CHAPTER 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 2

NAGMUMUKHA akong tanga dito sa maliit na tindahan. Tumatawang mag-isa, kinakausap ang sarili at iiling-iling. Kung may makakita man siguro sa'kin ngayon sasabihing 'baliw'! Whew!

Ayaw ko pa ring umuwi. Baka maiyak na naman ako dahil maaalala ko na naman. Baka 'di ko na mapigilan sarili ko na mag-empake at lumayas. Gusto ko ako lang mag-isa para 'di ko na maramdaman na may pagkukulang sila sa'kin. Na 'di nila ako mabigyan ng pagmamahal kagaya ng pagmamahal na nakikita kong ibinibigay nila kay Kuya. Kuya kong buang!

"Are you ok, Miss?" May nagtanong nun. 'Di ko nilingon wala akong pake kung sino siya.

Tsaka 'di ba obvious? Na para na nga akong baliw dito tumatawa mag-isa. Sinong okey dyan? Tatanong-tanong. Walangya!

"Baka 'di ka pa kumakain. Baka gusto mong sayo nalang 'to?" May nilahad yung nagsalita na isang...Burger?

'Di ko pa rin pinansin sa halip sinipa ko yung bato sa paanan ko ng sobrang lakas...at......tumama sa isang kotse. Kotseng itim na hindi ko alam kung kanino. Pero alam ko kung anong logo yun.

Toyota!

Cheap!

"Miss?!" Tawag ulit nung epal.

Ngayon 'di ko na siya inignora hinarap ko na siya na salubong ang kilay. Pinakita ko na ayaw kong meron akong kasama lalo na epal sa page-emote ko,"..problema mo?"

"Gusto ko lang sanang ibigay 'to." Nakangusong turo niya sa Burger,"..at tulungan ka kung may problema ka man. Handa akong makinig. Promise!" Aniya.

"Wala kang pake! Isa pa 'di ako pulubi. Ayaw kong tumatanggap ng mga pagkain lalo na't galing sa isang estranghero!" Bumaling ako sa ibang direksyon,"..Malay ko ba baka may lason yan o baka nga gayuma pa!" Dagdag ko tumawa ng peke.

"Excuse me, Miss! Wala kang dapat ipag-alala wala akong nilagay na kahit ano?! O kahit ni gayuma pa! Ikaw na lang gagayumahin ko na no thanks na lang, ah! Sorry pero may girlfriend ako at faithful ako dun ganun ko siya kamahal! Wag kang assuming 'di mo alam na nagma-magandang loob lang yung tao!" Mahaba niyang litanya.

Halatang nagalit! Sige lang magalit ka ng mawalan na ako ng kasama dito! Alis na! Tagal!

"K." Sagot ko.

Walang imik siyang umalis. Tiningnan ko pa likod niya. Ampanget! Haha. Tinanaw ko pa siya hanggang sa ipinaharurot niya yung 'Toyota' niya. Ang cheap! Hambog akala niya mahal na yun. No!

Ang mura lang ng sasakyan na yan eh. Afford ko nga!

Napailing-iling ako. May nagalit ako at masaya ako dahil successful pagpapa-alis ko. Ganyan! Ayaw kong may mangugulo sa'kin. Naiinis ako! Ayaw kong may dumamay sa'kin. 'Di ako sanay!

Aksidente kong nakita ang isang supot na naglalaman ng Burger dala 'ata nung tao.

Iniwan! 'Kala niya kakainin ko, ah! 'Di ako patay gutom. Malay ko nga talaga baka san yan galing at may kung ano dyan. Mabigla nalang ako na sa susunod na makita ko yun maghahabol na ako kasi in love na in love na dun. No way!

Tiningnan ko yun umaasa na matutunaw sa pamamagitan ng tingin kong matalim. Naamoy ko na din yun. Kainis! Kumakalam tuloy sikmura ko. Ba't kasi niya iniwan?!

Sinadya niya kayang iwan? Or hindi?

Ano bang gagawin ko? Kakainin ko ba o hindi?

Nagda-dalawang isip ako baka mamayang gabi magpabalik-balik ako sa CR kasi nagka-dm.

Mas ayaw ko!

May nagtutulak sa'kin na kainin ko daw. Kinuha ko ito ng dahan-dahan at sinunggaban kaagad kahit may supot pa. Bahala na kung nakain ko supot. Ambango kasi!

Yumm....yummm...yummm..yummm....

Wala pang 5 seconds naubos ko na. Kulang pa! Another burger, please? Weyter?!




His P.O.V

LINGID sa kaalaman ng dalaga na may nakamasid pala sa kanya at ito ay ang lalaking iyon.

"Kakain pala eh. Pakipot pa," bulong na sabi ng niya habang nakangiti ng maluwag.

Tiningnan ng niya ang kanyang relo at may pinindot doon.

"Kino!" Sabi niya sa kanyang kausap.

"Good!" Sabi ng misteryosong kausap ng binata.

Namatay ang tawag at tumingin uli ang siya sa dalagang kanyang minamasdan.

Napangiti na naman ito.

'Success!' Sabi nito sa utak.

"Umayon ka!" Pagtatapos ng niya nito at umalis na ng palihim.

Her name is Antoniss Vel Sache I will make her life miserable in just one plan....In just one call of my, Boss!

Hahahahahahaha.

You should be prepare, girl!



01-07-21—isinulat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro