CHAPTER 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 7

Pintuan?

Doorknob?

Ingay?

Sa labas?

May kumakalikot?

Sa lock?

P-Paniguradong may t-tao?

Binalutan ako ng takot sa sarili. A-Ano to? B-Bakit? Bakit may naririnig akong sing-parehas ng nasa...

p-panaginip ko?

Ba-Bakit? Bakit parang may taong gustong pumasok dito sa kwarto ko ngayon? S-Sino siya? Si...si Ku—

~Tok~Tok~Tok~

Napaigtad ako sa katok na yun at napaatras ng konti.

Nagsisimula na akong pagpawisan ng malamig. Mas sumama ang kutob ko na...na—

~Tok~Tok~Tok~

May sumunod pang katok. Hindi ako makapagsalita. Para akong napipi sa meron ngayon.

Pinili ko ang dapat gawin at naglakas-loob na naglakad paalis sa kama. Dahan-dahan kong tinungo ang pintuan. Nanginginig man ay pinilit kong walain at pinalakas ang loob baka di ito katulad ng iniisip ko.

P-Pero?

Bakit walang nagsasalita? Bakit di nagsasalita ang kumakatok na papasukin siya? Bakit? Kung gusto niyang makapasok at wala siyang masamang intensyon ay magsalita siya.

B-Baka tama nga. H-Hindi!

May sumunod pang katok at tatlo pa rin ito.

"S-Sino yan?" Kinakabahan kong tanong.

Walang sumagot!

"S-Sino ulit y-yan?" Nasapid pa ang dila ko.

Ako to si Natoy na mahal na mahal ka.

Umiling ako ng ilang ulit para iwala ang kalokohan ng isip ko.

"S-Sino—"

"Ako to si Kuya mo Vel."

Bigla akong nanigas na parang natabunan ako ng yelo. K-Kuya? T-Tama ba ang narinig ko? S-Si Kuya ang nasa labas ng pinto?

Kinabahan ako sa isiping b-baka...hindiiii!

Napaatras ako ng konti. Panay ang galaw ng mata sa kadahilanang takot na dahil nangyayari na nga sa totoo ito.
Pero panaginip lang yun b-bakit?

B-Baka panaginip din to?!!

Kung panaginip man ulit ito pakiusap gisingin na sana ako. Gusto ko nang magising ayoko na nitong nangyayari ngayon. Pakiusap!

"Buksan mo ang pinto, Vel." Aniya sa labas.

Hindi na siya kumakatok pero alam kong nakatayo siya mismo ngayon sa pintong nasa harapan ko. Oo, sarado ito pero alam ko na kapag binuksan ko to ay mangyayari ang nasa panaginip ko.

Na kapag binuksan ko tatambad sa'kin si Kuya na may dalang kutsilyo at handang-handa na akong saksakin kahit anong oras ngayon.

Tama ba 'tong desisyon ko?
Tama bang hindi siya buksan?

Pa'no kung di naman pala 'to katulad ng nangyari sa panaginip ko dahil ang 'panaginip' ay gawa lamang ng unconscious mind?

Na may iba palang kailangan si Kuya o baka makikipagbati na bilang kapatid at magso-sorry sa lahat ng nagawa niya?

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahawak sa doorknob.

H-Hindi!

Bakit ko bubuksan? Baliw siya!
Ipapahamak ko ba sarili ko?

"A-Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"Basta buksan mo na!" May himig pagmamadali sa boses niya kaya ako mas lalong nagduda.

Anong rason ba't parang nagmamadali siya?

"Sabihin mo muna! Di ko 'to bubuksan!" Naglakas-loob ko nang pinatapang ang boses ko kuno pero nanginginig na dito.

Pinakinggan ko pa ang labas at narinig kong napapadyak siya. Sa inis siguro? Ewan.

Lumakad ako pabalik sa tabi ng kama ko kung saan ang side table para tingnan ang oras.

12:48 am

Napatingin ulit ako sa pintuan. Baling ulit sa orasan. Para nawala lahat ng pandinig ko. Bumagal ang ikot ng mundo ko at nanatili ang mata ko sa pintuan kahit parang nabingi ako ng biglaan alam kong may sinasabi si Kuya sa labas at kakatok ng may kalakasan.

Mabilis akong napapunta pabalik sa pintuan ng lumagabog ito. Sinisira ng pilit para makapasok. Sa taranta iba't iba na ang pumapasok sa utak ko parang computer na maraming codes at info. hindi ko alam kung ano na basta ako nakita ko na lang ang sarili kong lumalaban at sinusubukang pigilan ang pinto para di tuluyang masira ng sumisira sa labas.

Ibinigay ko na ang buong lakas ko. Pero sa huli syempre talo pa rin ako sa lakas niya. Lalaki pa rin siya at malaki na, sakto pa sa lakas.

Ang doorknob ay nasira tumambad sa'kin si Kuya na pawisan at nanlilisik ang mga mata sobrang pula nito.

Mas nakumpirma ko pa ang kinatatakutan ko m-may...may k-kutsilyo siyang dala at mas lalo akong naguluhan...bakit may dugo sa kutsilyo? San galing yan?

Nang humakbang siya napabalik ako ng tingin sa mukha niya kakaiba ito parang...parang wala siya sa sarili ang pula ng mukha niya at di ko alam kung ano ulit ang gagawin dahil hinawakan niya ang gilid ng pinto para pwersahin ito pabukas.

"W-Wag kang pumasok pakiusap kuyaaaa," iyak ko habang nakikipagtulakan para di siya tuluyang makapasok.

"P-Papatayin kitaaaaa!" Nakakatakot ang boses niya.

Gaya ng nasa panaginip ko naging parte din iyon doon.

"B-Bakit?!"

"P-Papatayin kitaaaaa!" Ulit niya.

Nanaig siya at wala pa sa alas kwatrong sinugod niya ako. Kung di lang ako nakaupo sa sahig para umilag ay siguradong nasaksak na ako sa tyan gaya ng nangyari sa panaginip ko.

Nanlilisik ang matang binalingan niya ako.

"Kailangan mo nang mamatay!" Aakma na niya akong sasaksakin ulit kaya umatras ako ng madalian.

Tumayo ako ng makatyempo at siya namang paglapit niya. Di ako nakaimik pero nanatiling nagtutuluan ang luha ko ng sunod-sunod.

Nang itaas niya ang kamay niya para saksakin ulit ako ay wala na akong choice kundi sipain siya sa paa. Naibaba niya ang kamay niya at dun ko na sana aagawin ang kutsilyo sa kamay niya kaso mahigpit masyado ang pagkakahawak niya. Di ko maagaw pero nag-aagawan pa rin kami.

"Kuya, pakiusap tama na. Ayoko na please kuya. Wag mo akong patayin. Kahit g-ganun kayo nila mama ay m-mahal...mahal ko k-kayo—"

"Tumahimik ka!"

"K-Kuya?" Pagtawag ko sa kanya.

"Kailangan mo nang mamatay. Please, Vel mamatay ka na. Ma-Mahihirapan ka la—"

Naputol siya sa pagsasalita dahil sa pag-agaw ko ng mabilisan sa kutsilyo na hawak niya.

Itinutok ko sa kanya,"..s-sige lumapit ka. M-Mapapatay din k-kita!"

"Antoniss Vel Sache," sa pagbanggit niya ng pangalan ko ay parang bumigay ulit ang puso ko.

Ito ang unang beses na binanggit niya ang pangalan ko. Sa tagal na ito pa ang una. Para na ring masasabi kong proud siya na naging kapatid ako kahit pangalan lang yun. Na mahal din ako ng Kuya ko.

"K-Kuya—"

"Kung sa tingin mo na takot akong masaksak o mamatay hindi! Nagkakamali ka! Sige...saksakin mo ako kung kaya mo." Tumingin siya sa mga mata ko,"..ang tanong kaya mo bang saksakin si...Kuya?"




03-30-21—isinulat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro