si lance isang taong gulang na ang bata.
Naslalaro ito sa isang panig ng harden

"Hay baby lance, ninong was her "
tawag nya dito tumingin ito sa kanya.

" Hi Jocel, Nasan si Besyfriend "
Bati nya rito, pagkatapos ay lumapit na ito kay lance, kinarga nya ito.

Tinitigan nya ang bata, carbon copy ito ng ama, tanging kulay lang ng buhok ni jocel ang nakuha nito na
medyo brown.

" kakarating mo lang ba benjo? Hahaha, miss na yata ni lance ang ninong nya, " nakita kasi nitong niyakap sya ng bata.

" kamusta naman ang trabaho? Si Lander pumunta lang sandali sa San Rafael may kakausapin daw pabalik narin siguro yon "sabi nito pagkatapos pinagpatuloy na ang ginagawa.

Tumango lang sya at binalik na ang atensyon sa bata. tinitigan nya ito kung di lang sana nawala si Ivon, siguradong may anak narin sila,na kasing laki ni lance, kaya nga siguro napakalapit nya sa bata.

Simula ng mamatay si Ivon, sinubsub nya na ang sarili sa trabaho, wala na syang naging oras para, maghanap ng bagong mamahalin. Maraming mga mababaing nagpapalipad hangin sa kanya. Pero wala paring papalit kay ivon sa puso nya.

Pero di naman siguro nya kailangan ng mag asawa, masyado syang busy sa pagpalago ng negosyo nya. Hindi nalang sya kanang kamay ni lander
Isa narin syang presidente, Alcantara industry , mas pinili ni lander na malagi sa haceinda , kaya nag magtalaga ng president sa kanilang tinatag na companya. Sya ang nirecommenda nito.

Di naman nagsisi ito sa pagpapaubaya sa kanya, sa loob ng dalawang taon. Ay napalago na nya ito ng husto.

Di lang sa buong pilipinas kilala ang
Alcantara's apple kundi sa ibang bansa na, mostly of ther clients was
Is from Europe, Asia, and Us, ngayon nga hindi lang mga fresh apple ang ine export nila , they have apple wine, apple jams, apple vinegar basta lahat ng pwede gawin sa apple meron sila.

Sya ang incharge sa company si lander naman ang incharge sa lahat ng farm nila all over Philippines,
Pero ang pinakagusto nito ay ang pagkakaroon ng oras sa pamilya.

Tinitigan nya si jocel nagdidilig parin ito ng halaman. Ito parin ang dating jocel na nagustuhan nya, ang nag bago lang dito ay ang pananamit nito.
Na bumagay naman dito.tumigil na rin ito sa pagtuturo, ng di ito pumayag. Si lander na mismo ang naghanap ng bagong kapalit nito.
Kaya wala narin ito nagawa ng dumating na ang bagong kapalit nito.

Ganon nito kamahal ang asawa. Kaya masayang masaya din sya sa dalawa.

"Pare, kamusta ang Opisina? " napalingon sya ng marinig ang buses ni lander. Pati si lance parang na galak din ng makita ang ama kaya inabot ang maliliit na braso nito.

Kinuha ito ni Lander, pagkatapos ay Lumapit narin ito kay jocel parahalikan ang asawa. Napailing nalang sya.

"Tama na nga yang ka sweetan nyong dalawa lalanggamen na tayo rito ehhh" biro nya sa mga ito.

" Humanap kana kasi ng mapapangasawa ng di ka naiigit sa amin ni jocel, "kansyaw ni lander sa kanya.

" Hay nako Lander ayaw kong parating, nagmamadaling Umuwi ng bahay. At parating absent sa inuman . Dahil kailangan umuwi ng maaga sa bahay hahhaha "

"Ano ngayon kung kasing ganda naman ni mrs ang naghihitay sayo bakit di mo gugustohin umuwi lage, sabay kindat sa asawa.. Hahalikan pa sana nito ulit ng pigilan ito ng maliit na kamay ni lance. Nag katawanan sila.

" Hay nako pumasok na nga tayo at gumagabi na malapit ng maghaponan . At ikaw Benjo baka hinahanap kana ng inay mo tatlong lingo karin di umuwi." Mahabang sabi ni jocell,

Pagkatapos sabay na silang tatlong pumasok sa loob ng bahay.

Pagkatapos maghapon ay nagusap lang sila ni Lander at Don Armado
Ng ilang tungkol sa.Kompanya pagkatapos ay nagpasya ng silang
magpahinga na.

Ng makapasok sa silid ay agad syang
Naligo. Pagkatapos ng mapatoyo na ang buhok ay hiniga nyana ang sarili sa malambot na kama maraming ng nyari ngayong araw kaya napagod sya.

Pinikit nya ang mga mata ngunit ang di nya mapigilan ay maalala ang mukha ng babaeng nakadaupang palad nya kahapon ng nasa Teirra Blanca sya.

Ang maganda nitong mga pilikmata at mga tila ginuhit na mga kilay . And maputlang balat na bumagay naman dito. At ang mahabang buhuk nito. Na amoy dhalia. maayos na kaya ito
Natutulog ito ng iwan nya.

Nagbalik tanaw sya sa ngyari kanina
Na kung saan sa unang pagkakataon
Napukaw nito ang natutulog nyang
Atraksyon sa isang babae.

Binabaybay nya ang daan palabas ng Teirra Blanca, nagpasya syang umuwi na muna ng soledad,

Nag nasa bandang palengke na dya malapit sa terminal ng bus, ay nagulat
Sya ng may biglang sumulpot na babaeng tumatakbo sa harap ng kotse niya. Buti nalang nakapagpreno sya sa tamang oras kaya di napuruhan ito.

Bumaba sya ng kotse para e check kong ok lang ito. Ng makita nyang dumudogo ang tuhod nito. Nakamarka ang dugo sa mahabang puting palada nito ay nag alala sya ng akma nya ng tutulongan itong tumayo. Ay bigla itong tumayo at paikaikang tumawind ng kalsada.

Tinawag nya pa ito pero di ito tumigil.
Narinig nyang bomubosena na ang kasunot na kotse nya. Kaya minabuti nyang pumarada ng tama.

Buti nalang may nakita syag payparking. Pinarada nya ang kotse
Pagkatapos ay sinundan nya na ang
daan kung saan ito pumunta.

Buti nalang di pa ito na kakalayo pero sandali syang natigil, ng makitang lumapit ito mga pulis, isusumbong ba sya sa mga ito. Wala naman syang kasalanan ahh bat sya matatakot sabi nya sa sarili.

Akma na nyang lalapitan ang mga ito ng makita nyang tumakbo papasuk sa isang eskinita ang mga pulis. Kumunot ang noo nya. Malapit na sya sa babae ng biglang mukha itong maytutumba.
Buti nalang mabilis nyang nasalo ito.

Para pa syang nahiptismo ng matitigan ang mukha nito. Para itong natutulog na anghel. Mamulamula ng maputing balat nito.

Napalunok sya oi Benjo dalhin mona yan sa hospital baka mamatay payan. Sigaw ng utak nya. buhat nya na ito papunta na sana sya sa kotshe nya ng mapansing hospital pala ang nasa gilid ng fast food.

Kaya dumeritso na sya dito.ng malapit na sya sa bungad ng hospital, ng marinig nyang may tumawag sa kanya
Sinakay nya na sa wellchair ang babae . At inasikaso naman ng nurse. Sinabihan nya itong sususnod nalang sya kakausapin nya muna ang pulis na tumatawag sa kanya.

" Mister! kilala mo ba sya. Anong ngyari sa kanya? " tanong ng isang pulis parang ito yong isa sa kausap ng nabae kanina.

" Di po sir nahilo po kasi sya kaya tinulongan ko. Madala dito sa ospital."
Magalang na sagot nya rito.

" Ganon ba, sige pakibalik nalang sa kanya itong bag nya, sabihin mo nahuli na yong snactcher, kaya wag na syang magalala, baka kaya nahilo dahil sa paghahabol nya sa magnanakaw "nakangiting sabi nito.

"Sige po sir, sasabihin ko po, maraming salamat po sa pag tulong sa kanya. "Nakangiti sagot nya rito.

"Sige balik na kami sa duty, ikaw na bahala sa kanya, pag mayngyari masama ikaw ang hahanapin ko " birong pananakot nh pulis sa kanya.

Sumaludo lang sya, pagkatapos nagpaalam narin ito. ngayon nya naintindihan kung bakit nagmamadaling tumakbo ang babae.

Muli na syang pumasok sa ospital,pagkatapos nyang maayos ang kalagayahan nito. Nagbilin nalang sya sa nurse na nagbabntay dito. Na ibigay yong bag at yong sulat nya. Nilagyan narin nya ng pera ang subre para magamit nito pambili ng gamot.

Wala narin nman ito babayaran sa hospital dahil nabayaran nya na.
Muli nya itong tinangnan habang payapang natutulog. Kung di lang kinailangan nyang pumunta sa san Rafael dahil may importante syang kakausapin di nya ito iiwan.

" kayo napo ang bahala sa kanya, miss
Ito pala yong calling card ko, pakitawagan po ako kung naging maayos napo ang lagay nya." pakiusap nya sa nurse na. Nagbabantay dito

"Opo sir makakaasa po kayo," ubod ng tamis ang ngiting sagot nito.

Napailing nalang sya akala mo nakakita ng artista si ate kung titigan sya.

Napangiti nalang sya sa bahaging iyon ng alaala, ok na kaya sya? Ano kaba naman benjo bat ka nagkakaganyan
Si ivon lang ang pinaka magandang babae. Kaya wala kang karapatang tumingin sa iba. Saway nya sa sarili
nasa ganon syang pag iisip nag dalawin sya ng antok.

🌻JONGSTER28🌻

************************************
" DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT, THANKS IN ADVANCE ❤

Ng dahil sa pagaakusa sa kanya sa isang krimen na di nya sinasadyang magawa kinailangan ni jocel lisanin
ang isla sandoval na dala ang pangakong babalik sya at lilinisin ang kanyang pangalan.

Dinala sya ng tadhana sa Hacienda Alcantara ang lugar na kung saan una palang nyang nakita ay naramdaman nya na ang kapayapaan.

Pero nagkamali sya, nakilala nya ang lalaking papangarapin ng sino mang kababaihan. Pero ang hindi nya maintindihan pag dating sa kanya mukhang mainit parati ang dugo nito.

May pagasa pakaya na magbago ang pakikitungi nito sa kanya o dapat nya ng tangapin na hangang asot pusa nalang ang turingan nila.

🌺Ther is no such thing as a perfect love story, but you can make it perfect in your own way 🌺

🌷Let's all witness the extra ordinary story of love that will teach you how to love and to be loved. 🌷

WARNING: THIS IS NOT YOUR TYPICAL LOVE STORY,

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro