CHAPTER 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 5

UMAGA pa lang may bumungad na sa'king isang text galing sa isang unknown number.

Ang sabi 'Komono Park' ang park na di kilala. Walang masyadong gustong pumunta dun sa kadahilanang magubat at sa mga kwento-kwento na di naman totoo.

Hindi ko alam kung pupunta ba ako o ano? Pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na alamin kung sino ang nagpadala ng text na to. Aalamin ko siguro naman walang mali dun.

May pinahabol pa bago ako nakasakay sa isang tricycle na sabi 'ikaw lang'.  Kaya wala akong sinabihan kahit kanino. Kahit si George pa saglit lang naman ako. Wala din sila Mama at Papa may pinuntahan na di ko alam. Wala akong pake!

Nakarating ako dun ng ligtas. Bumaba na ako matapos kong makapagbayad ng pamasahe. May gate pa akong nakita at nakapaskil dun ang pangalan ng park na to. May mga tao pa naman along nakita, marami siguro sila yung kagaya ko na di naniniwala sa mga sabi-sabi. Bakit ba matatakot? Tsaka ka na maniniwala kung ikaw na mismo nakapagpatunay.

Lumingon-lingon ako sa paligid at hinanap ang palatandaang siya na ang kikitain ko.

Sabi niya 'white T-shirt' yun lang. Nahirapan pa ako dahil maraming naka-white na damit. T-shirt pa hay naglakad ako at sakto may nahagip ang mata ko.

May mataas siyang buhok na nililipad ng hangin habang nakatalikod. Sinubukan kong humakbang patungo sa kinalalagyan niya. Naka-puting damit siya at T-shirt yun.

Baka siya na?

Huminto ako ilang distansya lang ang layo mula sa kanya.

"Ikaw na ba?" Tanong ko.

Unti-unti siyang umikot para humarap. Napamaang ako ng konti.

"I-Ikaw?"

"Ako nga."

Sabi niya pero bakit may lungkot sa boses niya?

"Madelaine Reyes." Tinanguan ko lang siya.

"Alam ko na."

"Siguro naman pinakilala ako ng maayos sa'yo ni George no? Sana nga maganda yun—"

"Ano bang kailangan mo?!" Pranka kong tanong.

Dami pang panimula nainis ako dahil siya lang pala ang may-ari ng unknown number na yun.

Ano bang kailangan niya?! Hihiling na tulungan siyang makipagbalikan kay George? Sa landi niya at manyak!

Nakita ko pa siyang napahinga ng malalim,"..tungkol kay George may sasabihin lang sana ako."

"Ano naman yun?" Pilot kong pinigilan ang pagkainis ko.

"Si George ay— ughhhh!"

Anong—?
Nanlaki ang mata ko ng may makita akong dugo na kumalat sa tyan niya.

Nilapitan ko siya at sakto papatumba na siya kaya sinalo ko na. Kinapa pa para kumpirmahin nga ang hinala ko. Mas lalo akong nanlamig.

B-Bakit may saksak s-siya sa likod? S-Saan to galing?

Salo ko siya at nakaharap siya sa lupa. Ang likod niya ngayon ang kaharap ko.

Ang kutsilyo b-bubunutin ko ba?

"M-Madelaine?" Pagtawag ko sa kanya.

Baka napano na dahil sa saksak. Ang saksak na natamo niya ay galing sa likod at tumagos pa harap. Sa tyan kaya natakot ako. Baka may natamaang organ?

A-Ano bang g-gagawin ko?

Napalinga-linga ako sa paligid nagbabakasakaling makahanap ng tulong.

Wala akong makita. P-Pero anong gagawin ko di ko siya mabuhat? Nangiginig man at hinawakan ko ang sugat niya para pigilan ang pagbawas ng dugo. Hindi ko pa rin tinatanggal ang nakatarak na kutsilyo. Natatakot ako!

"Madelaine?" Pagtawag ko ulit.

Wala akong natanggap na sagot. Nilagay ko ang kamay kong duguan sa harap ng ilong niya.

W-Wala na—? B-Bakit hindi na siya humihingaaaa?!!!!

"Tulooooooooong!" Malakas Kong sigaw para tulungan na kami.

Hindi! Hindi ito maaari!

W-Wala na ba talaga siya? Hindi! Buhay pa siya.

Napaiyak ako at tuluyan ng nawala sa sarili. Ang kamay ko maraming dugo hindi ko alam kung bakit natakot ako sa kulay at amoy nito?

Napatingin ako sa kutsilyong may itim na hawakan. Unti-unti ko yung inabot at walang sabi-sabing hinugot. Ngayon hawak ko na ang kutsilyo. Kita ko ang talim nito na kuminang pa dahil natamaan ng araw. Kahit na may dugo pa dito malalaman mong sobrang talim. Maliit pero nakakatakot tingnan!

San to galing? Wala kaming ibang kasama? Kung kay Madelaine man to galing di ko din siya nakitang sinaksak ang sarili. Lalo na't likurang bahagi pa. Alam kong hindi niya yun kaya. Isa lang ang naiisip ko may taong nasa likod...nito.

Wala akong nakitang mali?

"Aaaaaaaahhhhhh!" Napatingin ako sa sumigaw. Isang babaeng napatakip sa bibig.

May kasama siyang mga pulis at gulat din ang mga itong nakatingin sa kamay kong duguan na may hawak na kutsilyo sa ere.

"H-Hindi n-nagkakamali kayo—"

"Itaas mo ang kamay mo!" Utos ng pulis habang nakatutok sa'kin ang baril nila.

"H-Hindi. H-Hindi po a-ako..." Napaiyak na ako ng tuluyan at nabitawan ang hawak. Nakagaw iyon ng tunog ng pagtaginting sa semento kasi tumama.

Mas lalo pa silang pumalibot sa'kin at wala na akong nagawa ng patayuin ako ng isa at posasan. Itinabi nila ako at ginawa na ang trabaho nila.

Patuloy pa rin sa pagdaloy ang luha ko pero tulala habang nakatitig sa ginagawa nila. Kita ko sa bawat gilid ng mata ko na dumami na ang mga taong nakikinood.

Inaasahan ko nang dadating din sila at sabi na...na ako din ang mapagbibintangan.

Kinapa ng isang pulis ang pulso ni Madelaine sa papulsuhan at umiling sa mga kasama. Totoo nga? Hindi pa! Tumulo na naman and luha ko.

P-Posibleng patay na siya k-kanina lang n-nagkausap pa k-kami eh?

B-Buhay pa siya!

"Hindi! Hindi pwede! Buhay pa siya bago palang kami nag-usap!" Kumakawala ako mula sa pagkakahawak ng nakahawak sa'kin. Pero talo talaga ang lakas ko lalaki siya at ako babae. Bata pa ako at walang alam ngayon!

Pinaulit ng isa at ngayon ang pinakiramdaman na ng nasa tabi ni Madelaine ay ang pulso na sa leegan niya. Umiling ulit!

Inalis na nila ang katawan ni Madelaine at sabi kailangan kong sumama sa presinto para sa mga katanungan tungkol sa nangyari.

Alam kong kahit di nila sabihin ay isa lang ang sagot. Alam kong ako na talaga ang salarin ngayon dahil sa nakita nila. Hindi! Hindi ako ang pumatay sa kanya!

Kailangan kong may matawagan.

Sa presinto at nadala na nga ako. Nakiusap akong pwede bang makatawag. Pinilit ko sila hanggang sa napapayag.

Nanginginig man at kahit may dugo pa ang kamay pinindot ko kaagad ang number niya.

"Hello?" Sagot niya agad.

"G-George please tulungan mo a-ako..."

"Huh? Teka? San ka ba? Ano bang problema? Vel, okay ka lang?" Taranta niya sa kabila.

"Na-Nasa presinto ako. D-Dinala nila ako dito d-dahil napagbintangan akong...ako daw ang pumatay kay M-Madelain. Please, tulungan mo ako," pakiusap ko.

"Papunta na! Hintayin mo ako. Vel?" Tumango lang ako animo kita niya ako.

Wala na akong pake kung maraming napapatingin sa'kin ngayon. Wala na akong pake sa mga naging reaksyon ng mga nakarinig sa sinabi ko. Ang importante makaalis ako sa lugar na to at masabing hindi ako.

My name is Antoniss Vel Sache na nadala sa isang presinto sa kauna-unahang pagkakataon. Ang mas malala napagkamalan pa. Napagbintangan na ako ang pumatay kay...Madelaine Reyes.


03-04-21—isinulat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro