f i v e: C17H13ClN4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"So, you're an animator?"

Muntik ko ng mabitawan ang drawing tablet at stylus pen dahil sa pagkagulat. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita na naman ang apparition ng babaeng hindi ko alam ang significant sa buhay ko.

Akala ko magiging okay na 'ko nang makainom ng Epival pero parang wala na talagang epekto ang mga gamot na nirereseta sa'kin.

"Yung animator at graphic artist pareho lang ba?"

"Totoo ka ba talagang multo ka?" Hanggang ngayon kasi ay di pa rin ako makapaniwala. Ni hindi ko nga alam kung anong paniniwalaan. May dapat pa ba akong paniwalaan?

"Multo na ba talaga ako o ligaw lang na kaluluwa?" Tanong din niya sa sarili. "If that's the case, where's my body?" Muli siyang napatingin sa'kin. "Pa'no ako namatay? Bakit di ko alam? Wala akong maalala."

"Aba'y malay ko." At ewan ko ba sa sarili't kinakausap ko pa rin ang multong 'to.

Naglakad-lakad siya at parang nag-iisip. Huminto din siya sa dating kinatatayuan, sa tapat ng bedside table.

"Lexapro. Epival. Triazolam ..." Isa-isa niyang binasa ang mga label sa pill bottles na nasa ibabaw ng nightstand. "Nagti-take ako ng mga gan'to? Am I mentally unstable?" Tanong niya nang di inaalis ang tingin niya sa mga gamot.

"Akin yan."

Bumaling siya sa'kin. "You're mentally unstable?"

"Kaya nga di ko alam kung ilusyon ka lang o ano." Parang inamin ko na rin na mentally unstable talaga ako.

"Hindi kaya naka-drugs din ako? That I'm currently high? Like...this is some sort of...halucination and..." Nagha-hand gesture habang nagsasalita at sa sahig nakatingin na para bang may gustong i-figure out. "I'm on it?" Bigla siyang napatingin sa'kin at halos bumulwak ang mata. "Like a lucid dream!" Muntik pa 'kong mapapitlag dahil sa pagsigaw niya. "Oh my god! I think I remember something." Nagpalakad-lakad siya at muling nagha-hand gesture habang nagsasalita na naka-blank stare sa sahig "We have this friend who likes psychedelic. Maybe I did drugs too and I'm high per se." Dumeretso siya sa kama hanggang tumagos ang mga binti niya rito, ilang ulit siyang nag-atras abante. "Part lang siguro 'to ng hallucination ko." Parang natutuwa pang sabi niya habang pinagmamasdan ang mga binting tila nilalamon ng kama sa bawat pag-abante niya.

"Kung ikaw may ari ng imagination o hallucination o panaginip na 'to, ba't ako nandito? Ba't ako involve?"

"Siguro kasama kitang nag-drugs?"

Imposible.

"Regulated drugs ang iniinom ko na reseta ng doktor ko. Hindi illegal drugs."

At isa pa, hindi kami close. Rebelde siyang babae na may masayang social life at ako ay isa na ngayong boring na anti-social. Magkaiba ang mundo namin para maging magkaibigan and do drugs together.

"Umalis ka na nga dito."

"I told you, this is my place."

"Apartment ko na nga 'to." Giit ko. Nakikipagtalo ba talaga ako sa multo o imaginary chics? Bakit ba kasi nangyayari sa'kin 'to? Gano'n na ba talaga kalungkot ang buhay ko?

"Why are you the only one that can see me?"

Napatingin ako sa nilalang na nagsabi no'n. Nakasabunot ang dalawang kamay sa kanyang buhok. Mukha siyang estudyanteng nababahala sa thesis o babaeng nawalan ng virginity nang di alam. Basta! Yung muk'ang walang idea sa nangyari o nangyayari.

"Ako lang talaga?" Gusto ko ring malaman kung bakit.

"Yeah. Pinuntahan ko bawat unit ng apartment na 'to pati sa labas. Tumayo ako sa gitna ng highway. Walang pumapansin sa'kin. I'm invisible to everyone."

Na-imagined ko tuloy na dinadaan-daanan lang siya ng mga sasakyan habang naghi-headbang at kumakanta ng 'Sweet Child of Mine' sa gitna ng highway para kumuha ng atensyon. At bakit ba yun ang naisip ko?

"Ilang sasakyan dumaan sa'yo?"

"Ilang solo honeymoons kamo ang nakita ko."

Parang nai-entertain tuloy akong kausapin 'tong multong 'to o kung anuman siya. "Di nga?"

"I told you, I've been in every flat of this building." Nag-cross arms siya gaya ng madalas niyang gawin saka nag-iba ng tindig. "Madali lang naman sa'kin yun since tumatagos-tagos lang naman ako sa wall o kahit ano."

"Patay ka na nga, voyeuristic ka pa." Ipinagpatuloy ko ang pag-drawing sa tablet habang nakikipag-usap sa kanya na parang casual lang na nakikipagkwentuhan sa isang katropa.

"I am not voyeuristic." Mariin niyang sabi. "I just wanna know why am I like this. Why I can't touch anything? Why I can pass through walls? At bakit walang nakakakita sa'kin aside from you? Hindi ganito yung hallucination na gusto ko."

"Hindi naman 'to hallucination. Multo ka talaga." Insist ko hindi sa kanya kun'di sa mismong sarili. Parang mas gusto ko na lang paniwalain ang sariling totoo talaga siyang multo at hindi ko siya imagination o product lang kami ng hallucination ng kung sino.

Pero paano nga kung mga tauhan lang kaming produkto sa imahinasyon ng isang baliw o sa panaginip ng isang tulog mantika?

"But I'm not dead." Natigilan ako at napalingon sa kanya. "Neither alive." Nag-frown siya at saka napayuko ng ulo.

"Nagpapa-awa effect ka ba?" Wala sa hinagap kong tanong. "Di bagay sayo."

Hindi naman siya mukhang kaawa-awa. Ni hindi nga akma sa personality niya ang word na 'pathetic' dahil para siyang alpha woman. Natatandaan kong mas siga nga siya sa ibang lalaki noon sa eskwelahan namin, pero kahit gano'n marami pa rin talagang nagkakagusto sa kanya dahil sa generic niyang muk'a. Ako lang yata ang hindi nagkainteres. Di ko type ang gandang nalahian at isa pa, in love ako sa best friend ko.

"Why would I do that? I'm not looking for pity." Ngayon naman ay tinaasan ako ng isang kilay. Ayan. Mas sanay ako sa ganyang itsura niya.

"Nagpapa-cute lang?"

Nagsalubong ang kilay niya at bahagyang pumilig ang ulo. "At ba't ako magpapa-cute sa'yo? Makakatulong ba yun sa problema ko? Feelingero ka ba o hibang?"

At tama siya. Feelingero ako. Feeling ko hindi talaga 'to totoo. Feeling ko nababaliw na 'ko. Feeling ko tinakasan na talaga ako ng bait dahil matagal na 'kong hibang.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagdo-drawing.

"Okay, okay. I hope I didn't offend you. I don't really mean you're ugly. You're just unnatractive. Not something that grabs anyone's attention."

Para na rin niyang sinabing ako itong may buhay na katawan pero para din namang multo dahil hindi kapansin-pansin. Lahat na lang ng sinasabi niya tama.

Napaisimid na lang ako at muling itinuon ang atensyon sa paggawa ng digital art.

"What's your name, by the way?"

Nawala na naman ako sa concentration dahil sa pananalita niya. Hangga't nandito 'tong multong 'to, hindi yata ako magkakaroon ng piece of mind. 'Yon pa naman ang pinakadahilan kung bakit naisip kong bumukod na.

"Uriel." Sinagot ko na lang ang tanong niya baka sakaling tumigil na siya pero nagkamali ako.

"Oh, I remember! We were on the same class, fourth to fifth grade."

"Sinabi ko na sayo yan." Walang tingin kong saad habang gumuguhit sa drawing pad.

"But now I clearly recognized you. You're one of those overachievers pero hindi high and mighty. You're that quiet boy at the very last seat of every classroom. The boy with a girl buddy. The one that stutters whenever he talks. Tapos ikaw lang din 'yong kumakausap sa freak nating classmate."

"Akala ko ba di ako kapansin-pansin? Pero bakit alam mo mga 'yon?" Saka ko lang siya ulit tiningnan no'ng wala akong marinig na sagot niya.

Wala na siya sa kinatatayuan.

Inilapag ko sa kama ang mga hawak at saglit na iniwan ang ginagawa para hanapin siya pero bigo ako. Tatlong beses ko din siyang tinawag sa pangalan pero wala talaga.

Iisa lang ang ibig sabihin nito. Umepekto na siguro 'yong gamot na ininom ko.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro